V

The Star's Solace

Taeyeon

 

Dahil sa bilis ng pangyayari ay wala na akong ibang nagawa kundi iharang ang dalawa kong lower arm at kamay para makagawa ng defensive posture. ramdam ko ng sakit ng bawat pagtama ng matalim na kutsilyo sa aking balat.
ilang sandali ay hindi ko na naramdaman iyon dahil may mga taong nag lakas ng loob na pumigil sa nagwawalang babae, ibinababa ko ang lower arm ko at nakita ko si Iu na papalapit saaken ,at  niyakap ako at hinila papalayo sa may counter.

"dadalhin na kita sa hospital"mangiyakngiyak nyang banggit. 
napatingin ako sa lower arms ko at kamay, nakita ko ang mga marks ng saksak at mga dugong nagsisidaluyan galing sa bawat hiwa na natamo ko sa nagwawalang babae.
pagkadala saken sa hospital ay agad akong inasikaso at ginamot ang aking mga natamo ng nurse, pagkatapos ay chineck nadin ako ng Doctor , sinigurado naman ni Iu na walang makakakuha ng litrato ko at iba ang magiging pagkakakilanlan saaken dito.


"Iu, sana di ito makaabot kay Marecakes at kay Chanyeol" agad kong pakiusap sa kanya ng lumabas na sa isang kwarto yung Doctor na kaibigan ni Iu
"bakit naman? ehh kailangan nila tong malaman " kunot nya ng noo
" ayaw ko nang dagdagan yung iisipin ng magkapatid" hinihiling ko na sana maunawaan nya ako at kung saan ito nanggagaling.

"kaya ko naman di ipaabot... ngunit di natin kontrolado yung mga taong nakakita, baka isa sa kanila ang mag post tapos makarating yun sa kanila Ma'am  Yoona o kay Sir Chanyeol" 
napabuntong hininga ako sa sagot ni Iu.


pagkatapos namin sa hospital ay sinamahan ako ni Iu na pumunta sa police station ,dahil dinala doon yung babaeng sumaksak saaken kanina.
sa labas ng Police Station ay may nakita akong isang taong familiar saaken.


"Taeng"ngiti nya saaken ngunit nalungkot sya ng makita nya ang mga natamo ko " sad to see na hanggang dito may mga baliw pading Fans"  


"kaya nga, Ki-bum... hanggang dito hindi padin ako  nilulubayan, pero okay naman na ako...hindi grabe ang natamo ko" ngiti ko
 

"Anong hindi Grabe?" singhal nya, wala padin syang pinagbago.
"Di naman ako natamaan sa vital organs" simangot ko at bigla nya akong niyakap sa LEEG na medyo may pwersa bago nagsalita " Ay Ganun ba?"
"dito ako mamamatay,Hoy!"singhal ko habang  pilit kong kumawala sa kanya,
rinig ko na tumawa si Iu.

--------

hindi ko alam kung paano pero nagawan nila ng paraan na maiba ang identity ko bilang Im Luna na kamag anak ni Marecakes.
kinwento ni Iu yung nangyare sa coffee Shop sa police officer na nag handle ng kaso nang nakikita ni Ki-bum at binigay naman nya yung kopya ng cctv video na ni review ng police officer,pagkatapos ay kinasuhan na ng police yung babae,

nag makaawa naman sya na iurong ko yung kaso  dahil napagkamalan nya akong si Kim Taeyeon na kinamumuhian nya , which is ako talaga yun in the first place. hindi ko sya pinagbigyan dahil gusto kong pagbayaran nya yung ginawa nya dahil mali ang manakit lalo na sa taong walang ginawa sayong masama.  at pinush talaga yun ni Ki-bum.
pinabayaan ko na sya na ang nakipag usap sa police officer at sa babae,dahil forte nya ang larangang ito dahil isa syang Attorney.
 


hindi na ako nahatid ni Iu kasi kinailangan na sya kanila at si Ki-bum naman ay may trial kaya nagawa nalang nya ay idaan ako sa bahay dahil yung ruta papuntang court ay nadadaanan sa bahay ni Marecakes.
"Pag free na ako labas tayo para mag catch up, and bawal mag excuse , ang mag excuse maging 3'0 ang height" ngisi nya.
"aba Gago to!,pero sige" at isinara ko yung pinto ng kotse. pagkaalis nya ay agad na akong dumiretso sa bahay,

Pagbukas ko ng pinto ay wala akong inaksayang sandali at pumasok nasa loob ng bahay ,agad  kong isinara yung pinto ngunit ng bibitawan ko na dapat yung door knob ay bigla akong nakaramdam ng matinding takot, panginginig ,di maayos na paghinga. Napahawak ako sa aking dibdib habang tumutulo ang luhang di ko mapigilan, at biglang napabaliktanaw sa pangyayari doon  sa may coffee shop ,Tila parang ngayon palang nag sisink in ang lahat saaken.

Sinubukan kong humakbang ngunit agad akong nadapa dahil nanghina ang aking mga binti at naging itim kapaligiran  na kasabay ang pagkawala ng diwa ko pagkalaon.


Swerte ko nadin dahil di ko masyado naririnig yung boses ng anti dahil sa lakas ng tugtog , ngunit mapapansin ko padin na pinapatay nila yung light sticks  pag part ko na sa performance. isa ito sa mga performance na gusto ko ng matapos agad agad , dahil sa mga Antis na di ko man lang ginawaan ng masama.

Pagkatapos ng performance at interviews ay naglakad na kami papaalis sa studio.

"Ayos kalang?" Tanong ni Marecakes 

"Oo, ayos lang" agad kong sagot habang pilit na ngumiti 

"Ano bayan! rumarami na sila...kung pwede lang talagang patulan yan matagal ko ng ginawa, Marecakes"inis nyang banggit habang  nag lalakad sa hallway na hawak  ang kamay ko,napahiwalay lamang sya sa pagkahawak ng puntahan namin yung tumpok ng mga fans na gusto kaming makita ng personal.

nawala ang pagkabahala at takot ko ng mapansin na di tulad sa studio ay kita kong masaya silang makita ako,puro magaganda ang kanilang Sinasabi habang gusto makipag selfie saakin at magpapirma ng album.

Sa kalagitnaan ng pag pipirma at selfie ay may isang babae ang sumingit Para makahinge ng autograph.
"wag pong magtulakan, para walang masaktan" banggit ko ng nakangiti sa mga fans,
nang makita ko na imbes na album ang ipakita nya saken  kundi kutsilyo ay agad akong nakaramdam ng matinding takot,sa takot kong yun ay di ako makagalaw, na para  bang bigla akong naging estatwa sa mga sandaling ito,at wala na akong nagawa sa bilis ng pangyayari.
 

"TAENG!!!!!" rinig ko ang pagsigaw nila sa pangalan ko.


Nagising ako sa isang ala ala na naging isang panaginip.

Agad akong napaupo, ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan,nangingibabaw na takot 

,mga  luhang bumubuhos galing saking Mga mata at ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.
sa mga ganitong pangyayari 
ang ginagawa ko na pampakalma ay magyosi ngunit mas pinili ko sa pagkakataong ito ang humikbi hanggang sa malimutan ko pansamantala at maging maayos ang pakiramdam ko,
ngunit di ko magawang maging maayos ngayon dahil sumabay ang mga paulit-ulit na mga negatibong salita na bumubulong saaking isipan, at ang mga ala-alang masasakit na di ko ginusto na nangyari at ayaw ko na maalala pang muli.


yung inner demon ko binibisita nanaman ako sa kalagitnaan ng gabi.


sa bawat hikbi  na lumalabas mula saaking bibig ay padagdag ng padagdag ang bigat ng aking nararamdaman.
"It feels like hell" bigkas ko habang iginalaw yung kanan kong kamay papunta saaking  dibdib habang napapikit.

  napamulat ako ng aking mga mata  ng may maramdaman akong biglang may yumakap saaken, ang ilaw  ng kandila ang nagbibigay ng liwanag sa lugar at  sa mga luhang patuloy  na tumutulo na nag papa blurry nang vision ko ang dalawang dahilan na nag hihinder para  hindi ko makilala ang taong ito , ngunit kahit ganun ay  alam ko padin ang pagkakakilanlan nya mula sa pakiramdam ,ito yung taong na pakiramdam ko na nagbibigay saaken ng liwanag sa dilim at ang naghahatid saaken ng solace.
napapikit akong muli, niyakap sya at pinabayaan ko sya na maicomfort ako na l
agi nyang ginagawa.


nagising ako dahil may medyo mabigat na dumagan saaken.
"Marecakes!!" di kopa nadidilat ang aking mga mata ngunit alam ko na kung sino ang taong gumawa nito.
"Marecakes , mabigat"reklamo ko sa kanya at napadaing ako ng matamaan nya ang mga sugat ko, humingi naman sya ng pasenya at lumayo saaken ,medyo nahirapan akong imulat ang mga mata ko dahil sa matinding pag iyak ko kagabi, iginalaw ko ang aking katawan para maka upo.
"Hala! bat maga ang mata mo?" pag aalala nyang tanong saaken
"masakit kasi yung mga sugat " pagsisinungaling ko habang nakangiti
"akala ko dahil sa selos" ngisi nya saken
"Marecakes" simangot ko sa kanya at ilang saglit ay napakunot ako ng noo ng makita ko na sya naman yung sumimangot.
"Bakit,Marecakes?" tanong ko

"kung di pa sinabi saaken ni Ki-bum di ko pa malalaman!,and ang bad mo sa part na ayaw mo pasabi ni Iu saamin"
lagot saaken pag makita ko ulet yang Ki-bum na yan apaka chismoso.

kaya din sya napauwi kaagad siguro dahil nalaman nya ang nangyari saaken.
"Marecakes?" bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Marecakes "bat pinasikreto mo Marecakes?" malungkot nyang banggit.
"ayaw ko na dumagadag pa ako sa iisipin nyo" ngiti ko ng mapait
niyakap naman nya ako "Marecakes, parang others! ano naman kung dadagdag ka? kahit sumabog pa yung ulo namin ng kapatid ko kakaisip eh ayos lang"
napaka thankful ko dahil nagkaron ako ng kaibigan na gaya ni Yoona sa buhay ko, pero ayaw ko din lagi na magsabi at mag open up kasi alam ko na kagaya ko ay may pinagdadaanan din sya sa buhay.

tumigil sya sa pagyakap saaken bago muling nagsalita


"Tara ,Marecakes Inuman tayo"
agad kong hinablot yung Cellphone ko sa may tabi ng higaan at tiningnan yung oras sa may screen, alas nwebe imedya palang ng umaga.


binaba ko yung cellphone sa may kama.
"Marecakes, ang aga pa para uminom" singhal ko
"ano ba Marecakes? naalala mo ba noon maskin alas tres ng madaling araw umiinom na tayo" ngisi nya
at bigla kong naalala na ang dahilan noon ay may pinag daanan kami at kailangan namin uminom para  malimutan man lang yung sakit kahit papaano.
'bat biglaan ang pag aya niya ng ganito kaaga,may pinagdadaanan kaya to?' tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan sya at naghahanap ng hint ng kalungkutan sa kanya ngunit wala akong makitang bakas sa maganda nyang mukha, magaling na siguro sya magtago ngayon di tulad ng dati, ang isa kong naiisip.
"Marecakes?" bumalik ang atensyon ko ng marinig ko syang magsalitang muli
"sige, pero kakain muna ako ng breakfast"
"okay, halikana ...di padin ako nag brebreakfast"

 

tiningnan ko muna yung sarili ko sa may salamin, nakasuot ako ng kulay itim na loose hoodie, denim pants,at glasses para sa puff kong magkabilaang mata, pagkatapos ay kinita ko sya sa may labas ng bahay dahil naghihintay na sya saaken sa may kotse, ngunit ng mahawakan ko yung door knob ay agad akong nakaramdam ng takot  na lumabas ng bahay at kaba , napakagat ako ng lowerlip at napapikit.


"Taeng,kaya mong lumabas....ilang beses na nangyari to sayo yun noon" ilang beses kong pinaulit-ulit sa isip ko na parang isang mantra hanggang sa unti unting nawala ang takot at kaba na aking nararamdaman,

wala akong pinalampas na sandali at dumiretso na ako sa kotse ni Marecakes.
pagpasok ko ay nakita ko sya na nakababad sa cellphone, di nya ako tinanong kung bakit antagal ko bago ako nakarating sa kotse.
sa byahe na papunta sa convinience store ay walang katapusang kwentuhan at pang aasar nya saken sa kanyang kapatid na hanggang ngayon ay di ko maintindihan kung bakit nya ginagawa... dahil  sa pagkakaalam ko ay pagkatapos ng relasyon ko kay Baek ay niisang lalaki ay wala syang pang asar at pinapalapit saakin mala galing entertainment industry o hindi.

pagdating namin sa may convinience Store para bumili ng serbesa  ay may kakaiba akong nararamdaman sa paligid , yung pakiramdam na parang may stalker sa tabi. maingat akong kumapit sa kanang braso ni Marecakes, napatingin naman sya saaken.
"parang may tumitingin saaten" pabulong kong banggit , agad namang sya napatingin sa tabi-tabi pagkatapos ay bumalik ang tingin nyas saaken.
"tara na" matipid nyang banggit saaken at agad kaming umalis sa convinience Store at dumiretso sa may sasakyan.
nag mamasidmasid muna kami ng paligid sa loob ng sasakyan pansamantala hanggang sa may nakita kaming lalaki na nakasuot ng  polo shirt na color red, face mask , black  pants ,black shoes at may dalang digital camera , naalala ko din na nakita ko na sya sa may loob ng convinience Store at parang may hinahanap dito sa may parking lot.


"kung pwede lang to sagasaan, tong mga ganitong klaseng tao ay ginawa ko na" inis na banggit ni Marecakes bago nya nilabas yung cellphone nya ,may minessage at pagkatapos ay pinasok nya sa bag yung phone bago nya pinaandar yung sasakyan.
kita ko mula sa window ng sasakyan nya ay pinicturan ng lalaki yung sasakyan ni Marecakes.
huminto kami sa isang fried chicken shop na medyo malayo sa bahay.
"sigurado dito wala ng saesang/stalker" ngiti nya.
pag pasok namin sa loob ay nakita namin yung isang nasa 50's na edad ng babae at iilang mga costumers na may edad nadin.
sinundan ko si Marecakes papunta sa may counter , hinayaan ko si Marecakes ang magsabi ng order namin sa ginang, ginala ko ang paningin ko sa loob  ng shop ay nakita ang mga medyo matatagal ng posters ng celebrity na nag endorse ng serbesa , kasali doon ang poster ni Marecakes at iilang mga painting na dagat ang nakasabit sa pader,
"alam mo familiar kayong dalawa" sabi ng ginang
"kumain na po  kasi kami dito noon o baka madami lang kaming kamukha" ngiti ni Marecakes
"ohh ganun ba"ngiti din nya
pagkatapos nun ay dumiretso na sya sa loob para kunin ang order ni Marecakes, 10 mins ang lumipas ay binigay na saamin ang order namin na tatlo na boxes ng fried chicken at dalawang selopane na naglalaman ng tig sasampung can ng serbesa.


'malalasing talaga kami nito' banggit ko sa aking isipan.
 

Isa, dalawa, tatlo, apat,lima, anim, pito ay masasabi kong di  pa kami lasing ni Marecakes ngunit pagdating ng walo ay kitang kita na ang tama saamin ng Serbesa
"Gago talaga sya! apaka P***** *** muntik nanaman ako madala, taenang Talent yan! bumilog ng ulo "galit at  iyak ni Marecakes
"Nalimutan mo pa Marecakes, Talipandas din!, abangan natin yan sa labas ng bahay tapos ganito!" slurred kong banggit habang ilang beses na tinutusok tusok yung fried chicken gamit yung tinidor
"yung Demonyong yun!  di lang ganyan Marecakes , ganito din" hinawakan nya yung isang fried chicken na nasa plato at pinunit ito
humarap naman ako sa  hawak nyang Fried chicken at nag dirty finger "  F*** y***" at banggit ko ng 5 times  na slurred
binaba nya yung hawak nya at ginaya ako , pagkatapos at nagtawanan na kami.
"Shot Puno Woooahh" sigaw ni Marecakes habang inangat nya yung isang can ng beer habang nakahiga na yung ulo nya sa may table at nalagyan na ng sauce ng chicken yung mukha nya , dahil sa pagiging light headed ko nadin dahil sa epekto ng serbesa ay di ko makuha yung alak dahil umiikot na yung paningin ko, kaya ang nagawa ko nalang din ay pumikit.

"Dapat sa kapatid ko kalang, Marecakes" napatango nalang
"Goodnightt " rinig ko yung tawa nya hanggang sa unti-unting humihina yung hagikgik nya at sa nawalan na ako ng ulirat.

 



Seulgi

 

dahil biglaan yung pag uwi ni Chanyeol nung isang Araw, dahil sa di mapaliwanang na kadahilanan ay inaya ko sya ulet ngayon sa tulong ni Joy , na may pamimilit na mag confess ako ulit.
pumayag naman sya ngunit di din sya nagtagal sa coffee shop  dahil nag aalala sya sa Ate at pinsan nya dahil hindi sila sumasagot sa calls and dm's nya dito, it sounds Oa sa iba but may  nangyari na din dati sa Ate nya na masama kaya naiintindihan ko kung saan sya nanggagaling.

Napag isipan ko na sa susunod ko nalang to ipapaalam.
nag prisinta na ako ihatid sya sa kanila para dagdag points nadin saken, sinamahan ko sya papunta sa loob ng bahay dahil para ibigay nadin yung tinake out namin para kay Ate Yoong at  Luna.

pagpasok ko sa loob ay agad kong naamoy ang amoy ng serbesa na nag cicirculate sa loob ng bahay.
'may nag inuman ' Hinala ko at ng makarating kami sa may living room ay napatango ako dahil tama ang hinala ko  ng makita ko ang nakakalat na can ng beers sa may lamesa at sahig at yung mga left over  na fried chicken na nasa plato at nakakalat sa lamesa.
tiningnan ko si Chanyeol na napailing habang tinitingnan yung dalawa na nakatulog na sa may sahig, mukhang dissapointed sya sa dalawa, lalo na kay  Luna, napangiti na man ako sa idea na yun.

" Teka bat parang masaya pa ako?" bulong ko  at inalis agad yun sa isip ko nang makita ko syang binuhat si Ate Yoong na parang sako ng patatas at inilapag sa may Sofa ng walang pag iingat, napa igik yung ate nya sa sakit ngunit hindi to nagising at patuloy padin sa pagtulog.


nang lalapitan nya si Luna ay agad kong binaba yung dalawang kape sa lamesa at hinila yung tela sa may parteng braso, huminto sya at tumingin saakin.
' Ako nalang ang bubuhat kay Luna' sign language ko ,

iling ang sagot nya habang nakangiti
'malakas ako, parang bear' ngunit ganun padin ang sagot nya saaken.

napahakbang ako paatras ng isang hakbang nang mapansin ko na gumalaw sya papayuko para abutin si Luna.
napansin ko na di tulad kay Ate Yoong ang kay Luna, maingat nyang buhatin hanggang sa ilapag sa sofa yung babae habang kabaliktaran kay Ate Yoong, pagkatapos ay hinawi nya yung mga nagkalatang buhok ni Luna na nakatakip sa  kanyang buong mukha, at inayos yung damit nito para hindi sya makitaan.

'bakit ganito ang Treatment nya kay Luna?' tanong kong muli habang nararamdaman  ang namumuong selos na naninibol mula saakeng katawan.



KItakits sa Next Chapter😊
 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet