IV

The Star's Solace

Yoona

 

"Baek,diba mas safe kung sa Entertainment SM  kanalang maghintay saaken?" simangot ko habang naglalakad sa hallway ng hotel kung saan ako nag stay dahil nakayakap sya sa braso ko na para ang nakasalalay ang buhay nya dito.
alam na alam kong kanina pa kami nakukuhanan ng photos o video mula palang sa pagpasok namin dito sa hotel  dahil sikat si Baek na Singer at di na ako magtataka kung sakit sya ng ulo ni manager Nim.
"ayaw ko Ate, baka takasan mo ako" yun talaga ang plano ko ngunit iba ang nabanggit ko sa kanya "wala kang tiwala sa nag iisang Im Yoona?"
"Naninigurado lang ako Ate and ihahatid kita sa airport kahit anong mangyari" ngiti nya saken
"Baek, pagkakaalam ko sikat ka kaya nagtataka ako dahil mukhang marami kang time for today"

"Ate,para kang itlog na maalat kaya i give my  time to you" taas nya ng dalawa nyang kilay habang di nawawala ang kanyang ngiti sa pagkakataong ito.
"Ewan ko sayo Baek! bahala ka pagmagka issue ka nanaman" banggit ko sa kanya ng may makakita saamin sa may elavator ng hotel 

"Handa ako Ate, and sino ba naman ang ayaw ma issue sa nag iisang Im Yoona"  kaagad na gumalaw ang kamay ko para sya'y mabatukan  " Aba Gago ka " napatawa naman sya sa ginawa ko pero kinalabasan naman yun ang pagtinginan kami ng iilang taong kasabay namin sa loob ng Elevator.
"pag ako sinugod ng fans mo o kaya pinutakti ng comments yung school ahhh!mag dodonate ka sa school ko ng building"
" ou naman Ate, mag dodonate ako ng silya sa guard house" at naghagikgikan kami dalawa, ng marating namin yung floor ko ay agad kami lumabas sa elevator at naglakad papunta sa aking hotel room ngunit napahinto kami ni Baek ng makita namin si Manager Nim at yung nilalang na ayaw kong makita ngayon dahil galit padin ako sa kanya hanggang ngayon na nakatayo sa tabi ng pinto ng hotel room ko.

 

"Ate, bat andito si Manager Oh at si Manager Nim?" tanong ni Baek " sinabi mo ba na andito ako?" pout nya 
"Baek, wala akong time na makapag dm sa kanila " well gusto ko din tong mangyare except dun sa part na  andito si Manager Oh 

"alam kona, sinundan nila siguro yung mga pics na naglabasan" at sigh nya. alam naman pala nya
pinaghiwalay naman kami ni Manager Oh bago nya kausapin si Baek
"Baekhyun diba may REcording ka ngayon?" tanong nya na mukhang nagtitimpi ng galit
napalunok naman si Baek habang sinabing pwede naman i resched , sasama ako kay Ate para makita si Taeng, gusto ko malaman kalagayan nya.
hayun at lumabas na nga yung balak nyang gawin.
" hindi pwede ,halikana baek " at hila ni  Manager Nim kay Baek na ayaw  sumama di lang dahil sa masamang titig ni Manager Oh.
"bye , Ate " wave ni Baek saakin habang hila hila sya ni Manager Nim na palayo samen , nag wave naman ako " ingat kayo" ng di na mahagip ng paningin ko si Baek at si Manager Nim ay natuon na ang atensyon ko sa Lalaking katabi ko na may ginagawa sa cellphone, lumingon ako sa kanya
"Anong ginagawa mo dito , bat di kapa sumama sa kanila Baek?" nguinit di nya ako sinagot, nadagdagan ang inis ko " gusto nya ba masipa ulet?" bulong ko at kuha sa card ng hotel room at inunlock ang pinto , pagbukas ko ng pinto ay naramdaman kong pagkawahak nya sa kanan kong kamay
"Anong ginagawa mo?" at sinubukan kong kumawala sa pagkahawak nya
di padin sya nagsalita at  hinila  nya ako papasok sa loob ng hotel room ko



Taeyeon

 

May alam nadin akong sign languages pero mostly nito ay basic pa lamang , sa tulong ni Chan-Chan at ng mga lectures sa internet .ngunit nagpupursigi padin ako hanggang sa  ma master ko ito para ma communicate si Chan-Chan  na di gumagamit ng meduim at sa iba pang parte ng community.
napangiti ako habang nakatingin sa may salamin ng kwarto ng may napagtanto ako bigla "Taeyeon, ngayon kanalang ulet nagkaroon ng gusto mong gawin" 


nakasuot ako ng color light blue na dress at cardigan na kulay light brown " di naman siguro ako mahahalata kung ito ang suot ko?"
ilang minutong nagtatalo sa isipan ko kung magpapalit ba ako o mag ststay nalang sa kasuotan kong ito, ngunit napag isipan ko na mag stay nalang sa ganitong kasuotan dahil baka late na kami makarating sa school.
di ko malaman ang kadahilanan kung bakit sa ngayon ay ayaw kona magkulong maghapon dito sa bahay o kwarto , ngunit  dati naman ay  iyon ang gustong gusto ko dahil dun kolang nararanasan ang peace of mind.
lumabas ako sa may kwarto at dumiretso sa may living room kung saan makikita kong nakaupo sa may Sofa si Chanyeol na masasabi ko na naghihintay saaken.
kinuhit ko sya sa may kaliwang balikat , ng lumingon sya saken ay napangiti ako , ginantihan nya ako ng ngiti ngunit parang may kakaiba sa ngiti nya ngayon. inangat nya yung cellphone nya para makita ko yung nakasulat sa may screen

'Tara na'  ,pagkatapos kong basahin yun at napatango ako at naglakad papunta sa may labas ng bahay papunta sa naka park na Kotse.


Paglapag sa parking lot ng school ay hinintay muna ako makalabas ng kotse ni Chanyeol bago kami dumiretso  sa Faculty, pagdating sa faculty ay kita kong kami palang dalawa ang tao doon , sinundan ko si Chanyeol sa kanyang table, nag hand gesture naman sya na maupo muna ako na lagi nyang ginagawa pag napapadpad ako sa faculty nya, sinunod ko naman sya. ilang saglit ay natuon ang atensyon ko sa may pinto ng marinig ko ang pagbukas nito. ng makita ko ang isang babae na di familiar saaken na may dalang knapsack at paper bags ay agad akong napatayo at napatalikod.  rinig ko ang paghakbang ng babae  na papalapit sa Table ni Chanyeol.
 may naramdaman akong mahinang paghila sa hem ng cardigan ko mula sa parteng palapulsuhan,napatingin ako kay Chanyeol at napaharap sa babae magkalaon 


"Taeyeon Kim" napalapat nya sa parteng bibig nya yung dalawa nyang kamay sa gulat, hinila naman ni Chanyeol ang kaliwang palapulsuhan ng babae para matuon  ang atensyon nya sa kanya.
dahil sa galaw nyang yun ay di naalis  ang tingin ko sapaghawak ni Chanyeol sa magandang Babae. 
nagsimula mag communicate si Chanyeol sa babae thru sign language at ilang saglit ay sumagot ang babae. may  naiintindihan ako ngunit iilan lang,pagkatapos nun ay humarap ulet yung Babae saaken.
"Sorry,Luna napagkamalan kitang si Taeyeon , kamukhang kamukha mo kasi yung singer" teka tama ba yung narinig ko tinawag nya akong,Luna? .
napatingin ako kay Chanyeol nginitian nya lang ako  
"Okay lang, napagkakamalan talaga akong si Taeyeon" ngiti ko at lingon sa babae
"pati boses mo din, katulad na katulad......nga pala baka makalimutan ko , I'm Kang Seulgi, nice to meet you Luna" ngiti nya saken habang  abot ng kamay para makipag shake hands, nakipagshake hands naman din ako ng di nawawaglit ang  ngiti
"nice to meet you too, Seulgi" 
" starting for today Luna, i will be your sign language teacher" liningon ko ulet si  Chanyeol na may hinahanap sa kanyang table pagkatapos  kay Seulgi, wala saken nababanggit si Chanyeol about dito, bakit kaya? o baka nagkaron kami ng language barrier
" i felt na youre not aware, right?" napatango ako kay Seulgi at napangiti naman sya "apaka ulayanin talaga ng taong yan kahit kailan" at buntong hininga nya.
"nga pala! kumakain ka ng tofu?" tanong nya saken
"oo" agad kong sagot
inabutan naman nya ako ng isang paper bag na inaassume ko na tofu ang laman.
"galing kasi ako sa hometown namin"

----
sabay kaming tatlo lumabas ng faculty at napahiwalay kay Chanyeol ng destinasyon .
si Seulgi ay nasa second floor at kay Chanyeol ay sa first.

"Anong relasyon mo kay Channie ?"  mag aassume ako na close sila.
"malayong kamag anak  at bago lang ulet kami nagkaron ng communication dahil nagbabakasyon ako dito" 

"ohhh buti nalang kamag anak...pero di kita nakikita dumadalaw sa kanila noon" napatingin ako sa kanya ng sabihin nya ang salitang buti kamag anak lang.
 


pagka lunch break ay dinala ako ng aking dalawang paa sa may rooftop ng building , napaupo ako sa tabi ng sirang vending machine, binuksan ko yung kulay brown kong sling bag para kunin yung isang kaha ng sigarilyo at lighter. pagkatapos kong sindihan ay agad ko tong hinithit habang sinusulit ang katahimikan ng lugar.
"bakit nga ba sa dami dami ng pangalan, Luna ang pinangalan nya saken ?" tanong ko sa sarili ko habang napa isip ngunit ng wala akong maisip na sagot ay tinuon ko nalang ang isip ko kay Seulgi.
mabait naman sya at friendly ngunit di ako mapalagay sa kanya
napatingin ako sa may pintuan ng may narinig akong hakbang ng paa, at nakita si Chanyeol na ngayon ay papalapit saaken ,pagkatapos ay naupo sa tabi ko 
'kumain kana?' tanong nya thru sign language
umiling ako bago sumagot ' wala akong gana eh' ngiti ko , kita ko naman na nag pout sya, napangiti ako at iginalaw yung kamay ko para makapag sign language ng 

'bakit di ka sumasabay sa mga co teachers mo na mag lunch?' pagka rinig ko kanina ay balak ni Seulgi na sumabay sa kanya na mag lunch, umiling sya pagkatapos ay nakita ko na may nilabas sya galing sa isang paperbag, isang lunchbox.
ayaw nya bang makisabay o iniisip nya na wala akong kasama?



nagsimula ulet akong humithit ng sigarilyo ng makita ko na kumakain na  sya ,napatingin ako sa kalangitan at ilang saglit ay may naramdaman akong pagdampi sa may kanan kong pisngi, napalingon ako sa kanya at mapansin na hintuturo nya pala yung nararamdaman ko sa pisngi ko.
binaba nya yung kamay nya habang nakangiti pagkatapos ay inilapit nya sa labi ko yung konting bahagi ng manok na nakapatong sa kubyertos, ibinuka ko ng kaunti ang aking bibig at ipinasok sa bibig yung bahagi ng kubyertos , at inilayo ,pagkatapos ay nginuya yung pagkain ng nakangiti.
"andito pala kayo" agad na natuon ang atensyon ko sa  boses at nilingon si Seulgi na nakapout.
~--
sinubukan kong contakin si Marecakes ngunit di nya sinasagot kaya naisipan ko nalang i message sya.


pagatapos nun ay ibinaba ko sana  sa kama yung phone ngunit may napansin ako na nag messsage sakin na unknown number.

inopen ang message nya at nireplayan  sya


wala naman akong gagawin ngayon dahil tapos na yung pagtuturo aken ni Chanyeol ng sign language sa araw na to.


 naisipan kong suotin yung color maroon na Loose saaken na hoodie Jacket, denim short color blue na converse shoes at color black na cap para sa lakad namin ni Seulgi. 

Pagbaba ay hinanap ko si Chanyeol mula sa ibabang bahagi ng bahay at natagpuan ko sya kung saan nakapark yung kotse at nagpupunas ng kotse.

Nag car wash pala sya, parang ayaw kona gamitin yung kotse tuloy. 

Ng mapansin nya ako ay napahinto sya sa pagpupunas

'Aalis kana?' Tanong nya gamit ang sign language habang nakataas ang dalawa nyang kilay

Tango ang sagot ko habang nakangiti, inabot nya saken yung susi pagkatapos 

-----

Pagdating ko sa parking lot ng mall ay agad akong lumabas ng kotse at dumiretso sa cosmic Coffee shop para kitain si Seulgi. Nakita ko sya agad dahil wala masyadong customers, may kasama syang isang babae na familiar na Mukha saaken.

ng makita nya ako ay agad syang nag wave nag kamay saaken habang nakangiti, inalok nya ako ng upuan ng makalapit ako sa kanila

"Luna, this is Joy... Iknow nakikita mo sya sa school" napatango ako pagkatapos ay napatingin Kay Joy 

"Hello Joy" ngiti ko 

"Hi Luna, ngayon lang tayo nag usap ...dahil nahihiya ako " ngiti nya 
"bakit ka nahihiya?" ako 
"parang ikaw kasi si Taeyeon kim and idol ko yun" napatawa nalang ako , kung alam nya lang

pagkailang minuto ay naisipan nadin namin naumorder na ng coffee and pastries.

"Pinagtitinginan ka talaga nila Luna, akala nila ikaw si Taeyeon" banggit ni Joy ng mapansin nya yung mga tumititig saken na dumadaan. 

Ngiti habang naiilang lang ang naisagot ko 

ilang saglit ay nagulat si Seulgi mula sa tinitingnan nya sa screen ng phone nya , tiningnan naman ni Joy yung dahilan  ng pagkagulat ni Seulgi.

"Magkasama si Ma'am Im tyaka si Baekhyun Byun sa Hotel!" Nasamid ako sa narinig ko, ng okay na ako ay pinakita saken ni Seulgi yung likurang part , side view nila Marecakes at Baekhyun. 

"May relasyon ba si Baekhyun at si Ate?" Tanong saken ni Seulgi. 

Wala naman nababanggit si Marecakes saken na may relasyon sila ni Baek at sa pagkakakilala ko Kay Baek ,ganyan siya sa mga malalapit sa kanya , Kay Marecakes naman, kaibigan lang turing nya Kay Baek and pagkaakalam ko Iba ang tipo ni Marecakes sa lalaki.

"Hindi ko alam ehhh" banggit ko 

Pagkatapos ay nakita ko na nag scroll pa sya..

"Pero saglit lang daw si Baekhyun, mukhang hinatid nya lang si Ma'am Im kasi kasama nya palabas ng hotel yung manager nya" banggit ni Joy 

---- 

Pagkatapos namin sa Coffee shop ay nagpasama si Seulgi  sa isang boutique ng isang clothing brand, napansin ko na dumiretso sila sa men section. 

'Hmmmm. Sino kayang bibilhan niya.' Tanong ko pero biglang  natuon ang Atensyon ko sa isang babae na lumapit saken 

"Kim Taeyeon" ngiti nya 

"Sorry di ako si Taeyeon" banggit ko ng nakangiti ,Sana maniwala sya sa pagsisinungaling ko 

"Yeah , si Luna Yan Miss. Ka look alike lang sila, and nagpapagaling padin si Taeyeon sa hospital sa capital" sabi ni Joy sa babae pagkatapos ay hinawakan nya yung wrist ko ,at hinila ng mahina papunta Kay Seulgi. 

"Magugustuhan kaya nya?" Tanong ni Seulgi habang ineexamine ang color Black na sweater.

"Lahat naman ng gift mo gusto ni Chanyeol, Seul" 

Napatingin ako kay Seulgi. 

"Naninigurado lang ako Joy" at tingin sa akin ni Seulgi "tingin mo Magugustuhan to ni Channie?" 

Napatango ako, Dahil napansin ko na madalas kulay itim ang sinusuot ni Chanyeol at mukhang babagay din ito sa kanya. 

"Dahil galing sa relative, sure na ako na Magugustuhan nya to" ngiti ni Seulgi 

Kuha nya at dumiretso sa cashier. 

"Seul, anong balak mo sa birthday ni Chanyeol?" Tanong ni Joy habang naglalakad kami palabas ng boutique

"Aayain ko sya sa labas" 

"Ayieeee date sila" ngiti ni Joy na may halong pang aasar

"Friendly date, Joy " pag cocorrect nya sa kaibigan nya 

"Kelan ba kasi magiging kayo? Mag confess ka na kasi" 

May naramdaman akong Lungkot na di ko mapaliwanag kung saan ito nanggagaling pero agad kong inalis sa isip ko ang bagay na iyon. 

"Alam moba Luna ... Matagal ng gusto ni Seul pero di padin naiiisipan mag confess, feeling konamam may pag asa sya kay Chanyeol" 

"Natatakot lang ako...paano kung di nya tanggapin , masisira pagkakaibigan namin" 

"Ano kaba Seul ..matagal na sira friendship nyo simula nung magkagusto ka sa kanya" banggit ni Joy pagkatapos ay napa buntong hininga sya

"Pero" napahinto si Seulgi ng magsalitang muli si Joy

"Wag kana mag isip Seul,confess kana " lumingon naman saken si Joy 

"Diba Luna Bagay sila ni Chanyeol?" 

"Oo" ngiti ko 

"Sabi ko sayo.... Kaya mag ready kana this 27" siko ni Joy ng mahina kay Seulgi.

Napagtanto ko na tatlong araw nalang ay birthday na ni Chanyeol.

----

Gumising ako na may sama ng Pakiramdam at sipon, umupo ako habang pinapakiramdaman ang temperatura ng sarili ko gamit ang aking palad. ilang saglit ay napatingin ako sa may kalendaryo. ngayon napala yung birthday ni Chanyeol at ngayon nadin mangyayari yung binabalak ni Seulgi. napabuntong hininga ako 
tumayo ako at pinuntahan ang closet para kumuha ng sweater para malabanan ang lamig na nararamdaman ko ngayon.
pagbaba ko ay nakita ko sa Seulgi sa may living room kasama si Chanyeol.
napatingin saaken si Seulgi at nag wave" Hello, Luna" 
"Hi Seulgi, aalis naba kayo?" tanong ko 
"Yun na nga Luna, nag dadalawang isip si Channie...wala ka daw kasama dito" pout ni Seulgi
gusto ko man na mag stay dito si Chanyeol pero hindi yun pwede mangyari , kaya nilapitan ko sila, kinuha yung phone ko at tinaype yung salitang 
'kaya ko naman mag isa dito, sumama kana kay Seulgi' at pinakita sa kanya ngunit napalunok ako sa di  inaasahan na ang pagtayo nya , pag lapag ng dalawa nyang palad sa leeg ko pagkatapos inilipat nya yung isa sa noo ko at pagtingin nya na may concern. 
umiling sya , ibinawi ang kamay nya , humarap kay Seulgi at nag sign language.
"Ganun ba" kita ko ang lungkot sa mula sa mukha ni Seulgi ng sabihin nya yun 
"anong sabi nya Seulgi?" kahit alam ko ang sinabi nya ay tinanong ko padin sa kanya

"Hindi daw sya makakasama kasi nalaman nyang may sakit ka , Luna"
"Pakisabi kay Chanyeol na Sinat at sipon lang to, iinom ko lang to ng  Gamot, mawawala nadin to" at ginawa nya, napatingin naman si Chanyeol saken ng malungkot, umiling ako at narinig ko syang mag sigh , pagkatapos nun  ay inilabas nya yung cellphone nya at mukhang may sinendan ng message , at ilang saglit lang ay may tumawag sa phone nya at ipinasa nya yun saaken.
ng makita ko yung caller ay napaisip ako ng ayaw nya talaga sumama kaya tinawagan nya si Mare cakes.
kinuha ko yung phone nya , lumayo sa kanilang dalawa bago ko sinagot yung call
"Hello, Marecakes" pag uumpisa ko 
"Huy payag ka talagang sumama yung kapatid ko? instead of alagaan ka nya"
"Inaaya sya ni Seulgi sa Birthday nya, ayaw ko na maging dahilan para di sila matuloy  and tyaka iinom kolang naman to ng gamot, gagaling na ako maya-maya"
"ganun ba, pero bat ba kasi gusto mong matuloy yung lakad nila? trip mo ba ngayon na mag selos, Marecakes" 
"Gaga, tigilan mo nga ako sa kapansanan mo Marecakes...." simangot ko at tinawanan naman nya ako
"Marecakes , ibababa kona to...sasabihin ko na pwede na silang umalis "
"wait lang marecakes, may  ipapapunta ako sa bahay"
"huh? sino naman yan, bat napaapnsin ko na ayaw nyo akong mag isa dalawa" pero binaba na ni Marecakes 
tatawagan ko sya ulet ng maramdaman ko ang mahinang paghila sa hem ng sweater ko sa may balikat  kaya napatalikod ako para harapin yung gumawa nun at nakita ko si Chanyeol na nakakunot ang noo.
tinaype ko sa cellphone nya yung sinabi ni Marecakes na may pupunta dito bago ko sakanya binalik, agad naman nyang kinuha at binasa yung nasa screen  pero di padin nagababago yung reaksyon ng mukha nya.
talagang ayaw nya talaga umalis.
'Sige na' hand gesture ko at pisil ko ng mahina sa likod ng palapulsuhan nya, buntong hininga naman ang sagot nya saken. binitawan ko sya ng marinig ko si Seulgi
"pwede na kayong umalis" sa sinabi kong yun ay kita ko yung saya ni Seulgi , hinawakan nya si Chanyeol sakamay.
 

Ngunit hinintay ni Chanyeol na dumating yung taong pinapunta ni Marecakes dito bago sila umalis ng tuluyan.
narinig ko ang message tone ng cellphone ko kaya tiningnan ko kung kanino to galing, napangiti naman ako habang napakamot ng leeg. concern talaga sya saken

 

Mga 12:30 pm ng mawala ang sakit ko,

Papauwiin kona sana si Iu ng tumanggi sya sa gusto kong mangyari, at dahil dun nagpasama nalang ako sa kanya para mamili ng cake para sa birthday ni Chanyeol. 

dinala ako ni Iu sa paboritong bakeshop ng magkapatid, pagpasok ko sa loob ay naamoy ko agad ang mga tinda nilang pastries. Tinanong ko si Iu kung alin sa mga nakadisplay ang paborito ni Chanyeol, tinuro naman nya yung  cake na white na may black na may parang pearl.

, kaya yun yung inorder ko at nag request na lagyan ng greeting. Habang naghihintay ay nag order din ako ng pastries at drinks para saamin dalawa ni Iu. Nag pasalamat naman sya saken. 
habang nag kwekwentuhan ay naramdaman ko may parang nakatingin saken sa tabi-tabi , napalunok ako at tumingin sa kaliwat kanan. 
masama ang kutob ko, may saesang ba sa paligid?
"okay kalang ba?" tanong ni Iu na may pag aalala
"ayos lang ako" pilit kong ngiti 
ng ready na yung cake ay agad akong tumayo " ako na ang kukuha" sabi ko kay Iu bago dumiretso sa may counter.
pagkuha ko ng cake ay bigla akong nakaramdaman ng pagbagsak ng cake mula sa king pisngi hanggang sa aking balikat at braso, nagulat ako at yung nag serve saken ng cake na inilagay sa box dahil sa pangyayari, nilingon ko yung taong gumawa saken , at nakita na isang babaeng galit na galit
", MAMAMATAY KANA!!"labas nya ng isang kutsilyo at akmang isasaksak saken.
 


 

TBC. 
Kitakits sa next chapter :-)

  

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet