I

The Star's Solace

Taeyeon

 

Napangiti ako nang dumampi saaking balat yung medyo malamig na hangin, ramdam ko na sumasabay sa hangin ang paggalaw ng aking kulay itim na buhok.
nakasanayan ko na pag mag rerecord ng kanta sa Studio ay sinasadya kong mapaaga ng 10-20mins ang punta at dumiretso  Rooftop para makaramdam ng kapayapaan kahit papaano.
ginala ko ang kanan kong kamay papunta sa kanang bulsa ng aking oversized na kulay asul na Jacket para makuha ang isang kaha ng sigarilyo at lighter, ipinatong ko yung lighter sa aking binti para buksan yung kahon , kumuha ng isang sigarilyo pagkatapos ay sinindihan at sinimulang hithitin habang nakatingin sa payapang kalangitan.

lagi akong sinasabihan ni Manager Oh at ibang nakakakilala sa aken  na tigilan ko ang paninigarilyo  dahil isa akong mang aawit , di maganda kung masisira ang boses ko dahil ito ang puhunan ko sa industriya,ngunit di ko kayang talikdan ito dahil isa sya sa mga nagpapawala ng Anxiety ko kahit pansamantala. naubos ko ang tatlong sticks ng sigarilyo at kalahati ng pang apat  ng marinig ang tunog ng message tone ng cellphone ko, hudyat iyon na kailangan na ako sa studio para mag record. tumayo ako , naglakad papunta sa basurahan para itapon ang dipa nauubos na sigarilyo , at naglakad na papunta sa record studio na nasa 3rd floor
-------
kelan ko nga ba itong unang naramdaman? di ko maalala kung kailan ang  pagkakataon  na yon pero ang nakakalungkot ay  nararamdam ko to ng  mahigit dalawa't kalahating taon na. lampas na ng isang libong beses na sumagi sa  ko na itigil na tong ginagawa ko dahil di na ako masaya sa ginagawa ko, napapabayaan ko na ang kalusugan ko at ang malala ay ang mental health ko di na maganda.


dati pangarap ko maging pop Idol/artist habang kumakanta sa harap ng Nanay at Tatay ko noong bata pa ako.
pero ngayon pinag sisihan ko kung bakit ko sya pinangarap at pinasok... pinagpapatuloy konalang siguro dahil sa sinasabi ni Manager oh na  " sayang ang pag kakataon, Taeyeon....hanggang pabulusok pa ang career mo pagpatuloy mo........diba  kailangan mo ng pera para sa pagpapagaling ng Nanay mo?.... gawin mo nalang to dahil sa fans mo, dahil mahal ka nila"

"Fans na mahal ako?" napangiti ako ng mapait., di sa lahat ng pagkakataon Mahal nila ako o gusto.... (alam ko di lahat)

nang may minahal ako ....di nila ako mahal
nang nagkamali ako.... di nila ako mahal
pag nagpakatotoo ako....di nila ako mahal
nang may umalis sa grupo....ginawa akong masama...di nila ako mahal
nang may mawala sa buhay ko.....masaya sila
nang magsolo ako...mas lalong di nila ako mahal

"My life is not Beauty"


"Manager Oh ..... di ko kaya... ang Anxiety ko " nakapikit kong banggit sa manager ko habang sinusubukang pakalmahin ang sarili ko.
nagbabakasakaling baka pumayag sya.

"Taeyeon, kayanin mo...comeback mo ngayon" banggit nya ng walang emosyon.
ngayon yung pagkakataon na maskin sigarilyo ay di ako hinilom ,dahil siguro ang dami ng iniisip ko ngayon.

 

" pinapatawag na si Ms.Taeyeon" at hinila ng manager yung braso ko  para akoy makatayo, minulat ko ang mata ko nakita kong tinitingnan nya ako ng masama.
" be professional" banggit nya habang binibigyan ng pwersa yung paghawak nya sa braso ko na alam ko  mayamaya ay mag iiwan ng pulang marka at ang tangi kong nagawa ay ngumiwi at pilit hatakin yung braso ko dahil sa sakit.

 

wag mo ngang lokohin ang sarili mo, Taeyeon.... sa simulang pumirma ka sa kontrata isang produkto na ang tingin sayo.
----

Sinubukan kong magperform pero di ko na talaga kinaya at nawalan ako ng malay sa kalagitnaan ng performance ng comeback ko.
 

Pagkabalik ng malay ko ay minulat ko ang aking mata at natanaw ang kulay puting kisame, naamoy ko din ang amoy sanitizer sa paligid at nilingon ko sa kanan ko at nakita ko ang iv stand na may nakasabit na dextrose.
nasa hospital ako? at biglang bumalik ang alala ko kanina sa music show... nahimatay nga pala ako.
sana di to makakaapekto sa career ko.
'Bull! Taeyeon ano ba tong iniisip mo?  di mo na mahal ang ginagawa mo diba? pagod kana sa pagiging kpop Idol. nauntog ba yung ulo mo kanina nung nahimatay ka ...kaya ganito ang naisip mo' pinagalitan ko ang sarili ko , pagkatapos ay napabuntong hininga.
ginalaw ko ang katawan ko para maupo. wala akong nakikitang tao sa paligid... napangiti ako dahil tahimik, gusto ko tuloy pumunta sa rooftop at magyosi, pero inalis ko yun sa isip ko at kinuha ko nalang yung cellphone ko at nakita yung message ni Manager Oh saken ng mga 1hr ago ng nakalipas.



"malapit na kaya sya?"tanong ko sa sarili ko bago ko kinagat yung loob ng lower lip ko. "pwede ko kayang gawin yun?" at napatingin ako sa window ng hospital "kelangan konggawin to...kelangan nila akong intindihin" hinto ko sa pagkagat ng lower lip at tingin sa IV na nakatusok sa may ugat ko sa likod ng kaliwa kong kamay "kailangan kong umalis" banggit kong muli  habang inalis yung iv at napa mura ako sa saket.. agad akong tumayo ,nilapitan  ko yung knapsack bag ko na nakalagay sa table , binuksan ,kinuha  yung hoodie na maluwang na jacket at isinuot ito ,nagsuot ng facemask, sinara yung bag isinuot , isinuot yung hoodie sa may ulunan at lumabas sa aking hospital room nang nagmamadali kasi baka maabutan ako ni manager oh kung pabagal bagal ako.
naging maingat ako  hanggang sa makalabas ako ng hospital , sumakay agad ako ng taxi at inutos sa driver na maihatid ako sa airport.
habang bumabyahe. balak ko sana sa abroad pumaroon ngunit nadismaya ako ng maalala na nasa bahay yung passport ko, napa buntonghininga nalang ako at niyakap yung knapsack bag na daladala ko , napasulyap ako sa paligid na dinadaanan ng taxi ngayon , ilang saglit ay napahinto si manong driver dahil traffic , at dahil sa traffic na yun ay nakita ko ang lumang billboard ads na kung saan ang model si Yoona na MareCakes ko.
 " Alam ko na kung saan ako paparoon" bulong ko habang nakangiti.
-------

alas onse trenta na ako nakarating ng airport dahil traffic nga naman kahit gabi ,agad akong kumuha ng ticket at naghintay ng flight ko.
dumating ako nang ala una imedya.
at umupo muna sa mga upuan na nakapaligid dito sa loob ng airport bago ko muling inilabas yung cellphone at tiningnan yung screen

sigurado galit na galit na tong si manager Oh saken pero di ko muna sya binigyan ng pansin at

Dumiretso ako sa messages para i message si Yoona.

01:56 na sya nakarating sa Airport. ng nakasuot ng pajama at cardigan sweater at naka slipper  , halatang nagmadali sya para masundo ako .. at sinalubong nya ako ng isang makapagdamdaming yakap at mahinang sabunot. .
ganito kami ni MareCakes Yoona noon paman
..

 

"MareCakes, ano bang nangyayari bat biglaan kang lumipad dito sa probinsya?" tanong nya habang nagmamaneho

"Pagod na ako" sagot ko galing sa backseat ng sasakyan , at biglang huminto, buti nalang may suot akong seatbelt kundi masasaktan ang noo ko.

"ano ulet yun? "tanong nya habang nakatingin na saken this time.

"Pagod na ako MareCakes...ayaw kona"

"alam ba to ni Manager Oh? at akoy umiling napahalakhak naman ang bruha.

 


TBC.
Kitakits sa next chapter ;)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet