Chapter 9

OOML
Please log in to read the full chapter

[Selene’s POV]

 

Ano ba 'tong ginagawa ko? Malapit na ako sa table ni Arkzleyn nang  mapansin ko si Drake na papunta rin kay Arkzleyn. Hindi siya nakatingin sa akin kaya agad ako'ng tumalikod. At nabangga kay Name.

 

"Araaay!" Sabay na sigaw namin.

 

"Dense/Name!" Agad namang tumayo si Arkzleyn habang tumakbo sa amin si Kyle. Tumingin ako sa likod at nagtama 'yung mga mata namin ni Drake.

 

Ouch. Ayan na naman 'yung sakit. Umiwas ako nang tingin. Si Name naman ay pilit sinasabihan si Kyle na okay lang siya. Habang ngumingitngit na ang mukha ni Arkzleyn.

 

Wow. Love triangle.

 

Dakilang echos lang pala ako rito kung ganon.

 

"Ano ba, Kyle? Mukha ba ako'ng ulyanin sa'yo? 'Wag mo na kasi ako'ng alalayan!"

 

Napatingin ako sa dako ni Arkzleyn. Nakaiwas na siya ng tingin sa kanila.

 

"I insist. Mukha'ng masakit 'yung pagkakabangga niyo ni Selene." Matigas na sagot ni Kyle.

"Wow, edi si Selene din 'yung alalayan mo--"

 

"Did you come to my table to flirt?" Cold-hearted na tanong ni Arkzleyn. Napatigil sa pag-aaway 'yung dalawa. Nilingon ko siya saka nakita ko'ng hindi nakatingin si Drake sa amin.

 

:( Galit pa rin siya.

 

"Actually hindi. Sinamahan lang ako ni Name para..." Lumunok ako. "Para... tanungin ka kung pwede ba kita'ng makasabay sa lunch."

 

[Name’s POV]

 

"Actually hindi. Sinamahan lang ako ni Name para..." Pause. "Para... tanungin ka kung pwede ba kita'ng makasabay sa lunch."

 

Aray.

 

Hindi siya papayag. Hindi siya papayag. Hindi--

 

Nagtama 'yung mga mata namin ni Arkzleyn.

 

"Sure." Sagot niya sabay ngiti kay Selene.

 

[Selene’s POV]

 

"Sure." Unexpected na sagot ni Arkzleyn sabay smile.

 

"Weh?" Hindi ko napigilang itanong sabay taas ng kilay. Tinaasan rin niya ako ng kilay.

"Ano'ng 'weh'? Ikaw nga 'yung gusto makisabay sa akin. Don't be ridiculous, Lene."

 

"Selene!" Mabilis na pagtatama ko habang pinipilitan na 'wag mapatingin kay Drake, kaso, hindi lang pala ako 'yung sumigaw ng pagtatama. Pati si Drake sumigaw din at mukha siya'ng galit. Si Name din sumabay pero hindi ko maintindahan 'yung ekspresyon niya. Parang galit na namumula na disappointed.

 

"Give me three reasons why I shouldn't call you Lene." Hamon ni Arkzleyn.

 

Kainis. Alangan naman sabihin ko na "Si Drake lang kasi 'yung pwede'ng tumawag sa akin 'nun kaya Selene lang please". Parang nakakahiya naman noon at andito pa talaga si Drake.

 

"One, because I said so. Two and three says the same." Wika ni Drake. Nilingon siya ni Arkzleyn at nagkaroon muna sila ng staring contest bago tumango si Arkzleyn.

 

"Valid ba yun?" Nagtatakang tanong ko. Tiningnan lang ako ng masama ni Drake pero umiwas rin ako.

 

Pero bakit ba ako iiwas? E problema naman niya kung ayaw niya'ng makinig sa explanation ko, kaya tiningnan ko rin siya pabalik.

 

"Selene? Sasabay ka na sa kanila, diba?" Si Kyle 'yung nagsalita pero bago ko pa siya masagot, nagsalita na si Name.

 

"Ah, Selene, mauna na ako. Nasamahan na kita sa pagyaya mo kaya..." Lunok. "...kita na lang tayo mamaya." Sabi niya sabay alis. Agad din naman siya'ng sinundan ni Kyle.

Nakaka guilty naman 'to.

 

"Sasama ako sa lunch, Arkz." Drake.

 

Hala. Ang bilis ng karma.

 

“Whatever you want.” Sagot ni Arkzleyn kay Drake pero nakasunod pa rin ‘yung mga mata niya kay Name at Kyle. O baka kay Name lang talaga. Para’ng ayaw naman niya talaga kay Kyle, eh. At talaga ba’ng kay Chesel may crush si Kyle? Hmm…

:/

 

“Tatayo ka lang ba diyan?”

 

Nilingon ko si Drake na siya’ng nagsalita pero hindi siya nakatingin sa akin. Ako naman siguro ‘yung kausap niya diba? Ayoko naman maging assuming…

 

“Le-Selene.” Si Drake.

 

Ay? Ano’ng Leselene?

 

“Selene ‘yung pangalan ko, hindi Leselene.” Pagtatama ko sabay upo sa bakanteng silya sa harap ni Drake.

 

“Whatever.”

 

“Shut up, lovebirds.” Arkzleyn.

 

O.O

O///O

-_-

 

Ahem, relax lang Selene. ‘Wag masyadong obvious, okay?

 

“Ahem. Bakit hindi mo na lang sundan si Name?” Tanong ko para maiwasan ‘yung subject kanina. Nakatitig pa naman ng masama si Drake kay Arkzleyn.

 

“As much as it pains me to admit, tama siya Arkz. Para’ng hindi ka naman interesado sa lunch date niyo.” Wika ni Drake sabay roll eyes. Sinuklay niya ‘yung buhok niya gamit ang kanyang kamay.

 

*drools*

*look away*

 

“Natin.” Singit ko. “Hindi date namin. Tatlo naman tayo rito.”

 

“Ang sabihin mo, Drake. Pinapaalis mo lang ako para kayo lang mag lunch date.” Absent-minded na wika ni Arkzleyn. Kumunot ‘yung noo ni Drake sakanya.

 

“Wala ako’ng sinabi’ng ganyan.”

 

“Whatever you say.”

 

Ang drama naman pala ng dalawa’ng ‘to. Aba may soft drink. Kinuha ko ‘yung soft drink saka sumipsip. Nakatingin si Drake sa akin na para’ng ‘di makapaniwala.

 

“Selene.” Biglang tawag ni Arkzleyn sabay lingon sa akin. Napakaseryoso ng mukha niya. “May relasyon ba si Kyle saka si Dense?”

 

Bigla ko’ng naibuga ‘yung iniinom ko.

Kay Drake.

 

Patay times two.

 

[Chesel’s POV]

 

>n<

-O-

>.>

<.<

@~@

 

“AHH! CHESEL! BAKIT MO BA GINAWA ‘YUN?!” Inis na napakamot ako sa ulo habang palaboy-laboy rito sa kalsada. Talaga’ng lumabas pa ako ng school para lang makapag-isip.

.

.

.

.

.

‘Di joke lang. Nakokonsensya lang talaga ako sa ginawa ko’ng walkout drama kanina sa cafet. Ang feeling ko naman. Nahihiya tuloy ako’ng bumalik sa school, lalo na sa dorm. Kapag nakita ko si Namie, talaga’ng magso-sorry ako. Pero… hindi pa ako handang mag sorry ngayon! Mamaya na lang siguro. As for now, magda-drama na lang muna rito ako sa kalsada. Nagugutom pa naman ako.

 

Biglang may pumatak sa ilong ko. Pagsilip ko sa taas…

 

“Hala! Umuulan!” Takboooo!!!

 

---

 

Aaaaat, andito na ako sa ilalim ng puno. -_- Ang bilis rin ng karma. Saka ang basa ko pa. Haynaku. Wala na talaga’ng mas titindi sa kamalasan ko. Inaway ko na nga isa sa mga best friend ko, inabutan pa ako ng ulan SA LABAS NG SCHOOL. Alangan naman maglakad ako pabalik.

 

“Are you ing following me?!” Biglang bungad ni Chinito galing sa kabilang bahagi ng puno. Napahilamos na lang ako sa mukha ko.

 

Binabawi ko na. May mas titindi pa pala sa kamalasan ko ngayon.

 

“Seriously? Ikaw na lang ‘yung susu

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet