Chapter 13 [Abandoned]

OOML
Please log in to read the full chapter

[Name’s POV]

 

Alam niyo ‘yung feeling na akala mo, wala ng mas sasakit pa sa rejection niya pero meron pala. Akala ko magiging okay ako once na magkita kami uli. Alam ko naman na matatagalan pa ako bago maka move on dahil ganyan talaga ako pero akala ko din naman na kaya kong ipakita sakanya na okay lang ako. At sa isang iglap, hindi pala.

 

Hindi ako makahinga.

 

Binitawan ako ni Terrence saka tumayo sa harapan ko, nakatingin siya kina …. Hindi ko kaya’ng sabihin ‘yung pangalan niya. Nila. O kahit isipin man lang. Ayoko na. pagod na ako’ng umiyak at masaktan.

 

“Take Namie away, Psycho.” Narinig ko’ng sabi ni Terrence. Sinubukan ko’ng tumawa dahil sa ‘Namie’ pero wala’ng lumabas. Naramdaman ko ‘yung mga kamay ni Chesel sa paligid ko pero para’ng hindi ako makatayo ng matuwid.

 

Dumilim ang paningin ko…

 

“Terrence!” Ang huling narinig ko mula kay Chesel…

 

 

 

 

 

[Chesel’s POV]

 

Ayoko na. Ayoko’ng mag-isip. Ayoko…

 

Bakit ako ‘yung nandito? Bakit hindi si Selene? Or si Cassy? Ayoko na dito…

 

“Take Namie away, Psycho.” Sabi ni Chinito. I didn’t even have the heart to be angry at him. I just want this over.

 

Hinawakan ko si Namie sa magkabilang braso niya mula sa likuran saka hinila siya ng mahina papunta sa akin. Umatras siya kasama ko pero para’ng hindi siya makatayo ng maayos.

 

And to my horror, her legs gave way beneath her and stumbled to me.

 

“Terrence!” I shrieked and he immediately turned to us, eyes widening. He managed to hold Namie off me as I staggered backward, almost falling to my feet.

 

“Name Dense!” Sigaw ni Zoe saka lumapit sa amin. Nakatulala pa rin si Arkzleyn sa kinatatayuan niya.

 

“She’s okay. She just fainted.” Sabi ni Chinito. Hindi pa rin sumuko si Zoe. Ako naman, natuluyan na sa pag-upo sa sahig. Hindi na talaga kinaya ng mga tuhod ko. “I’ll carry her to clinic—”

 

“I’ll do it.”

 

Napatingin kami’ng lahat kay Arkzleyn. Bigla’ng trumiple ‘yung tibok ng puso ko.

 

“No.” Sabay na sabi namin ni Chinito. Tiningnan kami ni Zoe, naguguluhan. Umiwas ako ng tingin.

 

“Actually, tama si Arkz. Mabuti pa Chesel ay tawagin mo muna sina Selene at Cassy. Alam ko’ng mag-aalala sila.” Sabin ni Zoe at tumango na lang ako. God, I can’t even hate her. She’s too kind. “Terrence, samahan mo muna si Chesel. Para’ng namumutla siya eh.”

 

“But—”

 

“Sige na, Nate.” Sabi ni Arkzleyn. Second name ata ni Chinito. Nagtitigan muna sila ng ilang segundo.

 

“Guys please naman oh.” Sabi ni Zoe. Tumayo si Chinito na bitbit si Namie saka binigay niya kay Arkzleyn. Nakita ko’ng tinitigan nito si Namie nang mariin, nag-aalala ‘yung expression niya. Ang gulo nito, sumasakit na ‘yung ulo ko.

 

“Let’s go.” Nagulat ako nang bigla ako’ng hinakat patayo ni Chinito saka tinulak ng mahina pabalik sa cafet. Nilingon ko sa huling pagkakataon sina  Zoe at nakita ko’ng naglakad na sila papunta sa clinic. Umiwas ako ng tingin saka tumigil sa paglalakad.

 

“Kaya ko na.” Sabi ko kay Chinito saka mabilis na naglakad papunta sa Dormitory.

 

 

 

 

 

 

[Cassy’s POV]

 

=_=

 

Ang boring naman ng meeting na ‘to. Kanina ko pa talaga gusto’ng umuwi. Presidente pala talaga ng student council ang mokong na si Sean. Ang kainis pa ay naghihingi siya ng suggestion at tuwing itataas ko naman ‘yung kamay ko para mag suggest ay sasabihin niya na, “No suggestions?” saka hindi ako papansinin. Nagtataka na nga ‘yung mga kasama namin sa meeting eh.

 

Kaya naman, hindi na ako nakinig XD

 

“Cassandra, bawal ngumiti-ngiti rito.”

 

Napapitlag ako nang bigla ako’ng kinausap ni Sean sa kalagitnaan ng meeting. Pati ‘yung nagsasalita na si secretary ay napatigil rin.

 

Inis na tiningnan ko siya.

 

“Wow, sorry naman. Wala kasi ako’ng nabasa na protocol na gano’n. Sorry Mr. Pres ah.” Sarkastikong sabi ko. Nginitian lang niya ako. “Hoy Sean, bawal ngumiti-ngiti rito.”

 

Nawala ‘yung ngiti niya saka luming

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet