Late night…?

Kapitbahay ko
Please log in to read the full chapter

[Third Person POV]

 

“Return mo ‘to sa akin next time…” 

 

Ilang beses na nagpaulit-ulit ang phrase na ‘to sa ulo ni Winter. 

 

Aakalain siguro ng iba ay nababaliw na siya pero iba ang pag tingin ni Winter dito, she’s more than happy alalahanin ang nangyari nung binigay ni Karina ang baseball cap sa kanya. 

 

With her knees against her chest and a duvet covering her body, hawak na naman ni Winter ang itim na baseball cap ni Karina. 

 

Pwede na siya pagkamalan na aso kasama ang paborito niyang laruan. Ayaw niya kasi ito bitawan ever since nakuha niya ‘to. 

 

At sa dahilan na iyan hindi niya talaga maiwasan maalala ang may-ari ng baseball cap. 

 

“Return mo to sa akin next time… Return mo to sa akin next time… Return mo to sa akin next time.” 

 

Parang sirang plaka ang mag salita na ‘yon sa ulo ni Winter. Umaasa siya na baka kung iisipin niya ng madalas ang “next time” ay darating ito ng mas mabilis. 

 

Kasi sa totoo lang, naiinip na siya maghintay kung kailan dadarating ang “next time” na ‘yan. 

 

Hindi naman sa pagiging overdramatic, “Pero it’s been 3 days, 17 hours, 49 minutes and ticking seconds,” since ang last meet niya with Karina.  

 

“It’s equivalent to 2 months, it feels like it,” she whispers to herself habang nakatitig sa sumbrero sa kamay niya. 

 

“Mommy! Mommy! Good evening! Snow just gising from her nap! Snow is hungry!” 

 

Hindi agad napansin ni Winter si Snow kaya tumahol ito ng walang tigil at hinila-hila ang duvet na nakataklob kay Winter. 

 

Successful naman ang papansin ni Snow nang pinulot siya ni Winter para ilagay sa kandongan niya. 

 

“Do you miss her too, Snow?” sabay tanong ng kanyang amo. 

 

Snow tilts her head in wonder, “Miss who, Mommy? Snow hungry lang!” 

 

“I… want to see her again,” mahinang sambit ni Winter habang pinaglalaruan ang fur ni Snow. At parang on cue, nagpakita ulit sa kanyang isip ang mukha ni Miss Ganda, sanhi ng pag-init ng kanyang pisngi.

 

“Who Mommy miss? Snow misses whoever Mommy miss! Pero Snow hungry!” 

 

Snow jumps off her owner’s lap and cutely walks with her little steps toward her set of talking buttons. 

 

Binili ‘to ni Winter para kay Snow or more like para sa kanilang dalawa kasi madalas malost in translation ang dalawa. Mabilis naman natuto si Snow paano gamitin ito kaya medyo nagkakaintindihan na sila. 

 

“Food! Food! Food!” ika nito, tinalon-talonan pa ni Snow ang button ng ilang beses para makuha ang attention ng amo niya.

 

Winter composes herself and shyly smiles at her little fur, “Right, sorry, baby, I’ll get your pagkain.” 

 

Pagtayo niya, nahulog din ang duvet na nakataklob sa kanya. Winter quickly shivers once in contact sa malamig na hangin. 

 

“Cold…” she rubs her warm palms against her bare arms, pero tumuloy pa din siya sa kitchen para kunin ang pagkain ni Snow kahit nanginginig na siya sa lamig. 

 

“Here’s your food, baby,” sabi ni Winter sabay crouch para ibigay ang pagkain kay Snow. 

 

Tinapakan– or more like tinalunan naman ni Snow ang “Thank you, Mommy!” button before ito nagsimula kumain. 

 

Binalikan ni Winter ang nahulog niya na duvet sa living room bago tumabi kay Snow. She stares blankly kay Snow at hinayaan lumilipad ang kanyang isipan. 

 

Iniimagine niya na ano ang mga pwede nilang gawin ni Karina kapag dumating ang “next time” na ‘yan. 

 

Umabot na siya sa punto ng imagination niya kung saan masaya silang nagtatawanan sa isang coffee shop at sinusubuan siya ni Karina. Tapos hindi niya namalayan na may dumi pala sa labi niya kaya pinunasan iyon ni Karina gamit ang hinlalaki niya at–

 

“Ah. I have to talk to her.” Biglang sampal ng realistic side niya sa pagd-delusion niya. 

 

Masyado siyang na-enjoy sa pagmuni-muni na nakalimutan niya na ang bahagi ng panglandi ay ang makipag-usap sa crush niya. Hindi na din siya makabalik sa pag-iimagine dahil napansin niya na tumigil si Snow sa pagkain at tumingin sa pintuan palabas. 

 

“Snow-snow?” tanong ni Winter habang inoobserbahan ano ang susunod na gagawin ni Snow. 

 

Never iniiwan ni Snow ng hindi tapos ang pagkain niya, matakaw ito kahit sa liit niyang size. Kaya napaisip si Winter kung ano ang dahilan bakit nagmamadali ito pumunta sa pintuan.

 

Pagdating ni Snow sa harap ng pinto ay tumahol siya, looking back and forth to her owner and sa pintuan. 

 

“Mommy! Mommy! Miss Ganda outside! Outside!” she barks, out of curiosity, tumayo nalang din si Winter para malaman ano ang nangyayari. 

 

Snow scratches the wooden door, indicating her owner to check the other side. Masyadong excited ang pagkamot ni Snow sa pintuan, konti na lang siguro ay magkakabutas na ito. 

 

Sumilip si Winter sa peephole, tightly holding the duvet around her with one hand as the other helps her lean on the door. 

 

Even with the tiny, blurry peephole alam agad ni Winter kung sino ang babae nakatayo sa harap ng kabilang apartment room. 

 

Ang unang instinct niya ng nalaman niya sino ito ay buksan ang pinto, napakalakas pa nga ang pagbukas niya at buti nalang wala na si Snow sa likod ng pinto bago niya ito nagawa. 

 

“Miss Ganda! Miss Ganda! Miss Ganda!” nakaw attention na tahol ni Snow. 

 

Nang lingunin ni Karina ang likuran niya, parehong nagulat sila Winter at Karina nang magtagpo ang kanilang mga mata.

 

“Winter,” acknowledge ni Karina sa presence ni Winter, may kasamang ngiti pa sa labi.  

 

The owner of the name stands frozen, masyado marami ang nangyayari sa isipan niya, nagkakagulo, nag-mamalfunction siya, hindi alam kung gusto niya sumigaw sa saya, tumawa sa kilig, or umiyak for both kaya sa huli walang emosyon ang lumalabas sa mukha niya. 

 

Habang nagm-malfunction si Winter, humarap ng maayos si Karina at humakbang palapit. 

 

“Hello, anong meron?” 

 

Naunahan ni Snow ang kanyang amo sa pagbati sa babae. Nakuha na din ni Snow ang buong atensyon ni Karina, and just like that nakalimutan na si Winter na parang kawawang aso sa gilid. 

 

“Hi, bebe, ang cute-cute mo, kamusta na ikaw, hmm?” 

 

Hindi mapigilan ni Winter ang ngumoso ng kaunti. Masaya siya kapag nakakatanggap ng atensyon ang baby Snow niya, pero masama bang isipin na gusto rin niya makuha ang atensyon ni Karina?

 

“Snow-snow naman…” puna niya habang naka-tanaw sa dalawa. 

 

Tahimik lang si Winter naghihintay mapansin ni Karina. Ginamit niya na lang ang opportunity na ‘to para pagmasdan ang magandang babae sa harap niya. 

 

Ang outfit lamang ni Karina ay black oversize tee at denim shorts pero parang mababaliw na si Winter. “I know people say you can never go wrong with black, but gosh, I don’t think she’ll ever go wrong with any colour,”

 

Pansin na din ni Winter ang nakatali na buhok ni Karina, “Messy loose bun, classic pretty girl hairstyle.” Tumango-tango pa siya sa sarili niya as she approves of the hairstyle. 

 

Winter’s gaze follows the cascade of Karina’s hair strands, sa wakas ay dumapo ang kanyang mata sa mukha na ilang araw niya hinihiling makita. “I’m sure the gods used all of their talent into sculpting your face.” 

 

She suddenly clenches her first, “I wonder how it would feel to caress that perfect slope of her nose.” nagpipigil talaga siya na gawin ang mga iniisip niya. 

 

Ayaw niya naman maweirdohan ang crush niya at mawalan pa ng chance to shoot her shot. 

 

Mas nasubukan naman ang self-control niya nang umabot ang paningin niya sa mapupulang labi ng babae, “T-That damn mole is so nakakainis talaga! It’s so papansin!” 

 

“Ugh, why is my neighbour so maganda? I’m not complaining! It’s more of I’m so frustrated kasi she’s so maganda, so I can’t talk properly. I get distract–” 

 

“Winter?” Hindi agad napansin ni Winter na kinakausap na pala siya ni Karina dahil sa lalim ng thoughts niya– dahil na din gaano siya makatitig sa labi ni Karina.

 

“What?” snappy na sagot ni Winter, pero mabilis naman niya tiniklop ang bibig niya nung narealize niya ito. 

 

Nawalan na naman siya ng control sa tono niya. Madalas ito mangyari kapag nags-space out at nalulunod siya sa sariling thoughts. 

 

Pero buti nalang ay occupied pa din si Karina kay Snow at hindi niya napansin ang tono sa boses ni Winter. “Lalakad ba kayo today? It’s almost 12 a.m.”

 

Tumango lang si Winter, afraid she won’t have control over her tone again. 

 

Dahil din nagpipigil kilig siya, “She remembers…” dahil doon parang nagkaroon pa ata ng zoo ang tiyan niya at uminit ang pisngi niya. 

 

“Pwede sumama?” Again, bago siya makasagot naunahan na naman siya ni Snow. 

 

Tumahol ito,“Yes! Pwede sumama! Payag Snow! Payag Mommy!” tumawa si Karina dahil napaka-decisyon nito at pinang gigilan muna si Snow bago tumayo para harapin si Winter. 

 

A soft crease forms on Winter’s forehead, napansin niya kasi na biglang umiwas ng tingin si Karina.

 

“U-Um, before that– um,” sinundan ng mata ni Winter ang galaw ni Karina, ang gusot sa noo niya hindi pa din natatanggal. 

 

Karina kneels in front of her, may kinuha ito sa sahig at nakita naman ni Winter na duvet niya ang pinulot ni Karina. 

 

Ngunit, patuloy pa rin niyang pinapanood ang bawat galaw ni Karina nang walang kamalay-malay kung ano ang nangyayari. Hanggang sa nawala ang lamig na nararamdaman niya sa likod dahil ibinalik na ni Karina ang duvet sa kanyang balikat.

 

“I-I think mag bihis k-ka muna…” nauutal na sabi ni Karina, namumula ang pisngi at mahigpit ang hawak sa kumot nakabalot kay Winter. 

 

Unti-unti na nagp-process kay Winter ang pangyayari, at once nawala ang lamig sa katawan niya napalitan ito ng init sa mukha niya dahil sa kahihiyan.  

 

Naexpose niya lang naman

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
shipper_jmj #1
Chapter 3: Hala ka Miss Ganda, inaway mo mommy ni Snow. 😆 Ang cute cute so far ng story na 'to.
mitsii_chickin
#2
Chapter 3: Ang kyutie naman 😩
yowyowminji
#3
Chapter 3: Hoooyy!!!! THIS STORY IS SOOOOOO CUTE LIKE SUPER CUTE. And as a fluff enjoyer tuwang tuwa po ako sa tagged mo otornim hehe.
Pero bakit naman now ko to na discover habang on going pa? Sakit sa heart maghintay ng update. Pero no rush naman po take your time. ✌️🤗
jysowee
#4
Chapter 3: Hala naman hahah waiting na po sa next update ><
Young_DP
#5
Chapter 3: Hala ka nagalet tuloy
Young_DP
#6
Chapter 2: Cutieeee
Young_DP
#7
Waaaaaah
Db1234 #8
Chapter 3: Confirmed. Conyo rin ang amo ni Snow 😂
karinasaurus11
54 streak #9
Chapter 3: Oh no, miss ganda! What have you done?! HAHAHAHA suyo well, I guess. 😆
Antares_Parkiee
#10
Chapter 3: lagot ka miss ganda HAHHHAAHA. suyo well miss ganda sa dalawang aso Este sa mag-mommy