Lakwatsa with mag-amo?

Kapitbahay ko
Please log in to read the full chapter

[Karina’s]

 

Finally, natapos ko na din ang paper ko. Time check: 5:45 a.m. 

 

Ang aga ko nagising, nagmumukhang diligent student pero ang totoo wala pa akong tulog. 

 

Okay lang din naman since natulog ako kagabi at ngayong umaga ako nag-aral. 

 

Habang nag-iinat ay napansin ko ang neon pink na sticky note sa mini bulletin board sa harap ko.

 

M, W, F at 12 a.m. T, TH, SAT, SUN at 6 a.m.

Winter and Snow’s lakwatsa schedule 

 

Chineck ko ang date sa phone ko, and it says Saturday ngayon. 

 

Ibig sabihin ang ang daily lakwatsa nila Snow ngayon ay 6 a.m.

 

Should I take my chances? 

 

Well, I need my coffee intake din naman, hindi ako lugi if hindi ko sila maabutan. 

 

Isang week na din lumipas nung sinabi ni Winter gusto makipag hang out with Snow, nabusy kasi ako.

 

Bumangon na ako sa upuan ko para makapag palit ng damit, may butas na ang suot kong shirt, kahiya naman kung iisuot ko ‘yan sa labas. 

 

Napili ko lang magtank top at sweat pants, naglagay na din ako ng sumbrero kasi maiinit-init na din. 

 

“Mommy, Mommy, I want mag-go sa park ngayon. Mommy, Mommy.” 

 

Hindi ko pa na bubuksan ang pinto ko pero rinig ko na si Snow sa labas. 

 

Ngumiti ako, knowing tama ang timing.  

 

As I open my door, I’m greeted by two cuties. 

 

Dalawa silang nagulat sa paglabas ko. 

 

By gulat I mean natigilan talaga sila, they’re frozen on their stand habang nakatingin sa akin. 

 

Staring contest ba ‘to?

 

Nagtagal ang staring contest namin ng ilang minuto. Mukhang wala silang balak bumati ng una kaya ako na nagfirst move, para kasi kaming timang dito. 

 

“Good morning sa inyo.” 

 

Snow starts to bark nang nagsink in sa kaniya na nasa harap niya talaga ako.

 

“Miss Ganda! Miss Ganda! You’re here! You’re here! Good morning!” 

 

I chuckle upon hearing Snow’s thoughts, happy pill ko na ang asong ‘to eh. 

 

Sinirado ko muna ang pintuan ko bago lumuhod para bigyan siya ng attention. 

 

“Hello, Snow, good morning, lalakad ba kayo today, hmm?” pinanggigilan ko ulit ang cheeks niya, ang fluffy kasi. 

 

“Yes po! Yes po! Walk kami! Sama with us? Please?” Snow steps up on my knees para lang magmakaawa, flashing her literal puppy eyes, “Please? Please? Please?” 

 

“Hmm. Should I go with you?” tukso ko dito para lang makakuha ng pagpababy niya.

 

“Please, please, please, tell Mommy, you sama with us. Mommy will be happy! Snow will be happy!”

 

Magiging happy pa nga daw ang mag-ina, sino ba naman ako hindi pasayahin sila? Char.

 

Ininvite nila ako last time, so pwede naman ako sumama, diba? At 'yan naman talaga pakay ko eh. 

 

I look up to Winter and our gaze met, naka-tingin na pala siya sa akin. 

 

“Pwede ba sumama?” I ask, dalawa na kami ngayon nakatingala sa kanya since Snow decides to look up to her owner din. 

 

Hindi umimik si Winter, mga for a minute din siguro. 

 

Nakatitig lang siya sa amin, kahit naka-contacts ako ngayon hindi ko pa din mawari kung anong emotion nasa mukha niya or kung meron ba talaga. 

 

After non, tumango siya. 

 

Sabay kami nagkatinginan ni Snow, I smile while she barks. 

 

“Arf!”

“Yey! Miss Ganda will come! Snow happy! Mommy happy! Is Miss Ganda happy too? Is she? Is she?” umikot-ikot si Snow habang wagas kumawag ang buntot niya. 

 

Tumawa ako ng bahagya. Sige, sabihin na natin happy din ako. 

 

I ruffle Snow’s fluffy head bago tumayo at tiningnan si Winter, “Tara na?” 

 

“Let’s go! Let’s go! Snow is ready to walk!” mas nauna pa sumagot si Snow sa amo niya. Ang kulit talaga ng bebe na ‘to.

 

“Winter?” tawag ko ulit sa kanya kasi hindi siya sumagot, para bang bumalik siya sa reality nang tinawag ko siya. 

 

She nods her timidly, “Let’s go,” sabi niya pero halos hindi ko nga marinig. 

 

Pagkalabas namin sa building, inisip ko makipagchiakahan man lang with Winter. 

 

Masyado kaming tahimik eh, puro thoughts lang ni Snow ang naririnig ko. 

 

Paulit-ulit lang din siya ng,“Snow is going to walk! With Mommy and Miss Ganda! Snow is happy! So Masaya!” 

 

I’m having a hard time to not display a wide grin on my face habang naririnig mga pinagsasabi ni Snow, baka kasi isipin ni Winter takas mental ako. 

 

“Saan pala tayo?” 

“Park.” 

 

Napaka-informative naman, ang daming park po dito. Sunod-sunod lang ako sa mag-amo, nagtext ako sa kaibigan ko na kung mawawala ako, silang dalawa ang last ko kasama.

 

Habang naglalakad nalunod ulit ako ng tanong na, ano ang pwede ko tanongin or sabihin next kay Winter.

 

Wala akong maisip na topic kasi I barely know her. 

 

Barely as in two things lang ang alam ko about sa kanya. 

 

Amo siya ni Snow at pangalan niya ay Winter. 

 

Hindi ko nga alam kung anong edad niya, nag-aaral pa ba siya, nagtratrabaho or baka bampira talaga siya.

 

Samantala si Snow ang ganda ng mood niya sa walk niya kuno, ako dito nahihirapan pano maki-usap sa amo niya.

 

I sigh. Wala naman akong mapapala kung iniisip ko lang, I’ll ask daily question na nga lang. Nothing could go wrong with it, diba?

 

“Kumain na kayo?”

“Yes.” 

 

“Inaantok ka pa ba?” 

“No.”

 

"Uulan ba bukas?"

"Yes."

 

"How about mamaya?"

"No."

 

Nothing could go wrong nga puro yes and no lang din naman ang nakukuha kong sagot.

 

Kung itatanong ko ba na crush niya ba ako, ano kaya sagot niya?

 

Sinulyapan ko si Winter. 

 

Her face is void of emotion as usual but the bubble of her cheeks defeats that intimidating aura. 

 

Pwede ba maging adorable pero nakakatakot at the same time? Oo, since Winter exist.  

 

“Ganda ng araw, no?” tanong ko habang nakatitig pa din sa kanya. 

 

She turns her head to my direction, kaso parang nagulat siya na naka-tingin na ako sa kanya at bigla siyang natapilok. 

 

Buti nalang mabilis ang reflex ko at nasalo ko siya agad.

 

“Okay ka lang?” ask ko, hindi siya sumagot at hindi ko din makita ang mukha niya kasi nakayuko siya. 

 

"Mommy? Miss Ganda, what happened to Mommy? Is Mommy okay? Mommy?” rinig kong tanong ni Snow, pero mas tinutuan ko ng pansin ang amo niya muna. 

 

Explain ko sayo maya, bebe, kasi hindi ko din alam kung okay ito si amo mo. 

 

I’m holding each of Winter’s elbows while she clasps on my arms, I lower my head a bit para lang makita ang mukha niya. 

 

“Winter? Are you–” nagtugma ang mata namin nung sumilip ako, para siya nagrecoil at umatras, muntik tuloy siya matapilok ulit pero I prevent that quickly by hol

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
shipper_jmj #1
Chapter 3: Hala ka Miss Ganda, inaway mo mommy ni Snow. 😆 Ang cute cute so far ng story na 'to.
mitsii_chickin
#2
Chapter 3: Ang kyutie naman 😩
yowyowminji
#3
Chapter 3: Hoooyy!!!! THIS STORY IS SOOOOOO CUTE LIKE SUPER CUTE. And as a fluff enjoyer tuwang tuwa po ako sa tagged mo otornim hehe.
Pero bakit naman now ko to na discover habang on going pa? Sakit sa heart maghintay ng update. Pero no rush naman po take your time. ✌️🤗
jysowee
#4
Chapter 3: Hala naman hahah waiting na po sa next update ><
Young_DP
#5
Chapter 3: Hala ka nagalet tuloy
Young_DP
#6
Chapter 2: Cutieeee
Young_DP
#7
Waaaaaah
Db1234 #8
Chapter 3: Confirmed. Conyo rin ang amo ni Snow 😂
karinasaurus11
54 streak #9
Chapter 3: Oh no, miss ganda! What have you done?! HAHAHAHA suyo well, I guess. 😆
Antares_Parkiee
#10
Chapter 3: lagot ka miss ganda HAHHHAAHA. suyo well miss ganda sa dalawang aso Este sa mag-mommy