Tenant sa 401

Kapitbahay ko
Please log in to read the full chapter

  

[Karina]

 

Papunta ako sa basuharan ngayon.

 

Oo, sa basahuran para magtatapon ng basura, ano pa ba ang gagawin ko don?

 

Tahimik lang ang lobby, pati sa pagsara ko ng pintuan ng apartment ko ay rinig na rinig ito. In a distance naman maririnig mo ang karaoke kasi may nagb-birthday party sa labas.

 

At nang nasarado ko na ang pintuan ko, I can’t help but glance sa apartment room across mine.

 

Tumingin ako sa number ng pintuan. 401.

 

Hmm, ang tahimik ah. Nagpatuloy na ako sa paglakad para pumunta sa basurahan.

 

Naisip ko ang kapitbahay ko.

 

Minsan mo lang makikita ang naka-tira sa 401, para siyang mythological figure na if ever makita mo siya, pwede na iconsider na milagro. 

 

— Or may third eye ka, either way, para siyang magical someone.

 

Sabi nga sa tabi-tabi ng mga Marites ay baka daw wala talagang nakatira sa 401, dahil napakatahimik nito — icompare mo ba naman sa mga kagaya nila na karaoke ang almusal — at baka haunted daw ito. 

 

Kapaniwala-wala din dahil sa chilly vibes kuno, totoo naman sa part na ‘yon, minsan feeling ko nanlalamig ako kapag napapadaan doon. 

 

— Or baka dahil malakas lang ang aircon nila sa loob. 'Di mo sure.

 

Subalit, ngunit, pero.

 

Maniniwala na sana ako. 

 

Keyword: sana. 

 

If I never met her, but I have. 

 

Nakita ko na ang tenant sa 401. 

 

At makikita ko siya ulit ngayon. Sure ako, kasi naririnig ko na palapit na siya. 

 

Nakatayo ako ngayon sa likod ng aparment building namin, nagka-urge kasi ako maglinis in the middle of the night. 

 

Gets niyo ‘yon? Mga procrastination moments.

 

May essay akong dapat gawin pero suddenly parang ang dumi ng kwarto ko at ang baboy tignan. 

 

Kaya ito, napadpad ako sa harap ng basurahan at naka pyjamas at hoodie lamang. Ang alam ko kanina lang nags-staring contest kami ni blank document sa Google–

 

“Si Miss Ganda!” 

 

Ayan na nga ba ang sinasabi ko. 

 

Hindi muna ako lumingon, alam ko gaano ako katanga tingnan ngayon kasi kaharap ko ang sandamakmak na garbage bags pero kasi…

 

“Miss Ganda! Miss Ganda! Lumingon ka! Lumingon ka! Miss Ganda!” 

 

Kailangan ko ibrace ang aking self. Need ko umakto na wala akong alam— or naririnig.

 

Minsan hinihilingin ko na umalis nalang sila, at dumiretso sa loob ng building.

 

Pero alam ko hindi sila aalis hangga’t hindi ko sila tinitingnan. 

 

Kaya nang nakakuha na ako ng enough na lakas ng loob, hinarap ko sila.

 

Binagsak ko agad ang tingin ko sa baba. 

 

Kung saan naka-tingala sa akin ang napaka-hyper na puting aso. 

 

Halos tumalon ito para lamang mahawakan ko siya, its wag of tail and barks are eager makuha ang attention ko. 

 

“Miss Ganda! Miss Ganda! Na miss kita! Sobra! Sobra! Miss Ganda!” 

 

Nagpipigil ako ng tawa, sobrang excited ng asong ‘to. Lumuhod ako para malapitan ito. 

 

“Hello, Snow, how are you?” ask ko sa napakakulit na aso in a baby tone. 

 

Alam ko naman na we usually do this sa mga pets even knowing they wouldn’t reply. 

 

At least not with words we use, kabahan kayo kapag marunong magsalita ng human language ang mga aso niyo. 

 

Pero kasi… “Miss Ganda! Okay ako! Great! Nagwalk kami! Walk! Fetch! Madilim but saya!” naririnig ko ang sagot ng asong ‘to.

 

“Aww, did you have fun ba magwalk outside?” pinanggigilan ko ang cheeks ni Snow, rubbing its snow-like fur. 

 

Snow is a small Maltese dog with a short trim. She’s a cute one at very, very, makulit. 

 

Magkahawig sila halos ng amo niya, pero personality wise… hindi siguro. 

 

Well, for the time being. Hindi ko (pa) kasi kilala masyado ang amo niya.

 

And speaking of, binaling ko ang tingin sa owner ni Snow, “Hindi ba kayo nilamok?” I ask. 

 

Umiling lang siya, nothing more and nothing less. 

 

Sanay na din ako at tumango nalang. 

 

Palagi siyang ganito whenever we meet, like right now, I barely hear her speak at mostly kami lang ni Snow ang nag-iinteract. 

 

Tumingin ako ulit kay Snow na nagpapababy sa akin, she's rubbing her head sa kamay ko.

 

Habang ang amo niya parang istatwa nakatayo ngayon, or maybe more like a white lady?

 

Her skin is almost as pale as Snow’s fur. Bakit ko alam? Naka-sleeveless top siya at jogging pants. 

 

Medyo malamig ngayon — kasi gabi na, the only time na medyo malamig — pero nakasando lang siya, hiyang-hiya ako sa makapal kong hoodie. Akala mo hindi nakatira sa Pilipinas.

 

Nakakatawa lang din gaano kasimilar ang short blonde hair niya sa face haircut ni Snow. 

 

If naka pigtails siya, baka mapagkamalan ko na kambal sila ni Snow. 

 

Compliment 'yan!

 

Ngayon lang ako naniwala sa kasabihan na “owners looks like their pets.” 

 

Kagaya nung sa cartoon movie na "Pets" may hawig nga din kaibigan ko doon eh, si Gidget.

 

And I think Snow and Winter are the epitome of that saying. They look alike talaga.

 

Tumayo na ako at pinagpag ang pyjamas ko na dinikitan ng fur ni Snow.

 

Minsan umaabot pa to sa bibig ko. Nagugulat nalang ako kapag kumakain ako tapos may puting balahibo sa bibig ko, akala ko kung kaninong uban e buhok lang pala ni Snow.

 

“I won’t keep you guys long na, late na din,” pagpapaalam ko sa kanila with a smile, my eyes mostly at Snow. Who’s now pouting – di ko talaga masabi pero still – and eyeing me with her pleading eyes. 

 

“What?! No?! Ayaw! Ayaw! Gusto ko pa play, Miss Ganda!” Snow turns to her owner, kinakaluskos ang binti ng amo niya. 

 

“Mommy! Sabi mo want mo makita si Miss Ganda! She’s here! She’s here! No uwi!” Snow continues to whimper. 

 

At ako dito, sa gilid, nakapikit ang mata. 

 

It feels so wrong makinig sa sinasabi ni Snow! 

 

Ano ba ‘yan, Snow?! 

 

Bakit ako gusto makita ni Winter?! Ayoko naman mag-assume pero I think gets ko? Ata?

 

Ang misleading lang, though. 

 

Kasi ang amo niya, halos walang emotion sa mukha. 

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
shipper_jmj #1
Chapter 3: Hala ka Miss Ganda, inaway mo mommy ni Snow. 😆 Ang cute cute so far ng story na 'to.
mitsii_chickin
#2
Chapter 3: Ang kyutie naman 😩
yowyowminji
#3
Chapter 3: Hoooyy!!!! THIS STORY IS SOOOOOO CUTE LIKE SUPER CUTE. And as a fluff enjoyer tuwang tuwa po ako sa tagged mo otornim hehe.
Pero bakit naman now ko to na discover habang on going pa? Sakit sa heart maghintay ng update. Pero no rush naman po take your time. ✌️🤗
jysowee
#4
Chapter 3: Hala naman hahah waiting na po sa next update ><
Young_DP
#5
Chapter 3: Hala ka nagalet tuloy
Young_DP
#6
Chapter 2: Cutieeee
Young_DP
#7
Waaaaaah
Db1234 #8
Chapter 3: Confirmed. Conyo rin ang amo ni Snow 😂
karinasaurus11
54 streak #9
Chapter 3: Oh no, miss ganda! What have you done?! HAHAHAHA suyo well, I guess. 😆
Antares_Parkiee
#10
Chapter 3: lagot ka miss ganda HAHHHAAHA. suyo well miss ganda sa dalawang aso Este sa mag-mommy