Special Chapter

Thesis Chronicles ni Wendy Son
Please Subscribe to read the full chapter

 

Irene Bae.

Isa sa mga pinakamatunog na pangalan ng kursong Law Enforcement Administration. Lahat na siguro ng magagandang katangian sa isang estudyante ay nakuha na nito kaya hindi na sila magtataka kung 2 beses man itong manalo bilang President ng LEAdSO or Law Enforcement Administration Society Organization. Favorite pati ito ng faculty members at tawagin parati ng mga professors nila dahil isa siya sa mga estudyante ng LEAd na ayon sa kanila ay matitino kausap at halimaw sa recitation. Dahilan din ito kung bakit tinagurian siyang crush ng bayan sa LEAd Department, resulta kung bakit din abot-langit ang galit at ngitngit ng mga upperclass nila sa kanya dahil mas sinusunod ng mga juniors ito kesa sa kanilang mas senior pa sa kanya. Kaya hindi nila maiwasan na parusahan ito nang walang dahilan o pinipilit alipinin para makuha ang gusto nila.

“Buddy! Nako,balita ko nilalandi ni Bae yung bata mo ah”, biro ng upperclass na si Namjoon Kim sa isa sa mga kasamahan nila.

“Oo nga buds, may nakapagsqueal nga sakin, hinahatid pa daw si Jennie sa motor” gatong pa ng isang kasama na si Jimin Park. Hindi na nakapagsalita sa galit  si Taehyung Kim at biglang tumayo.

“Platoon 1A! Form!”,biglang tawag nito sa mga naglalakad na mga juniors sa pathway habang ngumingisi ang mga kasama sa likod. Nilapag agad ni Irene ang bag at dali-daling sumunod tulad ng mga kasamahan.

“Tune!!!, Yung mga nahuli mag-duck walk nga kayo! Kapag sinabi ko na form tumakbo agad! Tangina ang kukupad!”, Singhal pa nito na nakatutok lang ang tingin kay Irene habang abala ang mga ito na ayusin ang formation nila.

“Plus 5!!!”

Agad na sumunod ang buong platoon at lumiyad ng 45 degrees at nilagay ang mga nakayukom na kamay sa may pwetan.

“Na-welcome lang kayo putcha ang yayabang niyo na ah, anong ‘kala niyo hindi samin makakarating yung mga ginagawa nyong kalokohan ha?! May nakarating na balita sakin na may junior daw na binibilangan ang senior! Tigas ng mukha niyo ah! Ganyan na ba talaga kalaki yung tingin niyo sa sarili niyo? Baka nakakalimutan niyong may mas nakakataas pa sainyo at kayang kaya kayong ibalik sa pagka-plebo? Tsk”,

Pinawisan ng malamig si Irene. Alam niyang siya ang tinutukoy nito ngunit hindi nito alam ang buong kwento at taliwas sa binanggit ni Taehyung, hindi senior ang binilangan niya kundi ang girlfriend nitong si Jennie Kim na dating kaklase niya mula sa Platoon C.

(FLASHBACK)

Saktong pauwi siya na siya nang madatnan niyang may nakayuko sa kiosk. Napagkaalaman niyang si Jennie Kim ito at inaapoy ng lagnat. Dahil nga likas na sa kanya ang pagiging Mother Teresa, inugoy niya ito upang kumustahin.

“B-buddy? Bakit andito ka pa? Nilalagnat ka pa naman”, Nagmulat ng saglit si Jennie na tila lantang gulay na namumutla ng bahagya ang mukha.

“B-buds okay lang ako, hinihintay ko pa kasi si Sir Taehyung eh”, lingid sa kaalaman nito kanina pa nakauwi  ang iniintay nito kasama ang barkada niya. “ Nakatulugan ko na tuloy, asan na ba yun?”,

“N-nako buds, kanina pa ata nakauwi si Sir eh, anong oras na din pati, gusto mo ihatid nalang kita? Mukha kasing mahihirapan ka magcommute niyan”, alok niya pero tinanggihan naman ito ni Jennie.

“Hindi na buddy, k-kaya ko pa naman maglakad, salamat nalang”,

“Buddy baka lalo ka lang lagnatin niyan, tara na, ihahatid nakita”, kinuha niya na ang bag nito pero patuloy pa din ang pagtanggi ni Jennie.

“Isa buddy Kim! Huwag na makulit, sige ka baka pag nalaman ni Sir Taehyung na sakitin ka baka maturn-off sayo yun, gusto mo ba nun ha?”, panunukso nito habang inaakay na siya tungo sa motor niya. Hindi na nakatanggi si Jennie sa kanya at sumakay na sa motor.

“Lakas talaga ng tama mo kay Sir no?”, pagbibiro ni Irene habang nagmamaneho na ikinangiti naman ng angkas.

“Syempre, bukod sa gwapo, mabait at sweet pa, pero sa akin nga lang, tsaka approved pati siya ng mga magulang ko”, kahit na nanghihina umiibabaw sa boses nito ang pagkakilig. Natawa nalang si Irene habang nagbabyahe.

 (END OF FLASHBACK)

“Kung walang aamin sainyo pare-pareho kayong mahihirapan!!!”, galit na bulyaw nito sa kanila.

Umamin na kaya ako?

Tiningnan niya ang mga kasama, saktong magtatanghalian na nang matapos ang klase nila sa Criminalistics 1 at pare-parehas lang sila hindi pa kumakain. Kahit natatakot sa posibleng parusa na makuha, matapang na nagtaas siya ng kamay na ikinagulat ng mga kabuddy niya at halatang kinatuwa ng mga upperclass nila.

“Sir permission to make a statement sir!”,

“Granted”  

 “Sir ako po yun sir!! Pero-“,

“Wala nang pero pero, umamin ka na eh”, singit ng senior niyang si Jimin Park. Pinili nalang ni Irene na manahimik kesa humaba pa ang problema, marahil ay nasanay na siya na lagi na lamang siya pinupuntirya ng mga seniors.

“Ms. Bae, harap sa likooood, ‘rap!”, command ni Taehyung Kim at agad namang sinunod ni Irene. “Proceed to the front!”

“Harap sa likooood, ‘rap!! Tune!!! From that matter give me 50 knuckle push-ups!! Move!!”

“Sir yes Sir! 1-2-3-1,  1-2-3-2,  1-2-3-3, 1-2-3-4 -” Kita sa mga mukha ng mga kasama ang pagka-awa kay Irene habang pinaparusahan ito ngunit wala silang magawa dahil alam nilang do-doble ang magiging parusa nila kapag nakialam sila pasya ng mga upperclass.

“Huwag kayong magkakamaling mag-identifying sa harapan dahil lalo lang kayong hindi matatapos dito. Eyes to the front at hindi sa kabuddy niyo!!”, sigaw ni Namjoon sa mga juniors.

Namamaga at sugatan ang kamao ni Irene dahil sa parusang natamo sa ilalim ng command ni Taehyung Kim. Ramdam na din ang ngalay sa magkabilang kasu-kasuan niya dahil dun kaya halos hindi siya makakain ng maayos ng matapos ang parusa niya.

“Oh, kumain ka na”, tiningnan niya ang nakatutok na kutsara na may kanin at ulam na hawak ni Wendy Son, ang tropa niya na may lihim siyang pagtingin. Agad siya nitong tinakbuhan kasama si Yeri nang malaman ang nangyari at agad siyang dinala sa clinic para gamutin ang sugat.

“Yan ang napapala ng kabaitan mo, paano ka makakapagsulat niyan?”, inis na sabi pa nito habang sinusubuan siya ng pagkain.

“Kaya ko pa naman po magsulat, kesa naman madamay yung mga kasama ko? Tsaka isa pa mga gutom na yung mga yun-“

“At ikaw hindi?”, mataray na sagot ni Wendy. Kahit na nagsusungit ito sa kanya alam niya naman na  concerned lang ito sa kanya na siya namang kinasasaya ng puso niya.

“Gutom pero alam ko namang ako yung tinutukoy nung mga kupal na yun eh”

“Uy Irene Bae, dahan-dahan ng pananalita dyan baka mamaya may spy pala dito yung mga yun”, saway naman ni Seulgi habang abalang kumakain.

“Tsk”

“Excuse po Ma’am Son” bati nang juniors nilang si Winter Kim at Karina Yoo habang kumakain sila. “Pinabibigay daw po ni Sir Mark Tuan” sabay abot ng isang pack ng sour candies saka umalis.

“Ayhala siya, may admirer pala ang ante mo oh, senior pa”, pang-aasar ni Yeri na kinikilig sabay hampas kay Wendy.

Huh?

Nilingon-lingon ni Wendy ang paligid at nakita ang grupo ng seniors na sina Mark Tuan, Jongin Kim, Changsub Lee at Baekyun Byun na nakaupo sa may unahan ng carinderia ni Mang Hodong. Pinagkakantiyawan nila ang kasama na panay ang nakaw ng tingin kay Wendy. Nginitian lang ito ng tipid ni Wendy at ibinalik ang tingin kay Irene at tinuloy ang pagsubo ng pagkain sa kanya. Kita sa mukha ng dalaga ang pamumula. Nawalan tuloy siya ng ganang kumain.

Bagay silang dalawa.

 

Buong hapon na halos wala sa sarili si Irene. Wala siyang karapatan magselos sa kung anuman ang namamagitan kay Wendy at Mark. Hindi man ito pormal na nagpapakilala na manliligaw kay Wendy pero halata na dito ang laging pa-special treatment sa dalaga tuwing may Physical Fitness Test or Monday Formation and Inspecti

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
PANDANDAN
Mga anak ng Diyos kong readers, pagpasensyahan niyo na po kung meron man kayong makita na grammatical errors habang nagbabasa hehe (^_^)*

Comments

You must be logged in to comment
wenrenes
#1
Chapter 4: kuhang kuha ng chapter na ‘to yung inis ko lalo na sa tita ni irene at yang taehyung na yan 😭 pati yung nickhun din pala. napaka bad timing naman para sa kanila nung pangyayari :( love that there’s already a pov for irene at para mapakita na din yung ganap and struggles niya. napaka masalimuot naman ng mga personal problems nila wendy and irene dito, these girlies just can’t catch a break 🥲 i hope that they will be each other’s pillars in the coming chapters.

ang husay po ng pagkakasulat niyo sa paglalahad ng struggles ng dalawang bida sa story niyo. dalang dala pati emotions ko. i’m looking forward for the next chapters! kaabang abang talaga ang mga eksena. thank you for the update, author!
wenrenes
#2
Chapter 3: thank you for this update! i'm glad na nakapag open kahit papaano si wendy kay irene dito kasi ang bigat isarili yung mga problems niya 🥺 sana from now on magiging somebody to lean on na ni wendy si irene dito more than ever. ang cute din ng moments nila dito ramdam ko yung kilig ni irene 😭 can't wait for the next chapters!
moonbliss
#3
Chapter 3: ang gandaaaa super, galing niyo po magpaluha grabe! gusto ko tong thesis adventures nila kasi I know magiging mabigat to and hindi nga ako nagkamali, lumuluha na po ako ngayon malala 🥲

hindi ko pa man din masyadong kilala ang character ni irene pero alam kong genuine siya na gustong gusto niya talaga si wendy. ang bigat bigat ng kada chapter nito, naaantig at kumikirot yung puso ko dahil sa mga bagahe ni wendy. masaya ako na nandyan si irene para sa kanya, ibang klase yung character niya rito, yung pag-aalaga niya kay wendy, sobrang nattouch ako kaya di ko rin mapigilang hindi maluha.

super fresh ng concept and to think na slowburn pa to? para kong nanonood ng kdrama na drama ang genre kasi legit mabigat agad sa first chapter pa lang. ang ganda ganda po talaga, real. napakabigat ng story mo from the start pero you deliver it good!

sana dumami pa magcomment rito sa istorya mo na ito kasi deserve mo yun as an author atsaka naniniwala ako sa kakayahan mo na magsulat ng magandang obra! hindi na rin kasi ganon karami ang nagsusulat ng tagalog fics lalo na sa wenrene kaya saludo agad ako sayo! salamat sa paglalaan ng oras para i-share sa amin ang mga sulat mo! 🥰

looking forward for the next update po ako! hanggang sa susunod na chapter, mag-iiwan ulit ako ng comments para sayo! 😊
thequietone
16 streak #4
Chapter 2: Huhu wendy ang hirap ng sitwasyon niya :( walang pahinga laging kayod ng kayod pati thesis niya naaapektuhan na ang hirap sobrang bigat buti nlang nandiyan mga kaibigan at si irene natutulong sa kanya.
wenrenes
#5
Chapter 2: ang bigat ng chapter na to. nakailang luha ako legit. ramdam na ramdam ko yung bigat na nararamdaman ni wendy dito with her family problems. mas lalong nakakasakit makita na ginawa niya na lahat sa thesis niya pero di pa rin na approve. nakakaloka 😭 ang heartwarming nung part na cinonsole ni irene si wendy 🥺 i hope everything goes well for wendy soon. thank you for the update!
wenrenes
#6
Chapter 1: ang interesting ng kwento!! feel ko din tuloy namomroblema na din ako sa thesis ko kahit hindi pa naman. looking forward sa next chapter ng thesis adventure ni wendy (at ni irene) !