end 1.1
Thesis Chronicles ni Wendy Son3rd Year
Second Sem
Chapters 1, 2 and 3.
Nang ma-approve ang title ni Wendy sa kanyang thesis, agad niyang inasikaso ang paggawa ng Chapters 1 2 and 3. Medyo nangangapa pa nga lang siya pero ina-assure niya sa sarili na kaya niya ito. Edit dito, print doon, then hanap sa thesis adviser niya na daig pa ang wanted sa pagtago para magpacheck ng manuscript niya.
The number you have dialed is either unattended or out of coverage area,
Please try again later
“Pambihira, pang ilang try ko na to ah”, tila pinagti-tripan ata siya ng thesis adviser niya, bukod sa mahirap kausapin, ilang beses na din siya nitong hindi sinisipot tuwing sasadyain niya ito sa opisina ng department nila. Napakapa tuloy ng bulsa si Wendy, 120 PHP na lamang ang natitira niyang pera at nahihiya na siyang humingi ng pera sa mama niya, hindi pa kasi ito sumusweldo dahil delayed lagi ang pasahod sa pinagtatrabahuhan nito. Simula kasi nung namatay ang papa niya, nagbago na ang takbo ng buhay nila. Kinakailangan na nilang mag-adjust ng pamumuhay at magtipid dahil ang mama nalang nila ang bumubuhay sa kanilang magkapatid. Panganay si Wendy kaya siya na din ang katuwang ng nanay niya sa bahay. Kaya sa pagkakataong ito, naiinis siya dahil kailangan niyang pagkasyahin ang pera niya at hindi nakakatulong ang buwisit niyang thesis adviser. Hindi ba nito alam na hindi siya nagtitisod lang ng pera sa daan? Napatingin nalang siya sa langit. Pinipigilan niya ang mga luha niya sa pagpatak.
Papa, kung andito ka lang sana.
Huminga na lang siya ng malalim. Kailangan na niyang umisip ng paraan para kumita ng pera kahit papaano. Hindi din nakatulong sa pag-iisip niya ang pagkulo ng tiyan niya. Takte talaga. Mukha namang hindi na naman siya sisiputin ng thesis adviser niya kaya nagpasya na lamang siya lumabas ng school. Hindi na din kasi niya matiis ang gutom kaya dumiretso na siya sa carinderia ni Mang Hodong.
“Oh Wendy, bakit iisa kalang iha?Asan ang tropa?”, tanong ng matanda.
“Ah, busy na din po kasi sila sa thesis nila Manong kaya di na din po kami madalas magkita kita”
“Hala sige, pumili ka na diyan ng ulam mo diyan”
“Ah hindi muna po Manong, sabaw at kanin nalang po muna ako, medyo tight po kase yung budget ko ngayon”, hindi siya tumingin sa matanda dala ng hiya niya sa sarili.
“Wendy, huwag mo na muna isipin yun, hala sige, pumili ka na diyan ng ulam mo, ako na ang bahala sa bayad mo”, tiningnan agad ni Wendy ang matanda dahil baka binibiro lamang siya nito ngunit kita sa mga mata ni Mang Hodong ang pagkasincere.
Akmang tatanggi siya pero sa inunahan na siya ng matanda. “Huwag ka nang tumanggi at pumili ka na, sige ka magtatampo ako nyan”.
“S-salamat po Manong”, mahina niyang sabi. Gusto niyang maiyak dahil parang napakinggan ng langit ang kalam ng sikmura niya kaya siya nalibre sa pananghalian niya.
“Maraming salamat talaga Manong, hayaan niyo po paminsan, minsan tutulong po ako sa inyo dito sa carinderia”
“Naku Wendy, wala na sa akin yun, para ko na kayong mga anak na magto-tropa, tsaka baka naman mawalan ng trabaho ang mga trabahador ko dito dahil alam kong napakasipag mong bata, basta ang mahalaga magfocus ka sa pag-aaral mo”, Hulog ng langit nga ata si Mang Hodong, minsan nakikita ni Wendy ang papa niya sa matanda, dahilan para gumaan ang pakiramdam niya.
Pagkatapos magpaalam sa mabait na may-ari ng carinderia, dumiretso agad si Wendy sa Computer at Printing shop. Aasikasuhin pa kasi niya ang mga rating at comment sheets niya para sa nalalapit na defense para sa thesis proposal nila. Medyo may kamahalan ang print dahil colored ito kaya medyo masakit sa bulsa pero wala naman siyang magagawa dahil kailangan pa din niyang gumastos para sa thesis niya.
Kinagabihan, halos hindi makakibo si Wendy sa kwarto niya dahil 60php nalang ang natitirang pera niya.
Sasabihin ko na kaya kay Mama?
Nakokonsensya kasi siya dahil nakailang hingi na siya ng pera sa nanay niya ngayong linggo. Nakokonsensya siya dahil bukod sa kanya, pumapasok pa din ang kapatid niya at tulad niya, may mga kailangan din itong bayarang mga projects sa school at namamasahe din katulad niya.
“Wendy, Renjun?!”, naulinagan siya nang marinig ang ina na kararating lang galing trabaho. Lumabas na siya ng kwarto at dali-daling hinanda ang hapunan nila. Tinawag na din niya ang kapatid na busy sa pagce-cellphone.
Para makabawi sa hirap ng nanay niya sa pagta-trabaho, minabuti ni Wendy na siya na lamang ang mag-asikaso sa bahay pagkauwi galing school. Dahil dito, nakatuto siyang maglinis ng bahay, maglaba at magluto, bagay na pinapagsalamat ng kanyang nanay sa kanya.
“Ah, Ma? May babayaran nga pala kame sa school sa Monday, fine daw nung nakaraan kasi hindi ka naka-attend nung last PTA meeting”, tiningnan agad ni Wendy ang nanay niya na natigilan sa pagkain sa sinabi ng nakababatang kapatid na si Renjun.
“G-ganun ba bunso?Magkano daw?”,
“200php daw po kasama daw po yung last meeting na hindi ka din naka-attend”
Natahimik ng saglit ang nanay nila habang kumakain. Dahil sa dami ng trabaho nito sa opisina, hindi na din nito maasikaso silang magkapatid. Kahit hindi magsalita ang nanay nila, ramdam ni Wendy ang pag-aalala nito sa gastusin nila sa bahay.
“Sige anak, titingnan ko kung makakahiram ako ng pera sa mga tita mo, hindi pa daw kasi dadating yung sweldo naming ngayong buwan”, bumaling ang tingin ng nanay niya kay Wendy, “Ate ikaw, may bayarin ka din ba sa school?”,
Gustong gustong sabihin ni Wendy ang nakapending na babayaran niyang fee para sa defense niya pero malinaw naman sa kaniya ang sitwasyon nila ngayon.
“A-ah wala naman po Ma”,
“Sige, pero 'pag kapag meron, sabihin mo agad sa akin anak ha? para magawan ng mama ng paraan”, tumango nalang si Wendy pero sa loob niya ay ayaw niya nang pag-isipin pa ang nanay niya sa gastusin niya.
10PM
“Neng, baka naman may 1k ka dyan? Hihiram muna sana ako sayo, delayed na naman kasi yung sahod namin ngayon eh”,
“Na naman ate?Kakautang mo lang nung nakaraan, tapos eto na naman? Naku sinasabi ko naman sayo lumipat ka na ng trabaho eh, hindi kayo bubuhayin nyang kumpanya nyo!”
Napatigil si Wendy pabalik ng kwarto niya matapos maghugas ng plato nang marinig ang pag-uusap ng mama at tita niya sa tawag. Mahirap mang tanggapin ngunit kahit masasakit magsalita ang mga tiyahin niya sa kanyang ina, pinalalagpas lamang ng nanay niya dahil wala na itong malalapitan pang iba dahil sa dami na din ng utang nito sa boss at mga katrabaho niya.
“Saka na neng, nag-aaral pa yung mga bata, atleast dun may aasahan akong sweldo, kesa magbitiw ako, wala namang kasiguraduhang makakahanap agad ako ng trabaho, edi pare-parehas kaming magugutom ng mga anak ko”,
“Hayss, oh sige papadalhan kita, pero ate bayaran mo agad ako ha? Ang dami ko pa namang bayarin ngayon”,
“O-Oo babayaran ko agad agad pag dating ng sweldo ko, huwag kang mag-alala, maraming maraming salamat”, saglit na sinulyapan ni Wendy ang ina sa siwang ng pintuan ng kwarto nito. Kitang kita niya ang pagpigil ng nanay sa pag-iyak habang niyayakap ang litrato ng yumao niyang tatay.
Hindi na natiis ni Wendy ang nasaksihan kaya dali-dali na siyang pumasok sa kwarto niya. Unti-unti nang nag-init ang mga mata niya at tumulo nang tuluyan ang luha niya.
Bakit ba kailangang maghirap sila ng ganito? Ano ba ang ginawa nila para gipitin sila ng sobra?
Sumasakit na ang lalamunan ni Wendy habang pinipigil na humagulhol dahil baka marinig siya ng ina sa kabilang kwarto.
Kelan ba sila magiging okay?
Sa kagustuhan ni Wendy na dumiskarte at makagaan sa gastos ng pamilya, namasukan muna siya bilang part-timer sa Computer at Printing Shop na malapit sa school. 150php per day ang sweldo niya sa pinapasukan na bagama’t maliit ay napapagkasya niya dahil kailangan niyang makaipon ng pangbayad sa fee niya sa pagdefense.
Thesis sa umaga, trabaho sa hapon, asikaso sa bahay, thesis sa gabi, doon lang umiikot ang buhay ni Wendy na dahilan ng pamamayat niya. Ni hindi na din siya makasama sa lakad n
Comments