end 1.0
Thesis Chronicles ni Wendy Son3rd Year
Second Semester
Ito na siguro ang pinaka-crucial part ng pagiging college student. Ang part kung saan mae-experience na nila ang unang hagupit ng THESIS. Ito kasi ang magsi-silbing make or break nila bago makapag On-The-Job-Training at makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Dito masusubok ang tatag at determinasyon nila bilang isang mananaliksik na pursigidong makatapos at makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Bakas kay Wendy ang pagkainggit sa mga upperclass niya na nakahard-bound copy na ang mga thesis.
Buti pa sila, nakatapos na Humalukipkip nalang siya habang nag-iisip kung tama ba yung topic na napili niya. Sumabay pa ang pag-aalala niya dahil napaka-terror ng advisor nila sa Thesis 1.
Putangina, bakit pa kasi ito yung napili kong course! Kahit anumang inis ang maramdaman niya, alam naman ni Wendy na wala na siyang magagawa dahil isang school year na lamang ay nasa finish line na siya ng kurso niya.
Tunay ngang mahirap ang thesis lalong lalo na sa kurso niyang Law Enforcement Administration, na ang main topic ay iba’t ibang klase ng batas o mga ordinansa na involved ang Tri-Bureau (PNP,BFP and BJMP), LTO at LGU. Hindi din nakakatulong na ang lahat ng panel nila sa thesis defense, na ayon sa kanilang mga seniors, ay bubusugin sila sa pang bubulyaw na may kasamang malutong na mura at pagiging confetti ng mga manuscript nila kung sakaling hindi nito magustuhan ang topic.
“Sa wakaaas! Ngayon palang nakikita ko na yung stage!” Sigaw ng isa sa mga seniors niya habang nagyayakapan at nag iiyakan sa labas ng opisina ng department nila.
Kaya ko din kaya yun? Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan niya habang nakamasid mula sa kiosk na kinauupuan niya.
“Uy buddy Son! Kanina ka pa ba diyan?”, Naalala bigla ni Wendy na kasama niya nga pala siya sa pagpasa ng thesis title; ang buddy at tropa niya na si Yeri Kim at ang boyfriend nitong si Hongseok Yang.
“Sensya na natagalan kami ni Hongseok, naflatan kasi kame papunta dito – dumating na Sir Lee?”
“Wala pa eh kanina pa nga ako dito naghihintay sana nga lumabas na ng opisina niya”, ang totoo nyan, hinihiling niyang sana’y hindi na muna sila siputin ng prof nila dahil sa pangamba niyang mamali ang kanyang sagot sakaling kwestunin nito ang title at topic na napili niya.
“Teka Wendy hindi ba natin hihintayin sina buddy Kang tsaka si ehemmmm- buddy Bae?”, di maiwasang mainis si Wendy sa pang – aasar ni Yeri na alam ang history nila ng huling taong nabanggit.
Ang lintik na si Irene Bae, ang babaeng unang nagpatibok at nagwasak sa puso niya.
Hindi naman kasi naging sila, munitk lang. More than friends pero less than lovers ang sitwasyon nila ng naturang. Sobrang takot ata ng gaga sa commitment kaya yun, imbes na ipagtapat sa kanya ang nararamdaman, mas piniling humanap ng iba pang willing makipaglandian sa kanya. Ang saklap lang kasi kabilang sila sa iisang tropa na tuluyang nag-lie low noong nagka-pandemic dahil sa ginawa ni Irene. Parang si Yeri lang siguro ang umaasa na magkakameron pa sila ni Irene ng chance na kung tutuusin, malabo nang mangyari.
“Bakit naman natin hihintayin yung mga yun? Hindi naman natin sila kasama sa lakad natin?”, pang iismid niya sa kaibigan na halatangnag eenjoy sa pang aasar.
“Love, sina buddy Kang ‘yun diba?”, banggit ni Hongseok na nakalingon na sa pintuan ng opisina na biglang bumukas.
Hindi na din mapigilang bumaling ang tingin niya sa pintuan. Bumungad sa kanya sina Irene at Seulgi. Hindi niya mapigilang pagmasdan si Irene. Ibang-iba na ang itsura nito sa dating Irene na kilala niya na short hair, medyo mamula mula ang mestisang kutis mula sa pagkasun-burn at boyish din pumorma. Kagaya niya, pumusyaw na ito sa at lumitaw na ang makinis nitong balat, mahaba na din ang malasutlang buhok nito na dati niyang inaayos ng hair gel mula sa sa pagkakabagsak. Angat na angat na ngayon ang tunay nitong ganda na kahit itago nito sa mga salamin at bangs. Nakaramdaman ng kaba si Wendy dahil papalapit na ang mga ito sa kinatatayuan nila.
“BUDDIEEEESS!! Kamusta na kayo? Jusko long time no see ah? Approved na ba titles nyo? ”,excited na bati at yakap ni Yeri sa dalawa. Si Wendy naman,parang nilagyan ng tape ang bibig dahil hindi maka-imik at parang pinako ang mga paa sa kinauupuan.
“Miss ko na din kayo mga buddies”, sagot ni Seulgi na nag-aalinlangan pang tingnan si Wendy at ngitian. “Mamaya pa daw magche-check ng titles si sir Eunyuk sabi nung bagong secretary eh, kaya yun iintayin nalang din namin.”
“Edi dito nalang muna kayo maghintay ni Buddy Bae, nang makapag-usap na din sila ni buddy Son”, makahulugan ang banggit ni Yeri na siya namang awkard lang na tinawanan ni Seulgi.
Umupo na ang dalawa at naramdaman ni Wendy ang paglakas ng kabog sa dibdib niya nang tabihan siya ni Irene. Dalawang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nagbago ang lavender na amoy ng damit nito na dating nagpapakalma sa kanya tuwing niyayakap siya nito.
Bakas sa dalawang naiwang tahimik ang tension. Minabuti nalang muna niyang review-hin ang mga titles niya kesa makipag-usap sa katabi. Ramdam niya ang pagtitig ni Irene sa kanya kaya kahit anong basa niya sa mga titles at pagsaulo sa batas na naka-suporta dito ay hindi niya pa din maintindihan. Ramdam din niya na binabasa nito ang mga titles niya, bagay na bahagya niyang tinabunan ng cover ng titles niya.
“Hoy Irene! Close na close ah, laki nang space oh! Dinideskartehan mo na ata ulit si Wendy ha”,
Totoo ngang malaki ang space ng kinauupuan nila at may gap ang pwesto nila Irene mula sa tatlo. Bagay na kinapula ng mukha ng dalawa. Yung isa hindi alam kung dahil sa kilig kaya nagblush at yung isa naman ay dahil sa inis na malapit nang maging galit
Bwisit ka talagang Yerim Kim ka, magka demerit ka sana! Kung hindi lang talaga niya best buddy si Yeri, baka nasakal na siya ni Wendy sa pang aasar nito.
Hindi napigilang humakighig ng bahagya si Irene na halatang nag eenjoy sa pang-aasar ni Yer isa katabi.
“Tama na buddy Kim, mukhang mabubutas na yung papel ni Son sa pagbasa nung ipapasa niya eh”
Hayop na ‘to, nanggatong pa. Ilang pigil pa at malapit na niyang matampal si Irene na hanggang ngayon ay nakangisi pa din.
“Everybody tune! Everybody greet! Sir good morning Sir!”, biglang tayo at saludo ni Hongseok na sinabayan naman nila ng tayo at pagbati sa prof na kanina pa nila inaantay.
Parang malalaglag na yung puso ni Wendy sa kaba habang ini-isa isa ni Sir Lee ang mga sinubmit nilang titles. It’s now or never, Lord kayo na po bahala saken.
“Miss Son, can you tell me what is RA 11589 at anong relevance nito sa study na napili mo?”
“Sir Yes Sir”, confident niyang sinagot ang tanong ng prof tulad ng nirehearse niya.
“Saang part ng RA 11589 ko makikita yung impact ng citizens sa institution dito topic mo?”,
Sa puntong ito,gusto nang magpakain ni Wendy sa lupa dahil hindi niya masagot ang tanong ng prof na ngayon ay nakatingin sa kanya at hinihintay niya.
“Uhmm sir, I-I’ll try to find out po sir”, mahinang sagot niya.
“So binasa mo lang yung batas, hindi mo inintindi?”, Halata sa boses ni Prof Lee ang pagkainis at binagsak ang papel niya sa pagkayamot sa kanya, bagay na kinatakot ni Wendy dahil baka mamura siya nito sa harap ng mga kasama. Siguro ng prof nila ang kaba niya kaya nagbunton-hininga nito.
“Alright, since wala ka namang maisagot, Magfocus ka muna dun sa powers nung batas mo na pinili, and try to site paragraphs na may relevance sa citizen’s view nung modernization ng BFP, then submit your output to me after, is that clear?’,
“S-Sir yes sir”, Parang binunutan siya ng malaking tinik dahil nairaos niya ang pagsusubmit nang di nasabugan ng papel sa mukha. Saka lang niya namalayan na nakahawak na ang kamay ni Irene sa kanya at tila kinakalma siya habang naglalagay pa ang prof niya ng notes sa pinasa niya.
Pagtapos nito ay sabay-sabay silang nagpasalamat sa
Comments