Chapter 3

All the Times I Held You

-A/N at the end of the chapter

 

 

Alas diyes ng gabi nang makarating kami sa Cubao Expo. Natuloy din kami dahil Giselle forced me to really go with her. Hindi lang ako ang nakatanggap ng invite, tatlo kami nila Somi. Basically the three of us who worked on the articles both on print and digital for the Debate Championship.  

Sinama namin si Ning and Shoti and told them that we’d just have to pay for their drinks and food dahil baka hindi sila kasama sa bilang. That was fine with them. Gusto lang naman lumabas ni Ning tonight at hindi makakasama sila Jaem dahil nasa UST pa sila to doing their research paper, si Jeno naman, ayon, sinundo si ate Krystal from work at nakikipag-date.  

Jeno’s dedication in pursuing ate Krys is out of this world. Sabi ko nga sa kanya, dahan-dahan lang at wala namang nagmadadali. Napaka-mister romantiko din kasi nito minsan. Not that it’s a bad thing, it’s sweet really. At nakikita ko naman how ate Krys appreciates everything Jeno does. Pero sana magtira lang siya ng onti para sa kanya. 

 Si Ryu, busy din kay Hyewon at may dinner sa Kapitolyo, balak niyang sumunod kung maaga silang matatapos. 

And well, si Shoti dahil nandito ngayong gabi si Somi at sabay silang darating. 

“They closed the venue for the night. ‘cause I think they’re expecting na maraming pupunta. I think kada club meron silang ininvite e.” Giselle mentioned habang nilalakad namin ang kahabaan ng maliit na U-strip sa loob. 

This is my first time going here and there is something about the place that screams retro and rustic. Parang nauuso na nga ang ganitong trend sa younger generation. Halo-halo ang shops na nandito, maraming food establishments, nagiinuman, maraming nag-yoyosi, meron din akong nakita na pottery shop and knick-knack store. 

Buhay na buhay ang lugar na ito sa gabi despite it being somewhat hidden and nestled farther than the the malls. I’m kinda liking the vibe, to be honest. 

“Gi ang ganda dito ha, wala akong masyadong alam outside Manila. Parang sa Blackbox palang and sa Balay sa USTE yung napupuntahan ko nung sinama ako ni Jaem.” 

“Yan yung sinabi mong nire-raid lagi ‘di ba?” I asked Ning at napatawa siya. 

“Oo jusko, may one time na kakalabas lang namin saka pumarada yung mga pulis tapos nagsisitakbuhan paakyat sa second floor. My gosh, hindi ako ready para mainterview ng nakatakip ang mukha at ikulong ng nanay at tatay ko sa babuyan namin.” 

“Sige pumunta pa kayo ni Jaem don, hanggang makita na namin kayo sa TV"

“Hindi na nga, eto naman"

“Sige nga, what would you do if it’s the other way around. Tayo-tayo lang naman ang magkakasama dito sa Manila. Our parents trust us kasi alam nila na we look out for each other.

“Ayan bigla kang napagalitan 'di ba? Sabihan mo yan si Jaem ha” Tukso ko sa kanya,  

“Oo na nga e, Eto na ‘di ba” pagmukmok niya. 

Nakarating na kami sa tapat ng Beer and Mortar, nasa may kabilang side pala siya. May karatula pa sa labas with a congratulatory message on it written in chalk. 

 

'Congratulations for bringing home the bacon, Deb Soc! Bacon fries on us!'

- Ate Sunmi and Beer and Mortar Staff 

 

“Sino si ate Sunmi? Student din sa inyo?” Ning asked at napakibit-balikat lang ako. Giselle and I could see familiar faces ng nakarating na kami sa loob. Sinalubong kami ng maingay na crowd. They were busy mingling and chitchatting with one another. Ang karamihan, busy sa pag-record kay ate Wendy na kumakanta sa stage. Sa hitsura ng bar na ito, may dedicated na slightly elevated stage para sa mga performance, so I’m assuming na palaging may banda na kumakanta dito o kahit mga solo singers.  

 

“Hi, welcome to Beer and Mortar! Are you part of the celebration tonight?” Bati ng isang babae na naka-sleeveless leopard top and black skinny jeans. Ayos na ayos siya at parang she’s too mature para maging estudyante. I could sense sophistication with the way she spoke at ang ganda rin ng ngiti.  

“Uhm, yeah, we were invited by the one singing right there actually” Si Selle na lang ang nagsalita for us three, medyo nahihiya pa ako na makihalubilo sa kung sino-sino.  

“Sounds great! Please find a seat, a staff will be there to attend to you shortly, I’m Sunmi by the way.” 

“Hello po I’m Giselle and these are my friends Winter and Ning”  

“Hi ate Sunmi it’s nice to meet you po” 

“Nice to meet you guys, I hope this is not the last time na pupunta kayo dito ha, I’ll tell my sister to drag you here ulit, if in case you know Somi, that’s my sister.” 

Wow, grabe lang ‘yung pagkagulat ko. Natawa si Ms. Sunmi sa mga mukha namin.  

“Wow, small world po! Orgmate po namin siya sa Publication.” 

“Really? I’ve been hearing a lot about your org, nice work you’ve got there! So you also know DebSoc team, obviously” 

“Yes po, we know the main team because of the championship so we kind of started from there. Minsan tumatambay si ate Wendy sa club because our offices are just beside each other.” 

“Nice, so kilala niyo rin si Kata? Oh ayan na pala si Somi,” Napalingon kami sa direction ng pintuan, kasama ni Somi na dumating si Shoti. Hinintay pa kasi ni VP na matapos ang last class ng kaibigan namin.  

“Ate I see you’ve met my friends” Niyakap niya si ate Sunmi at parang nagpa-baby pa ito sa kanya. 

“Yeah, you know what you’re a bunch of good-looking people ha, Somi, always invite them here para may pampabwenas naman tayo!” 

“Ate, I’m the only good luck you need, what are you talking about?” 

“Sige whatever you say, bunso!” 

Ang cute ni Somi, kahit sino talaga if you’re close with her, siya talaga dapat yung baby. Jusko kaya pala ang bagay nila ni Shoti. Parehas mga baby damulag. Sunod na nagbeso si Shoti kay ate Sunmi at maamo pa niyang ginulo ang buhok nito. 

Aba aba, pag kami ang gumagawa nagagalit ang baby boy na ‘to a. 

“Halos magkasabay lang pala tayo, VP, sinama namin si Ning a, nauuhaw sa alak e” 

“Siraulo! Soms, hello! What’s up?” Nagyakapan din ang dalawa at hindi na talaga kami naalis dito sa may bar.  

“Guys, diretso na tayo sa table at baka may makakuha pa na iba, let’s go. Dun na tayo mag-catch up” 

 

Pagkaupo namin, saktong katatapos lang kumanta ni ate Wendy. Sabi ko nga sa kanya, pwede ba niyang hatiin ang katawan niya dahil bagay din siya sa Chamber Singers, sobrang lamig at ganda ng boses ni ate Wendy. Grabe ‘yung pag-fangirl ko when I found out from Somi na theater actors ang mga magulang at kasama sa ensemble ng Miss Saigon nang unang dinala ito dito sa ‘Pinas. I couldn’t believe it! I mean, naniniwala ako dahil sobrang galing ni ate Wendy. Nakaka-starstruck lang kasi. 

Katabi ng table namin ang sa kanila ng Deb Soc at lahat kasama ata sa side nila kahit mga freshmen na kakapasok pa lang sa team. Andun din si kuya Henry who was busy chatting with his team, at si Katarina na nakaupo sa kaliwa ni Somi, meron din silang sariling mundo at naguusap ng kung ano. Katapat ko si Shoti na tahimik na kumakain ng rice at sisig dahil kanina pa daw siya nalipasan kaka-procrastinate sa pag-review for their quiz earlier.  

As usual, pinagalitan na naman siya ni Gi at tumawa lang si Somi.  

“Told you your mom’s gonna get mad, love” 

 I was being casual sa mga nangyayari at naeenjoy ko naman ang party. There was enough amount of booze at we don’t need to worry about someone getting hammered tonight. The team only sponsored enough para sa mga drinks para wala ding malasing. Somi also mentioned na ate Sunmi also wanted to keep it that way just to be safe. 

Busy si Ning kaka-chat kay Jaem dahil naiwan daw niya ang susi ng apartment niya sa loob kaya hindi ito makapasok. Kaya pinapapunta niya muna ito sa condo ni Jeno to stay the night.  

“Ano magkasama na sila?” Tanong ko. Lahat kami umiinom sa table ngayon. Masarap ang napili kong cocktail, long island. Ang dami ding tapas na nakahain sa table kaya okay na rin pala kahit di kami nagdinner, dito pa lang mabubusog na kami.  

“Oo, sinundo ni Jeno, on the way na daw sila sa Amaia. Kakahatid lang din niya kay ate Krys kaya sakto lang” 

“Okay, mabuti naman. Ning, try mo ‘tong Long Island nila ang sarap, di mo lasa ‘yung alcohol” 

Inabot ko sa kanya ‘yung baso ko at tumikim siya ng kaunti. 

“Mhm!” May nod of approval pa at tumikim uli, “Gusto ko nito Winter! Order mo ko, please?” 

“Sige, eto try mo din tong calamares, masarap. Kumain ka muna mamaya kana makipag-chat kay Jaem, hindi naman yan maga-abroad" 

Inabot ko sa kanya yung isang plate. Tumawag rin ako ng waiter para sa order ni Ning na alak. 

“E Kasi naman, minsan parang hindi pa rin nagma-mature e, kung saan-saan na lang nilalagay ‘yung mga dapat na alam na niya.” 

"Painumin mo ng pangontra memory gap, o di kaya, I-Mighty Bond mo ‘yung susi sa kamay.” 

“Ang hard! Pero sige I-suggest ko sa kanya yan” Natatawa na lang ako that we’re roasting her boyfriend na walang kaalam-alam at walang chance to defend himself. 

Busy si Giselle na makipag-usap sa mga kabilang table na kakilala din niya. Parang wala din siyang choice dahil she needed to make more connections para na rin sa school publication. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung isa pang advisee ni Prof. Kwon, ang Student Judicial Court or SJC.  

Tahimik na nakikinig ako sa tugtog at pinagmamasdan ko ang interior ng bar, monochromatic ang design at naglalaro sa shades of brown at teal ang lugar. Maganda rin ang mga LED lights na nakatago sa mga dingding kaya hindi mukhang magulo ang mga ito.  

While my eyes were roaming around, nakita ko si Katarina na nakatingin sa akin at mukhang nagulat sa biglaan kong tingin. It was almost comical in a way dahil halata sa mukha niya ang pagpapanggap na parang walang nangyari at tumingin sa ibang direction.  

Sige lang, kung ano mang trip mo wala akong balak sabayan. 

 

“Huwag magtaka kung ako ay di na maghihintay...” 

Nagsimula nang kumanta ang isang student din na kinantyawan nila ate Wendy. After niya kasi, wala nang sumunod na kumanta. Parang kahit ako rin naman ay uurong ang paa  kung kasama ko si ate Wendy na bumirit. 

Malamig ang boses ng kumakanta ngayon. Hindi ko siya namumukhaan but it seems like close siya sa DebSoc. Alam kong hindi siya part ng club nila. 

The song he was singing... 

Was making me feel something.  

How could I not. Lagi ‘yang kinakanta ni Dad kay Mom noong bata pa kami ni ate. Lalong-lalo na noong pinagbubuntis pa ni Mom si Kiera. Pinaglihi ata siya sa kantang ‘to dahil parang halos araw-araw, a few weeks before Kiera was delivered, naririnig ko ‘to sa terasa. With guitar in his hand, Dad would not fail with his tune and tempo. Para silang nagliligawan noong mga panahon na ‘yon. 

I should be happy remembering those particular moments. 

Pero may konting kirot pa ‘rin.  

I diverted my attention to other people. Sumandal ako kay Ning na nakikipagusap kina Somi.  

“Okay ka lang?” Tingin niya sa akin. 

“Hm? Oo naman.” 

“Nauubos na ba battery mo?” Mahinang tanong sakin ni ‘Ning and I shook my head. I didn’t want to worry them at mapalitan ang saya namin ngayon sa pag-aasikaso sa kung ano man ang nararamdaman ko. Konti lang naman. Ayos lang. 

Ito si Ning, kahit  madalas hindi kami seryoso sa mga bagay-bagay lalo pag kami ang magkasama, I always feel safe with her. Actually sa kanilang lahat na mga kaibigan ko. Alam ko naman kung paano nila ako alagaan. 

With my mother gone, matagal akong nakulong sa depression. At for the longest time, hindi ko alam kung paano kumawala sa ideya na hindi na siya babalik. I’d been in denial for years. I was drowning with my own dark thoughts. There were nights na nagigising akong hindi makahinga at pakiramdam kong babagsakan ako ng langit, or there were times when I’d wake up feeling the world was free falling. 

Ang dami kong beses na tinaboy sila when they were trying to reach out. 

Pero ano bang ginawa ko in my previous life at sa buhay ko na ito at binigyan ako ng napakaraming nagmamahal sa akin. 

I hugged Ning sideways dahil nakaupo kami ng magkatabi, I was just silently watching and listening to people talk.  

 

“…At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahon 
Na ako ay mahalin mo rin 
Asahan mong 'di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan 
Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin” 

 

Maingay at nagkakatuwaan ang lahat ng tao. So hindi talaga pansinin ang ginagawa ko. Maliban na lang kina Gi at Shoti na nasa harapan din namin. Sabi ko nga, marami ang nagmamahal sa akin.  

Nakaakbay lang sa ’kin si Ning. I was drinking too at nakaka-dalawang glass na ako ng cocktail. Gi and Shoti were trying to communicate with me silently. Mouthing questions kung okay lang ba ako. Ngumiti ako in return and gave them a thumbs up.  

We engaged in a conversation again hanggang napunta kami sa mga kaibigan namin na wala dito. 

I wanted to get up dahil naiihi na ako, pero medyo nakakatamad pa. 

“Guys, atin lang muna ‘to ha” Giselle started, 

“I think ate Krys is ready to commit kay Jeno”  

Whoa this is great news! 

“What?” “OMG” 

“Yown! Yayabang na naman si big boy” Tukso ni Shot isa kaibigan niyang walang kamalay-malay na siya na ang topic namin. 

“Haha! Shut up Shoti. Oo sabi ni ate kagabi when we were calling. One of these days baka sagutin na niya” 

“Hala kawawa naman si ate Krys pero congrats sa kaibigan natin” Ning raised her glass at nagtawanan kami. Sumunod din kami sa kanya at sabay sabay kami sa pag-toast. 

“Congrats to the new couple!” Pauna niyang bati at pag-angat ng baso. 

“Congrats!”  

“So ano’ng take mo, Selle? Alam mo, okay kaya ‘yung kaibigan natin. Saksi tayo sa tiyaga niya ha imagine going back and forth from QC to Makati halos every night para lang makita si ate Krys. Tapos uuwi ng condo, magrereview, tapos kikitain pa tayo sa ibang araw. I know mga bata pa tayo pero sumasakit yung likod ko iniimagine ko pa lang ‘yung physical labor niya” Ano ba yon, biglang bawi to si Ning. 

“Haha, ano ba talaga Ning. Yeah okay na okay ako kay Jeno no, I know that he’s gonna love and protect ate. Pero ayokong makakita ng mga kalandian nila habang magkasama tayo ugh, I don’t even wanna think about it” Sabi ni Selle na medyo nandiri sa naisip. 

“Mas mapapadalas na rin nating kasama si ate Krys kung may mga gala din tayo. Excited na ko magpalibre!”  

“Hoy Shoti mahiya ka nga. Taking advantage of being the youngest ka na naman ha. Sumbong kita sa sugar mommy mo e!” Suway ni Ning sa kanya. 

Binato ni Shoti si Ning ng isang pirasong mani at nakita ‘yon ni Somi.  

Pinalo tuloy ng sugar mommy niya. Este, girlfriend. Ng girlfriend niya.  

“Sho, stop playing with food and don’t throw mani at Ning!” 

 

Kapansin-pansin ang tunog ng pagbukas ng pintuan.  

Medyo nagulat ako dahil nakita kong pumasok sila kuya Mingyu, ate Lisa, at kuya Sehun.  

“Ming!” Pumunta si ate Wendy sa kanila at isa-isang nakipag-beso sa mga dumating. Nakipagusap pa siya ng konti sa mga ‘to at halatang sayang-saya siya na nakahabol ang mga ka-school namin. Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila pero parang ang close din nila ni ate Lisa dahil parang mga baliw kung magtulakan. 

Dito sila sa tabi naming table umupo, sa pinakagilid malapit sa open bar.  

“Hi, Winter!” Tumayo ako dahil personal akong binati nila ate Lisa. We hugged at feeling ko talaga ang saya nilang kaibigan. Ang gaan ng pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko sila kapag dumadaan ako malapit sa pool area where they usually do their routine practice. Sa tuwing dumaraan ako doon, nagkakamustahan kami before we go on with our daily tasks.  

“Ate Lisa! Buti at nakahabol kayo” 

“Yeah, katatapos lang kasi namin sa training ng mga bagets. Kamusta?” They greeted our table at nagpakilala din. Kilala nila halos lahat ng mga kasama namin, except kay Ning at Shoti kaya we quickly introduced them sa kanila.   

“Alam mo ba na si Sehun na ang captain next year?” She happily shared matapos niyang ilagay ang bag sa upuan. Tumambay siya sa gilid at tumayo, enjoying the vibe and atmosphere dahil na rin sa celebration at dami ng tao. 

Wow! 

“Wow! Congrats kuya Sehun. Ikaw na pala ang magtatayo ng bandera! Guys, Sila Ate Lisa, Kuya Sehun and Kuya Mingyu pala” I congratulated and introduced them sa mga hindi pa personal na nakikita sila tulod ni Ning at Shoti. 

“Yes dahil wala akong choice!” 

“Sus stop with the humble bragging Sehun ha, hindi bagay. Paflex nga ng muscles dyan o” 

Nagkakantyawan na sila ni ate Wendy at nagpapauto ang bagong swimming team captain. 

I heard it’s Kuya Mingyu and ate Lisa’s last stint na dahil they’re already graduating this year.  

“Winter,” Tawag sa ‘kin ni kuya Mingyu na kakaupo lang at pumapapak ng mani. 

Napatingin ako sa kanya at nakangiti pa rin. 

“Kuya! Hello. Congrats po ulit” 

“Thank you, Winter. It’s because of Lisa and Sehun that we won. Mga isda ‘yun e” 

“Nagsalita ang hindi isda!” Sabay tawa ni kuya Mingyu. 

“Kamusta ka?” Medyo nilalakasan na niya ang boses niya, nagsimula na kasing humataw uli si ate Wendy.  

 “I saw your article,” he continued, “It was very well written so thank you so much, Winter. I owe you one” 

To be honest, I don’t really think na merong kakaiba sa article na sinulat ko. PR writing is very different from creative, in a sense na para ka lang nagbabalita sa PR. Walang palabok, hindi dapat malikot ang kamay 

“Okay naman po thank you. I was just doing my job, kuya Mingyu. Hindi naman ako nahirapan kasi nanalo po kayo” 

Aba, tinawanan lang ako. 

“Buti pala nanalo kami.” Sabay kuha niya ng fries na nasa lamesa nila.  

“Wag mo na nga akong tawaging kuya, para namang ang tanda ko na. Then punta ka sa club, we also have our own party next week and we want you there” 

Another party! 

Biglang nag-sink in sa akin.  

Is this how it’s going to be now that I am a part of the publication? Sa bawat cover namin ng mga big compet, lagi kaming invited sa celebrations nila? 

Nakakahiya naman. Pero come to think of it, I’ll get to meet new people that’s part of my resolution this year. Pero malapit ko na rin ma-reach ang quota ko for mingling this school year. Grabe, pang-ilang celeb na ata ito ngayong taon. 

“Hala nakakahiya, sige na nga” biro ko. 

“Yon. Thought I might need Lisa’s help to invite you, buti na lang.” 

“Ano yan Mingming, care to share?” Inakbayan siya ni kuya Sehun.  

“Nothing. I just invited Winter sa celebration sa office natin.” 

“O pumayag kana pala Winter! Edi everybody happy na Ming?” Pag-akbay ni Kuya Sehun sa kanya. 

“Yes, Lisa’s going to be happy about”  

Napangiti si kuya Sehun, “Yes, Lisa among other people” 

Teka ano na bang pinag-uusapan namin? 

  

Dahil na rin siguro napahaba ang kwentuhan namin, hindi ko namalayan na tumayo si Ning from her seat at dumiretso sa stage. Napalingon na lang ako ng narinig ko ang boses na kahit siguro dalawang kilometro pa ang layo ay alam ko na kung kanino nanggaling. 

“Dahil busy po yung kaibigan ko’ng makipaag-socialize, iaalay ko po ang sarili ko tonight.” 

“Ning?!” Gulat kong sambit. 

“Oo, Winter. Ako ‘to. Congratulations pala sa DebSoc team! Nakiki-congrats pala?! Sorry, I’m Ning. kapitbahay lang naman ako dyan sa Miriam so okay lang siguro na maki-party? Kung hindi okay lang naman alis na lang ako.” Kunwaring paalis na sana ‘yung baliw kong kaibigan kaso tuwang-tuwa si ate Wendy sa kanya at parang ginawang entertainment. Si Somi pala ‘yung nag-alay sa kanya. 

Bakit…Somi… 

“Wow, kaibigan mo, Winter?” Manghang tawa ni ate Lisa. 

“Yes unfortunately” Pabiro kong sabi, “Childhood friend namin ni Giselle”  

“Alis na tayo Win.” Akmang tatayo na rin kami ni Shoti para tuksuhin siya. 

“Hoy! Konting moral support naman sa mga kaibigan ko, ayan po sila si Winter and Sho yung paalis ng upuan.” 

“Ning Kumanta ka na kaya!” Asar ko pa. But in all honesty, they’re in for a treat. Na-miss ko na marinig sa jamming si Ning at hindi na namin nagagawa ‘yan ng madalas after we got here sa Manila. 

Tumawa lang naman siya at att bumulong kay kuyang guitarist na nasa likod niya. 

 

“So open up your morning light 

And say a little prayer for I 

You know that if we are to stay alive 

Then see the peace in every eye” 

 

Wooooh!  

That’s my girl! Maingay ang hiyawan at palakpakan ng nagsimula si Ning na kumanta. Acapella pa ang atake nito sa una, gaya ng kay Paula Cole. 

 

“She had two babies, one was six months, one was three 

In the war of '44 

Every telephone ring, every heartbeat stinging 

When she thought it was God calling her 

Oh, would her son grow to know his father?” 

 

“I don't want to wait for our lives to be over” Sabay ng mga tao sa kanya, mostly mga babae dahil na rin siguro sa Dawson’s Creek. 

 

“I want to know right now what will it be 

I don't want to wait for our lives to be over 

Will it be yes or will it be sorry?” 

 

Ugh, naiihi na talaga ako. Tumayo na ako dahil hindi ko na kaya. Gustuhin ko mang i-enjoy yung performance niya, mahirap na at baka magkasakit pa ako sa pantog. 

Sinenyasan ko si Ning at nagets naman niya. Tuloy-tuloy lang siya sa pagkanta hanggang sa unti-unting humihina ang boses niya ng nakalabas ako ng resto. Kumuha ako ng barya sa bag dahil may bayad daw ang CR dito, parang may common CR ata para sa lahat ng tenants tapos magbabayad lang for the maintenance.  

Tapat lang naman ito ng Beer & Mortar kaya mabilis lang akong nakatawid. 

Hindi naman mahaba ang pila. May kaunting laya pa ako para makapagmasid sa paligid. Mukhang nag-uumpisa pa lang talaga ang mga inuman. 

Sa mga espasyo ng Expo, dama ko ang simoy ng hangin. Amihan ata ang tawag dito.  

Bilog ang buwan na sumisilip mula sa maninipis na ulap. 

I’m getting used to (unfortunately) the air in the city.  

Pero hindi na rin naman masama dahil kasama ko pa rin ang mga mahal ko sa buhay, although I admit, I always miss papa and Kiera.  

The next time we go home ni ate, I’ll make sure we visit mama as well. Give her her favorite daisies. 

I saw someone exit the bar. 

Si Katarina. 

She seemed busy talking to someone on the phone. Kahit medyo malayo, kita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Her visual context was telling me na may kasagutan siya sa phone dahil na rin sa pagpikit nito at paghinga ng malalim. 

When she opened her eyes, she saw me looking at her. 

Damn it. Ang awkward. 

Buti at saktong turn ko na sa pila. I immediately went in and did my business. I just wish na wala na siya sa pwestong yon paglabas ko dito.  

I wonder, bakit sa tuwing magkikita kami, lagi siyang may dinaramdam. I have yet to see her laugh, nakikita ko siyang ngumiti. But those were strained. Tipong napipilitan siyang ngumiti, like she needed to remind her self that it is natural for humans to smile.  

Bahala nga siya. 

Nagmamadali akong lumabas sa CR dahil ang crowded. Thankfully, wala na siya doon sa pwesto niya kanina.  

Mas nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ang loob ng compound na ito. I decided, maglilibot ako saglit even just for a few minutes. Kanina, may nakita kong knick knack store na parang souvenir shop sa loob so I thought why not bilhan ko si ate. 

Suddenly I felt giddy with the idea na may alone time ako. Don’t get me wrong, I love being with my friends. But with being alone in my own world, it helped me stay grounded and sane at the same time.  

 

My Breathing Space. 

Medyo kaunti ang tao na naaninag ko sa loob. They’re about to close kaya might as well sulitin ko na lang din.  

Pero laking gulat ko nang makita ko si Katarina na nasa cashier at nagbabayad ng pinamili niya.  

Okay. Act normal at huwag titingin sa kanya, Winter. 

Hindi naman ako manhid. Alam kong nakamasid siya sa akin.  

Ang hindi ko ma-gets, bakit siya tingin ng tingin?  

 

Anyway, no to negative external forces.  

Stay on your happy lane, Winter.  

May nakita akong vintage Snoopy set na gusto kong bilhin. Mahilig si ate sa mga vintage stuff. Kaya yung kwarto namin sa bahay, napapalibutan ng mga kung ano-anong nabibili niya kung saan-saan. Okay lang din sa akin, hindi naman makalat si ate, she knows how to design at maayos ang pagkakasalansan ng mga gamit namin sa kwarto. 

Whoa, may Polly Pocket din dito na naka-display. I’m not sure if they’re still in production, pero by the looks of it, mukhang lumang version ito na brand new stock naman at hindi pa nabubuksan. I’ll get this one, too, and give sa baby girl namin sa bahay na nagde-demand ng pasalubong. 

I got suddenly lost in my own thoughts habang papalapit sa cashier. Nabayaran ko naman na at nakaalbas na ako to go back sa bar. Baka umiikot na ang leeg ni Ning kakahanap sa akin. 

 

“Winter,” 

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin.  

Great.  

Law of Attraction ba ‘to. Talagang naabutan ko pa siya. Why. 

Okay. It’s time to put my acting skilss to the test. 

“Hm? Ako ba?”  

Ang galing mo, Winter! ‘Hm, ako ba’? 

Katarina gently nodded 

“Sorry, can I talk to you? Kahit saglit lang?” 

“Sure, what’s up?”  

Gumilid kami sa tabi ng store kung saan walang masyadong tao.  

“I’m sorry. I won’t beat around the bush. Gusto talaga kitang kausapin matagal na pero I don’t know how to start at paano kita lalapiitan.” 

She looked at me first bago napa-buntong hininga, “I just wanted to apologize for the way I acted the last time I spoke to you. I have no excuse for my behavior.” 

"You didn't deserve being spoken to like that" Dagdag pa niya  

Tinignan ko siya ng maayos.  

Her eyes seemed like they were telling the truth. Matapos ay napatingin siya sa sahig at nakakunot ang noo.  

I softly nodded. Unsure kung paano ako magsisimula sa gusto ko ding sabihin.

"I was having a bad day, and...among other things"

Maingay ang paligid, maraming nagtatawanan at nagsisidatingan pa lamang.

Pero rinig na rinig ko ang buntong hininga ni Katarina na parang may tinatagong lungkot. 

“Okay. Uhm” I started, “Gusto ko lang din linawin ‘yung side ko, Katarina” 

Napatingin siya sa akin at ngumiti ng bahagya.

 “Kata na lang, Winter” 

“Oh, uh, sige. Uhm.. so ayun gusto ko lang i-explain ulit. It wasn’t my call, Kata. Binigay lang sa amin nila Giselle ‘yung project. I didn’t know there was something more to it, at ayokong i-involve yung sarili ko sa politics.” 

“I admit,” I continued, “Naguluhan ako sa nangyari. Sige medyo nainis na rin sa’yo” I laughed a bit at ganoon rin siya, “Pero I just wanted to say, I apologize for whatever it was that made you felt uneasy sa article, pero I’m not going to apologize for doing what I was supposed to do."

“No, Winter. Please don’t apologize. It feels worse hearing you say that. Ako lang yung dapat mag-sorry between the two of us.”  

I’m not going to lie, mas gumaan ang pakiramdam ko knowing na wala na akong taong kailangang iwasan, or mag-ingat whenever they’re around. Naniniwala ako sa apology ni Karina. At looking at her, she looked more relaxed and loosened up. Baka epekto na rin ng pag-uusap namin ngayon dahil nasabi na niya ang gusto niya.  

Hindi rin pala siya mapakali.  

Akala ko ako lang ang naapektuhan. 

“Okay,”  I smiled at her and offered my hand, “Apology accepted. Clean slate?” 

She gently shook my hand and offered back a timid smile. 

“Clean slate” 

We started walking pabalik ng bar. 

Alam kong kakabati pa lang namin, pero there was this pull that urge me to extend a helping hand. 

Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng deep sighs niya, Kalungkutan. Problema. 

Siguro magkaiba ang pinagdaanan ko sa pinagdaraanan niya ngayon - kung ano man 'yun - and I didn't want to assume things.

Pero I wanted to let her know na pwede akong maging kaibigan. 

Tagapakinig kung gusto niya.

"And Kata?" 

"Hm?" She turned to me. Surprised pa din sa pag-initiate ko ng conversation.

"Wala lang, If you need someone to talk to, katok ka lang sa kabilang pintuan niyo sa DebSoc."

 

And that was the first time I saw her smile like that. 

 

Nagmadali kaming bumalik sa Beer and Mortar.. Wala nang kumakanta pagkapasok namin, at mukhang busy si Ning ubusin ang Nachos with Giselle, talking about everything and anything under the sun. Maingay uli ang paligid with students catching up with each other, laughing together.  

Busy si ate Sunmi sa cash register nang makita kaming pumasok at nginitian kami.  

I sat down quietly at uminom ng tubig. Karina also went back to her seat and started talking to her orgmates.  

“Ang tagal mo ha, nag-number 2 ka ba?” Tanong ni Ning. Nakaka-dalawang baso na siya ng long island at mukhang tinatamaan na. 

“Hindi no, may binili ako dyan na pasalubong kina ate and kay bibi. Tama na nga yan medyo namumula na yang tenga mo”  

“Oo tubig na lang ako, hindi na rin ako pinaorder ni madam Selle. Pero ang tanong, bakit kayo magkasama ni Katarina? 'Di ba yun yung kinakabadtripan mo?"

“Win, did she do anything to you? I swear Somi -" biglang niyang baling kay Somi na nakikinig lang din sa usapan namin, "If that friend of yours said some things again kay Win-"

"Selle, relax." I cut her, "Walang nangyaring ganon. I wasn't antagonized by anyone tonight. I promise."

"Winter, are you sure?" 

"Yes, sure po."

"ayun naman pala," Pagsingit ni Ning.

"So ano'ng nangyari? Mukha namang nakangiti kayong dalawa nung pumasok kayo e, walang scratches nga o" Tinaas niya ang isa kong braso.

"Siraulo ka talaga. Wala, nag-sorry lang siya then I explained my side, tapos okay na"

"Yeah, well alam mo Winter," Somi spoke, "Kata is a very kind person. Ayaw na ayaw niyang may nasasaktan because of her, and with the way she acted that day nung sa party, she's been bugging me about it. Lagi niya akong kinukulit about you kung pwede kang makausap. But then I wanted her to do this on her own. Alam kong kaya niya, at it was for her din naman. I shouldn't be the one telling you this but she's gonig through some stuff. That's all I can tell you. Pero Win, she's very kind. And selfless... to the point na..."

I was waiting for her to continue but she only shrugged and tinignan kami, hoping we would understand what her lips couldn't say at the moment.

"Okay Soms, we get that..pero sabihin mo sakin Win ha, you know the drilll"

Napatawa ako. Giselle sometimes has this tendency to step up sa grupo namin for... the better of everyone, if you will.  

“"Yes, moooom" I blew her a fake kiss and she gagged.

"Okay push naman pala, so now that's settled, Win ano'ng gusto mong kanta?"

"Ha?"

“Ano’ng gusto mong kanta?” 

“Bakit? Sinasabi ko sa'yo Ning” Nagtataka kong sambit kay Ning. 

“Bilis isipin mo na dahil iaalay na kita,” Napatingin siya sa katabi naming table at sumenyas ng patango sa kung sino man.  

Lumingon ako taong kausap niya at nakita ko si ate Wendy na ang laki ng ngiti. 

“Winter!” 

Oh my gosh. Mukhang alam ko na ang mangyayari. 

“Winter ikaw naman kumanta! Excited kami sa boses mo ha, grabe yung benta sayo ni Ningning!” 

I looked at Ning 

“Hindi mo ko sinamahan kumanta!” Asar pa sa akin. 

“Naihi nga kasi ako! Tsaka anong hindi sinamahan, wala kang doubts nang umakyat ka sa stage kanina.” 

“Oo na!” 

“Tama na yan. Winter umakyat ka na ‘don. We won’t stop until you get up there!” Hiyaw ni ate Wendy na halatang natamaan na rin sa iniinom niya.  

Help. Ano bang gagawin ko?? 

Tumingin ako around our table, Giselle and Shoti we’re giving me encouraging smiles, telling me to go up there. Pati si Somi hiyaw ng hiyaw, akala mo naman ang layo-layo sa akin.  

I knew I was doomed habang papaakyat ng stage. Hindi ko alam ang kakantahin ko! Usually, kasama ko si Ning sa mga ganitong shenanigans namin, with me holding a guitar while supporting her voice through harmonies.  

There was a guitar sa stage and I naturally gravitated towards it. Hay.  

Ning Yizhuo! 

Okay, breathe in, Winter. Isipin mo na lang... 

Actually, ‘wag ka nang mag-isip. Just leave it be and put in some humor around this. 

“Ate Wendy, after nito ilibre mo ko sa caf” Pabiro kong sabi sa mic.  

“Kahit ilang beses pa, Winter!” ate Wendy replied. 

Bumaling ang paningin ko kay Kata,  'Go on' she mouthed. she smiled at sumabay sa palakpakan.

That also gave me a push.

I just hoped the trembling of my hands didn’t give me away. 

I wasn’t really sure kung ano ang kakantahin ko, sa tuwing mag-iisip ako, It would leave me blank. Kahit tignan ko sila Ning, nakangiti lang sila, with that proud faces on.  

Okay.  

I think alam ko na. 

“Sorry po kung magkakalat” pahabol ko before I pluck and strum the guitar.

 

“If I keep on talking now, 

I'll only start repeating myself 

And all I can say is 

I love you, I love you, I love you, I love you.” 

Coping with the loss of my mother, palaging nakikipag-usap si papa sa amin. Madalas tuwing gabi after his work. Madalas din sa balkonahe kung saan malamig ang simoy ng hangin. Madalas kaming dalawa ni ate ang kasama niya. Madalas over coffee. At madalas sa hindi, karga-karga namin ang bunso namin na madalas inaabutan ng antok. 

My favorite part of those would be reliving their story through his gentle recollection.  

He used to sing to her lalo na noong pinagbubuntis pa ni mama si Kiera. Sabi ni mama, ugali ni papa ang kantahan siya kahit pa noong si ate pa lang ang pinagbubuntis niya. He continued doing that hanggang kay Kiera. 

This song was one of those na paborito ni mama. She used to joke around na kaya raw ang gaganda namin, ay patay na patay si papa sa kanya with the way he sang to her. 

Okay. 

Ma, I miss you so much. 

 

“If I slip and tip my hand, 

I'm certain to scare you away, 

Then what would I say? 

I'd be hurting, I'm certain, 

I'd be uncool to let you know 

That you're the one, 

The fool who jumped the gun.” 

 

I know how to pluck the strings for this song like the back of my hand. 

Dumaan ang daan-daang luha para makarating ako sa punto na masaya ako at panatag. Because I know my mama is in a better place already. 

At para na rin makarating ako sa puntong hindi ako iiyak kapag kinakanta ko ito. Kaya alam kong I owe it to myself somehow. 

Because I chose to finally open my heart to heal. 

And it’s always a choice when you love. 

Hindi ba ganoon naman, talaga? 

 

“'Cause I've been advised 

By other guys you've left behind, 

Your good byes are somewhat unrefined. 

But if I play my role just right, 

Tonight could be my lucky night 

And you could be mine. 

If I present it to you with a flower 

In the moonlight, shiny and new, 

Well, you couldn't say no tonight, 

If I keep my heart out of sight.” 

 

Natapos ko ang kanta ng walang aberya. Grabe lang! It felt euphoric hearing these cheers na nagmumula sa schoolmates namin, pati na rin ang hiyaw ng mga kaibigan ko at pagsipol ni Shoti. 

I tried to smile sa lahat ng nakasalubong ko mula sa stage.  

“Winter,” Narinig ko si kuya Mingyu na tahimik na nakatingin sa akin sa kabilang table. 

“You were so good up there.”  

“Wala yun kuya Mingyu” I was starting to get shy again. 

“Winter,” Tawag niya uli sa akin. 

I waited for him to talk. Nakaakbay si kuya Sehun sa kanya at parang may gusto ring sabihin. 

Ano ba, kanina pa sila ganito ha. 

I raised my eyebrows to signal that I was waiting for him to continue what he was supposed to tell me. 

And when he decided to speak, sana pala hindi na lang niya tinuloy. 

“Just call me Mingyu” 

“Damn, bro!”  

There was an uproar in the air at biglaang tuksuhan.   

Oh my gosh. 

What was happening. 

I knew.  

Pero.  

What was this??

  

I heard kuya Mingyu shushing everyone. Tumingin ako sa kanya, his eyes were trying to apologize. Gusto kong iwasan ng tingin ang table nila kaya napalingon ako sa kabilang table.  

My eyes landed on Karina.  

She was looking straight at me. At hindi katulad ng iba na may panunukso sa ngiti nila. 

I could only see a slight frown.   

Mukha namang hindi siya galit. 

But I couldn’t quite pinpoint it. 

 

Gusto ko talagang malaman kung ano ang nasa isip niya.

 

 

+

A/N: Hello! 

I mentioned that I would leave this on draft indefinitely. But guess what, ang coping mechanism po natin for today ay...magsulat and brave through. 

You guys know, there's always a BOLD and fine line between what the writers tell in a story and the characters used. However, there is an inspiration behind it all. Personally, my muses here are Winrina. I admire the group just as much as I admire them individually. and as a fan, may kirot yung issue, sa ayaw ko at sa gusto. So I'd just like to ask a little understanding sa mga readers to let the writers take their time to be okay. 

Feelings are subjective, just as much as our opinions. So if they want to continue writing, that's great. But if they don't, then let's hope for the best para sa kanila.

 

I will finish writing All the Times I Held You if I see na may traction pa at may sense to continue. 

And I just hope you'd be there 'til the end. Salamat.

 

-expecto

 

P.S. let me know your thoughts sa chapter!

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
expectokedavra
I say it here: they’re together in the end. But this is all about their journey towards forgiveness and acceptance. So ang masasabi ko lang ay prepare for the ride.

Comments

You must be logged in to comment
_soshivelvet
#1
Read the first chapter ulit. Iyak si ante ih 🤧
lattecream #2
Chapter 3: imy
EzraSeige
#3
Chapter 3: 😣😤😣💙❄
lattecream #4
Chapter 3: GEJVDJE STRANGERS TO ENEMIES TO LOVERS TO STRANGERS ??;)4?&3?3&;?3&?;; pls ang cute cute nila (pano napunta sa hiwalayan)
tuckoz #5
Chapter 1: angst na naman ang aking almusal huhu
lattecream #6
Chapter 2: read nanaman ako gsjwvdhdbs ILY OTOR
lattecream #7
ang ganda po pls nakakailang reread na ko (kagabi lang ako nagstart)
lattecream #8
Chapter 1: HUHU I LOVE THIS
eightcount #9
Chapter 1: lol i’m too emotional rn to handle angst. please tell me may redemption arc ang chapter na to 🥲 may brick & mortar ba sa cubao expo?
howdoyouknowmee
541 streak #10
Chapter 1: HALA ANG SAKIT NAMAN NUN