Chapter 2

All the Times I Held You

 The school won the championship. 

Naalala ko pa ang lakas ng hiyawan ng mga tao. Nakita ko pa ‘yung coach ng DebSoc na umiyak sa saya. It was a close fight pero alam namin na sila talaga ang uuwing panalo, what with their solid jabs toward the Government.  

Pwede na silang isalang sa congress as a student partylist. 

Nagawa naman namin ni VP Somi ang trabaho that day. Ninerbyos din ‘yung mga tuhod ko ng slight. Pero medyo nabawasan yun when I saw Somi head towards Katarina noong pagpasok namin at nagtitili na parang walang bukas.  

Niyakap niya ito ng mahigpit na para bang matagal na silang magkakilala. 

We congratulated them and handed flower bouquet for each. Manala o matalo daw sabi ni Giselle, ibibigay ang flowers. Good thing it served as a congratulatory token. 

 

“Kataaa! I’m so proud of you, girl! Diba we told you you’d win!” 

Maamo ang ngiti ni Katarina na on a  nickname basis pala with Somi.  

“Thank you Somi, but keep your voice down” Pagsaway naman ni Katarina pero natatawa pa rin ito. 

“Not when my girl here is the best debater! Let’s celebrate, I’ll plan” Sabay tili ni Somi. 

“Wag na, baka busy sila” 

“Ano kaba, Yeji was watching online kanina. Mark wanted to go kaso na-stuck sa ROTC. It’s all in our GC” 

“Somi – “ 

“No no no, I won’t take no for an answer. When are you free?’ 

“I think – “ 

“I know wala kang Sat classes so let’s go this Friday night!”  

Somi was busy checking and typing on her phone. Parang wala na siyang balak huminto. 

“Somi let’s have dinner after na lang, may interviews pa”  

 

Napabaling siya ng tingin sa akin at kina Wendy and Henry who were just sitting and browsing their phone. I just gave her a soft nod. 

“Oh, . I got sidetracked, didn’t I? But I thought it’s given you’re gonna celebrate it with the fam – “ 

 

Kita ko yun.

Again, I was surprised dahil may bago na naman akong nakita from her. She glared at her at agad na napatikom ng bibig si Somi. 

“Sabi ko nga! Anyway Winter, let’s do this?” 

I’m guessing they belong to the same circle of friends. Kagulat naman ‘to si Somi. Edi sana humingi ako sa kanya ng mga Dos and Don’ts para sa interview. 

But Katarina was easy to talk to. She gave straightforward answers at mabait naman kapag tinatanong ng personal questions. By personal, I meant surface-level, Ellen DeGeneres personal and not the Oprah Winfrey personal.  

Mabilis lang talaga ang mga pangyayari. We shook hands at pagkatapos dali-dali namang pumasok ang mga media outlets.  

 

So ang unang takeaway ko ay: 

She’s very eloquent with her words. Silang tatlo. 

Sabi ko nga, pwede na silang isalang sa Batasang Pambansa.  

But Katarina, in particular, is very graceful sa replies niya. Taliwas sa pagiging Martin Luther King Jr. nila on stage, may pagka-Grace Kelly siya off stage.

I wonder how she’s like with her friends. Marunong pala talaga siyang ngumiti. And it was a nice feeling, knowing na rin siguro na hindi ko na-antagonize yung iniinterview ko.  

Diba? Ganon kasi yung nangyare kay Ricky Lo with Anne Hathaway. Ang echos ni Anne noon, given naman na medyo sablay si Ricky but must she be so condescending? 

 

Anyway, so ang pangalawang takeaway ko ay: 

Ang lambot ng kamay niya.  

 

This might seem creepy pero yun ang napansin ko when we formally bid our goodbyes and shook hands.  

So ayun, wala namang aberyang nangyari, tama? 

Even ate Wendy invited us personally sa Thanksgiving dinner sa may Ubuntu. 

I was excited to go. May binabagayan ang energy ko when it comes to meeting people. But during my stay here dito sa school, I learned to enjoy socials dahil hindi naman ganoon kaiingay ang mga kaganapan.  

Pero sana hindi na lang pala kami sumama ni Giselle.  

Nakatabi namin si Prof. Kwon sa table dedicated for student council at publication. Mga sampung tables siguro ang naka-ayos dito.

Buffet tables were arranged left and right at parang wala naman masyadong program except sa opening at closing remarks and speech ng tatlong winners. Somi was taking pictures along with the official photographer.

Pang-content daw sa social media pages. It was a small gathering kasama yung iilang faculty members and students I’m not familiar with.

Pumunta ako sa cold cuts section dahil ayoko masyado kumain. They also have sparkling grape juice so I opted for that.  

Medyo busy akong kumuha ng cheese nang maramdaman kong may tumabi sa akin.  

Si Best Debater. Naka-faded blue jeans at maroon high neck sleeveless shirt lang siya but why do I feel like I’m way underdressed for the occasion. Naka-skirt naman ako at blue floral blouse. 

“Oh, hey Katarina. Congrats pala! I knew you guys – “ 

“Why did you write it like that?” HEr voice laced with animosity.

Nagulat ako sa tono niya.  

Bakit ang hostile bigla. 

“Huh?” 

“The article. Why did you write it like that” her eyebrows scrunched. Although her voice was soft, halata sa kanya ang nagpipigil ng galit. 

“What do you mean? Hindi naman ako nagsulat nun.” I defended myself, hawak-hawak ko pa ang plate ko ng cold cuts kaya ang awkward ng position ko ngayon. “Tsaka what’s wrong with it, Katarina? Maganda naman ‘yung article” 

“It wasn’t.” Hinawakan niya ako sa braso at hinila papunta sa may bandang dulo ng grazing table, almost sa likod ng LED screen, I looked over out table at nakita kong nakatingin si Giselle with worried eyes.  

 

“Please,” Para siyang nagmamakaawa, “Winter, right? Tell whoever it was who wrote it to edit the article and remove anything about me there” 

Hala.  

Hindi naman ata pwede ‘yun. Siya kaya yung nanalong Best Debater.  

“Katarina. I – hindi kita magets. You’re the best debater, so it makes sense kung andoon ka. Andon naman ang buong team, and you being highlighted with your father who was the Best Debater in his time as well makes it more appealing” 

Totoo naman. I didn’t even know na alumnus ang tatay niya. Kaya ba nag-transfer siya from UP to Ateneo?  

“It’s too much… I don’t like it” Inulit na naman niya. This time, bumalik ang pagka-hostile ng tono niya. 

“Teka lang ha,” I retorted, “I told you hindi ako ang nagsulat ‘non. You should ask Giselle, our editor-in-chief. Tsaka isa pa, it’s already on print. I’m sorry okay? But wala akong magagawa” 

She refused to meet me in the eyes. I can see her closed fists shaking, mas lalo akong natatakot sa kung anong eksena ang pwede niyang gawin.  

“Suit yourself.” She said, “Thanks for nothing” 

For a brief moment, akala ko we’d somehow talk it out at magiging maayos ang lahat but I guess hindi ko siya natantya. 

Wala naman akong ginawang masama. 

But why do I feel na bigla akong nagkaroon ng kaaway? 

I’m not the type to deal with confrontations dahil sumasakit ang dibdib ko at napapaiyak ako sa galit, but with her kanina, I was so ready to say my piece. 

Nag-walk out bigla. 

Seriously. 

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo dito pero naramdaman ko na may umakbay sa akin. 

 

“Hey.” 

“What was that about? Bakit parang galit si Karina?” 

“Nakita mo ‘yun?” 

“Yes, pero hindi ko sure kung galit siya from afar pero turned out Somi was right kaya pinuntahan kita."

“She wanted to have the article revised” 

“What? Bakit daw?” 

“Selle, hindi ko rin alam. Gusto niyang ma-edit out yung parts about her. She wanted those removed” 

Saglit siyang natahimik. Kinuha ang isang plate ng cold cuts sa pagkakahawak ko. I never noticed until now na nangangalay na pala ko. 

“She said that?” 

I nodded absentmindedly.

“I think,” She added after a long pause, “I think I have an idea why” 

“Huh?” I was confused.  

“Let’s go back muna sa table. Stay muna tayo saglit then alis na tayo” 

We decided to continue the conversation sa labas ng school. Sabi niya ayaw daw niyang pag-usapan dito sa event at baka may makarinig.  

“Sa condo mo na lang ako matulog tonight, Selle. Yoko munang makipag-englishan sa dormmate ko.” 

Natawa siya, “Kanino? Kay Agatha?” 

“Oo, ‘yung matutulog na lang ako mag-eenglish pa e.” 

“Nakita ko ‘yun nung debate finals ah, nakikipag-usap sa kalaban after ng awarding” 

“Oh? Ansabi?” 

“I’m not one to gossip no!” 

Asus. 

“Sabi ko nga hindi!” 

“Tsaka French din kasi” 

“Ayon” 

Nakabalik kami sa table at naabutang nag-uusap sila Prof. Kwon and yung Student Council president. Mukha lang naman silang nagchichikahan base sa mga mahinhing bungisngis nila. Tipong hindi dapat marinig ng Rector sa kabilang table. 

Nasa gitna ako nila Giselle and Somi. Tapos na ata si VP na kumuha ng mga photos for our social media pages.  

“Winter, what happened back there? Ok lang kayo ni Kata?” 

“Nakita mo rin? Sila ma’am Kwon kaya?” I peered over sa kinauupuan ni prof, mukhang di pa rin naman sila tapos sa daldalan nila ng SC Pres. 

“I don’t think so. So ano’ng nangyare?” 

“VP hindi ko inaway I swear. Bigla-bigla na lang siya e. I-delete daw lahat ng parts niya sa article” 

“I already told Prof. Kwon that something like this would happen.” She mumbled. Sa hina ng boses niya, parang nakikipagusap nga ata siya with herself. 

Mas lalo kong hindi maintindihan ang mga pangyayari. 

Why was Katarina adamant on having her parts on the article removed? 

Sa pagkakabasa ko, Giselle did a great job sa pagkakasulat. Very aspirational at technical at the same time. Parehas lang naman ata ‘yung exposure ng tatlo. May kanya-kanya silang time to shine.  

Ano ba talaga ang issue. 

“What do you mean Somi?” Pag-usisa pa ni Giselle, “Prof gave me something about her, she told me to inlude it in the article and this was part of the ‘thanksgiving’ daw. Hindi na ko nagtanong masyado because looking at it, parang harmless naman.” Akala ko ba sa labas ng school namin pag-uusapan.  

“Pres,” Reply nito kay Giselle, “I don’t want this to come from me. Kata... let’s just say she’s worked her way just to be here. That’s all I can tell you” 

Hindi na kami nagtagal pa sa party. After siguro ng ilang minuto, nagpasya kami ni Giselle na umalis na. 

Binaling na lang namin ni Giselle ang attention sa plano namin tonight. 

Nasa carpark na kami at ihahatid niya muna ako sa dorm. Hihintayin na rin niya ako habang kumukuha ng mga gamit.  

Nang makaakyat kami sa taas ay naabutan namin si Agatha na nag-eempake. Punta daw ng Siargao sa weekend.  

I swear sobrang hindi ko gets yung accent niya. Oks sana magpractice ng conversational english with her pero hindi ko talaga minsan maintindihan. Guilty ako minsan na tumatango na lang kahit di ko gets. Kaya buti na lang talaga nakapag-install ako ng  bed curtain bago pa siya na-assign sa room namin. Baka kasi isipin niya na ayaw ko siyang kausap.  

Mas nauna akong nakapag-settle dito sa dorm.  

It’s a 25 sqm. dorm room na semi furnished with opposite beds and airconditioner, pati mga study tables sa parehas na paanan ng mga kama namin. Sakto lang talagang tulugan at study room dito sa loob ng school.

Sinubukan ko namang I-convince si Papa na sa labas na lang ako mag-rent dahil mas mura, pero mas gusto niya na mas secured pa sa secured ang titirahan ko dito dahil malayo ako sa kanila.

Nasa BGC kasi ang condo ni ate, at kung doon pa ako manggagaling everyday, parang magtataas na agad ako ng bandera dahil sa traffic at haggardness.  

Paglapag ko ng overnight bag sa sasakyan ni Gi, agad naming tinawagan si Ryu at Ning. Since blockmates sila at parehas naman ng course, hindi mahirap para pagsamahin kaming apat.

As in literal na tutulayin lang. Yung mga lalaki lang talaga ang mahirap mabitbit sa gala dahil lahat sila hiwa-hiwalay. 

Although si Ryu ang tagal ko nang di nakikita, almost a month na rin dahil busy ata sa jowa-jowaan niya sa UA&P. Ang bayani lang niya dahil tumatawid pa siya ng Ortigas para sa pag-ibig. 

 While si Ning, halos ka-video call ko every night. Pati si Jaem. Para din akong may jowa tapos yung jowa ko may jowa din. We really are just a bunch of idiots. 

“Pabilhan mo si Ryu ng wine, then si Ning for cold cuts coz it’s a Friday night!!” Excited ko namang pagkasabi sa kanya. 

Medyo gumagaan-gaan na din ang pakiramdam ko.  

Masyado nga talaga akong empath at ang bilis ko maapektuhan ng mga bagay-bagay. 

Ang dami na sigurong pangyayari sa buhay ko na kinailangan kong mas maging matapang pa. Sometimes I fail hiding behind a façade, pero mas madalas mas natututunan ko nang mawalan ng pake.  

Ngayong araw, muntik na akong bumalik sa dating gawi. 

Pero I decided, na kung gusto kong mas maging matibay, ihihinga ko na lang ng malalim ang problema. Paunti-unting ngingiti hanggang umabot sa pwede na akong tumanaw sa nakaraan at sasabihin kong, ‘napagdaanan kita at nakayanan ko’. 

 

Three weeks after ma-publish ang article sa school newspaper at University News sa school website, naatasan na akong magsulat ng first article ko for the swimming team.  

Actually, binigyan ako nila Giselle and Prof. Kwon ng chance pumili kung anong team sports ang pagtutuunan ko ng pansin. It was an abvious choice for me at alam din iyon ni Giselle.  

I am on my way sa gym pool to observe the team at para na rin magtanong. Katatapos lang ng klase ko sa Lit at medyo inspired ako for the interview dahil sa topic kanina about famous documentaries ng mga sikat na personalities.

Isang sample na ginawa ng professor namin ay ang documentary ni Katie Ledecky. Isa siya sa pinakapaborito kong swimmers at ang pinabasehan ko ng breathing techniques back in high school noong sumasali pa ako sa mga competition.

Sa totoo lang, na-mimiss ko na ang maging part ng swimming team. Na-eenjoy ko pa rin naman ang swimming on my own free time, Lalo kapag umuuwi kami parehas ni ate sa Batangas para magpahinga at makasama si Papa at Kiera.  

 

Speaking of, kagabi lang kausap ko si bunso at ang dami niyang bilin sa akin na pasalubong. 

 

“Ate I want slime, fidget toy, and more slime!” Excited niyang pagkasabi through my ipad screen. Nasa tabi niya si papa na nakaupo sa study table, mukhang busy sa quotations at may nakikita akong calculator na ginagamit. 

Kiera is our youngest sibling. Puro babae kaming magkakapatid. Grabe. Sobrang namimiss ko na ang baby na yan! Lagi pa namang amoy baby powder ito kaya ang sarap yakapin. I miss reading bedtime story to Kiera at kukumutan siya sa pagtulog.  

Kelan ba kami uuwi ni ate. 

Gusto ni Kiera ng kung ano-anong laruan. 

Akala mo talaga may patago.  

Iba na talaga ngayon, dati kahit tagu-taguan lang at jackstone, okay na kami ng mga kaibigan ko. 

Pero syempre hindi ako makakatanggi. I would give everything to our baby! 

“Okay but tell me about your school first, baby. How was it today?” 

“Hmm,” May paghawak pa siya sa baba niya habang nag-iisip. Ang cute! “It’s fine. I ate Jollibee!” 

“Jollibee?” 

“Birthday ng kaklase niya si Ash ata,” sabat ni papa na nakatuon pa rin ang focus sa mga papeles niya, “Si Ash nga ba ‘yun, Kiera?” Malambing na tanong ni papa sa kanya. 

“No papa, it’s Steven! The one who has a crush on me”  

Aba aba aba 

Napatawa si papa, “You tell ate how Steven said it” 

“Ate he gave me an extra chickenjoy kasi he likes me daw” 

Ang cuuuute.  

But no, Steven!  

Stay away from my baby. Ang bilis ng panahon. May nagkaka-crush na sa baby namin. Need kong makita yang Steven na yan pag-uwi! 

“Wow Steven’s nice naman, baby. But tell him you’re too young for that ha! Tell me or papa if Steven makes you feel uncomfy.” 

“What’s uncomfy ate?” 

Oo nga pala, syempre wala pa siyang alam sa mga ganito. 

“Hm, it means when you don’t feel safe and you don’t like what he’s doing, okay?” 

“Yes ate, I miss you. When are you coming home?” 

Naku po. Here comes the waterworks. Naiiyak ako. Pero baka malapit na yung period ko.  

Sabi ko nga uuwi na e! 

“I miss you, too, baby! Malapit na po. Sabay kami ni ate Yoona because she misses you, too!” 

 

Malapit na ako sa swimming pool are nang makita ‘kong lumabas from the carpark sila ate Wendy at Katarina. I waved at them dahil nakita ako ni ate Wendy.

Ayoko sanang mapansin nila ako dahil I still feel awkward sa kasama niya simula noong thanksgiving party ng DebSoc as they fondly call their club.

Hanggang ngayon, hindi kami nagkikibuan sa tuwing nagkakasalubong kami malapit sa IBG Ampitheater.

Doon kasi ang way papunta sa mga official club rooms, at nalaman ko na two doors away lang sila from ours noong nautusan akong mabigay ng physical copies ng newspaper edition about the debate championship. 

But whatever.  

I’ll stay on my lane.  

“Winter!” Ang lakas ng boses ni ate Wendy sa umaga. Pero aaminin ko, ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Naalala ko si ate Yoona sa kanya lalo na kapag nakangiti.  

Ang pinagkaiba lang, alam kong magalit si ate sa mata pa lang. 

“Hi ate Wendy,” I replied casually. 

“Winter, it’s so nice seeing you in the morning” Magiliw niyang sabi. 

“Opo. I m-mean likewise, ate!”  

“Haha, ikaw talaga you’re so cute!” 

“Grabe ate Wendy, ang aga pa lang inaasar mo na ‘ko” FC na kung FC pero baka kasi inaasar ako ni ate Wendy.  

“Hoy hindi a! That’s true, Diba Kata, look at her cheeks!”  

Tahimik lang na nakatingin si Katarina sa amin, pansin ko na everyone around her calls her Kata. Pero dahil never kaming magiging close, I will always settle with Katarina. And I don’t plan on calling her other than that in the near future. 

“Wag mo na siyang idamay ate” I noticed her sudden gaze at me. If she noticed the subtle hostility in my voice, I don’t care. 

“Ikaw talaga, anyway, huy, punta ka next Tuesday, bring Giselle and Somi with you. We’ll have another party sa Beer and Mortar sa Cubao Ex since holiday naman the day after. I’ll send you the deets!” 

Oh, another party invite from them.  

Aside sa ayoko because of the awkward atmosphere between Katarina and I, may gagawin pa akong for submission namin sa Corp Comm.  

“Baka hindi ako pwede ate, may tinatapos kasi akong requirement. But I’ll pass this on kina Giselle and Somi!” 

“Aww, sayang, but sige thank you na rin Winter” It seems like they were heading towards the opposite direction kaya minabuti ko nang putulin ang conversation. 

“Ate, I’ll go ahead, may meeting pa ako with the swimming team” I told her. 

“Okay, it’s nice to see you Winter, dalaw ka lang sa org room ha, always welcome ka dun,”  

No freaking way. 

“Sure, ate. Thank you. Bye po,” I also glanced at Katarina and bid her goodbye as well, “Bye” 

Hindi ko na hinintay kung ano ang magiging reaction niya. Dali-dali akong naglakad papuntang pool area at nakita ko na nakakumpol ang swimming team while having a breakfast.  

They offered me to eat with them at tinanggihan ko noong una dahil nakakahiya din naman at kumain na rin ako ng sandwich bago pumunta dito. Pero pinaupo rin ako ni kuya Mingyu at binigyan ng brewed coffee. Okay na rin siguro ‘to. At least may free coffee ako at freshly brewed pa. He’s a senior already at last year na niya with the team kaya he’s making the most out of practices para sa championship ngayong darating na October. 

Makikita mo ang dynamics nila. Maalaga si kuya Mingyu sa team lalo na sa mga bagong team members.  

“Winter, we’ll just finish having breakfast and punta tayo sa club room. Lisa and Sehun will join me for the interview kasi they’ll be the ones competing for the championship. Lisa and I are partners for Mixed Duet while Sehun will compete for the 100 meters freestyle event” 

Tinuro niya ang mga sinabi niyang teammates na busy rin kumain. But they managed to wave back at me at nag-hi pa. I could also hear friendly banters among the juniors at halatang excited at masaya sila sa ginagawa nila. Wala silang special training today, sa pagkakaalam ko. Just kuya Mingyu wanting to have a time to bond at to teach what they know na din sa mga mas bata sa kanila.  

Ang amo ng mukha niya at ang dali niyang kausap. I could sense na magiging magaan lang ang interview mamaya. At excited ako dahil it’s about a sport that I love. 

“Sure kuya Mingyu, please take all the time you need. Thank you for your time pala, I know how it’s so busy for you nowadays. Thanks ate Lisa, Kuya Sehun.” 

“It’s not a problem, Winter” He flashed a charming smile at me.  

“It’s our pleasure, Winter! Pero grabe I really feel so old, lagi na tayong tinatawag na ate at kuya,” Reply ni ate Lisa. 

“Ay sorry po” 

“Haha! Just kidding, ang cute mo naman Winter, nagbibiro lang ako”  

“May naasar ka na naman today,” Sabi ni kuya Sehun sa kanya. 

“Ikaw yung nakakaasar, look at the coffee you’re drinking, akin kaya yan!” 

“Kaya pala maasim!” 

“Ikaw maasim! Winter,” Tawag ni ate Lisa sa akin, “Medyo lumayo-layo ka sa kanya ha at mahawa ka ng kadirihan nito” 

“I have a chikababe what do you mean kadirihan?” Sabay flex ng muscles niya. Nakikita rin siya ng mga juniors at halatang napapangisi na lang sa ginagawa ng senior nila. 

“Ew wait til I tell Rosé you call her chikababe!” 

“Hay nako ignore them Winter, but for real, I can hear Lisa’s joints cracking after stretching” Kuya Mingyu stepped in sa banter nila and winked at me. 

I think I’m starting to like this team a lot. Sana magkaroon ako ng chance to make friends with them, and I hope that this interview is just the beginning. 

 

 

 

 

 

 

 

The university’s swimming and diving teams bag  

5th-consecutive championship titles 

By: Winter Kim  

 

Both the men’s and women’s swimming and diving teams captured their 5th consecutive University Athletic Association of the Philippine titles last night during the four-day championship held at Trace Aquatic Center in Los Baños, Laguna. This year marks the 20th overall title for the women in team history. 

The women’s team claimed 7 total titles over the four-day championship and set four UAAP meet records. Senior Lisa Manoban was awarded Women’s Swimmer of the Year for the second time.  

The men’s team claimed nine event championships and 20 All-UAAP showings across the four-day meet and seniors Sehun Oh and Mingyu Kim set a new UAAP record in the 100 Freestyle and Mixed Duet respectively together with Lisa Manoban. Read the full story from Blue Eagle Athletics. 

 

 

 

 

Tahimik na binabasa ni Ryujin ang article na sinulat ko sa social media page ng swimming team. We are all gathered here sa backyard namin sa Batangas. Pinaghandaan kami ng meryenda ni manang after kumain ng lunch. Hindi ko alam kung may balak siyang gawin kaming mga patabaing baboy para sa fiesta pero next two months pa naman ‘yon. 

Himala na nakauwi kaming lahat ngayong weekend dahil madalas hindi na talaga tugma ang mga schedule namin because of school.  

That’s why sinulit namin na magkakasama kaming lahat at wala naman silang ibang puntahan kung hindi dito sa bahay. Nagpaluto si papa ng lunch para sa aming lahat gaya ng lagi niyang ginagawa noon. Kaya spoiled ang mga ito sa bahay. Pero may mas spoiled pa pala sa kanila, ang baby namin na si Kiera.  

She’s really lucky dahil ang dami niyang ate at kuya. At tuwang-tuwa siya kanina dahil lahat sila may pasalubong sa kanya. 

Ang dami na namang lilinisin nila papa at manang tuwing playtime. Natatawa na lang akong isipin. 

“Whoa, Winter. Ang galing mo naman! Congratulations on your first article!” 

“Thanks, pero give credits to Selle. Tinutukan niya ko sa pagsulat niyan” 

“Ano? Anong tinutukan, e parang isa lang yung revision sayo dyan ni Ma’am Kwon” Giselle teased, “Buti na lang talaga at sumali si Win sa club, we earned our team another prolific writer” 

“Huy Pres, manahimik ka nga. Hindi tayo ganyan dito” 

“Stop calling me pres nga at nawe-weirduhan ako” Sabay kagat niya sa scone na may palamang clotted cream at jam. Wow, hindi pa pala sila busog.  

“Pero Win,” Dagdag ni Ryujin, “Hindi ka ba nanibago? I mean you used to write creatively, ito kasi parang more on PR-type talaga siya and technical, tama ba?” 

“Oo, sobrang iba sa creative writing. Kumbaga sa disiplina, para akong pina-face the wall ni papa” 

“May sinasabi ka?” Pabirong irap ni Giselle. 

“To naman I was just joking! Haha, you know that I wanted this ever since nagstart ako sa college, Selle. I wanted to explore other forms of writing and challenge myself na rin sa mas profesh na setting” 

“Okay, gets naman. So tahi ba dito yung gusto mong work once we graduate?” 

“Di ko pa alam Ryu, parang ang dami pang pwedeng mangyari. I’m really just exploring right now” 

“Alam niyo, napansin ko,” Biglang sabi ni Ning. Kanina kasi busy siya sa pag-edit ng photos niya for IG. May photo taking kasi kaming naganap dito lang din sa backyard na pakana niya. Namiss niya daw kami at dahil momentous daw ang event na ito, deserved ng spot sa feed niya. 

Kung ano ano na lang talaga ang trip ng kaibigan namin. 

“Gets ko naman na updated tayo sa mga buhay ng isa’t isa, pero I can really feel that we’re growing individually” 

Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. 

“Ning tayo ka nga saglit” Request ni Jeno sa kanya na kakabalik lang mula sa loob ng bahay, busy siya makipaglaro ng Wii kasama si Kiera kanina. Ngayon si Shoti ang alay.  

Tumayo naman ito kahit na nalilito, “Ano na naman ‘to Jeno ha” 

“Hindi wala yan, wait lang” Jeno stood beside here at tila sinusukat si Ning kung hanggang saan lang siya ni Jeno. 

“Parang hindi naman, Ning” Biro niya sa kaibigan namin. 

“Hoy!” Pinalo niya ng malakas sa braso si Jeno. 

“Winter, abot mo nga sakin ‘yung panungkit niyo ng mangga para mahambalos ko ‘to!” 

“Grabe Ning napunta ka lang ng Manila naging Amazona ka na” 

“Oo at ikaw ang una kong ipapakain sa mga piranha!” 

“Pero in all honesty, I get what you’re saying, Ning,” Reply ni Ryujin sa kanya, “Medyo looking forward din ako to what comes next after this but at the same time, ang scary kung iisipin. Kasi after graduation, paano ba yang mga job interview interview na yan. How do I prove my worth na wala pa nga, ‘di ba?” 

“Alam mo, wag ka lang magde-demand ng 40k na starting salary at safe ka na” Biro sa kanya ni Ning. 

“Seryoso! Grabe nga sila no? Nung napanuod namin ni ate Krys ‘yon ang taas na naman ng kilay, ‘kids nowadays are becoming too entitled’” Sabay na pag-gaya ni Giselle sa kapatid niya. 

“O ayan Jeno, ‘wag ka daw masyadong entitled ha at mama’s boy ka pa naman” Kunwaring pagalit sa kanya ni Ning. Medyo nagpapa-good shot kasi ito si Jeno and currently nililigawan niya ang ate ni Giselle. Bihira na lang namin nakikita si ate Krys ngayon dahil sa Manila nagtatrabaho, in Makati to be exact. Sa may Ayala avenue. Isa siya Executive Broker at dalawang taon nang nagtatrabaho sa isang Ayala owned company. 

“Feeling ko ito si Jeno magiging asking nito 40,000 din e. 50k pa nga, diba ‘pre? Bala pa lang ng PS5 ubos na sweldo nito” Sabi ni Jaem at mukhang inaasar nila ni Shoti. 

“Tatahimik kayo o hindi ko kayo papahiramin ng Elden Ring?” 

“Joke! Ang tipid kaya nito ni Jeno, ‘pre di ba. Tsaka hindi mareklamo sa gawaing bahay kaya kayang magtyaga niyan sa 12k na sweldo”  

“I think pwede na yon, may pambili na siya niyan ng chocolates for ate Krys” 

Ayan na. Naghaharutan na naman ‘yung tatlo at parang ang sakit-sakit ng laro nila. Parang walang mga jowa itong mga ‘to sa sobrang mature kung kumilos. Sinaway sila ni Ning at pinapunta niya kay Kiera sa loob para may kalaro ‘yung baby namin. 

Pero speaking of jowa... 

“Ryu, nga pala anyare sa jowa mong hilaw?” I asked. 

“Wow ha grabe sa hilaw. Pero ayon, malapit na atang mahinog” Busy siya sa pag-text. Alam kong si Hyewon ang ka-text nito dahil parang ewan na naman yung mukha niya na pangiti-ngiti. 

“Ano yan, mangga? Ilagay natin sa bigas ng mahinog na agad” Sabi ni Ning sa kanya. 

“Tumahimik nga kayo. Ayon I think we’re already there. I’m asking her to be my girlfriend baka this month. Patapusin ko lang yung midterms namin parehas.” 

“Wow naman, next na magkakajowa na satin si Ryu. I’m so proud. Pero pag nakita namin uli si Hyewon, tanong ko kung sure na ba talaga siya sayo, Ryu.” Asar ko sa kanya.  

“Nakakainis kayo!” 

“Diba siya yung may classmate na anak ng Sultan ng Brunei?” Tanong ko. Parang nabanggit niya ‘to samin before. 

“Oo, si princess Ezzah, pabalik na daw sa Brunei pero may pa-party muna sa bahay nila sa Bel-Air.” 

“Ang syala niya no? Bakit kaya dito yun nag-aral?” Matagal na talaga ‘tong iniisip ni Gi at palaisipan din sa amin. 

“Di ko rin sure, e” Reply ni Ryujin, “Baka ayaw lang ng responsibilities?” 

Siguro,” I looked at Giselle na mukhang nag-iisip, ”Mas free dito yung educational system as compared sa kung mag-aaral siya sa SG or China.” Sabi niya. 

“Hinde. Alam ko na kung bakit dito siya nag-aral. Andito kasi yung asawa niya" Pag-contest ni Ning. 

“Huh?” 

“Ano’ng asawa pinagsasasabi mo Ning, e bawal nga magka-jowa yun at lagot yon sa Hari ng Brunei. Na tatay lang naman niya.” 

“Oo nga, ayaw mong maniwala. Diba asawa niya yung singer?” Sabay pakita niya sa amin ng phone niya na may picture ng lalaki. 

“Sinong singer?” Tingin ni Giselle sa phone ni Ning at biglang nitong hinampas ang magaling naming kaibigan. 

“Shuta ka! Bakit si Dingdong?” 

“Haha! E diba, siya yung kumanta ng Parang Di Ko Yata Kaya by Ezzah Zaragoza?” Tawang-tawa lang siya sa mga kakornihan niya. Pero aminin ko, ang havey ng joke niya.  

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
expectokedavra
I say it here: they’re together in the end. But this is all about their journey towards forgiveness and acceptance. So ang masasabi ko lang ay prepare for the ride.

Comments

You must be logged in to comment
_soshivelvet
#1
Read the first chapter ulit. Iyak si ante ih 🤧
lattecream #2
Chapter 3: imy
EzraSeige
#3
Chapter 3: 😣😤😣💙❄
lattecream #4
Chapter 3: GEJVDJE STRANGERS TO ENEMIES TO LOVERS TO STRANGERS ??;)4?&3?3&;?3&?;; pls ang cute cute nila (pano napunta sa hiwalayan)
tuckoz #5
Chapter 1: angst na naman ang aking almusal huhu
lattecream #6
Chapter 2: read nanaman ako gsjwvdhdbs ILY OTOR
lattecream #7
ang ganda po pls nakakailang reread na ko (kagabi lang ako nagstart)
lattecream #8
Chapter 1: HUHU I LOVE THIS
eightcount #9
Chapter 1: lol i’m too emotional rn to handle angst. please tell me may redemption arc ang chapter na to 🥲 may brick & mortar ba sa cubao expo?
howdoyouknowmee
552 streak #10
Chapter 1: HALA ANG SAKIT NAMAN NUN