Wish I Was There to Wipe Your Tears

All the Times I Held You

 

 

Ning 

 

'Wag magtaka kung ako ay 'di na naghihintay 

 
Sa anumang kapalit ng inalay kong pag-ibig 

 
Kulang man ang 'yong pagtingin 

 
Ang lahat sa 'yo'y ibibigay kahit 'di mo man pinapansin 

 

 

“Tama na Win,” Alalay at pagmamakaawa ko kay Winter. 

Kasagsagan ng madaling araw sa Cubao Expo. Andito kami sa Beer & Mortar kung saan kami naglalagi dati noong college. May dalawang palapag ito pero nasa baba ang mini stage kung saan kumakanta ang mga paid bands / singers nila for the night. Sa taas ay may mangilan-ngilan na mga tables, may glass window na abot hanggang kisame para matanaw namin ang kahabaan ng Cubao Expo. Pagsumilip ka sa labas, matatanaw mo ang mga malalaking condominium at ang night carnival na kakabukas lang ata malapit sa may Gateway. 

It has been our go-to place para sa halos lahat ng mga kaganapan ng buhay namin simula nang matuto kaming uminom at umuwi ng walang curfew dahil na rin andito kami sa Maynila lahat. 

Dito kami nag celebrate ng after-party ng college graduation. 

Mga promotion sa trabaho. 

Engagement party nila Giselle at Mark. 

At mga simpleng ayaan lang on a Friday night or sa weekend. 

 

If these walls could talk, ang dami na siguro nitong nasabing hanash sa amin in life.  

70% side comments, 30% ”Go! Kaya niyo yan!” 

 

Napamahal kami sa restobar na ‘to dahil… actually hindi rin ako sure. May kakaiba sa lugar na ‘to na para bang malaya kaming nagkakaroon ng kasiyahan. The community is friendly, halos lahat ng patrons na kakilala namin at nakakasabay uminom ay masaya ang aura. Tapos ka-inuman pa namin. 

Pero okay fine, may open mic din kasi. At syempre, it wouldn’t make sense if walang kakanta sa amin.  

Winter and I love to sing. May rapport ang mga boses namin kaya we know how to support each other’s vocal tones. Nasanay na rin siguro kami sa province kapag may mga malalaking handaan. Matik kasi na lagi kaming inaalay ng mga kamag-anak namin sa karaoke, lalo na sa mga Fiesta at Alumni Homecoming. We grew up na kami-kami talaga ang magkakasama. Sa isang parte ng Batangas kung saan puro kamag-anakan ang tumatakbo mula SK hanggang Mayor.  

Our parents are all part of an SME organization called Sto.Tomas Business Enterprise na itinayo ng tatay ni Winter, si tito Rad. So natural lang talaga na ang maging ka-bonding ko ay ang mga anak ng mga kaibigan nila mommy. Noong una, nahihirapan pa akong makisalamuha sa kanila kasi aminado naman ako na maldita akong bata.  

I’m not proud of it, but madalas akong nagpapalayas ng yaya dati. Pero uso naman ang character development sakin so chill lang kayo. 

As I was saying, halos lahat ng alaala namin sa B&M ay masaya. Nakatatak na sa amin habambuhay. Ones that we already filed under our memory banks.  

But while it’s filled with happy memories, may mangilan-ngilan ding malulungkot na kaganapan na nasaksihan itong lugar na ‘to. 

Tulad na lang ng pagkasawi sa pag-ibig ni Jeno noong hindi tinanggap ni ate Krystal ang wedding proposal niya and hindi nagtagal nauwi sa official breakup nila. Ate Krystal is three years older than Jeno, at nagkagaanan sila ng loob dahil na rin magkababata kaming lahat sa probinsya at barkada namin ang kapatid niyang si Giselle.  

They were a couple for four years. And it all went down the drain when ate Krystal uttered the words, ‘I’m sorry’ 

Grabe rin ang pinagdaanan ng barkada noon. We would take turns at night para lang kamustahin si Jeno sa condo niya at make sure that he was taking care of himself dahil ayaw niya munang umuwi ng probinsya. Malala ang breakup nila to the point na he resigned and lived off his savings hanggang sa kinailangan na talaga niyang umuwi muna ng province dahil na-deplete ang pera.  

 

Although his condo was his from the start, binenta niya ito at bumili ng panibago dahil sabi niya na kahit saan siya lumingon ay nakikita niya si ate Krystal sa lugar na iyon.  

I never wanted to feel that kind of pain. And being with Jaemin for the longest time na rin, I would do my best para kami na talaga sa huli. Sana talaga. Lord, please lang. 

Pinaka-close si Jeno kay Winter at madalas ay si Winter ang nakakasama niya sa moving on phase niya. On-call yan lagi si Winter na parang doctor kapag naririnig na niya sa telepono si Jeno na umiiyak. Kahit pa dis-oras na ng gabi, she never failed to give her support sa kaibigan namin. Ang hirap mabaliw sa pag-ibig. Parang kang nilalason. 

Kaya when he heard the news, hindi siya nagdalawang-isip na mag-file ng isang buwang leave from his work in the UK at umuwi dito sa Pinas. Sinabay na rin niya para makauwi sa amin. 

“Winter tama na. ‘Wag mo nang pahirapan sarili mo. Rina’s our friend, too, but you don’t deserve this. Tama na” Sunod na sabi ni Jaem. Ang dami na naming na-order na bucket at karamihan non ay si Winter at Jeno lang ang umuubos. Wala namang pasok bukas pero Jaem and I decided to be the designated alalays tonight.  

Like sa mga nakaraang inuman na rin after ng hiwalayan nila. 

“Pare, it’s alright, let her cry over it,” Reply ni Jeno, “I know the feeling, man. It’ll take more than just this for her to get over Karina. Kaya do what you gotta do to move on, Win. We’re just here.” 

Andun na nga tayo, Jeno. Pero ikaw ba nag-aasikaso kay Winter lalo na pag sumusuka sa daan yan? Hindi naman diba. 

 

“She told me... she told me that this was it for her. Naalala ko ‘yun, Ning. Naalala ko lahat ng - lahat sa kanya. Why-” Pilit na pagsasalita ni Winter, Nakapatong ang mga braso sa ibabaw ng lamesa para suportahan ang ulo niya. 

“Why did she say all those things kung hindi naman namin tutuparin ng magkasama,”  

Hindi ko alam kung emotional lang ako dahil meron ako ngayon, or iba talaga yung atake ng sinabi ni Winter. I was also trying to hold back my tears at baka ako pa ang gumawa ng eksena dito. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito, matapos ang hiwalayan nila ni Karina two months ago, she was acting all fine and kept showing us like it was nothing. Pero siguro, may hangganan lang talaga ang threshold ng pain tolerance ng isang tao. Kahit anong sabi mo na okay ka lang, para kang bulkan na anytime nagbabadya ng pagsabog matapos ang ilang taong pananahimik.  

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. It was as if she was desperately waiting for someone to give her an answer na makakapagpalaya sa kanya, “Win…” Tanging paghaplos lang sa kanyang likod ang kaya kong ibigay sa ngayon. Hoping na mapagaan nito ang pakiramdam niya. 

But who am I kidding. 

“I say everything she said. Hindi niya kayang ipaglaban yung sa inyo, kita naman ‘yun. Sinungaling.” 

“Jeno” Jaem warned him, “Watch what you’re saying, Karina is our friend din” 

“Yeah, okay” Sarkastiko niyang reply. 

 I get it that he’s been through the same and all. Pero minsan talaga iba ang tabas ng dila nito e.  

“Jeno,” I gave him a hard stare at tumigil naman. Nakikinig naman si Jeno especially to the girls. 

Walang kamalay-malay si Winter sa nangyayari sa paligid niya. She was staring blankly into space. Maga ang mga mata na puro luha at walang balak punasan. God did she look horrible. She had lost significant weight at halatang hindi masyadong nakakatulog. 

I grabbed a tissue at pinunasan ang luha niya, “Uwi na tayo, Win. Sa condo na lang tayo, tara na” 

Sabi ko nga, buti at Friday ngayon. We have to make sure Winter’s safe and sound sa condo niya at naghihintay ang ate niya doon kanina pa. Susunod sana si ate Yoona para sunduin ang kapatid, kaso manggagaling pa siya sa BGC if ever and she wasn’t even supposed to go sa condo ni Winter. She has her own space, living together with her boyfriend na si kuya Minho. Sinabihan ko na kami na lang ang maghahatid pauwi. Pagod din sa trabaho ang ate niya bilang Account Director sa isang malaking advertising agency kaya ayaw na naming magambala pa siya.  

Alam nila ate Yoona at ng pamilya nila ang kalagayan ni Winter ngayon. Kung paano sila naghiwalay ni Karina at kung bakit nangyari ang lahat-lahat. 

But just like any other story, ayaw ng protagonist ng pity party. And everything’s swept under the rug sa tuwing umuuwi sila ng probinsya ni ate tuwing may enough time on weekends and holidays. 

The ex-couple didn’t shy away from having everyone know na mag-jowa sila. If it wasn’t a dark time, umay na umay na siguro ako ngayon dahil para silang mga kambal na saging at hindi mapaghiwalay.

If only we could turn back the time.  

Pero wala. Nandito na tayo. 

 

At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahon 

 
Na ako ay mahalin mo rin 

 
Asahan mong 'di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan 

 
Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin 

 

 

 “Gusto kong sabihin na,” Her speech was starting to slur, at medyo nahihirapan na ako to read her lips dahil sa kumakanta sa open mic sa baba. Maganda ‘yung boses, pero pwede bang pakipalitan, kuya? Medyo sumasabay ka sa pighati naming ngayon. 

“Sana di ko na lang siya nakilala. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya,”  

Sinabi niya sabay tayo, rummaging her bag unsteadily at naglabas ng apat na libo at nilapag sa lamesa! Akmang aalis na siya at bababa ng hagdan when she got out of balance. Thankfully nasalo ni Jeno na nasa tabi niya. She didn’t have any control of her body anymore kaya binuhat na siya ng kaibigan namin. 

Jusko, Winter! Nakaka-stress! 

“Love, may susi ka naman sa condo ni Win?” Tanong ni Jaem ng binabayaran na niya ang tab sa cashier. Binalik namin ang pera sa loob ng bag ni Winter at nag-insist si Jeno that he pays for tonight. 

“Yes, pero andun si ate sa condo. Naghihintay na siya satin, kakareply ko lang” 

“, ate Yoona’s there?” Surprised na tanong ni Jaem, “Alam ba niyang sobrang lasing ‘to ngayon?” 

“Wala akong choice, love. Alam mo namang sa akin nagtatanong ‘yun pag hindi sumasagot si Win sa kanya.”  

Nagsend din ako ng mandatory pic ni Winter kanina ng hindi niya namamalayan. Hindi ko naman pwedeng hindi sundin si ate Yoons. Kung magsesend naman ako ng lumang photo ni Winter, wala rin namang sense at uuwi siya sa condo. Edi ako pa ang napagalitan. Tama nang si Winter ang masermonan bukas.  

Sorry, friend. 

“Bahala na, let’s go. Jeno, I’ll drive, give me your car keys at iiwan natin ang sasakyan mo dahil lasing ka rin” Jaem ordered him at wala sa wisyong binigay ito ni Jeno. He wasn’t that drunk, ayaw lang talaga naming kunin pa ni Lord.  

“Ha? I can’t leave that here.” 

“Ning handled it already with ate Sunmi” 

Alam ko na kasi. Like, pag-upong upo pa lang namin ng B&M, nag-message na ako kay ate Sunmi, ang may-ari ng restobar, bilang wala naman siya dito, na baka may maiwang sasakyan sa parking slot niya. Nagkaroon na ako ng hunch na may mangyayaring hatiran sa kani-kanilang bahay. At ayun na. Pero sabi ko nga, kami ang designated taya ni babe dahil wala dito ang iba naming mga kaibigan.  

Meaning, sumakabilang bahay muna. 

Hinintay namin sa baba yung receipt at leftovers na pina-pack namin habang pinagtitinginan ng mga tao. Curious kung anong commotion ang dala namin dahil may bitbit kaming sobrang lasing.  

Dahil palaban ako tonight, tinitigan ko sila isa-isa at siguro ay tinubuan ng hiya ng hindi ako bumabali ng tingin. Huwag niyo akong hahamunin dahil wala talaga ako sa mood maging mabait ngayon. 

 

1:35AM

Ryu Shin: San kayo? Pauwi na kami.  

 

Pauwi pa lang sila? Huh? Anong ibig sabihin nito. 

 

Ningning: Pauwi pa lang din. Bakit ngayon lang kayo? Kala ko nanuod lang kayo sa Greenbelt? 

 

Ryu Shin: Nauwi kami sa Pobla. Ayaw mag-sine biglang umiyak nung nakaupo na kami. 

 

“Pauwi pa lang pala sila Ryu,” Banggit ko habang nagrereverse si Jaem ng sasakyan, palabas na kami ng expo at aninag pa rin namin ang mga tao na papasok pa lang ng compound.  

“Ha? Akala ko ba nasa sinehan sila kanina?” Tanong ni Jaem. I guess medyo safe na na pagusapan ang kabilang bahay since Winter was already dead to the world. 

“Ayun na nga, nauwi sa Pobla” 

“And she’s still with them?” 

“Oo raw, muntik na nga malasing” 

“What? Totoo ba?” 

“Yes, love. Gulat ka no?” 

“Yeah, parang hell froze over” 

 

Ang dami namang alam ng jowa ko. Sige na lang ako dahil wala na ako sa tamang pag-iisip mag-research. 

 

Ningning: Hay. Magkakonekta ba mga pusod nitong mga to.  

                  Samahan niyo muna yan saa condo at hindi yan uuwi sa kanila. 

 

Ryu Shin: Di naman siya basag. Si Yeji hinahaluan ng tubig yung alak niya. 

                   Si Win? 

 

Ningning: Ayun as usual. Pero tulog na. Driving na si Jaem. Umuwi ate Yoona kaya good luck. 

 

Ryu Shin: Prayers 4 u! 

 

Ningning: Salamat ha.  

                   Ingat kayo! 

 

I put my phone down at meron akong motion sickness.  

Tinignan ko uli si Win na nasa tabi ko. Even when she’s out like this, bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya.  

Win. 

Pwede bang i-fast forward na lang sa panahon na masaya uli tayong lahat? 

Sino ba ang niloloko ko. 

I witnessed how they loved each other. It was almost close to perfection.  

Hay. 

 

 

Yoona 

 

Finally, nakauwi na rin ang mga bagets. 

I feel so old at hindi na maka-relate sa oras ng inuman nila. Dumating ang mga bata dito kani-kanina lang, with Winter na halos nakasampa na kay Jeno. Dala-dala ni Ning ang gamit ng kapatid ko. It was almost comical in a way, if it weren’t for the fact na kapatid ko ang walang malay ngayon with tear-streaked face. 

Minjeong. 

“Good evening, ate” Bati sa akin nila Ning at ng dalawa pa nilang kaibigang lalaki. May lalim at bigat ang mga tingin nila. 

“Kamusta kayo? Salamat sa paghatid kay Winter, guys. Kamusta ang drive? Gusto niyo ba humigop muna ng mainit na sabaw? I can whip up something quick teka -"

“Okay na po ate! Pahinga na lang po kayo dahil galing din kayo sa work. Ihahatid pa rin po kasi namin si Jeno. Pero dalaw kami sa inyo next time pag pwede na uli. Kaya mo na ba siya bihisan te?” Nakatingin kami sa kapatid ko na nakahiga sa sofa. Walang kamalay-malay na siya ang star of the night. 

“Oo ako na bahala diyan, Ning. Hala sige at baka ma-late pa kayo lalo. Thank you ulit ha. Alam niyo kahit papano, medyo panatag ang loob ko kasi andyan kayo para samahan siya."

"Ate syempre, kami-kami lang naman ang magdadamayan dito sa Manila."

Thank you so much. Dalaw kayo sa bahay sa Batangas ha. Jeno,” Baling ko sa kaibigan nilang kumuha ng tubig sa ref para uminom, “Ang tagal mo nang hindi nauwi. O ngayon may chance ka, uwi ka. For sure matutuwa si Kiera pag nakita niya yung favorite kuya niya” 

“Oo naman ate, ‘pag lapag ko pa lang ng gamit sa kwarto ko, diretso agad ako sa inyo” 

“Sira, o siya, mag-ingat kayo. Jem-Jem careful sa pag-drive” 

“Eto si ate Yoona, Jem-Jem pa rin tawag sa ‘kin e.” 

We exchanged a few banters before they decided to really call it a night.  

I watched them close the main door at saka ko ni-lock. 

I heaved a big sigh. 

Kumikirot na naman ang puso ko. 

Ngayon lang sa tanang buhay ko na nakita ko siyang nabaliw saa pag-ibig. Pero siguro, kung ako rin naman ang galing sa isang 7-year relationship at almost into marrying stage, ganon din siguro ang mararamdaman ko. Hindi ko lang sure sa coping mechanism.  

I was under the impression that Winter was taking it quite too well. Bilib ako nung una dahil she tried to manage it very lowkey. Kaya panatag ako noon na hindi ko samahan saa condo. Alam naming nasaktan siya, but I don’t know, parang wala sa kanya? 

That should have been a warning sign for me. That it was a common reaction to trauma. And I feel so helpless ng biglang nangyari ito. I really, really should have known. Ganito din siya noong namatay si mama. Our mother died giving birth to our baby sister, Kiera. What was supposed to be a celebration dahil may bago kaming baby, napalitan yon ng pighati sa aming pamilya. She was just silently crying noong nasa ER kami when she was announced brain dead. All of us were crying and shouting like crazy, while si Winter, our dear sweet Winter, she was just sitting in a chair at tahimik na umiiyak. Walang sound or anything. Afterwards, she became aloof at laging naglalagi sa kwarto. Tanging gitara at piano lamang ang kasama. 

Kiera grew up to be a very sweet child, at siya ang pinaka-alala namin kay mama because she really looks like her. Kaya sobra ang connection ni Winter sa kanya. She spoils her a lot at kulang na lang ay maging tagapaypay 24/7. 

Kaya madalas, doon sa bahay ang tambayan ng barkada nila. Hindi nila maaya si Winter sa labas, kaya sila ang kusang pumupunta saa bahay. It took a lot of work for us just to have our old Winter back again after mama died. At kahit na banyaga ang konsepto ni Papa pagdating sa mental health awareness, ayaw niya kasing masabihan na baliw si Winter kung sakaling magpapa-check kami sa isang clinical psychologist, lalo na at maraming mata ang nakamasid.  

Wala kaming pakialam sa sasabihin ng ibang tao. But it was more on protecting Winter and her insecurities. Kaya minabuti ni Papa pumunta kami sa Maynila para ipatingin ang kapatid ko.  

You know how it is sa mga probinsya, at sa Pilipinas in general. Now that the conversation has started, it’s nice to know that people are more open to talk about it, but we still got a long way to go. 

She was diagnosed with Post Traumatic Stress Disorder at the age of ten. Good thing she didn’t need medication dahil I know there were a lot of side effects sa mga malalakas na gamot especially on the nervous system. We gave her different outlets para mailabas ang repressed energy and emotions sa kanya.  

We encouraged her to do sports in high school. Mind you, she’s very good at it. Pambato siya sa swimming back then, at naglalaro ng recreational tennis.  

She's also into literature. Mahilig magbasa si Winter. Nagsimula ito ng humiram siya sa akin ng isang YA romance novel called, The Sisterhood of the Traveling Pants, mukhang nagustuhan niya kasi kinukulit ako na bilhin yung buong series one vacation noong first year high school siya. I think it paved the way to her creativity. Nagsimula siyang mangolekta ng kung ano-anong libro na pati ako hindi ko na mabilang. Mula Jane Eyre hanggang kay Tolstoy, kay Rowling hanggang kay Camus, pinuno niya ang study room namin ng mga literary classics and contemporary reads. Papa was more than happy to oblige sa tuwing nagpapauwi si Winter ng kung ano mang limited edition ng mga paborito niyang libro whenever he goes abroad for a conference

And that became a big part of her career decision-making when she entered advertising as a copywriter sa isang boutique ad agency sa makati noon. Two years ago, lumipat siya sa corporate side and now leads the brand communications sa isang sikat na Telco. Naging client ko before si Winter bilang nagtatrabaho ako sa isang advertising agency. Aaminin ko, may times na makulit na client si Winter. Alam ko naman na madalas nangangarag ang mga juniors ko sa kanya dahil masyado siyang metikuloso. Alam ko ang ugali niya, hindi yan mapapalagay if she doesn't think it aligns with her brand. Pero she was fun to work with, lalo na kapag nag-uusap kami sa meeting room. Madalas nagsasabay kami kumain tuwing lunch after meeting, at nawawala ang work face niya sa tuwing kami na lang ang magkasama. Winter is a baby. My baby. At lagi ko siyang gustong bine-baby dahil napakalambing ng kapatid kong ito. Kahit siguro umabot na siya ng trenta, hindi magbabago ang dynamics namin.

Kaya nagulat na lang ang isa kong junior account executive na si Stella ng biglang mag-baby talk si Winter ng habang nagrerequest na kumain kami sa Mendokoro sa baba ng building nila. Little did she know na naiwan din si Stella na tahimik gumagawa ng minutes of meeting sa tabi ko. She thought kaming dalawa na lang ang nasa conference room while she was busy typing god knows what sa laptop niya.

"Ms. Yoona, nagulat ako sa sister mo. She sounded like a cute baby whining over food. Akala ko terror siya all the way!" Banggit ni Stella once we were heading back sa office namin after having lunch kasama si Winter. Tawang-tawa lang naman ako sa hitsura ng kapatid ko na nagpipigil ng hiya habang kumakain kami. 

Since we’re both working sa BGC, madalas ay nakikitulog siya sa condo ko after kunin ni Karina lahat ng gamit niya sa condo nila - sa condo niya. At one Friday night, sinabi ko sa kanya na sa akin siya matulog dahil sabay kami bukas umuwi sa Batangas. 

I was just expecting us to have a simple wine night nang mauwi kami sa 2, 3 bottles.  

Medyo may tama na ako at medyo nararamdaman ko na ang pagod ng buong linggo. Kaya I asked her to help me clean up yung mga natirang cold cuts at cheese. Pagbalik ko galing sa CR to take a warm bath, there she was, sitting on the window nook helplessly crying habang pilit tinatakpan ang mga labi niya para siguro hindi ko marinig.  

That scene broke me dahil biglang bumuhos lahat ang mga alaala noong namatay si mama. I reached out to her and wished I could defend her from the pain she was feeling. Gusto ko sanang gawin lahat ng paraan para hindi na maramdaman ulit. But Winter is an adult already. And alam kong there’s only so much I could for her. Hindi ko man magawa na gabi-gabi samahan siya sa condo dahil I know she values her peace, bumibista na lang ako kapag libre. Minho is very supportive of my decision, and tinuturing niyang kapatid talaga si Winter.  

Kaya ngayong gabi dito muna ako sa kapatid ko.  

Nang matapos kong bihisan si Winter at punasan para mapreskuhan, hinayaan ko na syang matulog sa couch. For sure bukas ay masakit ang ulo nito kaya naglagay na rin ako ng Advil sa coffee table para inumin niya paggising.  

Hinawi ko ang buhok niya and gave her a kiss on the forehead. 

Halata sa mukha niya ang pagod. Even in slumber, her forehead was creased na tila ba maraming iniisip. I massaged it a little bit para naman hindi mangalay ang muscles niya sa mukha kinabukasan. Mukhang effective naman. 

I hope tomorrow’s easier for you. And whatever happens, I’ll always be by your side.  

It will get better, my baby. I know it will. 

Pumasok na ako sa kwarto matapos ko siyang kumutan.  

Naramdaman ko bigla ang sakit ng katawan ko at pagod from today’s hard work. Paniguradong wala pang limang minuto ay nasa REM na ko. But the last thing I thought about before finally succumbing to sleep was Karina. 

Kamusta na kaya ang batang iyon. 

 

 

 

Ryujin 

 

Ah, . 

 

Ang sakit ng ulo ko, man.  

Ano’ng oras na ba?  

I checked my phone quickly at nakitang ang aga-aga pa! 

5AM?! 

Who the wakes up at this ungodly hour of the day on a weekend? 

Medyo madilim pa sa labas pero medyo maliwanag dahil sa dim lights sa kusina. I looked around, my eyes trying to adjust sa paligid. Everything seems safe and sound.  

Naalala ko na, hinatid pala namin pauwi si Rina. Dito na rin kami natulog ni Yeji at naglatag pala ang gaga ng mattress sa sahig. Ang sarap naman ng hilik nito. Kaya ba ko nagising? Malabo. Sanay ako sa bahay. 

I suddenly felt like peeing. Ayoko pa sanang tumayo at bumalik na lang sa pagtulog pero I gauged the situation, pinisil ko ang puson ko at medyo uncomfy nga ‘yung feeling. Di ako mapapakali nito hangga’t di ako makapag-CR.  

Dahan-dahan, tumayo ako at maingat na iniwasan ang paa ni Yeji. Nasa kwarto ni Rina ang CR at wala akong choice kung hindi pumasok. Napalingon ako sa taas ng island counter. Nakalagay doon ang mga baskets of Baby’s Breath at sari-saring decals for decoration na una naming nakita kanina pagdating namin. Para saan kaya ang mga ‘to? Baka siguro dadalhin niya sa bahay nila pag-uwi.  

Nakabukas naman ang pintuan and we made it that way in case na may kailanganin siya. I tiptoed my way to the CR, and saw her na mahimbing ang tulog. Her back’s facing the window covered with a blackout curtain, beside her bed was a small drawer chest na may lamp at calendar on top. Noticeable ang encircled date sa kalendaryo. 

 June 16. 

Hmm, that was yesterday. 

Ano bang meron kahapon bukod sa gala namin? Hindi naman siya worth marking your calendar for. May heart pa nga e. She’s always out and about dala ng negosyo nila. So bakit… 

May heart? 

“June 16, June 16…” Pabulong kong tanong sa hangin. 

Teka nga ihing-ihi na talaga ako.

While I was doing my business, iniisip ko pa rin kung ano ang date na 'yon.

Baka siya lang naman ang nakakaalam.

Oo nga, Ryujin. Wag ka ngang pakialamera.

Hay, salamat. I felt really relieved. 

Matutulog uli ako.

Papalabas ako ng kwarto at bigla kong naalala sila Ning. Ano na kaya ang nangyari sa kanila.

Ganito rin sila nila Winter kagabi. 

Nalasing daw at naglabas ng pera ng walang kamalay-malay sabi ni Ning. Ang kuripot pa naman 'non kapag nasa katinuan. 

I just hope she feels better paggising niya mamaya.

OMG. 

Fudgeee. 

“June 16!” I exclaimed in whisper. 

 

Dali-dali akong bumalik sa sala. I looked for my phone at nakita ko sa may unan ko sa couch. Ang himbing ng tulog ni Yeji at mukhang natamaan sa mga alak na sinalo niya from Karina. Umuwi lang si Somi na kasama din namin kagabi dahil may binyag pa daw siya ng umaga.  

 

 

No Lovebirds Allowed 

Ryu Shin: Kakaloka. Kaya pala extra sawi yung dalawa kahapon. Bakit walang nakaalala satin ng anniv nila? 

 

Hindi ko inexpect na may magrereply agad-agad. Kahit nga mga manok tulog pa. Itutulog ko na lang uli ‘to. Ang lamig! Nasan ba ‘yung remote ng aircon dito sa sala? ‘Pag pinatay ko naman to panigurado ang reklamo ng babaitang kasama ko.  

Bahala na nga. 

Humiga ako uli at nagtaklob sa kumot.  

I relaxed my breathing and focused para makatulog uli. 

No distractions. 

Don’t think. 

Ah, naalala ko pala ‘yung napanuod ko na TikTok video about sa mga nauusong Tasting Menu ngayon.  

Sikat ‘yung Toyo Eatery. Pero meron pa e. Modan? Tsaka…ano ba ‘yun, Pagpag? Parang hindi.  

Lapag?  

Hmmm. 

Stop! Nakakainis, ang dami kong naiisip. Please lang brain, kumalma ka at patulugin mo ko. Huhu. 

Okay from the start, inhale….exhale. 

Don’t think. 

Don’t think. 

Don’t think. 

Nararamdaman ko na ang pagbigat ng katawan ko and relaxed breathing. Ayan… 

Mukhang makakatulog na ata ako. 

… 

… 

… 

Hapag. Hapag pala yung name nung isa pang restaurant na may Tasting Menu! 

Pota nadistract na naman ako. 

Help!!! 

 

 

“Besh, gising”  

Naalimpungatan ako sa background noise. Parang may naghuhugas sa kusina at nagpiprito ng something. Naamoy ko na rin ang bawang na ginigisa at unti-unting akong napamulat. 

 

“Yej mamaya na please, kakatulog ko lang” I groaned at tumalikod sa kanya. Inabutan na ako ng tirik ng araw bago tinamaan ng antok. Kung ano-ano na lang ang pumasok sa isip ko hanggang umabot sa pagka-LSS ko sa Savage Love na yan. Ang tagal-tagal na ng trend na yon pero bigla akong pinagtripan kagabi. 

Ang sakit ng ulo ko. 

“Nagluluto si Kata ng breakfast, sa bahay niyo na lang ikaw matulog ulit.” 

Gahhhh. 

I guess I had no choice.  

Bumangon na ‘ko at nagayos ng pinaghigaan. Nilagay ko ‘yung tinupi kong kumot on top of Yeji’s sa mas maliit na upan malapit sa TV na nakabukas ‘din. It was tuned in sa CNN. 

Huh, typical Karina.  

“Morning Ryu, did you sleep well?” Rina asked me habang nililipat niya ang natitirang fried rice from the pan sa isang malaking mangkok. Nakahanda na rin ang la mesa with plates and utensils. Pati na rin yung mga fried tocino and omelette. Okay sige na nga, di na rin masama na ginising ako ni Yeji, binigyan din niya ako ng mug na may brewed coffee. 

“Nagising ako kaninang madaling araw tapos ayon, mga 7 na ata ako nakatulog uli” Humigop ako ng kape. I groaned in satisfaction. 

“Oh, that’s terrible! Ganon ba kalakas hilik ni Yej?” Pang-asar ni Karina sa kaibigan namin. 

Pinalo siya nito sa braso, “Excuse me?! Hindi ako humilik kagabi” 

“May recording ako besh, gusto mo marinig?” Normally hindi ako natitinag ng simpleng hilik lang. My whole family snores a lot at ako lang ata ang hindi nabiyayaan ng curse. Kaya immune ako sa mga ga-barkong tunog nila kuya kahit na nasa kabilang kwarto pa sila natutulog. 

Si mama ang matibay. Papa snores like a thousand trumpets. Imagine hearing that noise every night for 40 years simula ng ikasal sila? 

Susmaryosep! 

Kaya yung kay Yeji, panis na lang sakin. Pero kagabi, napagtripan ko siya at nirecord ang hilik dahil wala akong magawa, bilang hindi na rin ako makatulog. 

“Manahimik ka!” Pinandilatan niya ako. 

“Oo nga! Eto o pakinggan mo” 

“Bwiset ka Ryujin! Ide-delete mo yan o ide-delete ko buhay mo?” 

Tawang-tawa lang kami ni Karina habang nakikinig ng recording ng hilik ni Yeji. May pang-blockmail na ko sa wakas.  

Matapos naming kumain, nagpahinga kami saglit at nagpababa. Ako na lang ang maghuhugas para may ambag naman ako.  

We were just enjoying the rest of our coffee at nakatulala sa kawalan ng biglang magsalita si Karina. 

“Thanks for last night, guys.” Napatingin kami ni Yeji sa kanya. Her brows drawn together in a thoughtful manner. 

“I was ready to actually go home earlier last night because of our failed movie date.” Tumawa siya ng mahinhin, “Sorry Ryu kasi hindi ka nakasunod sa Friday sesh nila” 

“Huy ano kaba, wala kang dapat ika-sorry Rina. Nagenjoy ako kagabi with you and Yeji. Yaan mo sila dun nakakaumay na sa B&M”  

It wasn’t a lie. Pero hindi na niya kailangang malaman na nag-divide and conquer talaga kami kahapon.  

Yeji subtly looked at me and smiled. Sa tingin ko nabasa na niya yung message ko sa group chat namin without Winter and Karina.  

“Still. Andun si – yung mg barkada mo” 

“Hala siya, bakit di ba kita dabarkads? Ang sakit naman po” 

“Sira, you know what I mean” 

“Kata, can you give yourself more credit? You earned a spot sa friendship na ‘to. Tsaka swerte lang nila satin no nadagdagan sila ng magaganda” 

“Ay, ang lakas naman ng mare namin” Biro ko sa kanya ng pabiro niyang hawiin ang kanyang buhok. 

“Basta, thank you guys, sinamahan niyo ako hanggang dito. I really appreciate it. It gets – It gets really lonely here” 

I didn’t comment but instead gave her a sad smile. 

Si Yeji naman ay marahang hinahaplos ang likod ng kaibigan namin. 

“Dahil dyan iplano na uli natin yung next” Yeji replied. 

Her eyes directed towards the flowers na inilipat naming saglit sa lapag sa may sala. For a second, parang medyo glassy ang mga mata.  

And just with a blink of an eye, humarap siya after a deep sigh at muling ngumiti. 

“Do you want some flowers? You can bring them home, tapos yung matitira ibibigay ko sa lobby sa baba.”  

“Sige, I’ll bring one for mom” Sagot ni Yeji. But just by looking at her, expressive kasi ang mga mata nito, sabi nga namin, hindi marunong magsinungaling si Yeji dahil mahuhuli agad. At alam kong may hindi sila sinasabi sa akin. 

And I won’t force them to say it. 

“Great! How about you Ryu? You can take as many baskets actually, surprise si Tita with these” 

“Sige sure, ikaw bahala Kat, Para san pala- ” 

“I was supposed to propose.” Pinutol na niya ang tanong ko. Siguro ay nararamdaman niyang may suspetsa na rin ako.  

 

What. 

Tama ba ‘yung pagkakarinig ko? 

 Kung may shock of a lifetime ako, eto na ‘yun. 

What?! 

Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Dapat hindi ito malaman ni Winter. I really should call Ning and - 

Sumagi pa sa isip ko na siguro may balak lang siyang ibigay kay Winter ang mga bulaklak at humingi ng sorry and work on the issues at hand. Malay ko ba, pwede namang mangyari ‘yun. Pwede namang mangyari na nagkalakas na ng loob si Rina to stand her ground and other people be damned.  

Propose kanino? Dun sa jowang hilaw niya? Wala pa naman siyang mukhang pinapakita sa amin? Bakit kagabi lang ang sawi pa niya, tapos may proposal pala dapat na magaganap?  

“Yesterday...I was supposed to propose to Winter yesterday.” She added. I looked at Yeji na nakatingin lang sa akin na walang bakas ng pagkagulat.  

“I forgot to cancel it kasi after you know,” She continued sharing na para bang recollecting a good memory dahil nakangiti pa siya, “Tapos ayun, before ako umalis to meet you two, dumating yung delivery man dito. So…” 

 

“Oh…” I tried to act normal na para bang regular news lang ang narinig ko sa kapitbahayan. Rina and Winter were supposed to get engaged yesterday. Parang nadudurog ang puso ko sa balita. Ang sakit isipin na hindi na mangyayari ang plano niya.  

And knowing Winter, no one could ever get her to say no.  

No one. 

Kaya ba niya itinapat sa -   

“It was also our anniversary yesterday. Well, supposedly, that is” Awkward niyang tawa. 

“Besh…” I started walking towards her.  

Pero she stood up at dumiretso sa sala. Inayos ang mga ipapamigay niyang mg bulaklak at inihilera sa may pinto. Pagkatapos ay kinuha din niya ang mga decorations, parang mga fairy lights ata at pearl white balloons. 

“Any takers?” Inangat niya ang mga gamit at tumingin sa amin.  

“Oh, wait I also have this dress that I bought for the occasion, I think Yej this is your type so I’m giving this to you” 

Pumasok siya sa kwarto. Rinig ko ang pag-rummage niya sa cabinet. 

Nagkatinginan kami ni Yeji. Both of us suddenly downhearted. We knew what was happening.  

Rina was breaking down. And she wasn’t really doing a good job at hiding it. 

Gusto naming sabihin ni Yeji na she didn’t have to. 

That we are here. Hindi siya nag-iisa.  

While most of our friends ay nakaalalay kay Winter, alam din naman naming hindi naging madali ang desisyon ni Karina.  

Tumayo kami at nauna si Yeji na pumunta ng kwarto. 

“Here! I think this fits you also. Right Ryu? Bagay sa kanya?” 

“Kata,” Yeji attempted to hug her pero umilag siya at pumunta naman ng kitchen. Binuksan niya ng malakas ang ref at dali-daling kinuha ang isang malaking green box. I’m guessing it’s cake. 

“Ryu, you can also take this home. This cake is so good! Not too sweet kaya hindi nakakaumay. Let me just get – “ 

Hindi na siguro nakatiis si Yeji at sapilitan nang hinawakan si Rina para tumigil kakagalaw kung saan-saan. 

 

“Hon, it’s okay. It’s okay, we’re here” 

Parang nabigla si Karina nang ginawa ni Yeji iyon. And then suddenly her lips quivered at parang nagpipigil pa.  

Yeji’s embrace pulled the trigger and Karina just stood there helplessly weeping. Seconds after, she held on to her friend. The dam broke then and there.  

 

Winter and Karina. 

Karina and Winter.  

 

Kahit pagbali-baliktarin mo pa ang mundo at spelling siguro ng mga pangalan nila, iyan at iyan pa rin ang magiging kalabasan. Walang masisilayan na katapusan.  

But that was then. 

Seeing your friend cry and break into pieces, wala kang magawa but to give them your warmest embrace. Sa huli, sila pa rin talaga ang tutulong sa mga sarili nila. It’s just going to be no one but yourself who can sort the s out sa buhay mo. Pero hindi na rin masama na may karamay ka.  

Hindi naman malaki ang circle namin. At malalaman at malalaman nila ang mangyayari sa bawat isa. Pero sa ngayon, kami lang ang nakakasaksi sa pagpatak ng luha ng kaibigan namin. 

So there we stood in broad daylight with and Yeji and I hugging Karina.  

Sa gitna ng masakit niyang paghikbi, ay ang nakakabinging katahimikan na kaming tatlo lang ang nakakaalam. 

 

 

Anyone who can guess the inspiration for Beer & Mortar? :p

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
expectokedavra
I say it here: they’re together in the end. But this is all about their journey towards forgiveness and acceptance. So ang masasabi ko lang ay prepare for the ride.

Comments

You must be logged in to comment
_soshivelvet
#1
Read the first chapter ulit. Iyak si ante ih 🤧
lattecream #2
Chapter 3: imy
EzraSeige
#3
Chapter 3: 😣😤😣💙❄
lattecream #4
Chapter 3: GEJVDJE STRANGERS TO ENEMIES TO LOVERS TO STRANGERS ??;)4?&3?3&;?3&?;; pls ang cute cute nila (pano napunta sa hiwalayan)
tuckoz #5
Chapter 1: angst na naman ang aking almusal huhu
lattecream #6
Chapter 2: read nanaman ako gsjwvdhdbs ILY OTOR
lattecream #7
ang ganda po pls nakakailang reread na ko (kagabi lang ako nagstart)
lattecream #8
Chapter 1: HUHU I LOVE THIS
eightcount #9
Chapter 1: lol i’m too emotional rn to handle angst. please tell me may redemption arc ang chapter na to 🥲 may brick & mortar ba sa cubao expo?
howdoyouknowmee
541 streak #10
Chapter 1: HALA ANG SAKIT NAMAN NUN