1.5 - Ang Humahagulgol na Puno

Hiwaga
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Hello, Yeji nga pala.”

 

Nahihiya akong nagpakilala. “Hello rin, I’m Winter.”

 

“I’m Giselle.”

 

“You can call me Ningning.”

 

“Ah…” Yeji gave me an awkward stare nang biglang pumunta sa kanya yung isang gansa at pusa. 

 

“Nagustuhan ka ata nila Yeji,” natatawang saad ni Karina habang pinapanood namin ang mga kaibigan ko na magpapansin sa panibago naming kasama.

 

“So ikaw pala yung kaibigan ni Karina?” tanong ni Ningning nang binuhat siya ni Yeji. Bumalik naman na sa tabi ko si Giselle.

 

“Nagme-meow na siya Winter. Gutom na kaya siya? Meron akong cat food dito,” sabi ni Yeji at saka naglakad papunta sa may kusina. Kinuha niya ata yung cat food.

 

Nagkatinginan kaming dalawa ni Karina. Kaming dalawa lang talaga ata ang nakakaintindi kila Ningning.

 

Bumalik naman siya agad na may dalang canned food at saka binigyan si Ningning. 

 

Tiningnan lang ‘yon ni Ningning saka binigyan ng tingin ulit si Yeji.

 

“Nugagawen ko dyan teh?”

 

“Malamang kakainin,” sabat ni Giselle. “Pusa ka kaya panindigan mo ‘yan.”

 

“Hoy kahit na pusa ako, tao pa rin ako and I’ll never eat this—wait, ang bango.” 

 

Pinanood lang namin si Ningning kung paano siya nag-alinlangan na tikman yung pagkain sa harap niya at nang magregister sa kanya yung lasa…

 

“Huy masarap pala ‘to!” sabi niya at saka kumagat na ng malaki doon sa cat food.

 

“Grabe hindi ko maimagine na dadating ang araw na kakain si Ningning ng cat food,” rinig kong sabi ni Giselle.

 

“Ako rin,” bulong ko habang pinapanood ang kaibigan namin na lantakin yung cat food.

 

Nandito kami ngayon sa apartment ni Yeji.

 

Si Yeji yung kaibigan ni Karina na sinasabi niyang bibisitahin daw niya dito sa Baguio. 

 

After kasi naming bumili ng mga kakailanganing ingredients para sa gagawin naming reverse spell, doon lang nagregister sa utak ko na wala pala kaming matutuluyan ngayong gabi.

 

Nang makalabas kasi kami mula sa grocery store, tuluyan nang lumubog ang araw at puro streetlights na yung bumungad sa amin.

 

Mas lalo akong kinabahan doon kasi wala naman akong alam na pwedeng matuluyan dito kasi first time ko lang dito tapos what if bigla pa akong manakawan? Edi ang ending wala na akong pera. Kapag wala na akong pera, hindi na ako makakauwi. Kapag hindi ako makakauwi, it means hindi na ako makakakain tapos magugutom ako tapos papayat ako tapos magkakasakit ako tapos mamamatay na lang ako dito sa Baguio.

 

Hala paano na ‘to?

 

“Winter? Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Karina. “We can take a rest muna tapos saka na lang tayo umalis kapag nakapagpahinga na tayo.” 

 

Kinuha niya sa kamay ko yung plastic ng pinamili namin at saka iginaya ako sa malapit na upuan.

 

Kumandong sa akin si Ningning at dinikit naman ni Giselle yung katawan niya sa paa ko.

 

Umupo naman sa tabi ko si Karina. Parang binabantayan pa ata niya kung bigla na lang may mangyari sa akin.

 

“Okay lang ako Karina,” tawa ko.

 

“Sure ka?”

 

“Actually may problema nga.”

 

“I knew it. Ano ‘yon?”

 

“Wala pala kaming tutuluyan ngayong gabi,” nag-aalala kong sabi.

 

Sa sobrang occupied namin kanina na pabalikin si Ningning at Giselle sa dati, nakalimutan kong maghanap ng pwedeng matulugan sa buong stay namin dito.

 

“Don’t worry, may alam akong pwede niyong tulugan.”

 

“Saan naman?”

 

“Naalala mo na kaya ako nandito dahil bibisitahin ko yung kaibigan ko? Pwede kayong matulog sa apartment niya. Pwede ko siyang tawagan ngayon para ipaalam kayo,” sabi niya at saka nagsimulang magtipa sa phone niya.

 

“Sure ka ba? Hindi niya kami kilala tapos bigla na lang akong susulpot sa tirahan niya na may kasamang dalawang hayop.”

 

“Trust me okay lang ‘yon sa kanya at matagal na rin niyang sinasabi sa akin na bumisita ako sa kanya kahit one night lang kasi mag-isa na lang niya doon ngayon. Umuwi kasi yung isa niyang roommate.”

 

Excited si Karina nang mapapayag niya kami na doon na lang kami sa friend niya makitulog.

 

Wala na rin naman na kasi akong choice kundi sumama na lang sa kanya kasi baka mas lalo pa kaming maligaw kung ngayong gabi pa kami maghahanap.

 

Pagkarating namin doon, winelcome kami ng friend ni Karina na nagpakilalang si Yeji.

 

Nahihiya pa ako sa kanya nung umpisa pero pagkatapos kong makita kung paano niya binigyan ng cat food si Ningning, I’m sure na okay lang sa kanya na dumito muna kami ngayong gabi.

 

“Pasensya na ulit sa istorbo ha,” hingi ko ng paumanhin sa kanya.

 

“Okay lang yun. Mas gusto ko nga na madami tayo dito ngayon para umingay naman kahit papano. Ilang araw na rin kasi akong mag-isa dito simula nung umuwi si Ryujin.”

 

“Sorry to interrupt Yej, pero pwede ba naming magamit yung kusina niyo?” tanong ni Karina.

 

“May dala ba kayong lulutuin? Wala kasi akong stock ng pagkain ngayon. Lagi lang akong nagpapafood delivery o kaya kumakain na lang ako sa labas.”

 

Saglit na bumaling si Karina sa akin at saka bumalik kay Yeji.

 

“Oo may lulutuin kami pero hindi siya pagkain.”

 

Mahahalata sa itsura ni Yeji ang pagtataka.

 

“Kung hindi pagkain, edi ano?”

 

Turn ko na para magstep forward.

 

“Yeji, maniniwala ka ba kung sasabihin kong tao pala yung gansa na nakakandong sayo ngayon?” maingat kong tanong.

 

Giselle moved her head para makita si Yeji na nakatingin na ngayon sa kanya. 

 

“You mean, tao si Giselle? As in literal human?”

 

“Oo, pati rin si Ningning.”

 

Nakatitig pa rin si Yeji hanggang ngayon kay Giselle.

 

“Seryoso ba kayo? Tao na naging hayop? Diba sa mga movies lang may ganon?”

 

“Alam ko hindi siya kapani-paniwalang pakinggan pero totoo yung mga sinabi ni Winter, Yeji.”

 

Napatingin si Yeji kay Karina. Nagtataka siguro siya kung bakit nag-eexplain rin si Karina.

 

“Karina I know you, I swear kapag ikaw nag-initiate kay Winter na i-prank ako..”

 

“As much as I would love to, hindi ‘to prank,” sagot ni Karina na sinabayan ko ng tango.

 

“Okay sige sabihin na nating naniniwala na ako pero paano nangyari yung spell na ‘yon at paano niyo sila nakakausap?”

 

“Nangyari lang kasi yung lahat ng ‘yon nung may na-recite silang spell at kaninang umaga pa kami naghahanap ng paraan para maibalik sila sa dati. Yung sa communication part naman, siguro dahil kaibigan ko sila kaya ko sila naiintindihan. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit naiintindihan rin sila ni Karina.”

 

Nagtatanong ang mata ni Yeji na bumaling kay Karina.

 

“It just happened na kaming dalawa lang ni Winter yung nakakaintindi sa kanila but I hope na sana maniwala ka sa’min Yej.”

 

“Kung totoo ‘yon, pakitaan niyo nga ako ng proof.”

 

Nag-isip ako sandali ng pwede naming gawin para maniwala si Yeji.

 

Isang ngiti ang sumilay sa mukha ko nang may naisip ako.

 

“May idea ako. Ningning, Giselle, gawa kayo ng movement o kahit ano na tao lang ang makakagawa.”

 

“Teh ano naman yung pwede kong gawin na tao lang ang makakagawa eh pusa nga ako.”

 

Inirapan ko siya. “High-five ganon.”

 

“Ay oo kaya ko yan, wait lang.”

 

Pinanood ko kung paano ni Ningning itaas yung isang paa niya para maghigh five.

 

“Okay na ba?”

 

“Good girl,” puri ko sa kanya.

 

“Inamo Winter.”

 

“Ikaw naman Giselle, ilan ‘to?” 

 

Itinaas ko yung apat na daliri ko.

 

“Four,” sagot ni Giselle.

 

Tumaas ang kilay ni Yeji. Hindi niya naintindihan yung sinabi ni Giselle.

 

“Sagutin mo ulit pero bilangin mo.”

 

“1, 2, 3, 4,” sagot ulit ni Giselle. 

 

Napakurap na lang si Yeji habang pinaprocess yung mga nakita niya.

 

“Naniniwala ka na ba?”

 

Hindi gumalaw si Yeji.

 

“Winter, may isa pa akong trick gusto mo ipakita ko sa kanya?” dagdag ni Giselle at saka tumalon papunta sa table. 

 

Naupo siya doon.

 

Actually, matagal namin siyang pinanood na maupo doon.

 

Hanggang sa parang narinig ko siyang umuungol.

 

“Giselle anong ginagawa mo?” nababahala kong tanong. Nakakabahala yung sound na ginagawa niya.

 

“M-malapit n-na.”

 

“Hoy teh ano ‘yan? Don’t tell me magla-live show ka dito?” singit ni Ningning at nilapitan si Giselle para itulak.

 

Natumba si Giselle at doon mismo sa inupuan niya ay may nakita kaming…





















“Itlog?” sabay-sabay naming sabi.



“Tada!” masaya niyang sabi.







Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rinniu
#1
this was a really good read! its usually hard for me to stay hooked sa mga tagalog fics but this really got my attention and tawang tawa naman ako lalo na dun sa itlog ni giselle
prfssrTaC
#2
Chapter 5: Is there a chance na Karina could read minds kaya niya rin naintindihan sina Ningning at Giselle nung hayop pa sila? So excited for the next story. ^^
M_1412 #3
Chapter 5: Lt itlog ni gi😭
stillintoyu
195 streak #4
Chapter 5: ANG LT NANGITLOG SI GISELLE 😭
gompringles
#5
Chapter 5: HUYYYYY ANG GANDA NG STORY HUHU IT ACTUALLY MAKES ME FEEL GOOD. THANK YOU AUTHORNIM ❤🫶🏻
gompringles
#6
Chapter 1: SHET HNGHHHH HUYYYYY BET KO TO
u_ujiman #7
Chapter 5: HELP HAHSAHSHAHSHAH NANGITLOG HINDI KO KINAYA

Ang cute! Ang ganda! Super gaan lang basahin, tawang-tawa talaga ako HAHAHAHAHA looking forward sa mga sunod!!
u_ujiman #8
Chapter 3: HALA SUMAGOT SI KARINANWJWJWJSKAKAK
u_ujiman #9
Chapter 2: Ang funny HAHAHAHAHAHA
u_ujiman #10
Chapter 1: Hala huy HAHAHAHAHAHA