1.3 - Ang Humahagulgol na Puno

Hiwaga
Please Subscribe to read the full chapter

 

It turns out na willow tree pala yung humahagulgol na puno na sinasabi doon sa spell book. Dinouble check na rin namin kung tama ba yung hula namin at hindi naman kami minali ni google.

 

“Ang tanong, saan tayo makakakita ng willow tree dito?”

 

Yun lang.

 

Never pa akong nakakita ng ganong puno dito sa lugar namin at base sa research ko, matatagpuan lang ang mga ganong puno sa mga malalamig na lugar.

 

May malamig ba na lugar dito sa Pilipinas?

 

“Parang may nakita akong ganon dati sa Baguio.”

 

Kaya ito kami ngayon at naglalakad papunta sa sakayan ng bus papuntang Baguio.

 

Nahirapan pa kami kaninang makaalis nang may mga bata na nagkainteres dito sa dalawa kong kasama. 

 

“Ate ang cute naman po ng mga alaga niyo. Pwede po ba namin silang hawakan?”

 

“Ah eh..” tiningnan ko yung dalawa kong kasama. Pwede naman siguro.

 

“Sig—” hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi pinagkumpulan na sila ng mga bata. 

 

Halatang gusto nang umalis ni Giselle doon pero wala siyang magawa habang si Ningning naman, gustong-gusto pa ata na hinahawakan siya.

 

Nilabas ko yung phone ko para kuhanan sila ng picture.

 

“Winter!” alanganing tawag ni Giselle kaya lumapit na ako para makaalis na kami.




***




“Miss, alaga niyo po ba yung mga yan? Iwan niyo na lang po sila dito sa may harap tapos hanap na lang po kayo ng upuan dyan.” Iginaya ako ng kundoktor doon sa aisle ng mga upuan. Pero hindi ko naman pwedeng iwanan yung mga kaibigan ko doon. Paano kung may mangyari sa kanila.

 

*honk* “Winter wag mo kami iwan dito.”

 

Nanlaki ang mata ko nang biglang magsalita si Giselle at saka tiningnan yung kundoktor na hindi man lang nagulat nang magsalita siya.

 

Ako lang ba yung nakakaintindi sa mga kaibigan ko?

 

“Manong pwede po bang dalhin ko na lang sila sa tabi ko?”

 

“Sorry ma’am pero baka po kasi makaistorbo po yung mga alaga niyo lalo na po yung gansa sa ibang mga pasahero doon.”

 

“‘Yan kasi Giselle ang ingay mo,” asar ni Ningning.

 

“Excuse me?” 

 

Huminga ako nang malalim at saka nagdesisyon. Minsan lang naman ako gumastos at sisingilin ko yung dalawang ‘to kapag bumalik na sila sa dati.

 

“Bayaran ko na lang po yung dalawang magkatapat na upuan. Kailangan ko po kasing mabantayan yung mga alaga ko eh.”

 

Kaya nakaupo ako ngayon sa right side ng bus habang nandoon naman si Giselle at Ningning nakaupo sa bandang kaliwa. Katapat ko lang sila ng upuan kaya nababantayan ko silang dalawa.

 

“Wag kayong aalis dyan sa pwesto niyo ah,” pabulong kong sabi careful na hindi marinig ng ibang mga pasahero dito. Halos puno na rin kasi yung bus. Baka mamaya pag-isipan pa ako ng mga tao na nababaliw na kasi kinakausap ko yung gansa at pusa.

 

Maayos lang naman yung unang minuto ng pagsakay namin. Nakasaksak pa nga sa tainga ko yung earbuds ko para ma-feel ko yung pagiging main character ko. 

 

Habang nakikinig ako ng kanta, hindi ko napigilang isipin na ito palang pala yung unang beses kong makakapunta sa Baguio. 

 

Bigla akong kinabahan.

 

Wala akong alam sa pupuntahan namin!

 

Itong dalawa kong kaibigan naman, sitting pretty lang habang nagtitingin rin ng view sa may bintana.

 

“Uh, excuse me?”

 

Umangat ang tingin ko nang may tao na huminto sa tapat ng upuan ko. 

 

Tinanggal ko yung earbuds ko para marinig ko siya nang maayos.

 

“Do you mind if sit here?”

 

“Huh?”

 

“Dyan?” Tinuro niya yung bakanteng upuan sa tabi ko kaya napatinign rin ako dito. 

 

“Okay lang naman kung hindi pwede. Hanap na lang ako ng ibang pwesto.”

 

“Hindi!”

 

Nagulat siya sa pagtaas ng boses ko. Maski ako nga rin nagulat. Napatingin rin sa akin yung dalawa kong kaibigan. 

 

“Ano.. okay lang naman na dito ka na lang sa ‘kin— I mean, dito ka na lang maupo sa tabi ko,” natataranta kong sabi at hindi makatingin ng diretso sa kanya.

 

She smiled confusedly nang bigla akong tumayo mula sa pwesto ko at pinauna siyang maupo.

 

“Why..?”

 

“Baka kasi gusto mo sa window seat,” nahihiya kong sagot sa kanya.

 

“I wouldn’t mind naman kung hindi ako sa window seat pero thank you.”

 

“Ano ka ba, okay lang naman sa ‘kin at saka may binabantayan kasi ako.” Tiningnan ko yung dalawa kong kaibigan na parehong nakatingin sa aming dalawa. Tumingin rin si ate sa kanila at saka nakpagtitigan rin sa kanila.

 

Kanina pa ba nila kami pinapanood?

 

“Hoy Winter anong kabaklaan ‘yan?”

 

“Sabi sa’yo Ning dalaga na ang anak natin.”

 

“Shh,” saway ko sa kanilang dalawa. “Mamaya na kayo mag-ingay.”

 

Inayos ko yung pwesto ni Giselle kasi muntikan na siyang mahulog nang nagpreno yung bus at saka bumalik na ulit sa upuan ko kanina pero katabi ko na ngayon si ate na halos kasing edad lang ata namin.

 

She was smiling at me nang umupo na ako sa tabi niya.

 

“Ang cute naman nila,” bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Napatigil rin yung paglalagay ko ng earbuds sa tainga ko. 

 

Tiningnan ko siya tapos tiningnan ko rin yung dalawa kong kaibigan.

 

Sure ka na ate? Cute yang mga yan?

 

“Ba’t parang ayaw mong maniwala? Diba pet mo sila?”

 

Ay oo nga.

 

I forgot for a moment na pusa at gansa yung dalawa kong kasama.

 

“Ah oo cute naman sila,” sang-ayon ko na lang. She smiled at me at saka binalik na niya yung tingin sa bintana. We still have 3 hours to go bago makarating sa Baguio. Mukhang matutulog ata siya kasi umayos siya ng upo at pinikit na niya yung mata niya.

 

Inilagay ko na sa tainga ko yung earbuds.



Once Again now playing…

 

I just want to talk about you, yeah
Like a star is rising
You are shining

 

Where the rainbow rises
I’ll run with you alright
I’m trying to realize




Tama na kakatitig, baka matunaw.

 

May isang boses sa utak ko na nagremind kung ano nga ba ang ginagawa ko.

 

Marahas akong umiling at umayos na rin ng upo. Muli ko ulit pinagmasdan ang mga kaibigan ko. Nakahiga na ngayon si Ningning at nakasandal kay Giselle. Mukhang ayos naman na sila kaya sinimulan ko na ring ma

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rinniu
#1
this was a really good read! its usually hard for me to stay hooked sa mga tagalog fics but this really got my attention and tawang tawa naman ako lalo na dun sa itlog ni giselle
prfssrTaC
#2
Chapter 5: Is there a chance na Karina could read minds kaya niya rin naintindihan sina Ningning at Giselle nung hayop pa sila? So excited for the next story. ^^
M_1412 #3
Chapter 5: Lt itlog ni gi😭
stillintoyu
195 streak #4
Chapter 5: ANG LT NANGITLOG SI GISELLE 😭
gompringles
#5
Chapter 5: HUYYYYY ANG GANDA NG STORY HUHU IT ACTUALLY MAKES ME FEEL GOOD. THANK YOU AUTHORNIM ❤🫶🏻
gompringles
#6
Chapter 1: SHET HNGHHHH HUYYYYY BET KO TO
u_ujiman #7
Chapter 5: HELP HAHSAHSHAHSHAH NANGITLOG HINDI KO KINAYA

Ang cute! Ang ganda! Super gaan lang basahin, tawang-tawa talaga ako HAHAHAHAHA looking forward sa mga sunod!!
u_ujiman #8
Chapter 3: HALA SUMAGOT SI KARINANWJWJWJSKAKAK
u_ujiman #9
Chapter 2: Ang funny HAHAHAHAHAHA
u_ujiman #10
Chapter 1: Hala huy HAHAHAHAHAHA