1.2 - Ang Humahagulgol na Puno
Hiwaga
Bago pa ako mahimatay ay nagulat na ako sa lakas ng boses nung gansa— I mean si Giselle.
Meron rin akong naramdaman na kumalmot sa akin kaya sinamaan ko ng tingin yung pusa aka si Ningning.
“Anong nangyari sa inyo?” agad kong tanong nang makabawi ako sa gulat. Hindi pa rin nagpaprocess sa utak ko yung mga nakikita ko ngayon. Naging hayop ang mga kaibigan ko at nakikipag-usap ako ngayon sa mga hayop.
Way to go para simulan ang sembreak, Winter.
Tumigil na sa paglipad yung gansa at saka lumapit sa kinauupuan ko.
Pinigil ko yung pagtawa ko. Sigurado ba talagang hindi ako nababaliw?
“Aray!” daing ko nung tinuka ako bigla ni Giselle. “Ang sakit mong manuka!”
“Makinig ka kasi sa ‘min!”
“Oo na.”
“Totoo yung spells na binasa ni Ningning.”
“Winter tulungan mo kami. Paano kami babalik sa dati?”
Kung alam ko lang ang mangyayari mula sa umpisa, edi sana napigilan ko na lahat ng 'to.
"Ningning anong ginagawa mo?" tanong ko nang mapansin ko yung kaibigan ko na nilalaro yung ballpen na nakapatong sa table.
"Hindi ko alam pero ang saya kapag ginagalaw ko yung ballpen."
Tiningnan ko naman si Giselle na lumilipad na naman ngayon.
"Giselle kailangan mo ba talagang lumipad?"
"Winter ngayon lang ako naka-experience ng ganito ang saya pala!"
"So, lilipad ka na paalis dito tapos mangingitlog ka na?" nag-aalala kong tanong. Pero paano kung mangingitlog talaga siya? Pwede kong ibenta yung itlog niya.
Lumipad siya sa ibabaw ko at tinuka ulit ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kumalma ka Winter. Hindi ako lilipad paalis at hindi rin ako mangingitlog."
"Sure rin akong hindi sasali si Giselle sa swimming team ng mga gansa," dagdag pa ni Ningning. Oo nga pala lumalangoy rin yung mga gansa.
“Patingin nga ng langoy Giselle,” hamon ko sa kanya at umiwas nang akmang tutukain niya ulit ako.
“Oo na ito na!” tinaas ko yung dalawang kamay ko as a sign of surrender at pinagmasdan ang dalawa kong kaibigan.
Paano ba sila m
Comments