1.1 - Ang Humahagulgol na Puno
HiwagaSummary: May nangyaring kababalaghan sa dalawang kaibigan ni Winter at siya lang ang tanging makakatulong sa mga ito upang bumalik sila sa dati. Bonus na lang na may tumulong sa kanyang babae na nagngangalang Karina along the way.
***
Start na officially ng sembreak namin ngayong linggo. Buti na lang at nagkaroon na ako ng bakasyon kasi parang hindi ko na kakayanin kung hindi pa rin ako magkakaroon ng pahinga for another week.
Being in college and at the same time, masaya naman dahil ang dami kong experience na nakukuha at isa na doon yung more than 24 hours na akong gising dahil sa sobrang daming requirements ng course ko.
Kung may course lang sana kung paano maging tambay, baka grinab ko na agad ‘yon.
Mag-isa ko lang ngayon sa bahay dahil may pinuntahan sila mama na business trip.
Sanay naman na akong laging mag-isa dito sa bahay.
Sa totoo nga lang ay mas gugustuhin ko pang mapag-isa na lang kaysa magkaroon ako ng kasama. Siguro nasanay na lang ako kasi only child lang ako at introverted person din ako.
Kaya hindi ko rin alam kung anong nangyari at nagkaroon ako ng mga kaibigan kung hindi ako sanay maki-interact sa mga tao.
My friends are exactly the opposite of me. Based nga sa mga MBTI namin pareho silang extrovert habang ako lang yung nag-iisang introvert sa aming tatlo.
Feel ko nga totoo yung nakita kong meme sa twitter dati.
How introverts make friends:
10% They don’t
90% An extrovert found them, liked them, and adopted them
Siguro nga thank you for adopting me na lang.
“Winter wala ka bang pagkain dyan?”
Lumingon ako sa may kusina at nakita ko nang nagbubukas si Ningning sa ref namin.
“Penge akong cake!”
Bago pa ako makapagsalita, nakuha na niya yung cake at kinakain na nilang dalawa ngayon ni Giselle.
“Bahay niyo? Bahay niyo ‘to?”
Umupo ako sa harap nila at kumuha naman si Ningning ng plato at saka ako nilagyan rin ng pagkain.
“Try mo Winter, masarap yan.”
Napailing na lang ako at saka kumuha rin ng subo.
Wala na ring pasok itong dalawa kong kaibigan kaya nandito na naman sila sa bahay namin para kumurakot ng pagkain.
“Paswelduhin mo kami dito ha. Mahal ang cleaning fee namin.”
“Wow parang hindi kayo yung nagvolunteer na tumulong sa ‘kin maglinis ha,” sarkastiko kong sabi dahilan para tawanan ako nitong dalawang ‘to. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko eh!
“Hoy seryosohin niyo nga ako.”
“Seryoso ako sa’yo Winter. Ewan ko na lang dyan kay Ningning.”
“Eme ka talaga Giselle. Seryoso rin ako kay Winter ‘no ‘di ba bebeloves?”
“Ningning kadiri,” umakto pa akong nasusuka sa narinig ko.
“Grabe ka na Winter. Aminin mo gusto mo rin.”
“Hindi ‘no!” tanggi ko habang natatawa.
“Ayaw niya sa’yo Ningning kasi ako talaga ang gusto niya,” kumindat pa si Giselle sa akin.
“Makikipaglandian lang ba kayo sa akin o tutulungan niyo na akong maglinis?”
“Ayaw mo ng naglilinis habang nilalandi ka?”
“Magtigil nga kayo!”
“Aminin mo na Winter. Lahat tayo bakla sa pamilyang ‘to.”
“Sinabi ko bang hindi?” hamon ko sa kanya.
Pareho silang may ngiting malisya habang nakatingin na ngayon sa akin.
“Giselle..” tawag ni Ningning.
“Ningning..” tawag naman nitong isa.
“Dalaga na ang anak natin,” madrama nilang sabi with matching punas pa ng non-existent na luha.
“Napalaki natin siya nang maayos.”
Magsasalita pa sana ulit si Ningning nang binato ko na sila ng maduming basahan kasi alam kong hindi na sila titigil sa kakaasar sa akin kung hindi ko pa sila papatigilin.
Comments