Hostile

Ghoster
Please log in to read the full chapter

Ayyt, bored na bored na naman ako sa buhay ko. Dapat naghahanap na ako ng trabaho kasi magiisang taon na akong tambay dito sa bahay. Although wala namang problema kasi ako yung nagaalaga ng mga pamangkin ko. Ewan ko ba kay tito Key at magaampon tapos sa akin naman papaalagaan. Okay naman kasi wala akong kapatid, kaya parang nararanasan kong magkaroon ng kapatid. Kaso ayon nga, minsan lang siya umuwi. Ang hirap magexplain sa mga bata tungkol kay tito Key. Dati nga ay tinanong din nila ako tungkol sa real parents nila. Aba, ano alam ko ron?

 

Oo nga pala, birthday ni Jaimee sa Sabado. Iniisip ko pa kung magluluto ako or magoorder nalang. Ang trabaho lang kasi hehe. Mapapagalitan ako ni Mama kapag nalamang tatamad tamad na naman ako. Ehh, so what?? Hindi naman siya nauwi.

 

“Ateeeeee,” tawag sa akin ni Krista. May dalawa kaming adopted na mga pinsan. Ang gulo nga ng family tree namin. Pero still, I treat them as my own siblings. My mother is a single mom... kuno. Basta. So, never na nagkaroon ng kasunod kasi she worked her off since 4 or 5 years old ako - pagaaral man o pagttrabaho.

 

Hindi ko siya masyadong nakasama kasi iba ang naglaga sa akin. Itong bahay ay sa amin naman talaga, pero natira sila ate Wendy at tito Key kasi nandirito yung work ni ate Wendy, then si tito ay mas gustong umuwi rito. Tapos may isa pa akong tita, mas nakakatanda kay tito Key. Single din ‘yon, ayaw mag anak pero parang nahihikayat din mag adopt. Tapos yung dalawang mas nakakatanda kay mama, nasa ibang bansa na. 

 

 “Why?”

“Ano pong balak natin sa birthday ni Jaimee?”

“Ewan ko rin, pero ano gusto mong iregalo natin? Ako na bibili para hindi ka niya hanapin.”

 

“Hmm,” habang nagiisip si Krista ay inayos ko muna yung kalat sa salas. Kagabi kasi naglaro kami ng psp, pogs, monopoly, cluedo, tsaka truth or dare. Ang kalat lagi rito hehe. Nakalimutan ko na magayos kahapon kasi naglaro pa ako ng online game. Panigurado nakita na naman ‘to ate Wendy.

 

“May naisip ka na?” tanong ko.

 

“Wala pa po. Hindi ko po alam kung ano mas magugustuhan ni Jaimee sa damit or sa ipit.”

“Edi bilhin natin parehas, tapos pair kayo ng ipit. Ano, g?”

 

Habang nag aayos ako ng mga kalat sa salas ay may nakita akong singsing. Bakit ‘to nandito? Luh. Tinignan kong mabuti kasi nagtataka ako at bakit napunta ‘to rito? Kamukha lang pala. Akala ko napunta rito yung itinago ko sa kwarto ko.

 

Tatlong taon na simula nung naglakas akong makipagsocial sa mga Filipino online. Englishera kasi ako sa online kasi madalas ang kausap ko ay mga taga ibang bansa. Usually, ang mga nilalaro ko ay international games, kaya laking gulat nalang nila na Fili ako.  Suplada pa nga raw ako sabi ng iba, tapos ang yabang ko raw porket pay-2-win ako.

Well, may taga hatid sundo ako noon tapos may baon pa. Isama mo na rin yung daily pocket money na hindi ko naman nagagastos. Hindi ako pala labas tulad ng iba, kasi mas gusto kong nasa bahay ako. Kapag may birthday ako sa school, hindi naman ako nanlilibre. Wala lang. Hindi ako mahilig sa kahit na anong material na bagay kaya hindi na ako nabili pa dahil binibilhan naman ako ni mama. Don’t get me wrong. Hindi kami business tycoon type na family, or yung mga Sy level na yaman. OFW si Mama, and 10+ years na siya ro’n. She’s a doctor, kaya well paid lang talaga. Pero ayon, hindi niya na share sa akin yung passion na ‘yon. Though, I do like joining voluntary work. Basta ayaw ko lang yung feeling na nakasalalay sa akin yung naghihingalong pasyente. Parang hindi ko kaya. Iiyakan ko lang siya sa operating room.

 

Anyway, I’m not friendly. Mapili ako sa tao kasi mabilis akong mairita, lalo na sa mga lalaki. Maybe that’s also the reason why I’m being left out sa school madalas. Kaya I took culinary kasi iba yung mood ko kapag nasa kusina. Everything just feels calm and comfortable. Pero sa akin lang ‘yon, kasi ang kitchen ay isang impyerno sa kanila lalo na kapag practical test. Kaso kapag nasa kusina namin, tinatamad ako. Hindi ko na maintindihan sarili ko.

 

*****

 

“Ningie~” tawag ko sa kaibigan ko. Nasa café niya ako ngayon. Siya nga pala yung nagiisang bestfriend ko since grade 4. Ewan ko ba sa malditang ‘to kung bakit siya lang kinaya kong intindihin noong kapanahunang surang sura ako sa tao... well, noon. Medyo nalang ngayon hehe. 

 

“Ano na naman, Minjeong? Ang teluk teluk mo.”

“Wowerz naman sis? Jejemon era ka?”

“Tanga, nabasa ko lang sa Twitter. Masama bang magfeeling commoner?”

“Grabe ka sa commoner, sumbong kita kay tito. Nagaappear na naman ‘yang kamalditahan mo.”

 

“Charot lang eh. I’m a changed person,” sabi niya habang may pa hair flip hair flip pa. Gripuhan ko ‘to eh.

 

“Tito!” pakunwaring sigaw ko. Wala pa namang customer kasi kaaalis lang nung tatlong studyante. Nung uulitin ko yung pagtawag ko kay tito, bigla niyang tinakpan yung bibig ko.

 

“Ti—mbhbhmmm!!!”

 

“Shh, gaga ka. Nasisira yung peaceful energy ng café ko. This place is only for quiet and calm people” tinanggal niya yung kamay niya. “Kaya, shhh ka beh” sabay lagay ng hintuturo sa labi niya. “Let’s practice self meditation.”

 

“Ulul. Pinagsasasabi mo? Anong peaceful peaceful ka diyan?”

“Shh, Minjeong Kim. This is the peaceful era of me, myself, and I. Yes, correct. You heard that.”

“Nanood ka na naman ng ASMR kagabi ano? Potangena mo, kailan ka pa naging peaceful?”

 

“Hello?” sagot niya na parang kinwestyon yung buong pagkatao niya. Ang OA? “It’s not ASMR. Nanood ako ng meditation videos.”

 

“Ulul. Jejemon ka nga kanina?”

 

Napahawak nalang si Ningning sa buhok niya at ginulo ito. Hehe, success. Inis na siya.

 

“Alam ko ikaw ah, porket wala kang jowa eh ako kukulitin mo? Hello? Alam kong crush mo pa rin ako after all these years. Ako lang ‘to, ang nagiisang Ning Princess the Great. I know, babe. Ako lang ‘to.”

 

Ay puta, ako ata yung maiinis dito.

 

“Beh, that’s like 18 kopong kopong pa. Long time ago na ‘yan, bago pa dumating si Aang. Baka naman ikaw yung may crush sa akin ngayon kaya grabe ka nalang magpapansin?”

“Excuse me—”

“You’re excused.”

“Shut up, babe. Oh my god?”

 

Habang tuwang tuwa pa ako sa asaran namin, biglang may pumasok na customer.

 

“Oh, hi! Welcome~” bati ni Ning. Yuck, plastic.

 

“Is the floor above, available?” tanong nitong lalaking customer. Yuck, lalaki.

 

“Yes, of course. The air conditioner is also on since opening, so just relax.”

“Okay, noted. I’ll order nalang kapag dumating yung friends ko. I’m waiting for them. Is it okay if we occupy the whole floor?”

“As long as you guys will fit without any hassle, then it’s fine. Ahm, but please keep the noise moderately. For the comfort of other customers.”

 

“Sure,” sagot ni guy. Anong sure lang? Banatan kita diyan. Sabihin mo, oo sure yes tama of course. Kapag nag ingay kayo mamaya, babangasan ko kayo isa-isa. Tamo.

 

Umakyat na nga itong si guy.

 

“So, anyway…” panimula ko kay Ningning dahil naputol nga usapan namin kanina. “Kaya ako nagpunta rito, kasi gusto kong umorder ng cake.”

 

Biglang napatingin si Ning na para bang may kumalampag sa isang tahimik na lugar. Gulat ‘yan?

 

“Ikaw?” sabay turo niya sa akin. “Oorder ng cake… sa akin?” then tinuro niya naman sarili niya.

 

“Yup,” sagot ko.

 

“No way!?” sagot niya. Luh, pangit kabonding. 

 

“Bakit naman?”

“Girl, best pastry chef ka sa batch natin tapos oorder ka lang ng cake? Alam kong tamad ka, okay. Pero, babe?”

“Why not? Let’s just say na I’m supporting your business.”

“My business is doing good. Tapos you’re skilled as , so no. No way, girl. Unless you have any reasons for not being able to bake a cake.”

“Ah, I have to cook 5 dishes?”

“Oh, bakit hindi ka sure? Knowing you, alam kong mag oorder ka lang online. Tsaka girl, you cooked more dishes than you ever had in those 2 to 6 hours cooking session. Alam kong kaya mo lutuin ‘yang lahat if you try hard.”

“Loh—”

“Don’t luh, luh me. Come on, babe. What reason do you have?”

 

Ang strict naman nito. Ang hirap pa naman pilitin nito kapag hindi naiiyak sa grades. Since wala na kaming grades grades, ang tanging makakapag oo lang dito ay kapag may sapat na rason ka para gawin yung gusto mong ipagawa.

 

“Ayaw ko na nga. Hirap mo namang i-convince.”

 

“Hehe,” ngiting tagumpay si gaga. “Well, I can help prepare if that’ll keep you from ordering from me. But you should use your skills kahit sa bahay niyo man lang.”

 

May dumating na apat na students, 3 guys and 1 girl. Dumiretso sila sa taas. Baka kasama nung lalaki kanina.

 

“Ayan na, nagsisidatingan na” sabi ko kay Ningning.

 

“What if tulungan mo ako rito once na nagorder sila? Nagiisa lang sa loob si Hue.”

 

“As a barista or as a cook?” tanong ko. Well, nasa school naman si Krista and Jaimee kaya pwede akong magstay dito. Walang aalagaan.

 

“Depends sa order. If maraming drinks, then I’ll ask you to be here. If maraming food, then I’ll ask you to be inside the kitchen.”

 

“May sweldo?” I had to ask. Not for free yung magiging work ko ‘no, or maybe this can get me to obtain her hard-to-get ‘yes’.

 

“Girl, of course. As if you did not receive any paycheck kapag nahingi ako ng tulong sa’yo.”

“What if you take my order in exchange for helping?”

 

Ang sama na naman ng tingin niya sa akin.

 

“No, I’ll pay. No order from you. Final.”

 

“Edi don’t” sagot ko habang nakanguso.

 

May dumating na lima pang students at dumiretso sa taas. Pumunta muna ako sa kusina para kumuwa ng apron at para icheck din kung ano yung mga available ingredients nila.

 

“Uy, Min!” bati ni Hue. Cute cute talaga nito, kaso bakla ako kaya hanggang friends lang kami.

 

“Hey, Hue my friend” bati ko naman sa kanya. Tapos nag apir pa kami. Batchmate namin siya, top 8 ng whole batch. Specialized niya ang pagluluto ng pasta and any dough type dishes, except sa bread. Marunong din naman siya mag bake, pero he’s quite clumsy sa oven.

 

“Ikaw pala yung kausap ni Ning. Sabi na eh, ikaw yung nasigaw.”

“Ah, rinig pala kami.”

“Oo, hahaha.”

 

“Hindi ka ba nabobored dito kapag ikaw lang mag-isa sa shift?” tanong ko. Kasi paano tulad nito na wala pang customer order at minsan naman ay drinks lang ang inoorder. Edi wala masyadong ganap dito sa loob.

 

“Hindi naman” sagot niya sabay turo sa libro at notebook na nakapatong sa free space sa kusina.

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
I'll publish the other 2 finished chapters later. Hindi ko lang mapost kasi I'll reread ulit para iwas edit na in the future, plus I have something to do kasi nasa work ako HAHAHAH. Anyway, hi. Thanks for dropping by.

Comments

You must be logged in to comment
ohyo_ohyo319
#1
Chapter 6: Hahahaha sign na b to- sana may way din tadhana samin mueheheh
Lia_aff #2
Chapter 5: i had the reread some parts of this chapter and other chapters kasi naguguluhan ako 😭 but nonetheless okay yung flow and yung plot ng story. kailangan ko lang talaga intindihin. its me hi, i'm the problem its me talaga. kinilig pati ako kasi sa last line ni karina. namiss kita otor 😭
Eybrelros #3
Chapter 4: Tamang ingat lang daw si minjeong baka magising yung lasing na Yeji matipuhan lalo si Jimin 😆
Eybrelros #4
Chapter 3: Yung ikaw yung nang ghost pero parang ikaw pa yung minumulto minjeong 😂
sheryl2193 #5
Chapter 2: aliw si ningning 😭
Eybrelros #6
Patambay😎☕
Clairevoyance #7
Chapter 1: I think si winter ung ghoster 👻