Obscure

Ghoster
Please log in to read the full chapter

Jimin's POV

“I think we’re close na sa pupuntahan natin. Ang dami lang liku-liko rito, infairness” sabi ni Ryujin. We’re on our way to the resort kung saan nagbook si Ryujin.

 

“Nasa Talisay na ba talaga tayo?” tanong ko. Tinatamad ako maglabas ng cellphone para magcheck ng google map.

 

“Yup, basta parang 2km nalang ata.”

 

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na kami sa resort at nagbayad na rin ng natitirang balance, isa pa ay nagkaroon kami ng upgrade at additions.

 

Pagkapasok namin mula sa bukana ng resort ay nakita na namin ang elevated area para sa common pool at ang mga nakalinyang cottage. Sa kanan naman ay may basketball area at sa tabi nito ay may building na parang for events, may patagong area naman sa kanan na siguro ay mamaya nalang namin pupuntahan.

 

“Saan yung rooms dito?” tanong ni Ryujin sa akin. Wala kasi kaming nakikitang parang itsurang bahay or building na may mga rooms. 

 

Originally, cottage lang na may 2 beds. Hindi ayan yung usual kubo na alam natin, mas malaki ito kesa sa kubo at may aircon na rin yung ibang kubo na nirerentahan sa mga resorts. Kaso nung nandito na kami ay biglang nagbago isip ni Ryujin kasi nalaman niyang may semi-private room na available. Hindi kasi ito nabbook, pero pwedeng upgrade or walk-in. May rason para dito, pero mamaya na 'yon. 

 

“Ewan ko lang. Tanungin natin sila kuya.”

 

“What if nabudol tayo?” lokong pasabi ni Ryujin. 

 

“Gagi, hindi naman. Grabe ka" sabi ko nalang.

 

Umupo muna kami sa isa sa mga open cottage kasi wala talaga kami makitang rooms dito. Malaki yung lugar pero mga pool, jacuzzi, at mga cottage lang ang nandito. May slides din.

 

"Bakit parang ang dami mong dalang damit?" tanong ko kay Ryujin. Paano, naka isang maleta kasi si gaga, tapos may backpack pa.

 

"Shh, nagpasok kasi ako ng alak kahit bawal magpasok. May corkage fee kasi tapos ang mahal pa. Hindi naman nila ii-inspect yung bag ko kasi semi-VIP yung room na kinuwa natin" patawang sabi ni Ryujin. Jusko, sana hindi kami mapahamak dito.

 

“Hello po, mga Ma’am."

 

May lumapit na employee sa amin. Taray, may pa-uniform pa sila rito ah.

 

"Let me assist you po sa rooms niyo. I am Xiao, nice to meet you” may lumapit sa amin na guy. I think he’s a bit shorter than me. Maybe a college student?

 

“Hello,” sagot ni Ryujin. Sinabi niya kung saan kami nakabook at ayon nga, nakarating na kami sa room namin.

 

Hindi namin inexpect na malaki pala yung pinaka area ng resort. As usual, façade lang talaga yung iisipin niyong laman pero no, there’s a lot.

 

“How much dito?” tanong ko kay Ryujin. I’m asking kasi I might go back here with my parents or kahit ayain ko kung sino man gusto kong ayain.

 

“Pretty cheap, I think. 7500 per night, so I paid 15k for 2 nights. Including na yung additional ek ek burek ek na inask ko kanina.”

“15k?!”

“Oo, kaya you better enjoy your day here. Pero, since this area is considered semi-private eh I think it’s pretty cheap pa rin.”

“There’s no problem naman with other rooms.”

 

“Well, beh” pagtigil ni Ryujin sa pag a-unpack ng luggage niya. “Minsan lang ‘to. Given na we got a private space but we also have the freedom to feel na this is still a public resort… it’s a win-win purchase.”

 

That’s too much. She also paid for gas kanina, tapos toll gate. Bakit ang mahal ng room?

 

“I’ll pay for the food and other things. Just tell me if you want to buy something. Ako na rin magpapagas sa'yo tapos akin ang toll pauwi.”

“Don’t think about it too much, Jimin. I also paid this for my own mental health. Uy, nakakapagod kaya magwork ano. Atsaka ako naman ang nag book without your partial consent na dito tayo. I got you, beh.”

 

Ngumiti nalang ako. Okay, I won’t think about it much nalang din. She’s correct, nakakapagod mag work. To think na she’s 1 year younger than me pero she’s working longer than me.

 

“Ikot muna tayo? We’re here early, so wala pa masyadong tao.”

 

“Sure,” sagot ko. Nagpalit muna kami ng damit. Nag t-shirt lang ako tapos jogging pants na maluwag. Para presko. Si Ryujin naman, naka sweater tapos short. Baliktad talaga kami minsan.

 

*****

 

“Dito beh, picturan mo ako” sabi ni Ryujin. 30 minutes na kami rito sa small beach area. Parang dito ata pwedeng ikasal? Kasi may floating area dito na kung saan pwedeng mag ‘I do’ kuno.

 

“Beh, kahit ilang picture natin dito ay hindi ka magkakaroon ng katabi diyan. Mag jowa ka muna” loko kong sabi kay Ryujin.

 

“Hindi ko pa nakikita yung the one ko. Bata pa ako, pwede pa siyang maghintay” wow kapal.

 

“Sige” sagot ko.

 

“Cold mo beh. Anyway, doon naman tayo sa may mga bench area.”

 

Tuwang tuwa siya. Well, she worked hard for 3 years, graduated early, and probably all she did noon ay mag aral. Visiting resorts like this is not new to her kasi at least twice a year ay nabisita yung department namin. Department outing, kuno. I’m happy na she’s enjoying this time.

 

“This is the happiest I’ve seen you, Ryu” sabi ko.

 

No intentions intended but it felt like I’m being a sister to someone who’s much younger than me. For the first time, I felt like she’s being herself - kid version. Not the brightest and serious person in the room, not the stressed and pressured senior engineer who initiate in making decisions in absence of the supervisors, not the person who looks like 5 years older than her physical age kapag may defect meeting.

 

Frankly, there are times na she looks very mature, sabog-sabog, and someone who looks old pero wala pang white hair. Gano’n niya saluhin yung bigat ng gawain. She can ask for help but knowing her ay mas gusto niyang may touch siya sa ipapasang project para panatag siya sa resulta. What really amazed me is how she can handle situations, lalo na kapag may mali sa decision. May part man siya or wala, she’s willing to fight for our department’s name. For sure, that’s the reason why she got her senior engineer as early as her 2nd year work - in her first ever job din.

 

“Ano ‘yon?”

“Wala, sabi ko ang pangit mo.”

 

“Wow ha? Salamat, oo” sabay lapit ni Ryujin. “Hindi nga, pangit ako? Omg, retake retake.”

 

“Gaga,” sabi ko habang natatawa. “Okay naman lahat.”

 

“Sure ka ah? Sige, ikaw naman mag picture" sabi niya habang nalapit siya sa akin. "Pero uulitin ko lang ah, hindi ako pangit."

 

Napangiti nalang ako.

 

Mabilis lang kami sa pagppicture sa akin kasi hindi naman ako masyadong mahilig magpapicture, atsaka wala naman na akong pag popost-an.

 

“Eh?”

 

Nagtaka ako sa reaction ni Ryujin.

 

“Bakit?”

“Nandito rin daw yung pinsan ni Ma’am Wendy. What a coincidence daw." 

"Nag myday ka? Saan na raw sila?"

"Yup, kanina lang. Tapos papunta palang daw sila.”

“Speaking of, hindi natin siya nakita last week ‘no?”

 

“Hindi. Shy daw ata sabi ni Ma’am Wendy. Pero natikman mo yung lasagna beh? Ang sarap ‘no” tanong ni Ryujin.

 

“Yeah, hindi ko mapinpoint kung ano nilagay niya ron pero ang unique ng lasa. Usually, kapag nakain ako sa labas ng lasagna ay parang pare parehas lang lasa. Paramihan nalang ng cheese or pasarapan nung white sauce.”

“Diba? Balita ko ay nabake na 'yon pero binake ulit kasi kaninang umaga daw talaga 'yon niluto."

"Well, minsan talaga ay mas masarap ang pagkain kapag napalamig na tapos uulitin ulit."

 

Nakaupo na kami sa swimming pool habang nainom ng mocktail. Naghihintay kami ng inorder namin food sa restaurant ng resort. Yep, meron silang restaurant dito. Ang gara.

 

“Uy,” sabi ulit ni Ryujin kasi parang muntik mahulog phone niya.

 

“Mahulog ‘yang phone mo sa pool ah.”

“Hindi, hehe. Magbukas ka na kasi ng soc med ulit para naman hindi ka mahirap hanapin. Nagpapaload pa ako para sa’yo.”

“Hindi talaga, cellphone nga ng bayan ‘yang second phone mo kasi ginagamit sa office pang tawag.”

 

“Malapit na nga ako maningil eh” sabi niya tapos nagtawanan kami.

 

“Kasama raw ba si Ma’am Wendy?” tanong ko kay Ryujin. Sa mga ganitong pagkakataon ko gustong magopen ng accounts ulit kasi ang hirap makichismis.

 

“Hindi, pero may kasama raw yung pinsan niya na 2 friends. Ewan, hindi raw sure.”

“Ahh.”

 

“Uy, interested siya” pangaasar sa akin ni Ryujin.

 

“Hindi ba pwedeng gusto ko lang makichismis? Tsaka hindi ko naman kilala ‘yan. Malay mo mataray pala.”

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
I'll publish the other 2 finished chapters later. Hindi ko lang mapost kasi I'll reread ulit para iwas edit na in the future, plus I have something to do kasi nasa work ako HAHAHAH. Anyway, hi. Thanks for dropping by.

Comments

You must be logged in to comment
ohyo_ohyo319
#1
Chapter 6: Hahahaha sign na b to- sana may way din tadhana samin mueheheh
Lia_aff #2
Chapter 5: i had the reread some parts of this chapter and other chapters kasi naguguluhan ako 😭 but nonetheless okay yung flow and yung plot ng story. kailangan ko lang talaga intindihin. its me hi, i'm the problem its me talaga. kinilig pati ako kasi sa last line ni karina. namiss kita otor 😭
Eybrelros #3
Chapter 4: Tamang ingat lang daw si minjeong baka magising yung lasing na Yeji matipuhan lalo si Jimin 😆
Eybrelros #4
Chapter 3: Yung ikaw yung nang ghost pero parang ikaw pa yung minumulto minjeong 😂
sheryl2193 #5
Chapter 2: aliw si ningning 😭
Eybrelros #6
Patambay😎☕
Clairevoyance #7
Chapter 1: I think si winter ung ghoster 👻