4 - Pretend Stars

Silakbo
Please log in to read the full chapter

“Anong ginagawa mo?”

 

Laking taka niyang tanong sa kasama niya.

 

Nakatayo siya sa harap ng nakatumbang goal fence habang pinapanood ang kasama na umakyat dito. Sumulyap si Winter sa paligid para tingnan kung may nakakakita sa kanila. Mahirap na, baka sitahin sila ng mga guard.

 

“Hihiga.” Sabi ni Karina na para bang hindi obvious. Ano pang ginagawa mo diyan? Samahan mo ako dito, dali.”

 

“Mapapagalitan tayo sa ginagawa mo eh.”

 

“Alam mo, Win– mapapagalitan tayo kung makikita tayo. Ang dilim dilim na kaya tsaka nasa gitna tayo ng field oh. Nandoon lahat ng tao sa Plaza Mayor kaya hindi nila tayo mapapansin dito.”

 

Saglit na tumingin si Winter sa event na nagaganap sa Plaza Mayor. Wala nga namang tao sa paligid nila bukod sa mga kaunting tao na naglalakad sa tapat ng simbahan at sa mga lalabas papuntang P. Noval.

 

“Saglit lang tayo dito kaya tabihan mo na ako.”

 

“Hay, kung ano anong pinaggagagawa mo, Karina.” Buntong hininga ni Winter at sumunod sa alok ng kasama.

 

Lumaki naman ang ngiti ni Karina at inilatag ang dala niyang jacket para sa hati silang dalawa. Inalalayan si Winter na humiga katabi niya.

 

“Nakahoodie naman ako. Dapat sayo na lang kasi naka flannel shirt ka lang.”

 

Marahan niyang tinulak si Winter para humiga kaya hindi na nakapagsalita ito.

 

“Daming sinasabi.” Nang makuntento na si Karina sa pwesto ng kasama, humiga na rin siya sa tabi nito.

 

Ilang minuto rin ang lumipas na hindi sila nagsasalita. Tanging mahinang busina mula sa España, tunog mula sa event sa Plaza Mayor, at kuliglig sa paligid ang maririnig.

“Anong naisip mo at ginusto mong tumambay dito?”

 

Pareho lang silang tahimik na nakatingin sa kalangitan at tila may malalim na iniisip.

 

“Wala lang. Gusto ko lang ng chill time.”

 

“At ako pa talaga ang sinama mo?”

 

Lumingon sa kanya si Karina at nagkatinginan sila. “Bakit hindi?”

 

Tumingin na pabalik si Karina sa kalangitan pero nakatingin pa rin si Winter sa kanya.

 

Kita ni Winter ang maliit na ngiti na gumuhit sa mga labi nito.

 

“Tingnan mo ‘yung isang ‘yun— makinang.” Turo ni Karina sa langit kaya napatingin si Winter dito.

 

“Alin? ‘Yung dumaan na eroplano?”

 

“Oo. Tingin ko natatakpan ng usok yung mga stars dito.”

 

“Star gazing naman pala ang trip mo. Paano naman tayo makakakita ng stars dito eh nasa Maynila tayo? Mas marami pa yung nakita kong ilaw mula sa mga condo kaysa mga bituin.”

 

Natawa si Karina. Alam niya naman na wala silang makikita sa sobrang polusyon sa syudad.

 

“Basag trip ka rin ‘no? Pretend stars nga lang kasi.” Karina propped up her elbow and faced Winter. “Win, we’re broke college students. Kung may pera lang ako, baka niyaya na kita mag out of town para lang magtingin ng mga tala sa langit kaso makabili nga kahit fast food meal, hindi natin magawa dahil sa inflation.”

 

Nagpipigil ng tawa si Winter. Heto na naman ang kaibigan niya, biglang nagrarant.

 

Ginaya ni Winter ang pwesto ng kaibigan. “Ala

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
wintzkie #1
Chapter 2: Ang sakit naman nito .🥺
ryujinie__
687 streak #2
Chapter 2: 😓
Pengseul
#3
Noice ... Makata...ipunin kita...