1 - Mapaglarong Tadhana (05/31/22)

Silakbo
Please log in to read the full chapter

Huminga ako nang malalim.

 

Ramdam ko ang namumuong damdamin sa aking dibdib na hindi ko malaman kung anong gustong sabihin.

 

Natawa ako sa aking sarili; hindi dahil masaya ako, ngunit sa pagka mapaglaro ng tadhana.

 

Nanatili akong nakatuon sa aking mga kamay.

 

“Sorry, naging mahirap akong mahalin.”

 

Kita ko sa mga anino namin sa ibaba ang pag iling ni Karina.

 

Huminga rin siya nang malalim bago umimik.

 

“Hindi ka mahirap mahalin.” Mahina niyang sambit. “Loving you was the easiest thing. It was so natural that I didn’t even know I was already doing it.”

 

“Loving you was easy. Circumstances weren’t." Pumaling ako nang bahagya sa gawi niya, sapat para maaninag ko ang kanyang mukha.

 

“Pareho lang tayong biktima ng mapaglarong tadhana.”

 

Dama ko ang pait sa tono niya.

 

Hindi ko kayang tumingin. Nababalot ako ng hiya at panghihinayang.

 

“I just wish things weren’t as cruel for us— for you.” Pagpapatuloy niya. Tahimik ang paligid, madilim at malamig.

 

Parang ganon na lang lagi. Maiiba pa ba ang ihip ng hangin?

 

“And maybe– no, I actually wished at some point na mamahalin mo ako, even just for a bit–“

 

Mabilis akong lumingon at tumingin sa kanya. Matapos ng lahat ng nangyari, hindi ko na siguro dapat pigilin pa. Hindi ko na hahayaan na lilipas na naman ang maraming pagkakataon na hindi niya nalalaman ang totoong nararamdaman ko.

 

“But I did.”

 

Para kaming natigilan. Para akong nagulat sa bilis ng pangyayari. Pero nandito na at ayoko nang bawiin.

 

“Hanggang ngayon.”

 

At sa sandaling magtama ang aming mga mata, wala nang mas hihigit pa—

 

Sa lakas ng tibok ng puso naming dalawa at sa bawat paghinga na tila’y iisa.

 

Ngunit halata ang pangamba at pag-aalinlangan. Hindi madali. Maraming maaaring mangyari, tulad na lang ng naranasan namin noon.

 

“What if… hindi pa rin pwede? Nadadala lang tayo ng kinimkim nating emosyon.” Iniyukom niya ang kanyang mga kamay. Halata sa kanya ang pag aalinlangan na baka hindi na naman ito ang tamang oras para sa amin.

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
wintzkie #1
Chapter 2: Ang sakit naman nito .🥺
ryujinie__
687 streak #2
Chapter 2: 😓
Pengseul
#3
Noice ... Makata...ipunin kita...