3 - Open Happiness

Silakbo
Please log in to read the full chapter

“Ate, isa ngang Coke sakto.”

 

Sa mainit na panahon tulad ng araw na ‘to, hahanap hanapin mo talaga ang papawi ng uhaw mo.

 

Masarap ang malamig na tubig, pero iba pa rin ang effect ng softdrinks— lalo na ng coke.

 

Nakakatawa pakinggan. Para akong nag-eendorse ng softdrinks sa utak ko.

 

Dinala ko ang malamig na bote ng softdrinks at naghanap ng masisilungan mula sa sikat ng araw. Ang sakit sa ulo.

 

Umupo ako sa unang baitang ng hagdan na malayo sa init at usok. May kaunting hangin ang umiikot pero hindi pa rin sapat. Ipinaypay ko na lang sa sarili ang dala kong panyo.

 

Pagbukas ng takip ng maliit na bote, dinig mo agad ang sirit ng hangin mula rito. Naalala ko pa na ang tawag mo rito ay espiritu.

 

Kapag may espiritu ang coke, naeexcite ka na kasi alam mong magiging masarap ang iinumin mo.

 

Sa unang tikim, ramdam ko agad ang kakaibang epekto ng inumin sa bibig ko. Parang kinikiliti ang bawat sulok nito upang hikayatin ka na ituloy ang pag inom. Bawat lagok ay siguradong nababawasan ang init at inis na nararamdaman ko sa mala-impyernong panahon.

 

Kalahati muna ang ininom ko. Tinitipid ko pa.

 

Ewan ko ba kung bakit binili ko pa. Alam ko naman na tuwing ito ang binibili ko, ikaw ang maaalala.

 

Iba rin kasi ang dating mo sa akin. Paano ba naman— ang tawag mo sa coke ay happiness.

 

Hindi ako pamilyar sa mga commercials sa TV. Kaya laking taka ko nang sabihin mo na buksan ko na ang happiness. Malay ko bang tinutukoy mo ay ang dala kong isang litro

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
wintzkie #1
Chapter 2: Ang sakit naman nito .🥺
ryujinie__
687 streak #2
Chapter 2: 😓
Pengseul
#3
Noice ... Makata...ipunin kita...