i love you.

butterball
Please Subscribe to read the full chapter

a/n: kung may naghihintay pa nito, salamat! may inedit ako slight sa first part so oks siguro if balikan niyo uli haha ayon, enjoy(?) this last part. 

 

---

 

Matapos mag-freshen up saglit sa hotel room ay bumaba na rin agad si Irene. Sumabay na rin si Sehun sa kaniya at iniwan nila si Wendy na nags-shower pa at gagayak na rin para sa set niya mamaya.

 

“Sasamahan mo ba ako?” Tanong ni Irene sa kaibigan matapos makuha ang camera mula kay Rosie. “Balak ko pumunta muna sa murals.”

 

Nag-test shot muna si Irene at itinutok ang camera kay Sehun na agad namang pumorma. Isinuot nito ang sunglasses na nakasabit sa polong suot. Maganda ang kinalabasan ng photo, kitang-kita sa likod ni Sehun ang dagat at ang unti-unting pagsibol ng kahel sa langit dahil sa pagsimulang paglubog na araw.

 

“Ihuli mo na ‘yung murals, ‘pag pabalik na tayo. Do’n muna tayo sa mga nags-surf?” Pag-aya ni Sehun sabay turo sa may likod ng stage. “Malapit din do’n ‘yung sa beach volleyball.”

 

Napangisi si Irene habang mabagal na naglalakad, malikot ang ulo at kamay sa pagkuha ng pictures sa paligid, “Gusto mo lang mag-window shopping eh.”

 

"'Wag mo kasi akong itulad sa'yo na parang tuod d'yan." Maarteng ngumuso si Sehun, “Aba, andito na rin lang tayo. Ba’t ‘di ko pa sulitin?”

 

Umiling na lang si Irene at hindi na kumibo.

 

Habang papalapit sila sa maingay na audience ay bahagyang bumilis ang lakad ni Sehun. Halatang excited si bakla. Hila-hila pa nito si Irene habang sumisingit patungo sa harapan.

 

Hiyang-hiya si Irene habang naririnig ang reklamo ng mga tao sa biglaan nilang pagsingit. Sa tangkad ba naman kasi ni Sehun ay malaking harang talaga si gago sa view.

 

“Staff ka, ano ka ba,” malakas na sabi ni Sehun kay Irene, halatang pinariringgan ang nasa paligid.

 

“Baklang ‘to, dinamay mo pa ako.”

 

Hindi siya pinansin ng kaibigan at imbes ay inakbayan siya. “Hala, ang pogi no’n,” bulong ni Sehun sabay turo sa may dagat, “What if sa’kin siya dumapa?”

 

Focus sa audience na nanunuod, click. Focus sa mga taong kasali sa competition, sa mga nakatapos na at sa mga naghihintay ng turn nila habang nagw-wax ng surboards, click. Focus sa dagat, click. Focus sa babaeng nakapulang shirt habang nags-surf, click. Panay lang ang pindot ni Irene hanggang sa nakarating na sa pampang ang babae at sinalubong siya ng palakpakan.

 

Patuloy lang si Irene sa ginagawa. "Sino ba d'yan? Andami-dami nilang nasa dagat."

 

“Gaga, ikaw ‘tong may camerang hawak,” mataray na sabi ni Sehun at hinawakan ang pisngi ni Irene para ipilig ang ulo niya sa gawing gitna, “What if i-zoom mo kaya?”

 

Bahagyang pinihit ni Irene ang lens ng camera at nakita niya ang lalaking tinutukoy ni Sehun. May itsura nga ito, seryoso ang namumula nitong mukha dahil sa init ng araw, nakakunot ang noo habang nakadapa sa surfboard at nagp-paddle.

 

Click.

 

Naghiyawan ang nasa paligid, si Sehun ang pinakamalakas, nang biglang tumayo ang lalaki sa surfboard at nagsimula nang sabayan ang malaking alon ng dagat.

 

Walang alam ni isa si Irene tungkol sa surfing, pero hindi niya mapigilan ang pag-awang ng kaniyang bibig dahil sa pagkamangha habang pinapanuod niya ang lalaki sa likod ng camera. Abala ang kamay niya sa pag-adjust ng lens at pagpindot sa shutter button.

 

Halos hindi na natigil ang sigawan ng audience lalo na ng nagcutback ang lalaki at swabeng bumalik sa posisyon. Nagpakita pa ito ng ilan pang surfing tricks at maneuvers bago tumayo nang diretso hanggang sa dalin ng alon sa pampang ang lalaki. Agad itong tumalon at tagumpay na ngumiti.

 

“Damn,” rinig niyang saad ni Sehun at sumipol.

 

Ibinaba na ni Irene ang camera at nagulat pa siya nang maabutang nakalingon sa kanila ang lalaki kahit na napalilibutan ito ng ilang taong nangangantyaw.

 

Tumikhim si Irene at nakangising siniko ang katabi, “Bakla, pa’no ba ‘yan? Mukhang sa’kin nakatingin.”

 

“Ulol,” matigas na sabi ni Sehun at ginantihan siya. Napaaray si Irene. “Sa’kin ‘yan nakatingin.”

 

Tuluyan nang natawa si Irene. Umingay na uli ang audience nang may magsimula na muling magsurf.

 

Humarap si Irene kay Sehun na diretso pa ring minamasdan ang lalaki, “Malulusaw na ‘yan.”

 

“Gago, Irene, ang hot talaga,” wala sa loob na saad ni Sehun, “Kahit na medyo pandak. Jusko, sis, nadala ng built. Ang lapad ng dibdib…”

 

Napailing na lang si Irene sa litanya ng kaibigan. Chineck niya ang shots, napapatango habang nadadaanan ang magagandang kuha.

 

“…Saka kita mo ‘yung braso? Baks, ang laki! Pati ‘yung hita, ang puti, ang kinis. Parang ang sarap dilaan.”

 

“Napakakalat mo, Sehun.”

 

Hindi na niya pinansin ang kabaklaan ng kaibigan at lumingon siya sa bandang kaliwa. Malakas din ang hiyawan ng mga tao habang nanunuod ng volleyball. Tumingin siya sa suot na relo, mukhang hindi na siya aabot sa soundcheck ni Wendy. Pupuntahan niya pa ang mural paintings sa kabilang banda.

 

“Doon na ako sa may volleyball, ha.”

 

Tinapik niya ang balikat ni Sehun at tumalikod na. Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Alam niyang hindi susunod ang kaibigan dahil malamang sa malamang ay hihintayin nitong matapos ang surfing event para kausapin ang lalaking natipuhan nito.

 

Kinuhanan muna ni Irene ng litrato ang kabuoang court pati na ang audience sa paligid bago siya tuluyang lumapit at pumwesto sa may bandang gitna, ilang dipa ang layo mula sa poste ng net.

 

Kumpara sa surfing event kanina ay hindi masyadong nakababad sa likod ng camera ang mata ni Irene. Paminsan-minsan niyang ibinababa ang camera at nakikihiyaw at palakpak din siya.

 

“Nice!” Hindi mapigilan ni Irene ang pagsigaw nang magdive ang isang manlalaro para saluhin ang bola. Sakto pa dahil nakuhanan niya ito ng litrato.

 

Naalala tuloy ni Irene noong third year siya. Kakabalik lang niya from LOA. Pero ayon siya, tambay sa gym kahit na dapat ay nagrereview siya for her finals. Todo support sa best friend niyang natamaan yata ng bola sa ulo dahil bigla na lang kumuha ng volleyball na PE kahit na wala itong hilig sa sports.

 

Hindi niya malilimutan ‘yung mga araw na tumatambay siya sa infirmary kapag nagbibida-bida si Wendy at nilalampaso ang sahig gamit ang katawan kakahabol sa bola. Napakacompetitive din kasi. Lagi pa nitong kinakaladkad si Irene sa bawat game, para na rin siyang kumuha ng units tuloy dahil lagi siyang present tuwing may laro sina Wendy.

 

“Pakuha nga ako ng damit sa likod,” utos ni Wendy pagkapasok nila sa kotse matapos ang laro.

 

“‘Wag mo munang i-on ‘yung aircon,” agad na paalala ni Irene, “Matutuyuan ka ng pawis.”

 

“Opo, opo,” pilosopong sagot ni Wendy. Inihagis ni Irene sa nakangising mukha nito ang pamalit na damit.

 

“Oh, pikit ka,” pang-aasar ni Wendy at kumindat pa sa kaniya, “Baka ma-fall ka sa’kin ‘pag nakita mo abs ko.”

 

Namula si Irene at nag-iwas ng tingin.

 

“Asa ka.”

 

Natigil siya sa pagmu-muni muni nang umalingawngaw ang sigawan at palakpakan. Agad na itinutok ni Irene ang camera sa nanalong team na magkayakap. Inilibot din niya ang camera sa paligid at kinuhanan ng litrato ang nagsisiyang mga tao.

 

In fairness, nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya. Gusto man niyang sapakin si Wendy sa pag-volunturo sa kaniya, pero tama si Sehun, ilang order din ng bagnet at bucket ng beer ang ibabayad sa kaniya sa biglaang gig na ‘to.

 

Saka okay na rin na may iba siyang pagkaabalahan. Ano naman gagawin niya habang nagpapalipas oras? Baka tuluyan nang masunog ang atay niya kakainom nila ni Sehun. Mababaliw na lang din siya kaka-overthink sa mangyayari pagbalik nila sa Manila.

 

Okay na ‘to.

 

Matapos ng ilang sandali at ilan pang wide shots ay napagdesisyunan na ni Irene na maglakad pabalik at puntahan ang wall murals. Hindi na rin niya natanawan si Sehun nang madaan siya sa surfing event. Napangisi si Irene, mukhang mauuna pa ang kaibigan niyang makapuntos kesa sa kaniya.

 

Hindi nalalayo masyado sa beach ang hilera ng pader at ilang vacant parking lots kung saan nakapinta ang makukulay na murals. Kanina lang nung kausap nila si Rosie ay may mga bakante pa pero ngayon ay napintahan na lahat. Buti nga rin at nasaktuhan niyang papatapos pa lang ang isang artist kaya nakuhanan niya pa ito ng litrato habang nagpipinta.

 

Bawing-bawi ang kinain niyang damo kaninang lunch. Kahit saan siya lumingon ay nabubusog ang mga mata ni Irene sa kagandahan ng mga paintings, pati na ang tenga niya dahil sa tugtog ng nagsisimula ng music fest.

 

I want you

Yeah I want you

And nothing comes close

To the way that I need you

I wish I can feel your skin

And I want you

From somewhere within

 

Habang may ibang turistang nagpapapicture sa mga murals ay humihinto muna saglit si Irene at naghihintay. Sa bawat sandaling lumilipas ay ninanamnam niya ang bawat guhit at bawat kulay. Kapag nakatiyempo na siya, doon lang siya kukuha ng shot. Napapasinghap pa siya kada pindot sa camera. At tuwing ic-check niya ang shot, babalik ang tingin niya sa murals.

 

Hindi mabigyang hustisya ng mga shots niya ang mga paintings. Hinihiling ni Irene na sana ay maramdaman din ng mga tao ang emosyon sa likod ng bawat pilantik ng paint brush at sa diin ng pagpindot sa spray paint kapag makikita nila ang shots ni Irene.

 

Lumipad tuloy ang isip ni Irene sa kaniyang purple book.

 

Seven years worth of photos and drawings—two forms of art with one particular subject, reflecting a wide array of emotions.

 

From love to longing to loss.

 

It feels like there's oceans

Between me and you once again

We hide our emotions

Under the surface and tryin' to pretend

But it feels like there's oceans

Between you and me

 

Matapos makuhanan lahat ng murals at maglakas loob na makiusap sa isang turista na kuhanan siya ng picture sa gitna ng isa sa mga paintings ay naglakad na si Irene pabalik sa beach.

 

Bago tuluyang makababa sa buhanginan ay kinuhanan niya ng litrato ang papalubog na araw. Sinasalamin ng dagat ang kulay kahel na langit at ang unti-unting pagsibol ng dilim.

 

Nakita ni Irene si Sehun na kumakaway sa kaniya, may hawak na dalawang bote ng beer. Nagpose pa si gago kaya’t muli niyang inangat ang camera at kinuhanan ito ng litrato.

 

“Bigla kang nawala, bakla ka,” saad ni Sehun nag makalapit siya. Tinanggihan ni Irene ang alak na inabot ng kaibigan. “Paglingon ko sa gilid mag-isa na lang ako. Para akong tanga, wala na pala akong kausap, hayop ka.”

 

“Nagpaalam kaya ako sa’yo,” sagot ni Irene habang lumilinga-linga sa paligid, tila may hinahanap. “Busy ka kasi sa paglalaway do’n sa nags-surf kanina. Ano? Kumusta pala?”

 

“Tangina, hindi ko nga mahanap!” Frustrated na sabi ni Sehun, “Aba, pinuntahan ko ro’n sa may tent, wala. Pati sa cr sa malapit, wala! ‘Di naman ako nanaginip hano? Baka naman aparisyon ko lang siya? Sa tagal ko nang walang karat?“

 

Umirap si Irene, "Dami mong alam."

 

I want you

And I always will

I wish I was worth

But I know what you deserve

You know I'd rather drown

Than to go on without you

But you're pulling me down

 

Naglakad sila palapit sa dagat. Nagpakawala ng hininga si Irene nang inabot ng tubig ang mga paa nila. Nagpatuloy siya sa pagkuha ng shots ng performer, ng stage setup at decorations, pati ng crowd.

 

Dumapo ang view niya sa isang babaeng nakatayo habang nakahawak sa ulo ng inflatable flamingo floater. Kahit malayo ay alam niyang si Wendy ‘yon. Pinihit niya ang lens ng camera para i-zoom sa magandang mukha ng best friend niya.

 

Late niyang narealize na hindi mag-isa si Wendy. Nakaupo sa inflatable floater si Jhen na pilit hinihila si Wendy para umupo sa tabi nito.

 

Dahan-dahang ibinaba ni Irene ang hawak na camera, kasabay ng pagbagsak ng kaniyang balikat.

 

Wala sa loob niyang inangat ang kamay patungo kay Sehun. Walang salitang inabot sa kaniya ng kaibigan ang bote ng alak. Itinaas ni Irene at idinikit ang bunganga ng bote sa kaniyang labi, diretso pa rin ang tingin sa dalawa.

 

Hindi pa man din dumadaloy ang alak sa bibig niya ay nalasahan na niya ang pait.

 

It feels like there's oceans

Between you and me once again

We hide our emotions

Under the surface and try to pretend

But it feels like there's oceans

Between you and me

 

Nakadalawang lagok si Irene nang magring ang phone niya sa bulsa. Ibinigay niya kay Sehun ang bote at dali-daling kinuha ang phone. Napamura si Irene at napakagat sa labi nang makita kung sino ang tumatawag.

 

Tumikhim muna siya bago sagutin ang tawag, “Ate?”

 

“Hoy, nasaan ka ba?” Bungad sa kaniya ni Taeyeon, “Hindi ka pala umuwi kagabi.”

 

Nag-iwas na ng tingin si Irene kina Wendy at Jhen na ngayon ay magkatabi nang nakaupo. Ipinahinga na niya ang kumikirot na mata sa dagat.

 

“La Union.”

 

I want you

I want you

And always will

 

“Hay nako kang bata ka.” Maliit na ngumiti si Irene sa halong frustration at pag-aalala sa boses ng nasa kabilang linya, “Kelan ang uwi niyo?”

 

“Bukas ng gabi,” sagot ni Irene. “Sorry, ate, ‘di na kita masasamahang sunduin si Mama.”

 

“Hayaan mo na."

 

Hindi nagsalita si Taeyeon ng ilang sandali kaya’t napatingin pa tuloy si Irene kung naputol na ba ang tawag.

 

“Ate?”

 

Muling bumuntong-hininga ang kapatid niya.

 

“Ang mahalaga ay magmamartsa ka na sa Linggo," patuloy ni Taeyeon. Hindi nakaimik si Irene. "Sige na, sulitin mo na 'yan. Mag-ingat kayo."

 

Lumingon si Irene sa likod, kay Wendy na mag-isa na ngayon. Wala na si Jhen sa tabi nito. Muling ibinulsa ni Irene ang phone matapos ang tawag. Inakbayan siya ni Sehun sabay abot ng alak.

 

"Cheers."

 

It feels like there's oceans

Between you and me

 

***

 

“Hello,” nakangiting bati ni Wendy sa crowd matapos iayos at itono ang kandong na gitara. “Mas maganda kayong lahat kesa sa gabi.”

 

Napuno ng palakpakan ang paligid. Hindi kasinglakas ng usual crowd sa mga gig ni Wendy, mas chill ang ambiance dito sa Elyu. Madilim na, lumalamig na ang simoy hangin. Karamihan pa ng mga taong nanunuod ay may mga kayakap, napapa-sana ol na lang si Irene.

 

“Pa-fall!”

 

Napatalon si Irene sa gulat nang biglang sumigaw si Sehun. Agad niya itong binatukan dahil sa biglaang pagsulpot nito sa tabi niya. Nagtawanan ang audience, ilan lang kasi silang nakatayo sa gitna habang ang karamihan ay nakaupo. Kahit si Wendy ay ‘di napigilan ang pagtawa, nahagip pa ng mic ang halakhak nito.

 

Bigla namang nahiya si Irene at nagtago sa likod ng camera. Kita niya mula sa viewfinder ang matamis na ngiti ng best friend niya habang inaadjust ang taas ng mic stand.

 

Humarap si Irene kay Sehun para usisain ang kaibigan, "Saan ka galing?"

 

"D'yan lang sa tabi-tabi." Malaki ang ngisi ni Sehun, "Pumuntos lang ang beshy mo. Sana ikaw din."

 

"Nagtatanong nang maayos 'yung tao eh. Tanginang 'to."

 

Tinawanan lang siya ni Sehun at ngumuso sa stage. Ibinalik na ni Irene ang atensyon kay Wendy.

 

Lumingon si Wendy sa gilid kung nasaan ang sound tech at tinanguan ito. Muling ngumiti ang best friend niya sa crowd bago magsimulang magstrum.

 

"Let's treat this night as if it's our last. Have a wonderful evening, everyone."

 

Hindi pa man kinakanta ni Wendy ang lyrics ay unti-unti nang bumibigat ang dibdib ni Irene.

 

Remind me of the things I used to miss

You know very well I can't resist

The feeling of reaching out and coming back to you

Just this once, show me where, where it used to

 

Nakapikit lang si Wendy habang kumakanta, kusang gumagalaw ang mga kamay sa pagtugtog ng gitara. Bahagyang nakakunot ang noo nito na parang dinaramdam ang bawat salitang lumalabas sa bibig. Tila nagkukwento ng talambuhay, ng karanasan, ng alaala.

 

Wendy’s voice has always been warm. Daig pa nito ang alak sa pagpapainit ng sikmura niya. Gumuguhit ito hindi sa lalamunan ni Irene, kundi sa dibdib.

 

Tumatagos, bumabaon, kumikirot.

 

Lalo na kapag iniisip ni Irene kung sumasagi man lang ba siya kahit minsan sa isip ni Wendy when she’s singing about love.

 

Maybe we'll try

Leave it all behind

Don't close your eyes this time

I won't make you cry

Maybe you'll fly

Far away in the sky

 

We won't care tomorrow

We only got tonight

We only got tonight, tonight

You may be gone tomorrow

But we got tonight

 

Ramdam ni Irene na kinalabit siya ni Sehun sa balikat pero hindi niya nilingon ang kaibigan. Diretso pa rin ang tingin niya sa stage, hindi niya magawang maibaba ang hawak na camera.

 

Kung dahil ba sa sineseryoso niya ang pagiging photographer niya, o dahil sa hindi niya talaga mapigilan ang sarili kapag si Wendy ang kinukuhanan niya.

 

Parehas siguro. ‘Di niya rin sigurado.

 

Remind me of the things I used to miss

I'm slowly learning to get used to this

This feeling of waking up

Knowing that I can't get to you anymore, anymore

 

Ang katotohanang ‘di niya maamin? Nagsisilbing sandata ni Irene ang camera para maitago ang kaniyang mga mata. Eyes are the windows to the soul, ika nga.

 

Ayon nga lang, wala pa rin siyang takas. Reflected pa rin naman ang nag-uumapaw niyang feelings sa mga kinalalabasan ng mga shots niya.

 

Napilitang lumingon si Irene kay Sehun nang may kung anong malamig ang dumampi sa braso niya. Napairap siya sa makahulugang tingin ng kaibigan-- ‘Time check! Hulog na hulog ka na naman.’

 

Ibinaba na ni Irene ang camera, inabot ang bote ng alak at nakipagcheers kay Sehun. Muli niyang ibinalik ang tingin sa stage, wala ng namamagitan na camera. Sa pananaw ni Irene ay wala namang nag-iba.

 

Sometimes light shines on through

Oh, and loving you, it ain't so hard to do

Oh, and I hate that you still keep me waiting for you

What am I to do?

 

Walang nagbago sa katotohanang pitong taon na niyang mahal ang best friend niya. Malinaw pa rin ang katotohanang iyon, magtago man siya sa likod ng camera o hindi.

 

Tumigil sa paghinga ni Irene Nang magtagpo ang mga mata nila ay tumigil ang paghinga ni Irene. Kasabay ng paglaho ng mga tao sa paligid at silang dalawa lang ni Wendy ang natira.

 

Silang dalawa lang ang mahalaga sa pagkakataong ito.

 

Mata sa mata——diretso ang tingin sa isa’t isa ngunit nananatiling bulag at nagbubulag-bulagan.

 

We won't care tomorrow

We only got tonight

We only got tonight, tonight

You may be gone tomorrow

But we got tonight

 

***

 

“Bagnet, bagnet, bagnet!”

 

Excited na kumembot sina Irene at Sehun habang nakaupo sa harap ni Wendy. Wala silang pakielam kung pinagtitinginan sila ng mga tao sa resto.

 

Sa wakas ay natupad din ang kanina pa nilang inaasam. Matapos ang set ni Wendy ay nagyaya ito na magbagnet sila for dinner. Bumabawi ang hinayupak matapos silang piliting kumain ng damo kaninang lunch.

 

After ng set ni Wendy ay halos kalahating oras din silang naghintay na dumating ang talagang photographer ng event. Todo pa ang paghingi nito ng pasensya pati na ang pasasalamat sa pagsalo ni Irene sa nangyari. Isinoli na rin niya ang camera kina Rosie na nag-abot naman ng sobre kay Irene.

 

“Libre mo ‘to ha,” muling paalala ni Sehun, “Sumweldo ka!”

 

“Oo na! Isang sabi mo pa, ikaw talaga ang pagbabayarin ko rito.”

 

“Ikaw na lang walang ambag, Sehun,” biglang singit ni Wendy, “Ako sa accommodation, si Irene sa dinner, anuna?”

 

Napataas ang kilay ni Sehun, “Excuse me? Kinaladkad niyo lang ako rito. ‘Di ako informed na need palang may ambag.”

 

“Ikaw nga ‘tong sumusweldo sa’tin,” gatong ni Irene.

 

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Sehun sa kanilang dalawa ni Wendy. Nag-make face pa si bakla bago sumagot, “Oo na, ako sa breakfast bukas.”

 

“Free breakfast tayo sa hotel, gago.”

 

Exaggerated pang nagulat si Sehun saka sumimangot, “Sad.”

 

“Kuripot nito,” saad ni Irene na tinawanan lang ni Wendy.

 

Nawala na rin ang usapan nang dumating ang order nilang pagkain. Pinagtatawanan sila ng server dahil sa ingay nila habang sumasayaw.

 

“Kuya, pengeng suka saka bagoong,” sabi ni Wendy habang inaayos ang paglalapag ng mga pagkain.

 

“Saka kamatis at sibuyas,” habol ni Irene na tinanguan ng server, “Thank you!”

 

Bago pa man matusok ni Irene ng tinidor ang karne ay narinig niya ang mapang-asar na boses ni Sehun, “Kaya pala ang ganda ng kutis mo ‘no.”

 

“‘Di ka titigil?” Hinabol ni Irene si Sehun ng tinidor na agad namang iniwasan ng katabi habang tumatawa, “Ha? ‘Di ka titigil?”

 

Huminto silang dalawa sa pakukulitan nang may nagvibrate sa ibabaw ng mesa. Tiningnan ni Wendy ang sariling phone, nakakunot ang noo habang nagbabasa ng text.

 

“Oh, anyare?” Tanong ni Irene nang marinig ang buntong-hininga ng best friend niya.

 

Ibinulsa ni Wendy ang phone, bahagyang nakasimangot. “Si Jhen, nagyayaya uli kumain do’n sa vegan place.”

 

“Ah, talaga?” Napataas ang kilay ni Irene at biglang itinuon ang atensyon sa pagkaing nasa harap. Sana na lang ay natakpan ng pagkagulat niya ang umuusbong na pagkadismaya. “Sayang naman. Bagnet na ‘to oh. Pero sige, go ka na.”

 

Tahimik sa table nila liban sa maingay na pagnguya ni Sehun. Kinuha ni Irene ang isang pirasong karne mula sa plato at iniwagayway ito sa harap ni Wendy.

 

“Hmm,” ungol ni Irene matapos kumagat sa bagnet. Pumikit pa siya para inggitin si Wendy. “Ang sarap talaga ng bagnet.”

 

Kinagat pa ni Irene ang malutong na balat at sinadyang iparinig kay Wendy ang tunog. Humarap pa siya kay Sehun at nakisabay naman ang kaibigan sa trip niya.

 

Nakatitig lang si Wendy kay Irene, halatang conflicted. Halos magkadikit ang kilay dahil sa pagkakakunot ng noo at bahagyang nakanguso. Yumuko pa ito kaya naman itinigil na ni Irene ang pang-iinggit.

 

“Sige na,” udyok niya. Lumaylay ang balikat ni Irene, alam naman niyang hindi na niya mapipilit na manatili ang ayaw talaga. “Gusto mo ipag-takeout ka na lang namin?”

 

Umangat ang ulo ni Wendy at biglang umaliwalas ang mukha. Inabot nito ang braso ni Irene at malawak na ngumiti, “Promise?”

 

Bumaba ang tingin ni Irene sa kamay ni Wendy bago muling tumitig sa nangungusap na mata ng best friend niya.

 

“Ikaw pa ba?”

 

“Time check!” Biglang singit ni Sehun, “Naghihintay po si Jhen.”

 

“Dalawa ha,” paalala ni Wendy at tumayo na.

 

Nagkibit-balikat si Irene, kunwaring hindi bothered, “Kung gusto mo tatlo pa eh.”

 

Hindi na sinundan ni Irene ang galaw ng best friend niya. Hindi na rin niya inalis ang tingin sa pagkain, pilit iniisip kung ano ang meron sa damo na wala sa bagnet.

 

Tinapik pa siya ni Wendy sa balikat bago tuluyang umalis. Hindi rin napigilan ni Irene ang sarili na lumingon sa likod at tignan ang likod ng best friend niyang naglalakad papalayo.

 

Palayo kay Irene. Papunta kay Jhen.

 

Tumikhim ang katabi niya at nagsalin ng tubig sa baso. Inilapag ito ni Sehun sa gilid ni Irene. “High blood ka na agad, ‘di ka pa nga nangangalahati.”

 

“Hay nako,” dismayadong sabi ni Irene. Alam niyang nakakabastos na sumimangot siya sa harap ng inaasam niyang bagnet pero wala eh.

 

Iniwan sila.

 

Hindi siya pinili.

 

Ay este, hindi pinili 'yung bagnet.

 

***

 

"Ano na nga pangarap mo?" Tanong ni Wendy kay Irene.

 

Nagpalipas muna ng oras sa resto sina Irene at Sehun at nagpababa ng kinain bago maglakad pabalik sa hotel. Kung hindi lang nagtext si Wendy na pumunta sila sa restobar na pinag-inuman nilang dalawa ni Sehun kagabi ay balak na ni Irene na magkulong sa kwarto at matulog na lang.

 

Pero eto si Irene ngayon, nakakadalawang bote at tatlong shot na, katabi si Jhen na nakaupo sa tapat ni Wendy. Kanina pa wala ang walangyang si Sehun, iniwan siya para magmukhang third wheel.

 

Eto, etong sitwasyon niya ngayon ang hindi niya kailanman pinangarap.

 

"Pangarap kong..."

 

Madrama pang huminto si Irene. Nag-aabang sina Wendy at Jhen sa sagot niya.

 

Mahalin mo ako pabalik.

 

Nag-iwas siya ng tingin kay Wendy.

 

"Yumaman."

 

Bumungisngis si Jhen sa kaniyang gilid at napamura naman si Wendy sa sagot niya. Napangisi na lang din si Irene.

 

Gano'n ang eksenang naabutan ni Sehun. Umupo ito sa harap ni Irene, sa tabi ni Wendy na nag-abot agad ng shot sa bagong dating.

 

"So ano ang topic?" Tanong ni Sehun matapos ibaba ang shot glass sa mesa.

 

"Tinatanong ako nito kung ano raw pangarap ko," sabi ni Irene habang nakaturo sa best friend niya. "Saan ka na naman galing?"

 

Maarteng tumikas ang katawan ni Sehun at bahagyang ngumuso. Nakataas pa ang isang kilay. Ilang sandali pa ay itinusok nito ang dila sa loob ng pisngi.

 

Umulan ng mura sa table nila. Napahawak pa si Irene sa tiyan niya kakatawa.

 

"So..." Saad ni Sehun matapos ang pagkakalat niya, "Seryosong usapan pala rito? Ano 'yan? Graduation blues?"

 

"Ewan ko ba d'yan."

 

"Tinatanong ko lang naman."

 

"Eh, ikaw ba, Wends?" Lumingon si Sehun sa katabi, "Med school? 'Di mo naman nabanggit sa'min na pangarap mo pa rin pala magdoktor. Sunod sa yapak ng parents?"

 

"'Diba? 'Yan din sabi ko sa kaniya nung isang araw," sabat ni Irene. Finally ay may kakampi na siya sa pag-usisa kay Wendy. "Akala ko ang og plan is kukunin mo 'yung permanent gig na ino-offer sa'yo sa Taguig."

 

"Then eventually sign with a label? Masyadong nakabinbin sa hangin." Pagak na tumawa si Wendy. Agad nitong ibinalik kay Irene ang hotseat. "Ikaw ba, Irene? 'Diba sabi mo rin no'n magt-take ka ng viscomm or film?"

 

Napabuntong-hininga si Irene. Napakagaling talagang iiwas.

 

"Papatayin na ako ni ate kapag nagsayang na naman ako ng taon na mag-aral kesa tumulong sa kaniya," sagot ni Irene. "Saka hobby ko lang 'to 'no."

 

Nag-angat ng bote si Wendy sa harap ni Irene, "Exactly."

 

"Iba 'yung sa'yo, Wendy," umiiling na saad ni Irene. Tumingin siya nang diretso sa best friend niya. "Kaya mong abutin. Naniniwala ako."

 

Itinukod ni Wendy ang braso sa sandalan ng upuan ni Sehun at idinantay ang ulo sa sariling kamay.

 

"Ewan, tama naman si Mommy eh. Sayang naman, andito na rin lang ako." Walang buhay na sabi ni Wendy. "Isipin mo, seven years? Seven years. Tangina."

 

Walang umiimik. Maski si Sehun ay hindi magawang basagin ang katahimikang bumalot sa kanila. Kahit nakatingin si Irene kay Wendy ay kita niyang sumulyap ang kaibigan sa kaniyang gawi. Walang pakielam si Irene kung naramdaman din ni Jhen ang tensyon dahil sa palipat-lipat nitong tingin sa kanilang tatlo.

 

"Seven years," pabulong na pag-ulit ni Irene.

 

Tangina nga naman talaga.

 

Sa totoo lang, gustong matawa ni Irene. Nakakatawang marinig mula kay Wendy ang mga salitang 'yon. Nakakamangha, nakakadismaya, nakakaputangina. Ramdam ni Irene 'yung frustration at pagod sa boses ni Wendy, na parang nagf-flashback sa utak nito ang mga taong dumaan na parang pinaglipasan lang sila.

 

Na parang wala lang, walang kinapuntahan ang lahat.

 

Tinungga ni Irene ang beer at tuloy-tuloy na lumagok.

 

"Hoy, nagsosolo ka," puna ni Wendy nang makita siyang uminom. Inangat nito ang sariling shot glass sa gitna nila. Nag-angat silang tatlo ng kani-kanilang baso at pinagtugma ang mga iyon. "Cheers."

 

Pagkainom ni Wendy ay nagpaalam ito saglit para kumuha ng candy sa kotse. Naiwan silang tatlo nina Sehun at Jhen sa table, nagpapakiramdaman. Hindi pa masyadong nakakabawi si Irene sa nangyari kanina kaya buti na lang at sinalo ni Sehun ang ganap.

 

"So..." Panimula ni Sehun with a friendly tone, "Kwento ka naman. Anong ganap natin lately?"

 

Magaang tinanggap iyon ni Jhen, "Oh, well, I pursued a modeling career abroad, like... five years ago. So I travel a lot here and there for shoots."

 

"Las Vegas mowdels naman pala si ante," biro ni Sehun na tinawanan lang ni Jhen. "Hiring ba kayo? I have good english skillz."

 

"Shungek. Matanda ka na, 'di ka na pasok sa etin to twenti wan years old at wala kang pleasing fersonality." Nakisali na rin si Irene para hindi magmukhang KJ. Inirapan lang siya ni Sehun.

 

Bumaling si Irene kay Jhen, "So may shoot ka here sa Elyu?"

 

"Ah, no," umiiling na sagot ni Jhen. "Even before I left the country for good, mahilig na rin talaga ako magtravel. 'Yung cliche stuff na soul-searching ba? I met Rosie in a pub when I was in Melbourne then the rest is history. Nabalitaan ko lang na they're organizing this fest nga here sa Elyu. So ayon, why not have a short vacation na rin sa Pinas? Ang tagal ko ring nawala."

 

Sumulyap si Sehun kay Irene bago magsalita, "Ah, kaya pala old friend?"

 

Alanganing ngumiti si Jhen. Malikot ang mga mata ng dalaga na hindi makatingin sa kanilang dalawa. Humigpit ang kapit ni Irene sa hawak na bote ng alak, unti-unting umuusbong ang kaba sa dibdib.

 

"Well... Actually, Wendy and I..." Kinagat ni Jhen ang labi bago magpatuloy, "We were together before."

 

Ayon na nga.

 

Napainom na lang si Irene ng beer, iniiwasan ang matamang tingin ni Sehun sa kaniyang harap.

 

"Nabanggit ko sa kaniya na pupunta ako here for the fest, hoping na..." Hindi pa pala tapos si Jhen. Kung pwede lang tapalan ni Irene ang bibig nito ay kanina pa niya ginawa. "Well, I am hoping na we can fix it."

 

Sumulyap si Irene kay Jhen, "Fix what?"

 

"Us," matamang sagot ni Jhen at diretsong sinalubong ang tingin ni Irene. "Kami ni Wendy."

 

Tumango-tango si Irene habang nakatikom ang bibig. Dapat ay hindi na siya nagtanong kahit alam na niya ang sagot. Dapat pala ay tinakpan na lang niya ang sariling tenga para hindi na niya narinig 'yon.

 

Baka sakaling kung hindi niya narinig ay may magbago.

 

"Mukhang dezurv ng shot 'pag ganyan," kantyaw ni Sehun bago pa man sila magkaroon ng tensyon.

 

Nakangiting inangat ni Jhen ang sariling baso, "Thanks."

 

Mabilis na binago ni Sehun ang topic, "So, saan saang bansa ka na napunta?"

 

Labas pasok lang sa tenga niya ang mga kwento ni Jhen. Nakatinginan sila ni Sehun nang salinan nito ang shot glass niya. Maliit na ngumiti si Irene para i-assure ang kaibigan na humihinga pa naman siya.

 

Sus, sa lahat ba naman ng pasakit niya sa loob ng pitong taon, hindi pa ba siya pinagtitibay ng panahon? Parang kagat lang ng dinosaur.

 

Sanay na si Irene.

 

Ilang sandali lang ay nakabalik na rin si Wendy.

 

"Mukhang nakarami na kayo ah." Muli itong umupo sa tabi ni Sehun, nakaumbok ang pisngi habang may subong candy. "Shot ko 'to?"

 

Tumango si Sehun at agad ding tinungga ni Wendy ang gin mula sa shot glass.

 

"Uy, butterball!" Nagpantig ang tenga ni Irene sa matinis na boses ng katabi. "Meron ka pa?"

 

Hindi maipinta ang mukha ni Irene while watching the scene before her. Kumuha si Wendy ng candy sa bulsa at inabot ito kay Jhen. Malawak ang ngiti ng dalaga, ilang sandali pa nito tinitigan ang pakete ng butterball bago ito buksan.

 

Parang wala lang sa mata ng iba, inosenteng paghingi at pagbigay lang ang naganap. Pero may kwento sa likod ng titig ni Jhen, na parang nagbabalik-tanaw sa nakaraan habang ninanamnam ang tamis ng butterball.

 

ing butterball.

 

Napangiwi si Irene matapos ubusin ang natitirang laman ng beer sa isang tunggaan. Kung bakit naman kasi hindi na lang Mentos o kaya Max na yellow na lang ang binigay ni Wendy. Pwede namang X.O.? Monami? HawHaw? Potchi?

 

Ang daming iba. Bakit 'yon pa?

 

Tangina. All this time, buong akala niya ay sa kanilang dalawa lang ni Wendy 'yon. Butterball is their thing. Turns out, it is their thing.

 

Wendy and Jhen's.

 

Never Wendy and Irene's.

 

Pitong taon na siyang nakikipaglaro kay tadhana, pero putangina, saling-pusa lang pala si Irene simula't sapul.

 

Pinagtibay ng panahon?

 

Bull.

 

***

 

Ilang oras, ilang bote, at ilang pasakit pa ang nakalipas bago magpaalam si Jhen sa kanila. Agad namang nag-offer si Wendy na ihatid ang dalaga pabalik sa hotel nito. Hilaw na ngiti at matamlay na pagkaway na lang ang nagawa ni Irene bago tuluyang umalis ang dalawa.

 

Tumayo si Sehun at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Irene. Naglapag ito ng bote sa harap niya.

 

"'Di ko na kaya, baks." Hindi na napigilan ni Irene na pumikit at sumandal sa balikat ng kaibigan. "Ang sakit na."

 

"Ang alin? 'Yung ulo o 'yung puso?" Natatawang saad ni Sehun. "Pakilinaw naman po."

 

Inirapan niya lang si Sehun bago umayos si Irene ng upo at hinilamos ang kamay sa mukha. Inabot niya ang kabubukas lang na bote ng alak at muling uminom.

 

"'Yan tayo eh. Akala ko ba hindi na kaya?" Kantyaw ni Sehun habang minamasdan si Irene na lumalagok ng alak. "Palavarn! Susuka pero hindi susuko!"

 

Halos makalahati ni Irene ang bote bago ibaba. Minasdan niya ang umiikot na paligid. Nakakahilo. Hindi na niya magawang idilat nang maayos ang kaniyang mga mata kaya't hindi na niya nilabanan ang halong antok at kalasingan.

 

Muli siyang dumantay kay Sehun na nakatuon sa sariling phone.

 

"Anong oras na?" Paos na sabi ni Irene habang nakapikit.

 

"Mag-a-alas onse pa lang."

 

"Pa lang?" Napaismid si Irene. "Inaantok na ako. Babalik pa ba si Wendy?"

 

Ramdam ni Irene ang pagyugyog ng balikat ni Sehun dahil sa pagbungisngis, "Babalikan ka no'n, 'wag ka masyadong worried."

 

"Parang gago 'to."

 

Tuluyan nang natawa si Sehun. Agad niya itong sinita dahil mas nahihilo siya sa paglikot ng kaibigan habang nakapatong ang ulo ni Irene sa balikat nito.

 

"Ayan pa 'yung phone at wallet, oh?"

 

Mabigat na ang talukap ng mga mata niya pero pinilit ni Irene na dumilat. Naaninag niya nga ang gamit ni Wendy sa lamesa. Nakahinga naman siya nang maluwag.

 

Mapungay ang mga mata ni Irene na iginala ang tingin sa paligid. Napansin niyang may isang lalaking nakatayo malapit sa entrance ng resto bar. Nakatagilid ito at nakadantay sa may pinto, abala sa pagtetext pero sumusulyap sa gawi nila.

 

"Baks," pagtawag ni Irene sa kaibigan. "May poging tumitingin sa'kin."

 

"Hindi tinatanggap ni Lord sa langit ang baklang ilusyonada."

 

Dumiretso si Irene sa pagkakaupo nang matanawan niyang ibinulsa ng lalaki ang phone na hawak at humarap nang tuluyan.

 

"Seryoso kasi. Ayun, oh?" Nguso ni Irene sa may entrance, "Nakaharap na sa'kin."

 

"Lasing ka na," natatawang sagot ni Sehun, "Nagdedeliryo ka na."

 

Nagsimulang maglakad ang lalaki papunta sa table nila. Habang papalapit ay mas nagiging pamilyar ang mukha nito. Kung wala lang tama si Irene ay mas mabilis niyang maaalala kung saan niya nakita ang lalaki.

 

Maamong ngumiti at bumati ang lalaki nang makarating ito sa kanilang table. Agad namang tumayo si Sehun para salubungin ang bagong dating. Alanganing ngumiti si Irene pabalik, hilong hilo na sa nangyayari.

 

"So," saad ni Sehun. "Irene, this is Junmyeon na, ehem, sa'kin nakatingin."

 

May pagkalito sa mukha ni Junmyeon na lumingon kay Sehun dahil sa sinabi nito. Pero agad din naman itong naglahad ng kamay sa harap ni Irene.

 

"Nice meeting you again, Irene," bati ni Junmyeon. Napataas ang kilay ni Irene sa sinabi nito kaya agad itong nagsalita muli, "Kita ko kayo ni Sehun sa surfing event kanina."

 

"Ah! Ikaw pala 'yon," maligalig na sabi ni Irene. "Galing mo kanina, ah! Dezurv ng shot!"

 

Nagsalin si Irene ng gin sa shot glass at inabot 'yon kay Junmyeon. Nakangiting tinanggap ng lalaki ang baso, pero bago pa man ito makainom ay pinigilan ito ni Sehun.

 

"Hep!" Agad na nagsalin si Sehun sa sarili nitong shot glass. Nakipagcheers ito kay Junmyeon bago ipalupot ang braso sa kabilang braso ni Junmyeon. Kumindat si Sehun, "Love shot."

 

Malawak ang ngiti ni Irene habang minamasdan ang dalawa. May bahid ng inggit at pait, kasi putangina ginawa na naman ho siyang third wheel, opo. Pero nangingibabaw ang tuwa dahil buti naman at kahit papaano ay may kabuluhan ang pagkaladkad niya sa kaibigan dito sa Elyu.

 

"Umay." 'Di maiwasan ni Irene na magcomment habang nagtititigan ang dalawa matapos uminom. "Pasintabi naman ho."

 

Nahihiyang tumawa si Junmyeon at mabilis na isinubsob ang mukha sa dibdib ni Sehun. Nangingibabaw ang namumulang tenga nito.

 

"Eh kung tinapangan mo rin kasi?" Tinarayan lang siya ni Sehun habang yakap si Junmyeon, "Last day mo na ho bago ka magmartsa kaya kung ako sa'yo sulitin mo na."

 

"Bastos ka."

 

"Ang bastos, nakahubad. Mamaya pa ako maghuhubad, hintay ka lang d'yan."

 

"Oh, ba't bold na ang usapan?" Sabat ni Wendy na hindi na nila namalayang dumating. Nang malingon ito sa katabi ni Sehun ay nanlaki ang mga mata nito biglang pagkilala, "Uy, Jun!"

 

Nagtatakang nakamasid sina Irene at Sehun nang magyakapan saglit ang dalawa. Nagkatinginan pa sila ngunit nagkibit-balikat lang si Irene.

 

"Musta? Sabi ko na nga ba't si Kyungsoo 'yung nakita ko sa list!" Gulat na sabi ni Wendy at umupo sa tapat ni Irene. "Upo kayo!"

 

"Hindi na," singit ni Sehun habang nakaakbay kay Junmyeon. "Paalis na rin naman kami. Hinintay ka lang namin para may kasama 'tong si Irene. Magkakilala kayo?"

 

"Through mutual friend noong high school," sagot ni Junmyeon. Muling humarap ang lalaki kay Wendy, "Bukas 'yung set ni Kyungsoo. Pero ikaw ha, wala ka pa ring kupas! Nasa likod kami kanina nina Yeol, namimiss ka na raw ka-jam."

 

"Alam mo 'yan! Miss ko na rin kayo, grabe, tagal na rin kasi," ngumisi si Wendy sa papuri ni Junmyeon. Mas lumawak ang pagngisi nito nang dumapo ang tingin kay Sehun. "Pero ingat ka d'yan, Jun."

 

"Ingat ka d'yan... Excuse me?" Mataray na sabi ni Sehun at pumamewang pa. Natawa si Junmyeon. "Sa bait kong 'to?"

 

Nasamid si Irene sa iniinom na beer. Lumingon sa kaniya ang tatlo.

 

"Ayan!" Turo ni Sehun kay Irene, "'Yan ang pag-ingatan mo, Wends!"

 

Nanlaki ang mata ni Irene, biglang nawala ang kalasingan sa sistema. "Pinagsasabi mo d'yan? Nananahimik ako ha!"

 

Matama lang siyang tinignan nang kaibigan bago ibaling ang atensyon kay Junmyeon, "Tara na nga, inaaway lang ako rito."

 

Humalakhak si Junmyeon, "Mauuna na kami, Irene." Tinanguan siya ng lalaki bago humarap kay Wendy at nakipagfistbump, "Wends, catch up soon!"

 

"Sure!" Tinapik-tapik ni Wendy ang balikat ni Junmyeon, "'Pag nagawi ako sa South, magmessage ako."

 

"Baks, ha." Pahabol ni Sehun bago sila makaalis. Yumakap ito sa kaniya at bumulong, "Ang mga bilin ko."

 

Hinigpitan ni Irene ang yakap sa kaibigan bago kumalas. "Sige na. Humayo na kayo para makarami!"

 

Rinig mula sa table nila ang pagtawa at ang pahabol na mura ni Sehun bago sila tuluyang makalayo. Napailing na lang si Irene at lumagok ng beer.

 

"Liit talaga ng mundo," pabulong na sabi ni Wendy matapos ang ilang sandali.

 

Tumingin si Irene sa best friend niya habang prente itong nakasandal sa upuan at nakaakbay sa isa pang bakanteng upuan katabi nito.

 

Maliit talaga, isip-isip ni Irene. Ano lang ba height ni Wendy?

 

Hindi siya kumibo. Tahimik lang din si Wendy na nakatingin sa kawalan. Wala pa man ding sampung minuto ay namimiss na ni Irene ang kabaklaan ni Sehun na laging bumabasag sa mga ganitong klaseng sitwasyon.

 

Lately, dumadalas ang mga pagkakataong binabalot sila ng katahimikan. Buti na lang din at sanay si Irene sa ganito, komportable naman din kasi. Sa tagal ba naman nilang magkaibigan, bihira na lang sila magkailangan.

 

Kaya nga tumagal si Irene ng pitong taon, 'diba? Kasi hindi niya kayang isipin kung paano na lang kapag naging awkward sila ni Wendy. Hindi niya kaisip kung may buhay pa ba siyang aasahan kung hahantong man sila sa puntong 'yon.

 

"Last shot?" Alok ni Wendy. Mapungay na rin ang mga mata nito, diretso ang tingin kay Irene habang naghihintay ng sagot.

 

Dumaing si Irene at napatingala na lang. Kung dahil sa pagkahilo o para makaiwas sa nangungusap na mga mata ng best friend niya o pagtawag ng tulong kay Lord, ewan na lang din niya.

 

Mariing pumikit si Irene bago sumagot gamit ang namamaos na boses, "Gago, tama na."

 

Narinig niya ang kaluskos ng upuan sa lupa at ang pagkalansing ng mga bote sa lamesa nang mabunggo iyon ni Wendy.

 

"Kaya mo 'to," pahabol nito. "Isa pa."

 

Lumingon si Irene sa likod kung saan nakadantay si Wendy sa counter. Sinundan niya ang bawat galaw nito, magmula sa pagtanggap ng dalawang baso mula sa bartender hanggang sa maglakad ito pabalik sa table nila.

 

May kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ni Irene nang magdampi ang kanilang mga daliri nung inabot ni Wendy ang baso sa kaniya. Nagtagpo ang mga mata nila. Sumasalamin ang pinaghalo halong antok, kalasingan, at kung ano pang emosyon na masyado nang hilo si Irene para bigyan pa ng kahulugan.

 

"Cheers."

 

Napabuga si Irene nang hangin nang maramdaman ang pagguhit ng likido sa kaniyang lalamunan pababa sa sikmura. Napangiwi siya nang malasahan ang pait sa bibig.

 

Hindi na nakatiis si Irene, "May butterball ka pa?"

 

Marahang kumurap si Wendy bago lumunok at malumanay na umiling, "Binigay ko na kay Jhen kanina. Dalawa lang kinuha ko sa kotse."

 

Of course, Irene knows. Kaharap naman siya kanina nung binigay ni Wendy 'yung candy habang subo ng best friend niya ang isa. Hindi niya alam kung bakit tinanong niya pa.

 

Nabubuhay na lang yata talaga siya para umasa at magbaka-sakali.

 

Time check! Rinig niyang sabi ni Sehun sa kaniyang isip.

 

Lasing na talaga siya.

 

Wala nang nagawa si Irene kundi pilit na ngumiti.

 

Mali si Wendy.

 

Hindi na niya kaya ang isa pa.

 

***

 

Pero syempre, eme lang 'yon dahil nagbitbit pa sila ng tig-isang bote habang naglalakad pauwi. Nakasuper glue na yata sa kamay ni Irene ang bote ng alak dahil ewan ba at hindi niya mabitawan kahit na wala na siya sa tamang katinuan.

 

Nakapalupot ang mga braso ni Irene sa sariling katawan habang naglalakad sila ni Wendy pabalik sa hotel. Madilim liban sa mga ilaw sa poste at ilang bonfires na nagkalat sa paligid. Malamig ang simoy ng hangin ngunit mainit sa talampakan ang buhanginan.

 

"Ano na nga pala balak mo after graduation?" Tanong ni Wendy makalipas ang ilang sandali. Tumungga muna ito ng beer bago umakbay sa kaniya.

 

"Magtatrabaho na nga," sagot ni Irene. "Ilang taon na akong hinihintay ni ate na tulungan siyang magtaguyod sa pamilya namin."

 

Ayaw niya na uli makita ang pagkadismaya sa mga mata ng ate niya. Masakit, nakakababa ng sarili. Si ate Taeyeon niya ang todo suporta sa kahit anong gustong gawin niya sa buhay, masyado na itong maraming nasakripisyo para kay Irene. Oras na para suklian niya 'yon paunti-unti.

 

"So, hindi ka na maggi-gig?"

 

Pumalatak si Irene. "Hindi naman porket magiging alyas corporate slave na 'ko gaya ni Sehun eh doon na lang talaga iikot buhay ko 'no. Pwede ko namang pagsabayin."

 

Hindi kumibo si Wendy kaya nagpatuloy lang si Irene.

 

Malikot ang kamay ni Irene habang naglilitanya. "Saka etong photography... Hobby ko lang talaga. Ayokong kumukuha ng pictures dahil lang sa obligado na trabaho ko 'yon. Gusto kong kinukuhanan 'yung mga bagay na makahulugan sa'kin. Alam mo 'yan."

 

"Hmm," pagsang-ayon ni Wendy sabay pisil sa balikat niya. Hindi maiwasan ni Irene na mapangiti.

 

"Nagkataon lang na nahihingan ako ng favor ng iba, or need ko ng extra datung kaya ako naggi-gig." Huminto si Irene saglit para makainom kaya napasulyap si Wendy sa kaniya. "Ngayon, kelangan ko na maging practical."

 

"Well..."

 

Lumingon si Irene kay Wendy. Nakatungo ito habang nakakagat sa labi, minamasdan ang paglubog ng mga paa nila sa buhangin. Pinagtutugma nito ang kanilang hakbang.

 

Kanan. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Mabagal, bahagyang gumegewang, nagpapalipas-oras.

 

Alam ni Irene ang ganitong aktingan ng best friend niya. May gusto itong sabihin pero nag-aalangan.

 

"...Well, well?" Pagbibiro ni Irene para pagaanin ang sitwasyon, "Balon, balon, balon?"

 

Pagak na tumawa si Wendy. Pinisil muli nito ang balikat niya gamit ang kamay na nakaakbay kay Irene.

 

"Napag-iiwanan na talaga ako."

 

Hindi umimik si Irene, silently encouraging her best friend to continue.

 

"Lahat ng kakilala ko, lahat sila alam na o ginagawa na nila 'yung mga bagay na gusto nilang gawin." Lumingon si Wendy sa kaniya at mapait na ngumiti. "Ikaw. Kayo. Ayan, may mga plano na sa buhay. Ako, eto pa rin. Neither moving forward nor backward."

 

Malayo ang tingin ng best friend niya. Kahit kumikinang ang mga mata nito habang minamasdan ang nadadaanang bonfire ay halata pa rin ang unti-unting pagkamatay ng apoy nito.

 

Wendy looks so lost, so resigned. Bumibigat ang pakiramdam ni Irene.

 

"Seven years." May panlulumo sa boses ni Wendy na nagpatuloy, "Ta's parang wala lang. Parang hinayaan ko lang na paglipasan ako ng pitong taon."

 

Pitong taon na parang wala lang, sabi ni Wendy.

 

Kung gano'n pala ay ano 'tong dinaranas ni Irene? 'Yung halong saya at sakit? 'Yung sabay na kilig at kirot? Guni-guni niya lang?

 

Pilit niyang nilunok ang pait na bumabalot sa sistema at ibinalik ang atensyon sa bumabagabag sa best friend niya.

 

"Ano ka ba. Kahit naman doktor ka na, makakagawa ka pa rin ng kanta. Pwede ka pa ring maging singer-songwriter like you've always wanted," saad ni Irene. "It doesn't have to be always one or another. Basta ba mag-eeffort ka na mapagsabay, bigyan mo ng oras gano'n. Ipagpatuloy mo lang, para 'di ka maging mapurol."

 

Itinuro ni Irene ang hintuturo sa dibdib ni Wendy. May halong diin, may bahid ng lihim na panunumbat, "Para 'di ka maging manhid."

 

Inalis ni Wendy ang pagkakaakbay nito kay Irene at bumuntong hininga, "Hindi mo naman kasi ako naiintindihan eh."

 

"Wow? Ako?" Nagpantig ang tenga ni Irene sa narinig. Lumingon siya kay Wendy at matalim itong tinignan, she feels offended. "Ako pa talaga ang hindi nakakaintindi sa'yo?"

 

"Med school, Jhen..." Nakalahad ang kamay ni Irene habang nagbibilang ngunit agad niya itong kinuyom nang may maalala. "Ni hindi mo nga sakin sinabi na ex mo pala 'yang si Jhen. Edi sana napakisamahan ko nang maayos."

 

Hindi kumibo si Wendy, diretso ang tingin sa madilim na kawalan. Inangat lang nito ang hawak na bote patungo sa bibig at saka lumagok ng alak.

 

"Sige na! Ngayon, oh, sabihin mo na!" Pag-uudyok ni Irene, malakas ang loob dahil sa alak. "Kung ano man 'yang bagahe mo, ilabas mo na. Kiluhin na natin!"

 

Tumawa si Wendy. Hindi sanay si Irene na marinig ito na walang buhay. "So seven years ago, may Jhen. Ta's a few days ago, nagparamdamn uli siya."

 

Nakamasid lang si Irene kay Wendy. Kahit na mahapdi ang mga lumalabas na kwento sa bibig ng best friend niya ay hindi niya magawang umiwas. Wala na rin naman siyang takas.

 

Siya ang pumilit kay Wendy na maglabas ng bagahe. Kahit na sa totoo lang, ang pitong taong bagahe ni Irene ang dapat kiluhin dahil pabigat lang ito nang pabigat. Kung pwede lang na ibaon na niyang lahat iyon sa buhanginang nilalakaran nila.

 

Truth hurts, ika nga. Pero ibang klaseng sakit pala talaga kapag sinasampal sa’yo ‘yon. Kung may kamay lang ang katotohanan, namumula at namamaga na ang magkabilang pisngi ni Irene. Pero ngayong gabi, sa pagkakataong ito, si Wendy na mismo ang sumampal sa kaniya ng katotohanan gamit ang mapupulang labi nitong walang preno.

 

"Ang hirap lang talaga hindian ng taong minahal mo nang sobra. Alam mo 'yung… Walang wala ka na pero kapag andyan siya, parang… Kahit may konti pang natira, hindi mo magawa eh. Hindi mo matanggihan."

 

Lumingon si Wendy sa kaniya at pilit inangat ang magkabilang dulo ng labi. Hindi umabot sa mata ang pagngiti nito.

 

"Ayon, kaya tayo andito ngayon."

 

Maingay ang hampas ng alon sa kanilang gilid. Kung pwede lang na sa dagat na lang malunod si Irene kesa sa umaapaw na sakit na nararamdaman niya ngayon.

 

Walang nagawa si Irene kundi ang tumango. Ni hindi niya magawang suklian ang ngiti ni Wendy o tumingin man lang sa mga mata nito.

 

Tangina.

 

Hindi na bago kay Irene ang masaktan dahil hindi siya pinili. Pero mas masakit palang malaman na hindi siya pinili kasi hindi naman pala talaga siya kasama sa pagpipilian.

 

Kasi may Jhen. She made it crystal clear na wala talagang papel si Irene sa buhay ni Wendy kundi ang maging dakilang best friend.

 

"'Di mo naman sinabi na chaperone pala ang kelangan mo," mahinang sabi ni Irene habang pinipigilan na mapiyok. "Hindi best friend."

 

Alam naman ni Irene ‘yon eh. Tanga siya, oo, pero hindi siya bobo. Alam niyang hanggang doon lang talaga ang turing sa kaniya ni Wendy. Pero ayon nga, tanga siya, alam na niya pero hindi pa rin niya mapigilan.

 

She can't help but fight, not for what things are but for what she hopes they could be. Na kapag dumating ang panahong may lakas ng loob na siyang sumugal, may magbabago.

 

"Hindi naman sa gano'n." Umakbay uli si Wendy kay Irene at taas babang hinaplos ang kaniyang braso, "Sorry. Kailangan ko lang talaga na may magva-validate sa mga desisyon ko. Wala namang ibang tao sa buhay ko na makakagawa no'n kundi ikaw lang."

 

Nag-iinit na ang gilid ng mga mata ni Irene.

 

"May tanong ako."

 

Malumanay na tumugon si Wendy, "Hmm?"

 

"Bakit..."

 

Huminto si Irene sa paglalakad at matapang na hinarap si Wendy.

 

Bakit hindi na lang ako?

 

Bakit hindi mo makita?

 

Bakit hindi mo maramdaman?

 

Bakit, bakit, bakit?

 

Punong-puno ng higit isang libong bakit ang utak ni Irene. Kailangan niya lang pumili ng isang lalabas sa bibig niyang nakatikom para pigilan ang sariling magpakawala ng hikbi.

 

Hindi na makatayo si Wendy nang diretso. Bahagyang nakapilig ang ulo nito sa kanan, may maliit na ngiti sa labi at bahagyang nakataas ang kilay habang naghihintay sa tanong ni Irene.

 

"Bakit...?"

 

Para saan pa ba? Wala na rin namang saysay dahil kahit ano pa ang itanong niya, isa lang din naman ang sagot.

 

Hindi siya. Hindi si Irene. Hindi kailanman naging at magiging si Irene.

 

"Bakit may H 'yung pangalan ni Jhen?"

 

Kasabay ng pag-alingawngaw ng malakas na tawa ni Wendy sa kawalan ang pagpatak ng isang butil ng luha na dumausdos pababa sa pisngi ni Irene.

 

***

 

Agad na pumlakda si Wendy sa kama ni Sehun nang makarating sila sa kwarto. Napailing na lang si Irene bago dumiretso sa cr.

 

Minasdan niya ang sarili sa salamin. Minsan talaga nagpapasalamat si Irene kay Lord dahil maganda pa rin siya kahit sa loob loob niya ay para siyang pinipilipit sa sakit. Hindi masyadong halata ang pamumula ng gilid ng mga mata niya dahil sa pagpigil ng iyak, namumula rin kasi ang buong mukha niya dahil sa pag-inom.

 

Malamig ang tubig nang maghilamos siya. Nahimasmasan naman si Irene kahit papaano. Dinig niya sa labas ang tunog ng gitara. Pamilyar iyon kay Irene, 'yung tinugtog ni Wendy noong dumiretso siya sa bahay ng best friend niya after ng grad rehearsal.

 

Madilim sa kwarto nang lumabas si Irene mula sa cr. Malamlam lang ang dilaw na ilaw mula sa bedside lamp na nakagitna sa dalawang kama, creating somber mood. It shines upon Wendy's left side habang nakasandal ito sa headboard at nakapikit. Parang ginagayuma si Irene ng mahahaba nitong pilikmata at matangos na ilong.

 

Para siyang robot na walang kontrol sa sariling katawan. Hindi niya namalayan na nakuha na niya ang film camera sa kaniyang bag na nasa gilid ng kama.

 

Dahan-dahang umupo si Irene sa kabilang kama, takot na maistorbo ang payapang mukha ng best friend niya. Hinehele si Irene ng mahina ngunit malambing na paghum ni Wendy kasabay ng pagkalabit nito sa gitara.

 

It takes all of Irene to not reach out and run her fingers through Wendy's slightly disheveled hair. Sana ay proud si Sehun sa kaniya dahil halos tawagin na niya lahat ng santo sa langit para lang hindi bumigay sa tukso. Malumanay na ang paghinga ni Wendy na parang makakatulog na. Iaangat pa lang sana ni Irene ang camera para kuhanan ng litrato ang best friend niya ngunit dumilat na ito.

 

"Akala ko tinulugan mo na ako eh," palusot ni Irene na agad na nag-iwas ng tingin at binitawan ang hawak na camera. "Ayon pala 'yung pinatake out mong bagnet. Bagnet, bagnet, bagnet."

 

Muling kumembot si Irene habang nakaturo sa styro na nakapatong sa bedside table. Garalgal ang halakhak ni Wendy na nagpasalamat. Binuksan nito ang styro, minasdan saglit ang laman bago muling isinara at ipinatong sa bedside table.

 

"Oh?" Takang tanong ni Irene, "'Di mo kakainin?"

 

"Mamaya," matamlay na sagot ni Wendy. Bumalik ito sa pagkakasandal sa headboard. "Wala ako sa mood."

 

Muli silang nabalot ng katahimikan. Ang tanging ingay lang sa kwarto ay ang kanilang paghinga at ang patuloy na pagtugtog ni Wendy sa gitara. Something about the silence makes Irene feel uneasy.

 

Ramdam niya ang pagod ng katawan sa dami ng naganap ngayong araw, pero buhay na buhay ang isip ni Irene. Kahit pa ilang shots at bote ng alak pa ang nainom niya, kahit anong puyat ay hindi siya makaramdam ng kagustuhang matulog at tapusin na ang araw na 'to. May kung anong tensyon na umuusbong sa dibdib niya na nagsasabing may kailangan pa siyang gawin bago tuluyang magpahinga.

 

"Sa totoo lang," bulong ni Wendy matapos ang ilang sandali. "Natatakot talaga ako."

 

Wala sa loob na pinaglalaruan ng daliri ni Irene ang camera sa kaniyang tabi, "Saan?"

 

"Sa pagbabago... Sa lahat." Humarap si Wendy kay Irene. "Hindi na tayo madalas magkikita. Ibang mundo na ang gagalawan natin."

 

Sino ba naman ang hindi natatakot na malihis sa lahat ng nakasanayan nila sa loob ng pitong taon?

 

Kahit papaano ay gumaan ang loob ni Irene na hindi lang siya mag-isang nakakaramdam ng mga gano'ng bagay. Hindi niyo siya masisisi. Sa sobrang tagal ni Irene sa best friend-zone ay madalas nawawaglit sa isipan niya kung gaano pinapahalagahan ni Wendy ang pagkakaibigan nila.

 

"Hmm."

 

"Hindi na ako pwedeng maging ganito. Hindi ko nga alam kung gusto ko ba talaga 'to."

 

Unti-unting lumilinaw kay Irene ang kahulugan ng tensyon na nararamdaman niya. Kinuyom niya ang kaniyang kamay sa bedsheet, pilit isinasalba ang self-control niyang nalulunod na sa dami ng alak na nainom niya.

 

"Ang alin? Ng bagnet?" Pagbibiro ni Irene bilang pag-iwas, walang tiwala sa sarili na ipagpatuloy ang topic. "Eh akin na lang, ako na kakain."

 

"Hay nako," buntong hininga ni Wendy. Tumigil na ito sa pagtugtog at inilapag na ang gitara sa gilid ng kama. "Ewan ko sa'yo. Matulog na nga tayo."

 

Bumangon si Wendy mula sa pagkakasandal sa kama. Bahagyang gumegewang ang kada galaw nito. Akmang tatayo na rin si Irene para sana alalayan ang best friend niya, pero nagsimula na ito maglakad papunta sa cr.

 

"Hoy, kaya mo b—"

 

Napatayo si Irene nang mapatid si Wendy sa duffle bag niyang nasa gilid ng kama. Tumapon ang karamihan ng laman nito, mula sa damit, charger, hanggang sa maliliit na kuwadradong papel.

 

Everything goes still.

 

Naglaho bigla ang pagod, puyat, at kalasingan sa sistema ni Irene. Nakakarinig siya ng pag-ugong sa tenga, kumakabog ang puso niya na parang gusto nitong kumawala sa kaniyang dibdib. Gusto niyang tumakbo palayo pero hindi niya maramdaman ang mga paa niya. Napako si Irene sa pwesto niya habang minamasdan ang mga litrato sa sahig.

 

Si Wendy na naggigitara habang kumakanta noong birthday ni Sehun last April. Si Wendy na nagpapanggap mag-aral sa library na halata naman dahil baliktad ang libro. Si Wendy na may subong stick-o at nagkukunwaring nagyoyosi, nakasandal sa kotse habang nakapamulsa. Si Wendy na nakangisi habang inaasar si Joy na may urod na bangs dahil bagong gupit noong nagbreak sila ng ex nito. Si Wendy na nakasimangot at nagtatampo dahil nakalimutan ni Irene na bumili ng choco flakes nong nag-Baguio sila ng ate niya noong huling pasko. Si Wendy na maaliwalas ang mukha at mahimbing ang tulog sa kaniyang tabi kaninang umaga.

 

Parang bubog ng nabasag na puso ni Irene ang nagkalat na mga litrato sa sahig.

 

Sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang araw, iba't ibang klaseng mukha ni Wendy. Marami. Lahat ay si Wendy. Mga litrato ng best friend niyang hindi niya pa naasikasong ipagdidikit sa kaniyang purple book.

 

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Irene.

 

Putangina.

 

'Yung purple book niya.

 

Nag-angat ng tingin si Irene nang gumalaw si Wendy upang pulutin ang kung ano mang nasa tapat nito. Muntik nang bumigay ang tuhod ni Irene nang makitang nasa mga kamay ng mahal niya ang patunay ng nililihim niyang pagmamahal.

 

Kahit madilim ay naaaninag niyang nakabuklat iyon sa unang pahina. Kahit nakatalikod si Wendy ay alam ni Irene kung ano ang nasa isip nito.

 

"Yung mga moments na you want to preserve the most. ‘Yung ayaw mo mamiss. ‘Yung ayaw mong malimutan... One shot. Hoping it will be a good shot.”

 

Tahimik, ngunit hindi payapa ang loob ni Irene. Ang kanilang paghinga lang ang dinig, walang may lakas ng loob na umimik sa takot na masira ang kung ano man ito. Sa kung ano pa man ang natitira.

 

Something tells them it is better this way—to ignore the things unsaid.

 

“And if it’s not?"

 

Pero pitong taon nang nananahimik si Irene. Pitong taon na niyang kinikimkim ang lahat.

 

Tama na.

 

Irene finally takes her one shot.

 

“Mahal kita.”

 

Mahina lang ang pagkakasabi ni Irene, na parang hindi niya sinasadyang lumabas iyon sa bibig niya. Umalingawngaw iyon sa madilim na kwarto.

 

Dinig niya ang kaluskos sa biglaang pagharap ni Wendy sa kaniya. Nanatili siyang nakayuko kahit na ramdam niyang sumisipa na ang likidong lakas ng loob na dala ng sandamakmak na beer na ininom niya kanina.

 

“Wendy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 2: Author i know hindi ka pa graduate dito, ituloy mooooo. Anyway bakit ba hinalikan ni wendy si irene? Dahil ba naawa siya sa bff nya, dahil ba lasing siya at nadala siya o dahil may something din na nararamdaman?
moonbliss
#2
Chapter 2: THE BUTTERBALL SCENE, PUTANGINA. ang sakit sakit gago puta, para kong kumain ng bubog, gusto ko na lang magpalamon sa lupa. no wonder na iyon yung title, please tangina. that scene is just ing magnificent, wonderful, masterpiece, work of art.

binalikan ko talaga para i-comment yun kasi gusto ko i-point out how that one scene is the turning point of their relationship. yung akala niyo it's a thing that the both of you just know, not knowing na it's also shared pala to other people, without you unintentionally knowing it. yung realizations as I read it, hindi ako mapakali sa sobrang sakit, talagang tumigil ako magbasa at nag deep breaths at tumulala sa kawalan like wow putangina ang sakit hahahaha para namang ewan grabe na to talaga. ayun na yun eh, that's the one thing they kept for themselves tapos ayun, it's not theirs to keep pala. it's the little things talaga madalas ano, with pent up, unresolved and one sided feelings. sad pare, shot tayo dyan irene, sasamahan kita talaga dyan, hayst.

hindi ako maka-move on pasensiya ka na author-nim at mukhang pag nakakita ulit ako ng bagong details, magccomment na lang ako ng panibago, just a gratitude and token of appreciation on how much I adore this work of yours ganon.
moonbliss
#3
Chapter 2: putangina, putangina, putangina. hindi pa ako ready sa mga thoughts ko pero putangina ang hirap, hindi ko ma-explain ng tuluyan. cannot articulate how I felt reading through the 2 chapters, lalo na yung last. , putangina ang tagal ko tong binasa. kasi patigil tigil ako sa emosyon ko na bigat na bigat na para kay irene talaga.

wala akong masabi otor, if this is your last wr fic, I'm proud kasi you've said pangarap mo makasulat ng ganitong klase idily na genre, no regrets. you write it so beautifully, yung yearning ni irene through my screen? putangina nakakagago pero ramdam na ramdam ko talaga yun, ilang beses akong bumubuntong hininga and just staring at the ceiling in the middle of me reading it just because gusto kong sumigaw, hindi ako mapakali, awang awa ako kay irene na ako na mismo umiiyak na rin for her. ibang klase to. it took me at least a year to have the courage to read the last chapter kasi lagi kong nakakalimutan or maybe I'm just not ready for what the story is about to bring to me.

yung irene and sehun duo. walang kapares, dalang dala. parang sa pelikula mismo, kuhang kuha mo yung recipe ng humour nila, naloloka ako. ang ganda ng friendship, solid na solid silang dalawa. ang sakit sakit talaga, lalo na yung nagyyearn si irene every single time she looks at wendy? like she hang the moon and the stars in her eyes that she's lost and she continues drown in it for every chance she gets. yung parts na yun nagsolidify ng emotions ko talaga, malala. navvisualize ko. it's all engraved in my head.

yung dialogues, as expected, magaling ka talaga. parang pinapanood ko talaga yung mismong idily na movie with a little tweaking lang, ang galing. ganitong ganito rin yung nararamdaman ko nung pinapanood ko yung movie eh, natagalan lang siguro ako because this is wenrene, of course, ang emotions ko eh sapaw sapaw na ganon.

ang galing, ang ganda, nakakaputangina sa ganda. manghang-mangha talaga ako sa mga gawa mo, I've always been a huge fan of your works, ever since then. salamat sa pagsusulat nito, hinding hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko yung feelings na nararamdaman ko nung binabasa ko to. lalo na at madaling araw pa, iba atake , sobrang sakit.

hindi ako magsasawang sabihin na isa ka sa mga author who continues to inspire people, in all ways. from your first work, yung tricycle fic ata yin and up until this? ganda super , ang solid niyo magsulat ng tagalog, tagos, hahahaha. parang matagal bago ako makakamove on sa storya mo na to.

hayst irene, congratulations, graduate ka na sa lahat. masakit man ang dinanas, pero wala eh, ganon talaga ang buhay, unfair ika-nga. tska nga pala, ibang atake kapag si irene ang stuck sa unrequited love eh, taoos tagalog pa, wow grabe tripleng triple ang bigay na sakit sa akin kaya naman inabot ng siyam siyam sa pagbabasa.

salamat sa patuloy na pagsulat sa wenrene, salamat lalo, sa tagalog. bihira talaga kasi mga sumusulat ng tagalog, isa ka talagang regalo sa wenrene community world, idle. pasensiya ka na kung mahaba pero hindi pa nga ito lahat eh, masaya akong naka graduate si irene, sa mga nakakaranas ng similar situations, sana kayo rin maka graduate na, if not now then soon! hanggang dito na kang muna lods, salamat rito sa gawa mo!!!
pajamagirl
#4
Chapter 2: Gusto ko na lang maging kambing sis
nicella #5
Chapter 2: naiyak ako sa ganda huhu salamat sa pagsulat nitong wr au at isa talaga to sa fave movies ko, grabe parang pinanood ko uli ung pelikula sa isip ko habang binabasa to hayst hugs to carson/irene talaga 😭 bet na bet ko din ung ending paragraphs, at least unti unti nang magmmove on si madam without compromising their friendship 🤧 thanks uli lodiiii dabest ka talaga magsulat!
paradoxicalninja
#6
ok based sa comments mukhang sa 2030 pa ako magkakalakas ng loob basahin 😭
aersenic
#7
Chapter 2: Thanks u otorniiiim grabe ung iyak ko 😭😭😭 move on ka na madam hangganda mo p nmn
aersenic
#8
Chapter 2: Ansakeeet potangina mo wendy JSKSKSKSKS grabe bat mo ba mahal to irene ang selfish lng ng baccla d2 tngjna HAKDKSJDKSKDKS
WanAndDg
#9
Chapter 2: Ako yata ang hindi makakamove on para kay Irene...
Wala bang resbak jan otornim?
paradoxicalninja
#10
namanifest niyo po ata yung taglamig ng dalawa ngayon 🥲