i’m drunk,

butterball
Please Subscribe to read the full chapter

I wonder if I’m being real

Do I speak my truth or do I filter how I feel?

 

Napatalon si Irene nang maramdaman ang malamig na bote ng alak sa kaniyang pisngi. Mapang-asar na tawa naman ang isinukli sa kaniya ni Wendy.

 

"Bwisit ka," pag-irap niya matapos abutin ang bote at lumagok nang kaunti.

 

Pumwesto si Wendy sa kaniyang tabi at inakbayan siya, "You're welcome."

 

Wednesday. Kalagitnaan ng linggo. Siksikan sa loob ng bar kung saan lagi silang tumatambay kapag gusto nilang tumakas sa realidad. Sakto namang may gig ngayon ang bandang madalas subaybayan ni Wendy, pati na rin ni Irene dahil lagi naman siyang kinakaladkad ng best friend niya.

 

G lang naman siya lagi.

 

I wonder, wouldn't it be nice

To live inside a world that isn't black and white?

 

No matter how hard Irene tries, hindi niya talaga magawang idiretso ang tingin sa bandang tumutugtog sa kaniyang harapan. The more she tries not to spare a glance, the more she feels the need to. Wendy demands attention; her very presence does.

 

Sino ba si Irene para ipagkait 'yon sa kaniya?

 

Maliit ang awang ng bibig ni Wendy habang sumasabay sa kanta. Pansin pa rin ni Irene ang bahagyang pamumula ng mga pisngi nito dahil sa alak kahit madilim. Pero kita pa rin niya ang pagkinang ng mata ni Wendy, blue and purple, too focused on watching the performance on stage.

 

God, she's beautiful like this.

 

Kusang gumalaw ang kamay ni Irene at kinuha sa suot niyang sling bag ang dalang disposable film camera. Hindi na napansin ni Wendy ang pagkalas niya mula sa pagkakaakbay nito. Irene starts rolling the film advance wheel.

 

5.

 

She waits for the flash to fully load bago itutok ang camera kay Wendy.

 

Right before I close my eyes

The only thing that's on my mind

 

Si Wendy na may maliit na ngiti sa labi, diretso ang tingin sa stage. Si Wendy na nakapikit habang nilalasap ang sandali. Si Wendy na tinamaan na yata at nakikiindak na sa tugtog.

 

Minsan lang 'to. 'Yung pakawalan ni Wendy ang sarili niya. Kuntento na si Irene sa ganito, she feels special this way—to witness Wendy letting down her walls even just for a little while, getting lost in the moment.

 

Kung pwede lang na itigil muna ang takbo ng oras at ang ikot ng mundo. Kasi hindi sapat ang gabi na 'to para kay Irene. Lalo na't walang kasiguraduhan ang mangyayari sa mga susunod na araw.

 

Irene is saving everything in her memory, capturing these precious moments, knowing the films are numbered.

 

Bilang na rin ang mga sandali nila.

 

Been dreamin' that you feel it too

I wonder what it's like to be loved by you

 

Nakailang shot na si Irene bago pa mapansin ng best friend niya ang pagkuha niya ng litrato.

 

"Favorite mo talaga ako ha," todo ngiting saad ni Wendy at makulit na nagpeace sign pa sa harap niya.

 

Napailing na lang si Irene matapos ibaba ang camera. She tries rolling the wheel again pero ayaw na.

 

Ubos na.

 

Tumungga na lang si Irene ng alak na kanina niya pa hawak. Hindi na malamig. Napangiwi na lang si Irene sa pait na dumaloy mula sa bibig pababa sa sikmura niya.

 

Yeah

I wonder what it's like

 

///

 

"Mukha pala akong tanga," paggisa ni Irene sa sarili niya habang nakatingin sa salamin.

 

Kayayari lang ng graduation practice nila at nakadikit ang mga takas na buhok sa pawisan niyang mukha at leeg. Kanina pa siya iritable dahil bukod sa malalang hangover, dagdag pa ang init ng panahon.

 

"Mukha lang?" Sabat ni Joy na kalalabas lang sa cubicle. "Excuse me, tanga ka talaga, huy."

 

At ayan, gumatong pa nga ang kampon ni Satanas.

 

"'Wag kang gumaganyan ha," tugon ng kaibigan nang makita ang sama ng tingin ni Irene. "Lahat ng suot mo ngayon eh sa'kin, baka nakakalimutan mo. Pati 't bra mo, gaga ka. Buti nga kamo nagkasya."

 

Umirap na lang si Irene at nagpatuloy na lang sa pagpunas ng mukha at braso. 'Di na siya pumatol, totoo naman kasi.

 

Hindi niya alam kung paano niya kinayang pumunta sa condo nila Sehun at ng pinsan nitong si Joy kagabi. Basta ang sigurado siya, nasuka siya sa tapat ng unit ng mga kaibigan niya dahil ang tagal tagal magbukas ng pinto ng mga hinayupak.

 

' Shuta ka, ambigat ni bakla, tulungan mo 'ko' reklamo ni Sehun na agad namang sinagot ni Joy ng 'iwan mo na d'yan 'yan. ' Dinig niya pa rin hanggang ngayon ang walangyang pagtawa ni Joy habang inaalalayan siya ni Sehun papasok sa loob.

 

"Ikaw na nga mag-attendance sa'kin," tamad na sabi ni Irene nang makarating sila sa room nila. Dumantay siya sa pader sa may hallway. "Pakuha na rin nung sa toga. Sakit na talaga ng ulo ko."

 

Ibinigay ni Joy ang bag nito kay Irene at matama siyang tinignan bago pumasok sa loob, "Napapala ng siopao asado."

 

"Shhh, oo na, oo na."

 

Wala naman talaga siyang balak magpakalasing kagabi. Sadyang 'di niya na lang namalayan na naparami na siya ng inom habang minamasdan si Wendy at ang kung sino mang babaeng nakilala nito sa bar. Pamilyar 'yung mukha, present ito lagi sa mga gig ni Wendy.

 

Matitinis na bungisngis, malilikot na mga mata at malalalim na dimples, katawan na masyadong malalapit sa isa't isa na kulang na lang ay magkapalit sila ng mukha... Kitang-kita ni Irene ang mapungay na mata ni Wendy, ang matangos nitong ilong at mapulang labi habang nakatagilid ito ng upo. At parang minumura siya ng makinang na ear piercings ng best friend niya.

 

Putangina, Irene, tama na.

 

Tama na ang pagtingin? Tama na ang pag-inom? Ewan. Basta tama na.

 

Napailing na lang siya, pilit inaalis sa isipan ang nangyari kagabi.

 

Minsan, kinakaya niya. Madalas ay hindi. And yes, this is routine. Hindi na dapat niya ikagulat ang nararamdaman niya tungkol dito. At sa totoo lang, dapat expected na rin nila Sehun ang pagbisita niya sa condo nila. 'Yung pagtawag niya lang talaga ng uwak ang wala sa itinerary every Wednesday.

 

Dumaing si Irene nang ihagis ni Joy ang plastic na naglalaman ng toga sa kaniyang mukha.

 

"Sure kang XS 'to ha," saad ni Irene, "Baka lamunin ako nito sa Lunes."

 

Tumango si Joy at pabirong isinuot sa ulo ni Irene ang graduation cap, "Ready ka na ba grumaduate?"

 

Nagring ang phone ni Irene ngunit namatay din agad. Kinuha niya ito mula sa bag. Sabay pa silang napatingin ni Joy sa kadarating na text.

 

[Thurs, 11:41] SSW: EMERGENCY

 

Bumuntong hininga si Irene at mapait na ngumiti.

 

"Wala naman akong choice."

 

***

 

Madalas mawala sa isipan ni Irene kung gaano kayaman sila Wendy. Namamangha pa rin siya kapag nasisilayan kung gaano kalaki ang mansyon nila. Napaawang pa ang bibig niya nang makita na may isang bagong kotse sa garahe. Iyon siguro 'yung kinwento ni Wendy sa kaniya last month.

 

Hindi rin naman kasi halata kapag minasdan si Wendy. Simple lang ito manamit, panay pants lang, graphic tees, polo shirts, hoodies at ang favorite nitong black slip-on Vans. Wala ring kung ano-anong palamuti sa katawan, maliban sa singsing sa right index finger nito at sandamukal na ear piercings. The way she brings herself though, ayon ang ibang usapan.

 

Bwisit kasi 'yong best friend niya. She's filthy rich pero nakikihati pa rin sa illegal Netflix subscription niya. Wala sigurong maniniwala kay Irene kapag ichinismis niya si Wendy na madalas itong umuutang sa kaniya para makabili ng Gong cha sa tapat ng univ nila.

 

Ang kapal kapal ng mukha talaga ng gaga. Napailing na lang si Irene; mas gaga siya dahil pumapayag naman siyang huthutan ng pera. Kung bakit ba naman kasi ang hirap tumanggi kapag bagsak na ang makabilang kilay ni Wendy habang nakanguso.

 

Pinapasok si Irene ng isang kasambahay at dumiretso siya sa kusina nang marinig ang ingay mula roon.

 

"Long time no see!" Nakangiting bati ng nanay ni Wendy sa kaniya matapos makipagbeso, "Sakto at nagb-bake ako ngayon. Buti napadaan ka."

 

Hindi sanay ang mata ni Irene na makita ang doctor na abala sa kusina, nakasuot ng apron imbes na scrubs. Parang hindi bagay kung iisipin, pero magaling ito magbake, talagang may pinagmanahan si Wendy.

 

"Tinext po kasi ako ni Wendy, emergency daw po."

 

"Nako, 'yong batang 'yon talaga. Minsan na nga lang ako off-duty, ayaw pa magpakita ng mukha sa'kin," pakli nito bago tumalikod upang i-check ang nakasalang sa oven.

 

Tumawa lang si Irene.

 

"Congrats pala on your graduation! What are your plans after?" Pag-usisa nito habang nakadantay sa counter. Malumanay itong nagsalita, "Ang bilis talaga ng panahon. Parang kelan lang nag-aaway pa kami ni Seungwan about her course."

 

Napangisi si Irene sa loob-loob niya. Graduation? Long overdue na.

 

Ding!

 

Agad namang dinaluhan ng nanay ng best friend niya ang oven. Kumalat ang bango ng freshly baked cupcakes sa buong kusina.

 

"Eh, hindi ko pa po masyadong napag-iisipan..." Tumikhim si Irene matapos magpasalamat nang mag-abot ang babae ng cupcake sa kaniya. "Ang mahalaga po makakapagmartsa na ako."

 

"'Yong si Seungwan, hay, kahit anong pilit ko ay ayaw umattend. Hindi pa naman daw kasi siya tapos na maging student."

 

Puno ng pagtataka ang mukha ni Irene.

 

"Nakapasa siya sa NMAT!" Maaliwalas ang mukha nito na nagpatuloy, "Mukhang may balak tumuloy sa med school."

 

Muntik nang mailuwa ni Irene ang nginunguyang cupcake. Naglaho rin ang hangover niya na parang bula.

 

"P-Po? Med school?"

 

"Oh, 'di niya pa ba nasasabi?"

 

Hirap si Irene na lumunok dahil parang biglang nagbara ang lalamunan niya.

 

"W-Wa—Hindi—"

 

Napatigil si Irene nang marinig ang pagring ng kaniyang phone. Lutang pa siyang kinuha ito sa bulsa, muntik pa niyang mabitawan ang hawak na cupcake. Nang makita kung sino ang tumatawag ay napatingala siya sa second floor.

 

"Sige, umakyat ka na," sabi ng nanay ng best friend niya, "Stay for lunch ha?"

 

Hindi na nahanap ni Irene ang boses niya kaya't wala siyang nagawa kundi tumango na lang.

 

***

 

Natuod na lang si Irene sa kinatatayuan niya. Anong kaputanginahan na naman ba 'tong pinasok niya? Hindi pa nakakarecover si Irene sa dehydration mula sa alak at hangover, sa puyat, sa pagod. Sa lahat.

 

"So?"

 

Kunot-noo niyang pinabalik-balik ang tingin sa dalawang shirt na hawak ng best friend niya. Matapos ay diretso niyang tinignan si Wendy, nag-aabang sa magiging sagot niya.

 

"Seryoso ka?"

 

"Oo?" Tugon ni Wendy, "Special 'yung gig mamaya. Last ko na 'yon as a student."

 

Nagpintig ang tenga ni Irene sa narinig. Hinablot niya ang hawak nitong blue shirt at hinagis sa mukha ni Wendy.

 

"Pinagsasabi mo d'yang last kung tutuloy ka naman pala sa med school," tuloy-tuloy na litanya ni Irene. May panunumbat sa tono ng boses niya, "May plano ka palang gano'n, 'di ka man lang nagsasabi."

 

Napansin niyang napahinto si Wendy bago mag-iwas ng tingin at magkibit-balikat. Kinuha nito ang gitara na nakasandal sa pader bago umupo sa kama.

 

"It's not much of a big deal," sagot nito. "Saka 'di ka naman nagtatanong."

 

Napaupo na lang din si Irene sa sahig. Kung dati ay hindi siya nagdadalawang-isip na humiga sa kama ni Wendy. Pero ngayon, ni hindi niya makayang lumapit man lang. Parang wala siyang karapatan.

 

Matagal naman nang hanggang tanaw lang si Irene kay Wendy. Sanay na siya sa distansya nila. Pero ang akala niyang ilang hakbang na layo, na pitong taon nang tinatakbo ni Irene...

 

Ngayon, sa pagkakataon na ito, sa loob ng magulong kwarto ni Wendy na puno ng libro at posters, napagtanto ni Irene na mas malawak pa sa kalawakan ang layo nila ni Wendy.

 

"Saan ka ba galing at mukhang pagod na pagod ka?"

 

Paos ang boses na nagsalita sa loob-loob niya: Ikaw kaya rito sa best friend-zone, 'di ka kaya mapagod?

 

"Grad rehearsal," bagot na saad ni Irene.

 

Pumalatak si Wendy, "Sabi ko naman sa'yo 'wag ka nang magmartsa eh. Ang init init ng panahon, ta's andami pang tao."

 

"Sayang naman kasi 'yung bayad. Saka kapag na-heatstroke ako, pagagalingin mo naman ako, 'diba, Doc?"

 

Halata sa mukha ni Wendy ang pagkailang sa sinabi ni Irene. Agad nitong iniba ang usapan at muling dinampot ang blue shirt.

 

"Sure na ito isusuot ko ha?"

 

Nagkibit na lang si Irene ng balikat, mukhang wala siyang makukuhang malinaw na sagot sa ngayon.

 

"It's your color."

 

Matamis na ngumiti si Wendy, "Punta ka mamaya?"

 

Napabuntong-hininga si Irene bago magpikit ng mga mata.

 

"Wouldn't miss it for the world."

 

Nagsimulang tumugtog si Wendy matapos ng ilang minutong katahimikan. Hindi pamilyar kay Irene, mukhang bagong compose lang ng best friend niya. May kung ano sa tunog na tumutusok sa dibdib ni Irene, at nang magsimulang kumanta si Wendy, bumabaon iyon sa puso niya.

 

Duda si Irene na matatanggal pa si Wendy sa puso niya. Na kung pipilitin man niya, duda pa rin siya na mapupunan pang muli ang puwang na iiwan ng best friend niya. Malaki, malalim, masakit.

 

I know the sign was given

It's in the way you move

and in the sound of your heart

 

Agad tumigil si Wendy kaya't napadilat si Irene. Naabutan niyang nakatitig ito sa kaniya.

 

"'Di pa tapos, eh."

 

"Hmm." Pakunwaring nag-inat si Irene, her mind still in a haze. "Malungkot ka ba, Doc?"

 

"Syempre gusto ko ng opinyon mo." Tumaas ang kilay ni Irene sa muling pag-iwas ni Wendy. “Parang gusto kong theme ‘yung uncertainty about future.”

 

Irene doesn't trust herself to speak without revealing something, or anything, and everything.

 

Delikado. Sigurado si Irene na walang uuwing walang galos.

 

"What do you think?"

 

Narealize ni Irene na wala siyang karapatang magtampo kay Wendy about sa plano nitong mag-med school kung ganitong may itinatago rin siyang lihim.

 

Well, wala eh, 'di niya rin naman pinangarap 'to.

 

"I think..." Tumayo na si Irene, "Gutom lang 'yan. Tara na sa baba."

 

***

 

Hindi na nagtaka si Irene kung bakit mas maraming tao ngayon than usual.

 

Wendy is a crowd favorite. Gustong tapikin ni Irene ang sarili niya sa likod. Wendy is glowing in that blue v-neck shirt. Lutang na lutang ang maputi nitong kutis at may pasilip pa talagang collarbones.

 

"So, this will be my last song..." Sabi ni Wendy sa mic habang inaayos ang gitarang nakakandong sa hita, "As a college student. Cheers!"

 

Karamihan ng regulars dito ay kapwa nila students from the same univ. Kaya halong hiyawan, palakpakan, at panghihinayang ang isinukli ng audience. Hindi na sila makakasulyap at hindi na sila mahaharana ni Wendy every Thursday.

 

Napainom si Irene sa hawak na bote ng alak. Parang ang sensitive niya these days kapag may nababanggit na gano'n. Para kasing sinasampal siya ng katotohanan ng realidad. Na kahit ayaw niya pa at hindi pa siya tapos magbasa, kusang lumilipat ang mga pahina ng libro at magugulat na lang siya, sa isang araw, tapos na ang yugtong ito ng buhay niya.

 

Pre-graduation blues.

 

"I'm dedicating this song sa lahat ng taong patuloy pa ring naghihintay... Sa meron man o sa wala."

 

Mukhang nakarelate ang karamihan kaya mas umingay ang crowd. From her place sa open balcony, nakisigaw na rin si Irene at ang ilang katabi niya.

 

"Akala mo lang wala! Pero meron, meron, meron!"

 

Nagtawanan ang mga tao dahil sa hirit ni Irene at may ilan pang siniko siya sa tagiliran at tinapik sa balikat. Pero diretso ang tingin niya sa stage, kay Wendy na may ngiti sa labi na unti-unting lumalawak hanggang sa hindi na rin nito napigilan ang pagbungisngis.

 

"And of course, to my best friend, Irene, na finally gagraduate na rin sa Sunday!" Masayang saad ni Wendy while scanning the crowd. "I love you! Nasaan na ba 'yon?"

 

Itinaas ni Irene ang hawak na beer at agad namang nagtagpo ang tingin nila ni Wendy.

 

"Ayon! My best friend, everyone!" Turo ni Wendy sa kaniya. "I love you, Hyun!"

 

Waiting on someone who'll never be yours

It sounds stupid, bizarre

But you stay a little more

Yes, you wait

Oh, you wait

 

Hindi pa rin kumakalma ang puso ni Irene kahit pa nagsimula na si Wendy na kumanta gamit ang malambing nitong boses. Muli siyang lumagok ng alak para maibsan naman kahit papaano ang sakit.

 

"Bakit malungkot ang beshy ko?" Napalingon si Irene nang biglang sumulpot si Sehun sa kaniyang tabi. "Kasi nag-'I love you' ang lola mo."

 

"Gago."

 

"Wala bang 'I love you, too,' d'yan?"

 

"'I love you, too' ka d'yan eh hindi ko naman siya mahal... As a best friend." Muling uminom si Irene bago magpatuloy, "Tangina, baks, dalawang beses siyang nag-I love you, pero dalawang beses niya rin akong tinawag na best friend. Tama ba 'yon?"

 

"Pakak! Dinaig ang laban bawi at urong sulong." Natatawang biro ni Sehun. "Magkano na ba ang taya natin d'yan? Baon na yata tayo sa utang, luging lugi na."

 

Indeed, Irene's in too deep. Kahit anong pilit niya mag-U-turn, she finds herself driving past the red light. Walang lisensya, hindi nakasuot ang seatbelt, overspeeding pa dire-diretso patungo sa bangin ni Wendy.

 

"Seven years, Sehun," sagot ni Irene, diretso ang tingin sa best friend niya, sa taong minamahal niya pero hindi siya kayang mahalin pabalik. "Seven years."

 

And, oh, this feeling just won't end

 

Unfair, isip-isip ni Irene. Wendy looks so angelic, so innocent habang lumalabas mula sa bibig nito ang lyrics na parang sinasampal si Irene paulit-ulit.

 

Kasi tama si Wendy, dedicated nga talaga ito para sa mga taong naghihintay. Umaasa si Irene na may kapupuntahan ang pitong taon, na naghihintay siya na magkaroon...

 

Magkaroon ng higit pa sa kung ano sila ngayon.

 

"Nakakaloka. 'Di ko ba alam kung tanga ka o tanga ka talaga," walang prenong sabi ni Sehun. "I think both siguro."

 

"Eh kung itulak kaya kita ngayon dito?" Inis na sinabunutan ni Irene si Sehun at pakunwaring isinubsob ang mukha pababa. Mahigpit na humawak ang kaibigan niya sa railings ng balcony.

 

"Sorry na. Nakalimutan ko nga pala ang kasabihan."

 

"Ano na naman 'yan?"

 

Tumikhim pa si Sehun at inilahad ang parehong kamay para magmukhang makata.

 

"Magbiro ka na sa lasing at bagong gising," sambit nito na parang tumutula, "'Wag lang sa bading na kulang sa lambing."

 

"Putangina mo."

 

"And I, thank you."

 

Tuluyan nang natawa si Irene. Bwisit talaga 'tong baklitang 'to. Pero this is why she likes Sehun's company, nire-real talk siya lagi imbes na kinukunsinti. Parehas sila ng pinsan nitong si Joy. Kahit balahura lagi ang lumalabas sa bibig, alam ni Irene na concerned lang sila sa kalagayan niya sa best friend-zone.

 

Ilang sandali pa ay nagpalakpakan na ang crowd matapos ng kanta. Nagchant pa ang ilan ng 'Isa pa! Isa pa!' pero ngumiti na lang si Wendy at tumayo na. Nakamasid lang sila ni Sehun kay Wendy na naglalakad papunta sa kinaroroonan nila, kumakaway at bumabati sa mga nadadaanang kakilala.

 

"Good set!"

 

Nakipagfist-bump pa si Wendy kay Sehun nang makalapit ito sa kanila, "Buti nakahabol ka."

 

"Naman! That's what friends are for," may panunukso sa tono ni Sehun, "'Diba, Irene?"

 

Hinampas niya ang kaibigan sa braso at tumawa lang ang hinayupak.

 

"Saka last gig mo na, syempre!"

 

"Well, actually... Kakamessage lang sa'kin nung organizer sa isang music fest na pwede niya raw ako bigyan ng slot."

 

"Edi nice pala! Kelan 'yan?"

 

"Bukas 'yung set ko pero hanggang Sunday 'yung fest," sagot ni Wendy at nilingon si Irene, "Tara Elyu?"

 

"Gago? Kung makaaya ka akala mo naman d'yan lang tayo pupunta sa kabilang kanto," gulat na sambit ni Irene, "Saka hello? Kung ayaw mo magmartsa sa Linggo, 'wag mo 'kong idamay."

 

"Edi babalik tayo ng Sabado ng gabi!" Lusot ni Wendy, "Aabot tayo sa graduation mo, makakapagbeauty sleep ka pa."

 

"Ayoko," pilit na pagtanggi ni Irene, "Mapapatay ako ni Ate. Uuwi si Mama sa Sabado."

 

Tumagilid si Irene para uminom ng beer, pero sa totoo lang, umiiwas siya kay Wendy. Nagsisimula na kasing humaba ang nguso ng best friend niya.

 

Todo ngisi naman si Sehun na pinapanuod lang silang dalawa. Tikom ang bibig nito kahit pinandidilatan na ito ni Irene para naman tulungan siyang tumanggi. Sinong niloko ni Irene, alam ni Sehun na nagsasayang lang siya ng laway sa pagpapakipot.

 

"Sige na, Irene," pamimilit ni Wendy at hinawakan pa ang kamay niya. As expected, bagsak na ang magkabilang kilay nito at nakanguso na nga. "Please? Ang tagal na nung huli tayong nagdagat."

 

Pero ayon nga, sa loob ng pitong taon nilang magkaibigan ay hindi naman natuto si Irene na tumanggi kay Wendy. Sino ba siya para ipagkait ang mga bagay na nagpapasaya sa mahal niya?

 

"Ireeene, sige na. Last trip na natin 'to, oh?"

 

Nagpakawala ng malalim na hininga si Irene at tuluyan nang natawa si Sehun.

 

"Oo na, oo na," pagsuko ni Irene, "Basta babalik tayo ng Sabado, ha."

 

"Yes!" Nakakasilaw ang malawak na ngiti ni Wendy, "Mag-cr lang ako, ta's alis na tayo."

 

Hindi pa nakakalayo si Wendy ay inasar na siya ni Sehun, "Time check! Rupok hours 'yarn?"

 

Tuloy-tuloy ang pagtungga ni Irene sa alak hanggang sa maubos. "Tangina, nakita mo ba 'yung mukha? Sino naman makakatanggi ro'n?"

 

"Bading," natatawang sabi ni Sehun, "So pa'no 'yan? Ede good luck na lang sa'yo?"

 

Humalukipkip si Irene, "Sasama ka rin, ulol."

 

"Excuse me?" Ginaya ng kaibigan ang postura niya, "May pasok ho ako bukas. Palibhasa, ilang taon kang nagpadelay kaya 'di mo pa fully gets kung paano maging corporate slave."

 

"Sehuuun..."

 

"'Di ka kasing cute ni Wends, 'wag kang ano."

 

***

 

Dumaan lang sila sa isang convenience store saglit para bumili ng dalawang bote ng beer at ilang chichirya. Sa dami na nilang napagkwentuhan papunta pa lang kila Sehun at Irene para mag-impake ay natahimik na sila habang bumabyahe. Hindi pa man sila nakakalabas ng NCR ay tulog na agad si Sehun.

 

Binuksan ni Wendy ang isang pack ng butterball habang nakatigil ang sasakyan dahil red light. Walang salitang inalok nito si Irene. Minasdan lang ni Irene ang best friend niya na nakahawak ang isang kamay sa manibela, diretso ang tingin kay Irene habang nakangisi, muling inaangat ang hawak na candy.

 

Napangisi na rin si Irene at kumuha ng isa. Hindi naman niya kayang tumanggi dahil parehas nilang paborito ang butterball. Or, more specifically, naging paborito ito ni Irene dahil kay Wendy. Lagi kasing may stock si Wendy sa kotse. Kaya tuloy maski si Irene ay may ilang piraso na rin lagi ng butterball sa bag niya. Pampagana tuwing bumabyahe, pampawala ng antok sa klase, panghimagas matapos kumain at uminom ng mapait na alak.

 

Kinalikot ni Irene ang phone ni Wendy na nakaconnect sa kotse. Napangisi siya nang mahanap ang 'si manen na amoy downy' shared playlist nila. Nagpatugtog lang siya, ‘yon ang tanging ingay sa loob ng sasakyan.

 

Nagdadalawang-isip si Irene kung babasagin niya ba ang katahimikan. Wala namang kaso sa kaniya kung mapanisan siya ng laway, pero...

 

"So why med school?"

 

Hindi niya rin napigilan.

 

"Why not?"

 

Sumulyap siya kay Wendy. Ramdam niya ang pag-iwas nito, simula pa kaninang tanghali.

 

Her best friend's face doesn't reveal anything more. Eto ang hirap kay Wendy, she may seem like she's an open book, pero sa totoo lang, maliit ang font size at maarte ang font style kaya napakahirap basahin.

 

Maraming pasikot-sikot sa utak ni Wendy na kailanman ay hindi makabisado ni Irene. Seven years of friendship, pero ramdam ni Irene na marami pa siyang hindi alam tungkol kay Wendy. Mga bagay na ayaw nitong ipaalam, mga bagay na wala siyang karapatang alamin.

 

Pero kaya nga tumagal siya ng pitong taon, kasi hindi siya marunong sumuko. Hindi niya alam kung kelan dapat sumuko.

 

"Wala lang," saad ni Irene at prenteng sumandal, pretending to be indifferent about the topic kahit na she's obviously bothered by being left in the dark. "Nakakatampo ka naman kasi. Hindi mo man lang sinabi sa'kin. Akala ko hindi ka seryoso about pursuing it."

 

Saktong red light kaya lumingon ito kay Irene, may nakakalokong ngisi sa labi, "Ayan, marami talagang namamatay sa maling akala."

 

"Bwisit ka." Sinulit niya na ang pagkakataon na sapakin ang best friend niya habang nakahinto pa ang sasakyan.

 

"May accounting subject ka, 'diba? 'Di mo na ba tanda 'yung never assume unless otherwise stated?"

 

"Alam ko. 'Wag mo akong hino-hot seat ha, ikaw ang tinatanong ko," gigil na sabi ni Irene, "So bakit nga?"

 

Ngumiti si Wendy, "Alin nga?"

 

Umirap si Irene. Eto na naman sila sa mga paligoy-ligoy, "Bakit ka tutuloy sa med school?"

 

"Bakit nga hindi?" Tuluyan nang humalakhak si Wendy nang muling umamba ng hampas si Irene. "Seryoso kasi 'yon. Why not? Para naman may pakinabang 'yung degree ko. Seven years ko ring iginapang ang Bio."

 

"Hmm..." Alam ni Irene na there's more to it. "That sounds like an excuse."

 

"Luh, ikaw 'tong tanong nang tanong tapos kapag sumagot ako ayaw mong maniwala."

 

Minasdan niya si Wendy. Kalmado ang mukha nito; naiilawan ng puti, dilaw, at pula galing sa mga kotse sa kanilang harap at sa mga ilaw ng poste sa gilid ng daan.

 

"Bilis na kasi..." Muling pag-uudyok ni Irene, "Ano ba kasing plano mo?"

 

Wendy reaches for the gear shift. Muntik pang tumalon ang puso ni Irene dahil nakapatong lang sa hita niya ang sariling kamay. Akala niya...

 

Ayon, marami nga talagang namamatay sa maling akala.

 

Binalik ni Wendy ang kamay sa manibela, "Plano saan?"

 

"Hmm..." Nagkunwari siyang nag-iisip, naghahanap ng diskarte para mapaamin si Wendy, "Plano sa... future?"

 

Ngumisi si Wendy at tinapunan siya ng tingin, "Lawak naman n'yan masyado."

 

"Future... career?"

 

"Ilang beses ka ba inire? Ang kulit!" Hindi na nakapagpigil si Wendy at kinurot na nito si Irene sa pisngi saglit bago ibalik ang kamay sa manibela. "Med nga, 'diba?"

 

"Eh kung future love life?"

 

Gusto na lang tampalin ni Irene ang sariling bibig. Walang preno, hindi pinag-isipan, bigla-bigla. Hindi niya binalak itanong 'yon nang diretsahan, kelan ba siya nagkalakas ng loob sa mga ganitong confrontation? Never once in their seven years of friendship. Kaya nga nasa bff-zone pa rin siya, 'diba?

 

Kung kanina ay mukhang kalmado at nakikipagkulitan si Wendy kay Irene, now she looks a bit guarded. Wendy is pursing her lips, squaring her shoulders.

 

Hindi pa rin ito umiimik.

 

Nas-suffocate na si Irene sa biglaang katahimikan. Eto... Eto 'yung klase ng katahimikan na ayaw niyang mamamagitan sa kanila ni Wendy. Silence that is awkward, uncomfortable, and full of hesitation.

 

Tangina, kelangan niya ng divine interventi—

 

"Putangina, Oh Sehun."

 

Napatakip ng ilong si Irene.

 

Umingit si Sehun at dahan-dahang umayos ng pagkakaupo mula sa pagkakahiga, "Natatae ako."

 

***

 

"Future love life ka pa d'yan ha."

 

Malakas na hinampas ni Irene ang pinto ng cr, "Ang ingay mo. Tumae ka na lang d'yan."

 

Tumawa lang ang baklitang dugyot.

 

Mabuti na lang talaga at nakahinto agad sila sa next gas station. Swerte pa nga dahil sa tapat ng gasolinahan ay may nakapwestong nagtitinda ng mami.

 

Iniwan nilang bukas ang bintana ng sasakyan para naman lumabas ang bombang pinasabog ni Sehun. Nakasimangot na nagpaiwan si Wendy sa mamihan. Syempre, sumunod naman si Irene kay Sehun dahil hindi niya alam ano iaakto sa harap ni Wendy matapos siyang ipahamak ng sarili niyang bibig.

 

"Kaya ba today?" Inip na tanong ni Irene habang nakasandal sa pader katabi ng pinto ng cr.

 

"Ba't ba mas magaling ka pa sa pwet ko?" Maarteng sabi ni Sehun. "Saka ano ka ba naman? Eh kung pumunta ka na kaya ro'n at ituloy ang usapan niyo kanina ni Wendy? Pumuntos ka naman, bakla!"

 

Nanatiling tahimik si Irene.

 

"'Yung best friend mo, nakaseven trillion points na ng pakilig sa'yo. Ikaw, ano? Bokya ka pa rin kay Wends."

 

Umirap siya at humalukipkip, "OA ng seven trillion."

 

"One trillion kada isang taon. Time check! Seven years ka nang parang tuod d'yan!" Malakas na saad ng kaibigan. Invested na invested ito sa walang usad na lovelife ni Irene. "Sabi nga 'diba, who controls the past, controls the future. Who controls the present, controls the past. Control the present, baks! Settle the score!"

 

"'Di naman 'yon gano'ng kadali."

 

Umalingawngaw ang buntong-hininga ni Sehun. "Sana naman bago tayo makauwi sa Manila eh maka-one point ka man lang."

 

Napatalon pa si Irene nang tapikin ng kaibigan ang pinto. "At kung pwede lang, ha, umalis ka na dahil hindi ako makafocus sa pag-ire."

 

"Kadiri ka talaga," humalakhak si Irene at tinapik pabalik ang pinto. "Ge, bilisan mo ha."

 

Napayakap si Irene sa sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 2: Author i know hindi ka pa graduate dito, ituloy mooooo. Anyway bakit ba hinalikan ni wendy si irene? Dahil ba naawa siya sa bff nya, dahil ba lasing siya at nadala siya o dahil may something din na nararamdaman?
moonbliss
#2
Chapter 2: THE BUTTERBALL SCENE, PUTANGINA. ang sakit sakit gago puta, para kong kumain ng bubog, gusto ko na lang magpalamon sa lupa. no wonder na iyon yung title, please tangina. that scene is just ing magnificent, wonderful, masterpiece, work of art.

binalikan ko talaga para i-comment yun kasi gusto ko i-point out how that one scene is the turning point of their relationship. yung akala niyo it's a thing that the both of you just know, not knowing na it's also shared pala to other people, without you unintentionally knowing it. yung realizations as I read it, hindi ako mapakali sa sobrang sakit, talagang tumigil ako magbasa at nag deep breaths at tumulala sa kawalan like wow putangina ang sakit hahahaha para namang ewan grabe na to talaga. ayun na yun eh, that's the one thing they kept for themselves tapos ayun, it's not theirs to keep pala. it's the little things talaga madalas ano, with pent up, unresolved and one sided feelings. sad pare, shot tayo dyan irene, sasamahan kita talaga dyan, hayst.

hindi ako maka-move on pasensiya ka na author-nim at mukhang pag nakakita ulit ako ng bagong details, magccomment na lang ako ng panibago, just a gratitude and token of appreciation on how much I adore this work of yours ganon.
moonbliss
#3
Chapter 2: putangina, putangina, putangina. hindi pa ako ready sa mga thoughts ko pero putangina ang hirap, hindi ko ma-explain ng tuluyan. cannot articulate how I felt reading through the 2 chapters, lalo na yung last. , putangina ang tagal ko tong binasa. kasi patigil tigil ako sa emosyon ko na bigat na bigat na para kay irene talaga.

wala akong masabi otor, if this is your last wr fic, I'm proud kasi you've said pangarap mo makasulat ng ganitong klase idily na genre, no regrets. you write it so beautifully, yung yearning ni irene through my screen? putangina nakakagago pero ramdam na ramdam ko talaga yun, ilang beses akong bumubuntong hininga and just staring at the ceiling in the middle of me reading it just because gusto kong sumigaw, hindi ako mapakali, awang awa ako kay irene na ako na mismo umiiyak na rin for her. ibang klase to. it took me at least a year to have the courage to read the last chapter kasi lagi kong nakakalimutan or maybe I'm just not ready for what the story is about to bring to me.

yung irene and sehun duo. walang kapares, dalang dala. parang sa pelikula mismo, kuhang kuha mo yung recipe ng humour nila, naloloka ako. ang ganda ng friendship, solid na solid silang dalawa. ang sakit sakit talaga, lalo na yung nagyyearn si irene every single time she looks at wendy? like she hang the moon and the stars in her eyes that she's lost and she continues drown in it for every chance she gets. yung parts na yun nagsolidify ng emotions ko talaga, malala. navvisualize ko. it's all engraved in my head.

yung dialogues, as expected, magaling ka talaga. parang pinapanood ko talaga yung mismong idily na movie with a little tweaking lang, ang galing. ganitong ganito rin yung nararamdaman ko nung pinapanood ko yung movie eh, natagalan lang siguro ako because this is wenrene, of course, ang emotions ko eh sapaw sapaw na ganon.

ang galing, ang ganda, nakakaputangina sa ganda. manghang-mangha talaga ako sa mga gawa mo, I've always been a huge fan of your works, ever since then. salamat sa pagsusulat nito, hinding hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko yung feelings na nararamdaman ko nung binabasa ko to. lalo na at madaling araw pa, iba atake , sobrang sakit.

hindi ako magsasawang sabihin na isa ka sa mga author who continues to inspire people, in all ways. from your first work, yung tricycle fic ata yin and up until this? ganda super , ang solid niyo magsulat ng tagalog, tagos, hahahaha. parang matagal bago ako makakamove on sa storya mo na to.

hayst irene, congratulations, graduate ka na sa lahat. masakit man ang dinanas, pero wala eh, ganon talaga ang buhay, unfair ika-nga. tska nga pala, ibang atake kapag si irene ang stuck sa unrequited love eh, taoos tagalog pa, wow grabe tripleng triple ang bigay na sakit sa akin kaya naman inabot ng siyam siyam sa pagbabasa.

salamat sa patuloy na pagsulat sa wenrene, salamat lalo, sa tagalog. bihira talaga kasi mga sumusulat ng tagalog, isa ka talagang regalo sa wenrene community world, idle. pasensiya ka na kung mahaba pero hindi pa nga ito lahat eh, masaya akong naka graduate si irene, sa mga nakakaranas ng similar situations, sana kayo rin maka graduate na, if not now then soon! hanggang dito na kang muna lods, salamat rito sa gawa mo!!!
pajamagirl
#4
Chapter 2: Gusto ko na lang maging kambing sis
nicella #5
Chapter 2: naiyak ako sa ganda huhu salamat sa pagsulat nitong wr au at isa talaga to sa fave movies ko, grabe parang pinanood ko uli ung pelikula sa isip ko habang binabasa to hayst hugs to carson/irene talaga 😭 bet na bet ko din ung ending paragraphs, at least unti unti nang magmmove on si madam without compromising their friendship 🤧 thanks uli lodiiii dabest ka talaga magsulat!
paradoxicalninja
#6
ok based sa comments mukhang sa 2030 pa ako magkakalakas ng loob basahin 😭
aersenic
#7
Chapter 2: Thanks u otorniiiim grabe ung iyak ko 😭😭😭 move on ka na madam hangganda mo p nmn
aersenic
#8
Chapter 2: Ansakeeet potangina mo wendy JSKSKSKSKS grabe bat mo ba mahal to irene ang selfish lng ng baccla d2 tngjna HAKDKSJDKSKDKS
WanAndDg
#9
Chapter 2: Ako yata ang hindi makakamove on para kay Irene...
Wala bang resbak jan otornim?
paradoxicalninja
#10
namanifest niyo po ata yung taglamig ng dalawa ngayon 🥲