Unlucky

The truth behind lies
Please Subscribe to read the full chapter

CHAPTER 9

 

 

 

 

Karina's Pov 

 

 


"MA! nakita mo ba yung PE uniform ko?" Ma la-late  na ko kakahanap sa isang pares ng medyas ko kanina, ngayon naman PE uniform ko ang hindi ko makita. 

 


"Nandyan ata sa sofa, kakatiklop ko lang." Kumaripas na ko ng takbo papuntang sala


Pero yung pants lang ang nakita ko. Bahala na maghahanap nalang ako ng ibang t-shirt baka ma late na talaga ako. Meron pa naman kaming practical sa PE mamayang hapon. 

 

 

_________________

 

 

Pucha naman bat anlakas ng ulan ngayon?

 


Sarado pa ang gate na malapit sa building namin kaya dito kami sa main gate dumaan, at eto pa iisa lang ang payong namin ni ningning at giselle. Siksikan kami sa iisang payong. Basang basa na kami ng ulan at ang layo pa ng building namin. 

 


"Bat kaya ang malas natin ngayong araw?" Tanong ni ningning habang nanginginig na sa lamig. 

 


"Kasalanan mo to ning nakarma ata tayo, Grabe kasi yung tawa mo sa batang nadapa kanina" si gigi ngayon ang pinaka maswerte samin kasi siya ang nasa gitna. 

 

"Anong masama sa pagtawa? Eh nakakatawa naman kasi talaga. Di kasi tumitingin sa dinadaanan at sinabihan ba naman akong panget." Hahaha inis na inis si ning kanina sa bata mabuti nalang napigilan ko baka nasapak na niya ang bata. 

 


Hay salamat at nandito na kami sa hagdan na napakataas papunta sa building namin. 

 

 

 

"T*NGINA!"

 

 

"WTF?! "

 

 


"HAHAHAHAAHAHA TAKBOOOO"

 

 

Habang umaakyat kasi kami ng hagdan bigla nalang bumaliktad ang payong at eto kami kumakaripas ng takbo dahil lumipad din ang payong. 

 

 


Tawang tawa ako habang tumatakbo kahit basang basa na talaga kami. Dito kami ngayon sa cr para magpalit. Napag desisyunan naming suotin nalang ang PE uniform dahil yun lang ang dala naming extrang damit. 

 

 

 

__________

 

 


"Uy! Ready na pala kayo sa PE ah, sana ready din kayo sa quiz ngayon". Wth? Kakarating lang namin sa room at eto agad ang balitang binungad samin ni Sir. 

 

 

How can this day get any worse???? 

 


" Reminder lang guys, only PRC approved Scientific Calculator is allowed, Mongol two pencil, no extra sheets allowed sa test questionnaire kayo mag solve. I will also provide the answer sheet make sure to shade the circle properly. A hundred board exam questions ito guys kaya kayo niyo to within 3-4 hrs. If I hear any unnecessary noise I will deduct your time."
Omg akala ko next week pa ang quiz ngayon pala huhuhu sana sapat yung na review ko. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Xerenity_ryna
#1
I had to upload, just a little something to cheer up everyone. Mag uupload ulit ako bukas matagal na to sa drafts ko.
xoxosonekpop
#2
Chapter 9: Love the storyline🥰
wnddmks_ 654 streak #3
Chapter 5: Niceee
gandlafchua #4
Chapter 4: Bat daming sensitive ngayon sa au student x teacher plot e dami nga dyan na mas weird and toxic na di ko naman nakikitaan ng bad comments. Fiction is fiction
winrinaz #5
u know that student-teacher relationship is weird right? it's even based on a true story
Taenggo9 #6
studentxteacher what 😭
gandlafchua #7
Chapter 2: Ok naman otor :)
soyiesows #8
wintop😍
Xerenity_ryna
#9
hey! Author here
can yall read the texts alright??
Is the spacing alright?
sorry it's my first time