Stolen Picture
The truth behind liesChapter 2
Karina's Pov
"uuuggghhhh" Nahihilo na ko buong araw halos puro numbers ang nakikita ko kaya pala maikli ang pila sa engineering
"Huy okay ka lang teh?" Sabay tapik ni giselle sa ulo ko
" Sino ba namang di mahihilo sa Calculus gi?"
Reklamo ko sakanya
"Hahaha may engineering course ba na walang math ha?"
Oo nga naman, dapat lang na panindigan ko yung reason ko kung bakit ko kinuha itong course
Dito kami sa labas kumain ni Gigi masyado kasing puno yung Canteen
Na distract naman ako sa babaeng nakatayo sa kabilang kalsada na may hawak na payong
"Gi diba si Ma'am Winter yon? "
turo ko sa babaeng salubong ang kilay na pa linga-linga sa paligid na parang may hinahanap
Kinuha ko naman ang cp ko at kinunan siya ng litrato
Wag kayong ano ha? Di ko crush si maam pero ang ganda niya lang kahit ang init ng panahon
"Oo nga haha ganda ni ma'am, may boyfriend na kaya yan"
Bwisit to kung ano ano lumalabas sa bibig
Pero malaki rin ang chance na may boyfriend si ma'am
_
" Okay class, Good afternoon since I didn't get the chance to properly introduce myself last time, I will introduce myself now"
Go ma'am kaya mo yan wag kang kabahan kami lang to
" I am Winter Sade Kim, Your teacher in Physical Education this semester and I hope you will learn a lot from me. " Napatakip naman ako ng tenga sa lakas ng palakpak ng mga mokong na boys kala mo sumagot lang si ma'am sa mala pageant na tanong.
" Settle down now, I'll give you 15 mins to memorize the mission and vision of our school"
Huh? ano kami may photgraphic memory? Kanina pa ko nahihilo dada
Comments