Chapter 5

I Love You So
Please Subscribe to read the full chapter

LORRAINE

"Bakit may mga higher grade level na rito?" bulong sa akin ni Aika nang makita ang ibang classmates ni ate Abel sa loob ng room.

Nagkibit-balikat na lamang ako at muling inayos ang mga papel namin.

Binigyan kasi kami ng 15 minutes upang mag-prepare at sila Arese naman na kalaban namin ay wala pa rito dahil hinahanap pa nila si Shanelle.

"Pustahan tayo, nasa canteen lang si Estrada." bulong naman ni Elizabeth sa amin at tumango-tango naman itong si Aika.

Si Jessica dapat ang pangatlo ng grupo nila Arese but I heard from Aika that she was rushed to the hospital because of dengue. Magaling pa naman 'yon dahil kasama ko siya sa debate team. Sayang pero mas nasasayangan siguro ako for Aika. Crush na crush non si Jessica for how many years. Kaya rin siya sumalli sa debate team because of Jessica. Aika and I are not close, nor are we friends, but we talk sometimes kaya may nalalaman din akong informations.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na rin sila habang hawak ni Arese si Shanelle sa uniporme na may bitbit pang C2 at punong-puno ang bibig ng pagkain. "Sabi sa'yo, eh."

Napailing na lang ako sa mga kasama ko at hinanap agad ang iba kong mga kaibigan sa mga manonood. Magkakatabi silang umupo sa likod ng mga judges upang madaling masilip ang score. Si Alexis may idea no'n, ang pilya talaga. Kahit na hindi pa nagsisimula ay sinisilip niya na. Hindi ko alam kung makakapag-focus ba sa amin ang mga judges o ichichika lang ni Alexis ang mga 'yan. Walang preno pa naman ang bibig at baka tanung-tanungin niya ng kahit ano. 

Hinintay na nga namin sila Arese na makapag-settle ang kanilang grupo bago pa man namin sinimulan ang debate. 

 

____________________

ALEXIS

"Miss, pasilip nga po ako ng score." matapang na sabi ko kay Miss Ranchengco dahil nahihirapan akong silipin ang score nila. Pati na rin si Estella. Epal kasi si miss sa maganda kong view.

"Pangilinan, tatahimik ka ba o papalabasin kita?" tanong nito nang hindi ako nililingon.

"Silip lang, ma'am." I said in a cute voice , hoping I have convinced her a little.

She motioned me with her hand na lumapit sa kanya at nilapit ang papel na sinusulatan niya sa mukha ko. Ngunit saglit lang 'yon. Mga 1 second lang.

Dinuling niya lang ako saglit at hindi na ako pinansin.

Kinurot naman ako ni Stormi sa tagiliran at sinabing makinig daw kay Lorraine.

Hindi ko naman siya maintindihan, eh. Pero ang alam ko, pabor sa euthanasia sila Lorraine at against naman sila Arese.

"And again, that's why the government should consider passing a bill legalizing passive euthanasia." Ang ending statement ni Lorraine at nagpalakpakan sila kaya nakipalakpak na rin ako.

Kahit ano talagang sabihin ni Lorraine, hinding-hindi ko siya maiintindihan dahil sa totoo lang, makitid ang utak ko. Malayong-malayo sa utak ng mga kaibigan ko. Pang-badminton ko lang 'tong akin. Siguro chamba lang na napapasama ako minsan sa top 10.

Susunod na ang 2nd round at hanggang ngayon, pinaprocess parin ng utak ko ang pinagdedebatihan nila.

"Wala bang euthanasia sa Pinas?" tanong ko sa mga kasama.

"Wala, 'te. Illegal 'yan dito." Si Addie ang sumagot nito. May utak din pala itong isang 'to.

Inis na inis na talaga ako kay Miss Ranchengco. Hindi ko makita-kita si Estella. Bakit kasi doon pa nila naisipang umupo.

"Magpapa-quiz ako tungkol dito kaya makinig kayo." anunsyo ni Miss at dali-dali kaming nagsikuhaan ng papel at ballpen. Iba rin talaga itong Miss. Punong-puno na ng galit ang buong katawan ko dahil sa kanya.

Nahihirapan mang makasunod sa sinasabi nila ay patuloy parin ang pagsulat ko nang makaramdam akong may naupo sa aking tabi.

"Hello." Pabulong na bati ni Estella. Halos manigas ako sa kinauupuan ko.

Sa mga oras na 'yon ay gusto ko nang sumabog at maiyak dahil sa ganda ng presensya niya.

Umabot din nang ilang segundo ang tagal ng pagtitig ko sa kanya at tila walang planong batiin siya pabalik nang kotongan ako ni Stormi.

"Aray! Yawa!"

"Shh!" napalingon tuloy si Miss Cattaneo sa amin nang marinig niya akong murahin si Stormi. Kaya naman nakita ko 'yung score nila. Mas lamang lang nang 2% sila Lorraine sa 1st round at 1% naman lamang nila Arese sa 2nd round.

Hindi ko pa nakikita ang scores ng ibang teachers pero sana manalo sila Lorraine. Syempre kaibigan ko 'yan. Ilang araw nila 'yang pinaghandaan. Mukhang na-pressure pa nga sina Aika at Elizabeth dahil ang kasama nila sa debate ay si Lorraine na top 1 namin.

"Hi. You're here." I finally greeted Estella and sila Ysla at Steph na kasama niya.

"Yup, obviously." She laughed a little then she peeked on my notes.  "You have nice handwriting, Alexis."

Halos magpigil ako ng hininga nang sabihin niya 'yon at pilit na pinipigilang ngumiti. Nilalandi ba ako ni Estella? Kung oo, sana sagarin niya pa.

Ramdam ko naman ang pag-iinit ng mukha ko kaya ginawa ko ang lahat, hindi lang ako makalingon sa kanya.

At dahil nandito siya at magkadikit ang aming siko sa aking armchair ay mas lalo akong ginanahan na magsulat ng notes. 

"I am once again reminding everyone in this four walls room that we are valuable for ourselves and we, the living human should respect our own value." 

I don't remember hearing Shanelle Estrada but that was her closing and final argument for their side.

At dun na nagtapos ang lahat. Miss Ranchengco, together with the other teachers tally the scores first before standing up and praises the debaters.

Then, she announces that our section won. May mga extra compliments pa para kay Lorraine. Ang galing talaga niya. Manang-mana sa mother dear niyang attorney na ubod ng kamalditahan ang pagkatao.

Ganoon din kay Arese. Hindi lang siya basta-basta anak lang ni Mayor, meron din siyang maibubuga katulad ni Lorraine. Mukhang gago lang si  Arese pero sobrang talino niyang estudyante. 

Can't relate. But at least maganda at matangkad ako. Mas matangkad kay Lorraine at Arese.

"Congrats, mga sister!" bati namin sa kanila nang makalapit kami sa kanila habang ang mga tao ay nasimula nang magsilabasan sa aming silid.

Nagpaalam naman si Estella na babalik muna siya sa kanilang building dahil may kukunin lang.

"Ang galing! Kapag nakulong ako, sa inyong anim ako kukuha ng abogada." Natawa kami sa sinabi ni Steph at bahagyang sinuntok ni Arese ang kanyang pisngi habang nakahawak ang kabilang kamay sa bewang ni Nikki. 

Itong si Nikki talaga. May pagkapilya. Tahimik lang pero mamaw kung humarot. Asarin ko nga 'to mamaya. PDA alert! Bawal sa mga babies na tulad ko!

"Hindi ikaw ang kinakausap ko, Arese. Sina Lorraine. Alam kong magiging criminal ka rin paglaki mo." Irap ni Steph sa kanya at natahimik naman si Arese habang nakataas ang isang kilay. 

"Bakit sa paglaki pa? Eh, pwede naman ngayon." Panghahamon ni Arese with matching beautiful eyes pa. 'Yan, tama 'yan. Magkagulo kayo rito. Boring nung debate kaya sa away na lang nila ako maaaliw.

"Tara na, Alex. Laro na tayo." Aya sa akin ni Saffi dahil gusto niya raw na maglaro kami ng badminton kaya dinala ko ang mga gamit ko. Nagsasawa na siguro 'to kakalaro nng volleyball. 'Di pa ba nababali buto ng tao na 'to?

Kinuha ko naman ang mga 'yon at hinila niya na ako palabas. Atat na atat maka-bonding ako. Chichikahin lang naman ako para mareveal ko ang mga secrets na ala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Uchinagaeri #1
Chapter 5: Para akong nag treasure hunt kakahanap ng Kariselle fics 😭😭 thank you, ipagpatuloy niyo po sana ang kabadingan 🫰🏻
aerijelly #2
Chapter 4: my clumsy dumb gidget
aerijelly #3
Chapter 2: Mamamatay ako kakahanap ng kariselle fics e 🤧 thank you authornim!
yomu-chan
#4
Seated for this Kariselle fics are so rare ಥ⁠‿⁠ಥ
yoonhun07 #5
Sana po dito wala ng ma dedz 😭