Chapter 2

I Love You So
Please Subscribe to read the full chapter

new characters 

 

ARESE

 

"Ba't ba 'yan naka-jacket?" rinig kong tanong ni Shanelle. "Atsaka nasa gym ang opening program, hindi rito sa classroom."

"Eh, nilalagnat nga si Arese." Dipensa naman ni Ella. Hindi ko naman sila makita dahil nakatakip ang mukha ko gamit ang hood ng jacket ko. 

"'Yang haliparot na 'yan? Nilalagnat? Ni hindi 'yan nagkasakit buong buhay niya tas lalagnatin lang eh 'di naman umuulan?" Patuloy ni Shanelle. Ang laki talaga ng bibig nito at maputak pa. Dinaig niya pa ang isang manok sa kakaputak. 

Alam ni Shanelle halos lahat ng tungkol sa'kin dahil mag- bestfriends kami nung elementary. Anim na taon ko ba naman siya nakasama. Ang pangatlo namin ay ang pinsan kong si Yslaxiel. Trio pa kami niyan ngunit shinota nila ang isa't isa. Saglit lang naman naging sila nung grade 6 kami, mga limang araw lang. Pagtapos nun, parang walang nangyari. Magkakaibigan parin kami.

Noong nag-high school na ay naghiwa-hiwalay na kami. Ako ay sa Assumption, si Shanelle ay sa Cornell, at ang pinsan ko namang si Ysla ay umuwi sa Hungary. Kaya nga si Lorie lang ang tanging naging kaibigan ko nung grade 7 hanggang sa lumipat ako. Mabuti na lang nagsama-sama na kaming magkakaibigan ngayon sa Assumption. 'Di na ako nag-iisa tulad nung dati. 

"Tanga mo, Shanelle. Sa ulan lang ba nilalagnat ang tao? 'Di ba pwede sa ibang bagay? Bobo mo rin eh, 'no?" Sagot naman ni Ep-ep. At mukhang mag-aaway na nga ang mga halimaw na 'to 'di porket nakasuot lang ng jacket. Nag-jacket lang kahit tirik na tirik ang araw, big deal na agad. 

'Di naman nagpatalo si Shanelle at sumabat din kay Steph. 'Di ko na maintindihan ang piang-uusapan nila dahil umabot na sila sa geography? Punyeta anong geography? Anong connect non sa pinag-uusapan kanina?

Eh, kaya lang naman ako naka-jacket ay dahil sa katangahan ko. Na-pm ko si Nikki at naka-send sa kanya ng mga pictures at mga walang kwentang bagay. Nagdalawang isip pa ako kung papasok ako ngayon dahil don pero may essay competition pala kami sa SciMathtech Fair pagtapos ng program sa gym. 

"Iingay, pota!" Naagaw naman ang atensyon nila nang tumayo ako nang may marinig akong may notification sa cellphone ko kaya kailangan kong kunin iyon sa bag ko. 

Habang binabasa ang chats doon ay nilapitan naman ako ni Shanelle at nilagay ang kanyang palad sa noo ko. "May sinat ka pala." Bulong niya sa kanyang sarili na siyang ikinagulat ko sa kaloob-looban ko.

Anong sinat? Eh, Wala naman akong sakit?

All participants in essay writing. Kindly proceed to the AVR. We will begin in 10 minutes. 
2 minutes ago nang i-send ito ni Alexis. Ah, siya pala ang magfa-faci sa amin.

"Alis na ako. Tinatawag na kami sa AVR." Paalam ko sa mga kaibigan ko dahil malayo-layo pa ang lalakarin ko papuntang AVR. Kinuha ko ang black frixion pen ko sa pencil case. Hindi ko nga pala alam kung pwede ang frixion. Paano kung bawal? Eh, frixion lahat ng ballpen ko. 

"Pahiram ballpen." Humarap ako sa kanila binuksan ang palad ko na para bang namamalimos. 

May hinugot naman si Ep-ep sa bulsa niya at binigay sa akin ang .3 g-tech niya. Hindi ko na kailangan magdala ng papel dahil sila na ang magpprovide non.

Sila Shanelle ay bumalik na sa gym upang patapusin ang program at para hindi rin magtaka ang pres namin kung ba't kakaunti na lang ang nandun. Sumama naman saakin si Ella dahil gusto niya raw akong ihatid. Ngunit dumaan muna kami sa canteen, akala ko sarili niya ang bibihilhan niya. Ay sarili niya nga lang. Ano ba 'yan.

"Ate, isa pong bear brand." atsaka inabot ang 50 pesos niya. Nang makuha niya ang kanyang bear brand milk ay inabot niya ito sa akin. "Ito inumin mo para gumana utak mo. 'Wag mo muna isipin ang kagagahan mo hanggang sa matapos ka sa essay writing na 'yon." 

Niyakap ko ang kanyang tagiliran at nag thank you sa kanya. "Buti na lang at nandito ka, Elle, huhu. Thank you talaga."

"Kailan mo balak sabihin sa kanila?"

"'Di ko pa alam. Kailangan kong makausap si Nikki sa personal at i-explain ang mga stolen pictures niya sa cellphone ko."

Tumango naman si Ella dahil mukhang naiintindihan niya kung ba't 'di ko pa pwedeng sabihin sa iba naming friends. 

Nang makarating sa labas ng AVR ay naadatnan namin si Miss Cattaneo at Alexis na nag-uusap. "'Di pa ata sila tapos mag-prepare." Bulong ko ay Ella. "Ata. Wala pang tao, oh. Ikaw pa lang."

Nagkatinginan kami ni Alexis at sabay na ngumiti sa isa't isa. Alam ko 'yung ngiti niya na 'yon. Kasama ko ba naman ang crush niya. Kilig na kilig siguro 'yun ngayon. Bumalik siya sa loob dahil may inutos sa kanya si Miss. 

"Laxamana, tamang-tama." Lumapit sa amin si Miss at binati namin siya ni Ella. "Good morning, too, ladies..."

"Miss? Ano po ba 'yon?" tanong ni Ella dahil tinawag nga siya ni Miss.

"I need another pair of hands dahil may kailangang kunin sa office at dapat na dalhin dito. Is it okay if I borrow your friend, RDL?" tanong naman ni Miss sa akin. Ano pa bang magagawa ko, Miss? Hay.

"Okay lang po, Miss. Kahit 'wag niyo na po ibalik." Biro ko na ikinatawa niya at napalingon naman sa'kin si Ella.

"'Di na raw kita ibalik, Laxamana." Pag-uulit ni Miss Cattaneo sa sinabi ko at mukhang natatawa pa. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Ella ngayon. Kung parehas ba kami ng iniisip na boomerang si Miss.

Pagkatapos non ay sabay silang umalis. Maya-maya pa'y lumabas na rin si Alexis sa AVR. Sayang at 'di niya naabutan si Ella. 

"Saan na si Mi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Uchinagaeri #1
Chapter 5: Para akong nag treasure hunt kakahanap ng Kariselle fics 😭😭 thank you, ipagpatuloy niyo po sana ang kabadingan 🫰🏻
aerijelly #2
Chapter 4: my clumsy dumb gidget
aerijelly #3
Chapter 2: Mamamatay ako kakahanap ng kariselle fics e 🤧 thank you authornim!
yomu-chan
#4
Seated for this Kariselle fics are so rare ಥ⁠‿⁠ಥ
yoonhun07 #5
Sana po dito wala ng ma dedz 😭