UU • vi.

Unti-Unti
Please log in to read the full chapter

"Ang bagal ng oras." sa isip-isip ko matapos kong tingnan ang aking relo. Nandito ako ngayon sa trabaho pero dahil tapos naman na ako sa mga gawain ko, kaya heto pumepetiks petiks nalang. Sampung minuto nalang naman at malapit na akong mag-out. Binunot ko sa aking bulsa ang aking cellphone at saka nagpipipindot. Tama, magsa-soundtrip na lang ako. Pamatay lang ng oras. Napa-tingin ako sa labas pagka-play na pagka-play ng paborito kong kanta.

Unti-unting naglalapit
Ang ating mga mundo
Pag-asa ay ating bitbit
Maligaya't walang takot

Ang ganda ng panahon. Napa-ngiti ako dahil asul na asul nanaman ang kalangitan. Agad ay kinuha ko ulit ang aking cellphone at kinuhaan ng litrato ang kawalan. Napa-ngiti ako. Pakiramdam ko napaka-galing kong photographer kahit ito lang naman ang kinuhaan ko. Dagdag nanaman ito sa laman ng gallery ko.

Ang saya at pagsinta'y tila walang kapantay
Inaabangan ang bawat pagtagpo
Walang mintis ang tuwa sa 'ting dalawa
Hinamak ang lahat.

Paborito ko talaga 'tong Unti-Unti ng UDD. Kahit buong araw ko itong pakinggan, hinding hindi ako mag-sasawa. Napapikit ako at nakisabay sa kanta.

Unti-unting nawawala
Ang 'yong mga salita
Dahan-dahang naglalaho
Ang lahat ng pangako
Napapansing lumalayo
Ang iyong tingin
'Di na alam ang dapat kong gawin
Hmm, tuluyan ka na bang mawawala sa 'kin?

Ang galing lang talaga ng pagkakasulat nung kanta. Bigla ko tuloy silang na-miss lalo na 'yung bokalista nilang si Armi. Crush na crush ko talaga siya! Sayang lang at umalis na siya sa banda, isang taon mahigit na ang nakararaan.

Ang tamis at aruga na laganap sa simula
Ngayo'y nabaon na
Sa puso't isip na mapait
'Di na maibabalik sa unang araw.
Ang pait at ang sakit na dati'y wala naman
Ngayon ay hindi na mailagan
Ang tanong na walang sagot
Luha ang nadudulot sa ating mga mata.

Kung anong ikinalungkot ng kanta, siyang ikinaganda niya ng sobra. Mas nakakapukaw ng pansin, maraming makikinig kasi makaka-relate sila. Ganoon ba talaga? Parang sa tao. Kapag alam nilang basag ka at hindi na buo, saka nila makikita 'yung ganda at halaga mo, maraming may gustong lumapit, maraming may gustong aayos sa'yo.

Hahanap-hanapin ang mga bulong sa gabi, hmm
Uulit-ulitin ang bawat kuwento at sikreto natin

Masyadong mabigat sa parte na 'to. Napa-kagat na lamang ako sa aking labi, parang may gustong alalahanin 'yung isip ko. Grabe ka na talaga, UDD!

Hanggang wala na ang luha sa puso ko
Hanggang sa muli, tayo rin ang magtatagpo, whoa-oh.

Sana nga.

"Girl! Tara na! Mag-out na tayo, anong oras na talaga, Mika!" sigaw nu'ng ka-trabaho ko. Napa-balikwas ako sa aking inuupuan at agad kong tinanggal 'yung nakasuksok

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angel_rangel #1
Great work, author! I hope you'll continue to write.
Nyasken #2
Chapter 7: I hope this isn't the end. Continue this fan fiction, it's really very good