UU • iii.

Unti-Unti
Please log in to read the full chapter

Hulyo taong 2020.

Isang taon mahigit na pala simula noong maging kami ni Hope. Nandoon 'yung may hindi kami pagkakaunawaan paminsan-minsan lalo na kung tungkol sa usapang oras para sa isa't isa. Sa aming dalawa, ako 'yung madalas magtampo. Naiintindihan ko naman na pareho kaming abala sa kani-kaniyang pag-aaral. Pero sa kaso ko, nakakahanap naman ako ng paraan para magbigay ng oras sa kaniya. Ganoon naman daw kapag mahal mo 'yung isang tao, 'di ba? Hahanap at hahanap ka palagi ng dahilan para makapagbigay ng oras sa taong minamahal mo. Nakakapagtaka na minsan, hindi siya ganoon. Pero ayaw ko nalang isipin, ayaw kong magkaroon nanaman kami ng problema.

Me: Nasaan ka, baby? Ang boring. :3 kain tayo sa labas? Miss ko na ikaw... :(

Linggo ngayon at wala akong magawa. Tapos na rin naman ako sa papers ko at kung ano pa. Napa-isip ako bigla. Isang taon nalang pala, makakapagtapos na ako ng pag aaral. Sana. Mauuna lang ako ng isang taon kay Hope at siya naman ang ga-graduate.

Umabot ng limang minuto bago siya nakasagot sa text ko.

Baby ko😺: bb im sowwy :< andito aq now sa house ng cmate qqq >< sakin kasi humingi ng help, tapusin lang namin tong papers nea, oki? Lov u wag ka tampo :< bawi aq mwa!

Inasahan ko na 'yung isasagot niya. Hindi nanaman siya pwede. Ayos lang naman sa'kin, siguro.

Me: Ah okay sige. Ingat kayo diyan, hmm?

Hindi ko maiwasang maging malungkot. Lagi niya nalang inuuna 'yung ibang tao kaysa sa'kin. Isang linggo ko na talaga siyang hindi nakakasama!

Yamot akong tumayo at saka nagbihis. Ako nalang ang aalis mag-is

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angel_rangel #1
Great work, author! I hope you'll continue to write.
Nyasken #2
Chapter 7: I hope this isn't the end. Continue this fan fiction, it's really very good