UU • ii.

Unti-Unti
Please log in to read the full chapter

Limang buwan na ang nakalipas mula nang makilala kita. Sa limang buwan na iyon, wala tayong ibang ginawa kung hindi ipakilala 'yung isa't isa. Sa limang buwan na iyon, wala akong ibang naramdaman kung hindi puro saya sa tuwing kasama kita.

Inaamin kong sa tinagal kong namalagi dito sa mundo, sa'yo ko unang naranasan 'yung mga bagay na noon ay pinapangarap ko lang. Nakakatuwa. Napakasarap sa pakiramdam. Ngayong araw, alam ko na sa sarili ko, alam ko nang handa na ako.

"Mika!" bakas sa boses yung saya ng pagtawag niya.

Napangiti ako at naglakad na patungo sa kinaroroonan niya. Kanina pa kaya siya dito?

"Hope.. Pasensya na, kanina ka pa ba?" tanong ko pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya.

Alas siete ng gabi, nandito nanaman kami sa paborito naming kapihan, o tagpuan? Simula kasi noong makilala ko siya, napadalas na yung pagkikita at pag-uusap naming dalawa. Kung ano-ano na ang napagkwentuhan naming dalawa hanggang sa makasanayan na naming dito rin magkita paminsan minsan basta may bakanteng oras. Medyo malapit lang din naman dito kung saan kaming dalawa nag-aaral.

"Hindi. Halos kakarating ko lang din. Umupo ka na, tinatayo tayo mo pa diyan?" natatawa niyang sabi. Pinandilatan ko nga ng mga mata.

"Saan mo pala balak magbakasyon? Malapit nang mag-pasko." tanong ko pagkaupo na pagkaupo ko sa tabi niya.

Agad naman niyang niyakap 'yung braso ko na parang normal nalang sa kanya. Sa totoo lang, tuwing ginagawa nya 'to, kinakabahan pa rin ako at may kung anong nakaka-kiliti sa tiyan ko.

"Hmm wala! Stay lang ako dito sa Cavite, ikaw ba?"

"Dito lang din ako. Isa pa, wala naman kaming probinsyang inuuwian." sagot ko. Napatingin ako sa mesa ng inuupuan namin. Naka-order na pala siya, ngayon ko lang napansin, "Nag-abala ka nanaman. Ako na magbabayad ng mga 'yan ha! Ikaw na noong nakaraan eh."

Pinisil niya 'yung pisngi ko. Paborito niya 'yon gawin sa'kin basta magkatabi kami, "Ano ka ba! Wala 'yon no. Pero sige, sabi mo eh."

Hindi na namin namalayan 'yung oras sa sobrang dami naming pinag-usapan. Acads, mga ganap namin nitong buong linggo, pati chism

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angel_rangel #1
Great work, author! I hope you'll continue to write.
Nyasken #2
Chapter 7: I hope this isn't the end. Continue this fan fiction, it's really very good