UU • vii.

Unti-Unti
Please log in to read the full chapter

May siyam na buwan na noong huli akong nagpunta rito. Napatingin ako sa paligid, medyo marami na rin pala ang nagbago. Totoo na may mga bagay na kahit nakasanayan mo nang makita, mawala ka lang ng saglit ay may mag-iiba na. Sa paglipas ng panahon, hindi mo nalang mamamalayan na marami nang pwedeng magbago. Sa tao, sa lugar, sa nararamdaman mo. Nagbago na rin kaya ako matapos ang mahabang panahon? Siguro. May isang bagay lang naman ang hindi nagbago sa'kin.

Sa pag-iisip, napangiti ako ng mapait. Humigop ako saglit ng aking iniinom na kape at saka iginawi ang aking paningin sa labas na bahagi ng kinaroroonan ko. Tanaw mula rito ang mga tao doon, ang saya saya nila kung titingnan. Napa-tanong ako sa aking sarili, sa paningin kaya ng iba'y ganoon din ako?

Maraming tao ngayon sa shop at kung titingnan ay marami pang dumarating. Napa-kagat ako sa aking labi nang biglang may maalala. Kung noon halos mabali ang leeg ko kakasipat sa mga taong umaalis at pumapasok, ngayon para bang wala nalang sa akin at hindi ko na gaanong iniisip. Hindi ka naman na yata magpapakita sa'kin. Hibang ba kung maitururing dahil sa kabila ng pag-tanggap ko sa ganitong sitwasyon, umaasa pa rin ako na baka isang araw, kahit hindi ko na ibinabaling ang paningin ko sa paligid ay sakaling lapitan mo ako kapag dumating ka na.

Tinitigan ko ng matagal ang baso ng iniinom ko at saka napangalumbaba. Bakit nga ba inabot ako ng siyam na buwan bago ako makabalik ulit dito? Walang eksaktong dahilan. Basta ko nalang napag-pasyahan na iwasan muna ang lugar na 'to. Napagod ba ako? Hindi. Kailanman hindi ako napagod kakahintay at kaka-isip sa'yo. Sabi nila, ang bagay hindi mo talaga matatagpuan kapag lalo mong hinahanap. Kusa 'yon magpapakita sa'yo kung talagang nandiyan lang. Ganoon din siguro sa tao. Kaya't naisip kong mag-focus nalang muna sa aking sarili at sa trabaho ko. Ginugol ko ang oras na mayroon ako sa mga bagay na maaari ko pang i-improve sa sarili ko, para sa muli nating pagkikita kung sakali mang dumating pa 'yon ay masasabi ko sa'yong handa na ako. Handa na ulit ako.

May minamahal ka na kaya? Hindi ko maiwasan hindi isipin. Sa tagal ng panahon, hindi siguro malayo na mayroon na nga. Pero sana wa

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angel_rangel #1
Great work, author! I hope you'll continue to write.
Nyasken #2
Chapter 7: I hope this isn't the end. Continue this fan fiction, it's really very good