UU • v.

Unti-Unti
Please log in to read the full chapter

December 2021. Nandito ako ngayon sa pinaka-paborito kong kapihan. Kaka-out ko lang galing trabaho at dito ko nanaman napag-pasyahang tumambay bago ako magpahinga at uuwi ng bahay. Araw-araw naman akong nandito, nakagawian ko nang gawin ilang buwan na'ng nakakalipas. Hihigop lang ng kape habang palinga-linga sa mga dumaraan. Sa tuwing makakarinig ako ng pagbukas ng pintuan ng coffee shop, hindi ko mapigilan na mapatingin agad. Kahit mabali pa 'tong leeg ko kakatingin sa paligid, ni minsan hindi ko nagawang mag-reklamo sa sarili ko. Alam ko kasi ang pakay ko dito.

Hope, hinihintay pa rin kita.

Wala akong kabali-balita sa'yo. Malapit ko na ngang isipin na ginagantihan mo ako sa mga nagawa ko sa'yo noon na pag-iwas pero ayos lang kung ganoon nga. Naiintindihan ko, huwag kang mag-alala.

Kapag may libreng oras o kaya naman ay rest day ko sa trabaho, paminsan-minsan akong dumadaan sa pinapasukan mong eskwelahan. May isang buong araw nga na nakaupo lang ako sa isang bench doon at naghihintay sakali mang makita kita. Isang beses lang at hindi ko naman na inulit 'yon dahil naisip kong baka ma-creepyhan ka sa'kin at lalong hindi mo na ako kausapin.

Ilang beses din akong sumubok na kumausap ng ilang kaibigan mo pero bigo ako na makahanap ng sagot sa kanila tungkol sa'yo. Nakakainis isipin pero bigla-bigla ko ring maaalala kung gaano ka rin naghirap noon para makausap man lang ako, na kahit isang beses a

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angel_rangel #1
Great work, author! I hope you'll continue to write.
Nyasken #2
Chapter 7: I hope this isn't the end. Continue this fan fiction, it's really very good