Chapter 4

When I look at You

 

---

 

Winter's POV


 

I flinched when I felt Karina's cold fingers on my cheeck. Napatingin ako sa kanya at bumalik sa isip ko ang napanaginipan ko kagabi.


 

"Bakit namumula toh?" She asked habang nakahawak parin sa pisngi ko. Hinahaplos nya ito and I feel like I'm about to have a heart attack sa bilis ng tibok ng puso ko. Hinawakan ko ang kamay nya at inilayo ang pisngi ko dito.


 

"Ano uhm, kagat lang ng lamok yan." Palusot ko. "oo yun hahahahaha." 


 

"Parang hindi naman kagat ng lamok yan." Puna ni NingNing. 


 

"Oo nga" dagdag naman ni Ryujin. Mas lumapit pa ito at tiningnan ang pisngi ko. "marka ba ng sampal yan?" 


 

"Hindi ah! Kagat nga ng lamok yan." 


 

"Sigurado ka?" Taas-kilay na tanong ni Karina.


 

"Oo naman"


 

Ngumiti na lang ako and I silently prayed na tigilan na nila ang pangungulit tungkol sa marka sa pisngi ko. Walang hiyang Soojin kasi. Pwede namang mang-gising ng maayos, bakit kailangan pa talagang manampal? 


 

"Unnie, mauna na kami." tumayo na si Chaeryoeng pagkatapos ayusin ang mga gamit nito. "May class na kami ni NingNing eh." 


 

"Sige." sagot naman ni Karina. "Dito na muna ako. Mamaya pa naman yung next class ko eh."


 

"Sasabay na kami ni Ryujin sa inyo." Sabi ni Giselle. "Same building lang naman yung class natin eh." 


 

"Asus. Palusot ka pa eh halata namang gusto mo lang sumabay kay NingNing." Sabi ko naman at nakita kong nag blush si NingNing. " dinadamay mo pa tong si Ryujin." 


 

"Pabor din naman sa kanya eh. Makakasabay sya sa cru-ummph."


 

"Hahahaha Giselle ang ingay mo na naman eh." Tinakpan ulit ni Ryujin ang bibig ni Giselle at hinila na ito paalis. "Unnies una na kami." Paalam nito


 

Natatawa nalang akong tumango dito at pinanuod ko sila habang paalis. Hindi binitawan ni Ryujin si Giselle hangga't hindi sila nakakalabas ng library.


 

"Ikaw, hindi ka ba aalis?" Kunot-noo kong tiningnan ang 

katabi ko. Nakayuko ito at nag-susulat sa notes nya.


 

"Bakit mo ako pinapaalis?" 


 

"Wala ka bang class ngayon?" 


 

"Nakalimutan mo bang magka-klase tayo sa next subject?" 


 

Napaangat ang ulo nito at tila napa-isip.


 

"Ay oo nga pala." Nagsulat ulit ito habang ako naman ay nakangiting nakatitig lang sa kanya.


 

Lumingon siya sa akin and she stared back at me with a small smile on her lips. I felt myself leaning towards her. Inilapit din niya ang mukha nya sa akin until the tips of our nose touched. I could feel my heartbeat. And I'm na naririnig nya din ang malakas na tibok ng puso ko.


 

"Hoy Minjeong!" I was pulled back to reality when I heard her voice. "Okay ka lang?"


 

"Y-yeah I'm fine hahahaha." 


 

"Talaga?" 


 

"Oo naman" 


 

"Kanina pa kita tinatawag pero parang wala ka sa sarili mo eh." 


 

"Ha? Bakit, ano ba yun?"


 

"Hay naku. Kanina pa ako tanong ng tanong dito kung natapos mo na yung assignment natin para sa next subject." 


 

"Assignment?" May assignment kami? 


 

"I knew it." Sabi nito at kinuha ang notebook na sinusulatan niya kanina at inilagay ito sa harap ko. "Yan. Kopyahin mo na. Bilisan mo. Malapit na magstart yung class." 


 

"Ahh hahahaha." Napakamot na lang ako sa batok ko. "nakalimutan ko kasi hahaha"


 

"Kaya nga bilisan mo na. Kopyahin mo nalang yan.


 

"The best ka talaga Jagi" sabi ko dito at nagsimula ng magsulat.


 

"Ang tagal mo na akong hindi tinatawag na Jagi ah." napatigil ako sa pagsusulat dahil sa sinabi Karina. 


 

"Alam mo naman si Giselle. Mahilig manukso yun. Baka kung anong isipin nya pag narinig niyang tinawag kitang Jagi."


 

Tumango na lamang ito at kinuha ang cellphone nya habang itinuloy ko naman ang pagsusulat ko.


 

Jagi/Jagiya ang callsign naming magbestfriend. Wala namang malisya samin yun noon. Pero nag-iba ang lahat simula nung nararamdaman kong may gusto na pala ako kay Karina. Naiilang na akong gamitin ang callsign namin. Nakadagdag pa dito si Giselle na mahilig magbigay ng meaning sa mga bagay bagay. 


 

Tiningnan ko ulit si Karina at nakita kong busy na ito sa cellphone nya. Wala paring nagbabago sa kanya. Mula noon hanggang ngayon maganda parin talaga sya. Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina.


 

Bakit ko ba naiisip ang mga ganun? Oo may gusto ako kay Karina, pero kaya ko ba talagang gawin yun? Kaya ko ba talagang halikan ang best friend ko?

 

---


 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
531 streak #1
Upvoted