Chapter 1

When I look at You

 

 

-WHEN I LOOK AT YOU-

 

 

---

 

 

Winter's POV

 

 

 

 

 

It's a beautiful Sunday morning. Hindi masyadong mainit at hindi din malamig. A perfect day for a stroll in the park. Maraming tao ang nandito ngayon, may nagpi-picknik, may mga mag-jowang nagde-date at meron ding iba na gusto lang maglibot-libot. Pero kahit maraming tao sa paligid ay wala sa kanila ang atensyon ko, kundi nasa babae na katabi kong nakaupo ngayon. She's busy reading her book at gaya ko ay parang wala din siyang pakialam sa mga nangyayari sa paligid. She's too immersed in her own world. I don't know for how long I've been staring but I still can't get enough of her beauty. 

 

 

"Ang ganda" wala sa sariling naibulong ko. 

 

 

"Hmm?" Nagulat ako nang bigla syang napatingin sa akin. 

 

 

"Huh? Uhm Hahaha wala" 

 

 

"Sabi mo maganda. Ang alin? " 

 

 

Sheeeeet narinig nya yun? 

 

 

"Y-yung ano uh..." 

 

 

Nakatitig lang ito sa akin habang hinihintay ang sagot ko. 

 

 

"Yung panahon, Oo yun Hahahaha, sabi ko ang ganda ng panahon." Wow Winter. Wala ka na talagang maisip na mas magandang rason?  

 

 

"Oh, right" maikling sagot niya at ibinalik ang atensyon sa librong binabasa. Is it just me or did I just saw a glimpse of sadness in her eyes?  

 

 

"Karina, Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. 

 

 

"Of course" nakangiting sagot nya. "Why wouldn't I be" 

 

 

"Sure?" 

 

 

"Oo naman" 

 

 

"Okay sige. Sabi mo eh" humiga ako sa damuhan habang bumalik naman sya sa pagbabasa ng libro nya. I stared at her back. Pano ko ba sasabihin sa kanya? 

 

 

I've been practising for days pero hanggang ngayon hindi ko parin magawang umamin sa kanya. Hindi ko alam kung anong magiging reaction nya pag nalaman nya na gusto ko sya. 

 

 

Yes, I like her, no scratch, I think it's more than that. Mahal ko na yata sya. 

 

 

I'm Inlove with my best friend and after years of keeping my feelings ay handa na akong umamin. Kaya inaya ko sya na mamasyal kami ngayon but Damn. I haven't got the slightest idea on how to confess. Everytime na sinusubukan ko, it's either nauutal o natatameme lang ako. I didn't know na ganto pala kahirap magconfess. Parang ang dali lang naman kasi dun sa mga napapanood ko sa drama.

 

 

Lesson learned Winter, wag ka nang masyadong maniwala sa mga drama drama na yan. SCAM YAN 

 

 

Nakaramdam ako ng gutom kaya inaya ko na syang kumain. Pumayag naman sya kaya agad kaming naghanap ng malapit na kainan. 

 

 

Habang kumakain ay nakatitig lang ako sa kanya. Naku naman Kim Winter, bat ang hilig mong tumitig? 

 

 

"May dumi ba sa mukha ko?" I was brought back to my senses when I heard her speak. 

 

 

"W-wala naman, bakit?" 

 

 

"You know kanina ko pa napapansin eh." A smirk is slowly forming on her lips as she speaks. "You've been staring at me this whole time" 

 

 

. Winter kumalma ka. Relax. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale

 

 

"Hoy wag ka ngang feeling. H-hindi ako...I wasn't staring at you" 

 

 

"Ganun na ba talaga ako ka-ganda for you to stare at me the whole day? "

 

 

"Hindi nga kasi ako nakatitig sayo. At sino naman nagsabing maganda ka? Kailangan na nyang magpatingin sa mata"

 

 

"Tss. marami kaya sila. Ikaw lang naman nagsasabing pangit ako eh." Inirapan ako nito at nagpatuloy na sa pagkain nya. 

 

 

"Kung alam mo lang kung gaano ka ka-ganda sa paningin ko" I whispered at napatingin naman si Karina sakin. 

 

 

"May sinasabi ka?" 

 

 

"Wala po" 

 

 

Ng matapos kaming kumain ay nag decide na kaming umuwi. Pinauna ko nang maglakad si Karina papunta kung san naka-park ang kotse nito. Hindi parin nawawala ang kaba ko. Patapos na ang araw pero hindi ko parin nagagawang umamin sa kanya. I have to do this. I took a deep breath and increased my pace para maabutan si Karina. 

 

"Yoo Karina, sandali!" 

 

 

Nakayuko kong hinawakan ang braso nya at nararamdaman ko na tumigil ito sa paglalakad. 

 

 

"Oh bakit?" Dinig kong tanong nito. 

 

 

Hindi ko sya sinagot bagkus ay nanatili lang akong nakatayo dun habang nakahawak sa kanya. Kinakabahan ako and I'm staring to have second thoughts. Come on Winter. Sabihin mo na! 

 

 

"Win?" iniangat nya ang ulo ko and she stared at me with a questioning look. Masyadong malapit ang mukha niya and I can't help but stare at her eyes. Hindi ko alam kung bakit pero tila kumikislap ang mga ito. How can she be so beautiful? 

 

 

"Is there something wrong? May masakit ba sayo? Bat parang namumutla ka?" Sunod sunod na tanong nya and I can feel the concern in her voice. Hindi ko napigilang mapatitig sa mapupula nyang labi. I can't help but wonder how it feels to kiss those lips. 

 

 

"Winter-ah" 

 

 

I have to say it. eto na yun. I can't afford to miss this chance. It's now or never. Bahala na si Batman. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

 

 

"Karina, sabay na tayong lumaki. I've been with you for almost all my life. Alam mo kung ano yung mga gusto ko, yung mga ayaw ko, alam mo kung paano ako pasayahin. You're kind and caring, lagi kang nandyan para sa'kin. At oo na, maganda ka. Napakaganda mo, Yoo Karina"

 

 

"Ano bang sinasabi mo? Okay ka lang ba?" 

 

 

"I know you're confused as to why I'm like this. This may be wrong at mag-bestfriends tayo pero hindi ko na kayang pigilan yung nararamdaman ko, Karina-yah. "

 

 

"Win, ano ba talagang nangyayari sayo? You've been acting weird since this morning. Hindi ka naman ganito ah. May sakit ka ba?" Inilagay niya ang palad niya sa noo ko para tingnan kung may lagnat ba ako. "Hindi ka naman mainit. "

 

 

Kinuha ko naman ang dalawang kamay niya and I held them tightly. Damn. Even her hands are pretty. 

 

 

"No, Karina, wala akong sakit" bahagya akong ngumiti para ipakita sa kanya na okay lang ako. Sana nga okay ako. 

 

 

"Eh bakit ka nagkakaganyan?"

 

 

"Uhm ano kasi-"

 

 

"Kasi?"

 

 

"I uh- Karina I li-"

 

"Kim Minjeong!" Sabay kaming napalingon sa taong tumawag sakin.pero bago ko pa tuluyang nakita kung sino yun, isang malakas na sampal na ang dumapo sa mukha ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
531 streak #1
Upvoted