Chapter 3

When I look at You

WHEN I LOOK AT YOU-

 

---

 

Karina's POV

 

Jimin:

Yah! 

 

Minjeong:

Oh?


 

Jimin:

Where are you?

 

Minjeong:

Miss mo na'ko agad? 

 

Jimin:

Nababaliw ka na ba?

 

Minjeong:

Eto naman. Di na mabiro

 

Jimin:

Nasan ka na ba?

Kanina pa ako naghihintay dito ah! 

 

Minjeong:

Andito na nga eh. 

Andito na ako sa labas

 

Jimin:

Bilisan mo

 

Minjeong:

Yes ma'am. Andyan na po


 

"Karina unnie"

 

Napa-angat ang tingin ko mula sa phone ko ng narinig ko si Chaeryeong.

 

"Hmm? Bakit?"

 

"May problema ba unnie?" Nag-aalalang tanong ni NingNing.

 

"Wala naman, bakit?"

 

"Kanina pa kasi naka-kunot ang noo mo eh." 

 

"Ah wala yun. si Winter kasi-"

 

"Anong ako?"

 

Napalingon ako at nakita ko si Winter kasama si Giselle. Agad itong umupo sa tabi ko, while Giselle sat beside NingNing. 

 

"Bakit ang tagal mo?" Agad na tanong ko kay Winter

 

"Ito kasi eh." She answered while pointing at Giselle. "Gustong sumama tapos inasar pa si Ryujin, kaya ayun, natagalan kami."

 

"Oh eh nasa'n si Ryujin?" tanong ni NingNing.

 

"May class na daw eh" sagot ni Giselle. "Palusot pa, eh halata namang ayaw niya sumama dahil nahihiya siya kasi andito si Chaeryeong." Nakangising dagadag pa nito.

 

"Hala unnie, bakit naman ako nasali?" Tanong ni Chaeryeong na naguguluhan sa sinabi ni Giselle.

 

"Ay hindi mo alam?" 

 

"Ang alin Giselle unnie?"

 

"Na cr-ummph" hindi na natapos ni Giselle ang sasabihan nang may biglang tumakip sa bibig nito.

 

"Ang ingay mo unnie" Ryujin said habang ang dalawang kamay ay nakatakip sa bibig ni Giselle.

 

"Ryujin, akala ko ba may class ka na?" Winter asked

 

"Wala na unnie. Free period ko pala ngayon hahaha."

 

"Ummph ummph" 

 

"Uhm Ryujin." NingNing called.

 

"Hmm?" Napatingin naman sa kanya si Ryujin.

 

"Ano kasi." Itinuro nito si Giselle na namumutla na. "Hindi na yata sya makahinga." 

 

"Ayy hala." Agad nitong binitawan si Giselle na naghahabol ng hininga 

 

"ano ka ba? May balak ka bang patayin ako?" 

 

"Sorry naman unnie. Ikaw kasi kung anu-anong pinagsasabi mo eh." 

 

"Wala nga akong nasabi kasi tinakpan mo yung bibig ko eh. Tapos pati ilong ko tinakpan mo din." 

 

"Sorry na nga eh." 

 

"Tama na yan. Ang ingay nyo. Baka mamaya pagalitan tayo dito." Saway ko sa kanila ng mapansin ko na pinagtitinginan na kami ng ibang students.

 

"Ahh nga pala." I looked at Winter na abala sa panunuod ng dance videos sa phone nito. "ikaw, anong ginawa mo kagabi?"

 

"Huh?" Patanong na sagot nito habang nakatingin parin sa phone nya. "Magka-usap tayo kagabi, diba?"

 

"Hinanap kita kay Soojin kanina. Late ka daw nagising, eh ang aga mo nga natulog kagabi."

 

"Baka maganda ang panaginip nya, kaya late sya nagising." Sabat ni Giselle at tiningnan ito ng masama ni Winter.

 

"Ikaw, ang hilig mo gumawa ng kwento."

 

"Bakit?" Natatawang tanong ni Giselle. "Wala namang mali sa sinabi ko ah."

 

"Napasarap lang ang tulog ko kaya ganun." Winter insisted at ibinalik ang atensyon sa video na pinanunuod nya. Titinitigan ko ito at napansin kong namumula ang pisngi nya.

 

"Anong nangyari dito?" Tanong ko at hinawakan ang pisngi nya.

 

---



 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
531 streak #1
Upvoted