Chapter 2

When I look at You

 

-WHEN I LOOK AT YOU-

 

---

 

 

 

Winter's POV

 

 

 

 

 

 

I got up with a start nang tumama ang isang malakas na sampal sa mukha ko. Napahawak ako sa namamanhid na pisngi ko at inilibot ang paningin sa paligid. 

 

Wala na si Karina. Wala na ang park. I am sitting on my bed at namamanhid ang pisngi. 

 

Everything that happened, The date, my supposed confession, all of them... 

 

Was all a DREAM...... 

 

"Are you still dreaming unnie? "

 

I was interrupted from my train of thougths when I heard my sister's voice beside me 

 

"Soojin, kanina ka pa diyan?" why didn't I notice her earlier?  

 

"Kanina pa. Well, long enough to hear you muttering Karina unnie's name." She answered with a smirk. 

 

"A-anong sinasabi mo?" Pagmamaang-maangan ko dito.

 

"So?" Umupo si Soojin sa kama ko at umusog palapit sa akin. 

 

"Anong so? " tanong ko pabalik

 

"Come on, unnie. Tell me kung bakit napapanaginipan mo si Karina unnie."

 

"Anong bang pinagsasabi mo?" Bumangon ako at lumayo kay Soojin . "Why would I even dream about her, in the first place?" 

 

She hummed in response to that. 

 

"Well yeah, bakit nga naman diba? Unless..."

 

I raised a brow brow at her. 

 

"Unless?"

 

She shrugged her shoulders and stood up from the bed. "I don't know, its up to you unnie. " she smirked before leaving my room. 

 

"Baliw" I whispered

 

sinundan ko ito ng tingin habang palabas siya ng room ko. That's when it hit me. Yung sampal. 

 

"Yah!" Napalingon naman agad sya sa akin ng sumigaw ako. 

 

"Bakit unnie?" 

 

"Ikaw yung sumampal sakin noh?" 

 

"Sampal?" Napataas ang isang kilay nito at tila nag isip. 

 

"Ahh yun? Hindi ah. " 

 

"Pa'nong hindi eh ikaw at ako lang naman nandito? "

 

"Ikaw ang sumampal sa sarili mo unnie" 

 

"Sira ka ba? Paano ko sasampalin ang sarili ko eh tulog ako?"

 

"Hinawakan ko yung kamay mo tas sinampal ko sayo HAHAHAHAHA" 

 

Tiningnan ko siya ng masama ng marinig ko ang sinabi nya pero ngumisi lang ito sa akin. 

 

"Bilisan mo na diyan. Late na tayo" dagdag pa niya at tuluyan ng umalis. Kahit kailan talaga. 

 

Pumasok na ako sa banyo at pagtapos maligo ay inihanda ko na ang mga gamit ko para pumasok. 

 

.......

 

Nasa parking lot ako ng school. Kakababa ko lang ng sasakyan nang makatanggap ako ng message mula kay Karina. 

 

Jimin:

Asan ka na? 

 

Minjeong:

Parking lot

 

Jimin:

Nasa library ako. Punta ka na dito. Kasama ko sina NingNing at Chaeryeong . 

 

Minjeong:

Sige. Papunta na ako diyan. 

 

Ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa ko at pumunta na sa library. 

 

"Winter!"

 

Nilingon ko ang tumawag sakin at nakita ko sina Giselle at Ryujin. 

 

"Oh? Gigi at Ryujin, kanina pa kayo?" tanong ko ng makalapit na sila sa akin. 

 

"Not really, we just got here." sagot ni Giselle. "San ka pupunta?"

 

"Sa library. Hinihintay ako ni Karina dun."

 

"Bakit di kayo magkasama?" Tanong naman ni Ryujin. 

 

"Medyo na-late ako ng gising eh, kaya pinauna ko na sya kanina."

 

"Ahh kaya pala." 

 

"Samahan nyo ako dun." I suggested.  "Andun din daw sina NingNing at Chaeryeong."

 

"NingNing?" Giselle excitedly asked when I mentioned NingNing's name. "Sige ba. Samahan ka namin, diba, Ryujin?"

 

"Ha? Uhm ano, pass muna ako, magsisimula na yung class ko eh. Kayo nalang." 

 

"Talaga ba? O baka ayaw mo lang kasi nandun din si Chaeryeong." Ryujin blushed at Giselle 's remark. 

 

"Hoy! Hindi ah." Ryujin answered while avoiding Giselle's gaze. "May class lang talaga ako ngayon kaya hindi ako makakasama sa inyo." dagdag pa nito. 

 

It's not really a secret between us that Ryujin has a big crush on Lee Chaeryeong, the school muse and Karina's friend. Friend lang, syempre best friend ako eh. Pero ni minsan ay hindi pa nya ito nakaka-usap. Natotorpe daw kasi siya and she gets nervous everytime nalalapit siya kay Chaeryeong kaya laging nawawala yung chance niya to get closer to her. 

 

"Sige, unnies, una na ako ha. Kita nalang tayo mamayang lunch. " Ryujin said at umalis na bago pa namin siya mapigilan. 

 

"Hay naku, ang KJ naman nun. Tara Winter. Puntahan na natin si NingNing, I mean si Karina pala hehe." Giselle said at nauna ng maglakad sa akin. 

 

Unlike Ryujin na natotorpe sa crush nya, Giselle is more of a straight forward type. Matagal na itong may crush kay Ning Yizhou, President ng music club at friend din Karina. Lagi siyang nagpapapansin dito. She once told me na balak nyang ligawan si NingNing . 

 

Dahil nauna na si Giselle at mukhang excited talaga ito ay agad na akong sumunod papunta sa library.

 

--

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
531 streak #1
Upvoted