Di Mo Na Ako Kailangan (RYeji)

Ang Kantang Ito...

https://youtu.be/-csgwEZraqc

"Mahal, pag tanda natin, papakasalan kita. Magsisikap ako para makapagtapos at makapagtrabaho para yumaman tayo. Para magkaron tayo ng sarili nating bahay at malayo tayo sa kanila. Para wala na din silang masabing masama dahil lang nagmamahalan tayo. Mali man ito sa paningin nila pero sa totoo lang wala akong pakialam basta ang importante ay mahal natin ang isa't isa" naiiyak na sabi ni Ryujin sa kanyang kasintahan habang pinupunasan ang nabasa nitong mukha.

Kakatago lang nila sa mga kaklase nilang mapanghusga. Nakita kasi silang magkahawak ang kamay at kung ano ano na ang mga panunukso nilang hindi maganda. Na umabot pa nga sa puntong binuhusan sila ng holy water kuno para daw luminis ang konsensya nila.

Kabilang sila sa isang komunidad na hindi pa open ang ideya tungkol sa same relationship. Hindi rin nakatulong na ang kuya ni Yeji ay ang kura paroko sa kanilang bayan. Kaya naman hindi rin sila malayang ipakita ang nararamdaman nila.

Matagal na silang magkaibigan. Magkaibigang nagtataguan ng feelings.

Hanggang nagkalakas ng loob si Ryujin at umamin kaya napaamin na din si Yeji.

Alam nila ang mga posibleng masabi at mangyari kung sakaling malaman ng ibang tao ang tunay na namamagitan sa kanila pero handa silang isugal ang lahat dahil ayaw nilang isipin na isang araw ay maghihiwalay pa sila.

Nang parehas silang makapagtapos ng highschool ay sabay din sila nag.enroll sa kolehiyo. Mas naging malaya kahit papano silang gumalaw dito pero hindi pa rin mawawala ang mga mapanghusgang tao.





"Yeji, ano itong naririnig ko na magkasintahan daw kayo ni Ryujin?" Seryosong tanong ng Kuya Hyunjin niya isang gabi habang kumakaen silang pamilya ng hapunan.

Naubo si Yeji sa biglaang pagtatanong ng kanyang kapatid at nang makita niya ang mga nakaabang niyang magulang sa isasagot niya ay kinailangan niyang magsinungaling.

"Kuya, bestfriend ko po si Ryujin" hindi naman nalalayo sa katotohanan yun. Pero higit pa sa kaibigan ang turing nito sa nabanggit.

"Ikaw Yeji ha. Baka naman kung ano anong kalokohan ang tinuturo sayo ng batang iyon. Hindi ko na nga nakikitang nagsisimba yun eh" sabi naman ng kanyang ina.

"Tsaka bakit ba panlalake manamit yun? Tomboy ba kamo siya?" dagdag naman ng tatay niya.

Pigil na pigil na si Yeji na sagutin ang mga magulang pero hindi niya magawa. Nahihiya din siya sa kuya niya.

"Nay, alam niyo naman pong si Tito Bert na lang ang naghahanap buhay sa kanila kaya hindi na rin ito nabibilhan ng mga bagong damit. Tsaka po kapag linggo ay tumutulong si Ryujin na mag.ani kaya hindi na ho siya nakakapagsimba"

Mukha namang nakuntento sila sa sagot ng anak kaya nakahinga ng maluwag si Yeji.

Iniwan na kasi ng nanay nila sila Ryujin at sumama sa isang mayamang lalake. Masyado ding martir ang tatay niya para hindi na habulin pa ang kanyang asawa. Kaya simula nun ay nagsumikap ito para lang matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang dalawang anak.

Panganay si Ryujin kaya naman tinutulungan niya ang kanyang ama sa pagtatrabaho. Suma side line siya kung saan saan para lang may maibigay na extrang pera na gagamitin nila ng kapatid niyang si Kyujin sa school.





"Kanina ka pa nangingiti jan, nak. May nobya ka na siguro noh?" biglang tanong ng tatay ni Ryujin habang naglalakad sila papunta sa bukid.

Napaisip pa si Ryujin kung tama ba ang narinig niya. Na nobya ang binanggit ng tatay niya at hindi nobyo.

"A...ano yun tay?" Nautal niyang sabi.

Natawa na lang ang kanyang ama. "May edad na ako pero malinaw pa ang mata ko. Isang tao lang naman ang alam kong makakapagbigay ng dahilan para ngumiti ka ng ganyan ng ke.aga aga"

Anniversary na kasi nila ni Yeji at hindi niya inaasahang maaga din itong magigising para bumati. Kaya naman sobrang saya niya ng matanggap ang simpleng mensahe galing sa kanya.

To RyujinMyLabs: Happy 3rd anniversary mahal!

"Hindi po ba kayo galit tay?" tanong ni Ryujin.

"Huwag mo akong itulad sa ibang tao dito nak. Ang gusto ko lang naman ay makitang masaya ang mga anak ko. At kung sa kapwa mo babae mo ito nararamdaman, sino ba naman ako para maging hadlang sa kaligayahan na yun?"

Hindi inaasahan ni Ryujin na maririnig niya mula sa kanyang ama ang mga sinabi nito kaya naman ay hindi niya napigilang maluha at yumakap.

"Salamat tay. Hindi niyo alam kung gaano ko gustong marinig yun"

"O siya, tayo'y magtrabaho na, ng maaga tayong matapos at mapuntahan mo na si Yeji"

At lalo ngang ginanahan si Ryujin mag-ani, na dahilan para makarami sila.

Pag dating ng hapon ay nagkita sila ni Yeji sa plaza at nagkaron ng maliit na selebrasyon para sa kanilang anibersaryo.

"Mahal, kapag nakapagipon na ako ng mas malaki, gusto ko sanang lumuwas tayo ng Maynila. Mas maraming pwedeng pasyalan dun at masasarap na pagkaen" sabi ni Ryujin habang naglalakad sila sa may tabing ilog.

"Hindi naman importante sa akin kung saan tayo pumunta Mahal. Kahit nga walang pagkaen basta magkasama lang tayo, masayang masaya na ako" sagot naman ni Yeji.

"Siyempre hindi naman ako papayag na hindi ka papakainin. Ayokong magugutom ka mahal. Basta pagka.graduate natin next year, sabay tayong maghahanap ng trabaho ha. Para palagi pa din tayong magkasama"





Sa hindi inaasahang pangyayari, ay naaksidente isang araw ang tatay ni Yeji na ikinamatay nito. Dahilan para hindi makapagtapos ng pagaaral kahit pa huling taon na dapat niya sa kolehiyo.

"Mahal... nalulungkot ako. Kasi h...hindi na tayo magkakasabay grumaduate. S...simula kasi ng mawala si tatay, nanghina na din si nanay kaya hindi na masyadong nakakapagbenta sa palengke. A...ako na muna ang tatao dun para makatulong sa gastusin. Pasensya na ha" naiiyak na sabi ni Yeji kay Ryujin.

Hinawakan nito ang mga kamay ni Yeji. "Mahal, huwag kang magaalala. Gaya nga ng sabi ko sayo, magtatrabaho ako ng mabuti para makapagipon. Magpapadala ako ng pera para makatulong sa tuition mo. Alam kong gusto mo rin naman talagang makapagtapos. Matagalan man ng unti pero hindi natin bibitawan ang pangarap na magkakasama na tayo ng matagal"

Dumating ang graduation ni Ryujin at bakas sa kanyang mukha ang labis na saya lalo at kay Yeji lang siya nakatingin habang tinatanggap ang diploma. Nang matapos ang program ay nagkaroon ng maliit na salu-salo sa kanilang bahay.

Nang makabwelo na ma.solo si Yeji ay dinala niya sandali sa kanyang maliit na kwarto. Kinuha nito ang kanyang kanang kamay at may sinuot sa kanyang daliri na korteng singsing.

"Mahal, luluwas na ako sa isang linggo para makapagsimula na maghanap ng trabaho. May kamaganak naman kami doon na pwede kong tirhan pansamantala. Kapag nakaipon na ako ng malaki laki, hahanap na din ako ng sarili kong matutuluyan para dun ka na din titira. Pangako ko sa iyo na makakatapos ka ng pagaaral para makasunod ka na sa akin dun. Kung sakaling hindi ako makauwi ng madalas, tignan mo lang ang singsing na ito na sumisimbolo ng pagmamahal ko sa iyo"

Hindi pa man nakakaalis si Ryujin ay naisip na kaagad ni Yeji na sobra niya itong mamimiss.

Isang linggo ang lumipas at bibiyahe na pa.maynila si Ryujin. Hindi na mapigilan ni Yeji ang mga luhang pumapatak sa kanyang mata habang inaantay nilang dumating ang bus na sasakyan nito.

"Magiingat ka palagi dun mahal ha. Huwag kang magpapalipas ng gutom. Kapag napapagod ka na sa trabaho, magpahinga ka muna. Kapag nagkasakit ka, hindi kita maaalagaan. " sabi ni Yeji.

"Opo mahal. Basta tandaan mo na mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para sa iyo. Para sa atin" saad naman ni Ryujin.

Dumating ang bus at bago sumakay si Ryujin ay niyakap niya ng mahigpit si Yeji at hinalikan ang noo. Maaga pa naman kaya wala din masyadong nakakita sa kanila.

Pagupo nito sa bus ay sumilip kaagad ito sa labas hanggang sa umaandar na ang bus at paliit na ng paliit si Yeji sa paningin niya.

Hindi na napigilang umiyak ni Ryujin. Ayaw man niyang malayo kay Yeji, kailangan niyang gawin ito para sa kanila.





Pag dating ng Maynila ay inantay lang niya na dumating ang pinsan niyang si Sohee na anak ng kapatid ng kanyang nanay.

"Kamusta ang byahe? Malubak pa din ang daan?" Tanong nito pagdating nila sa bahay.

Ibinaba na muna ni Ryujin ang malaki niyang bag. "Ayos lang naman ate. Napasemento na naman ni Gov kaya hindi masakit sa katawan"

"Kumaen ka na ba? Nagluto si mama kanina ng kaldereta at dinaan dito. Paborito mo daw yun eh"

Naghanda naman ng mga plato at mga kubyertos ang pinsan niya at tinawag na ulit siya para sabay na silang kumaen.

"Sorry pala na.late ako sa pagsundo sayo ha. Nag overtime kasi ako dun sa pinagtatrabahuhan ko ngayon eh. Dun din pala kita ipapasok at sa lunes ang interview mo. Madali naman din makapasok dun. Hindi gaano kalaki ang sahod pero hindi naman sila nalalate magbigay. May mga alam din akong ibang part time na pwede mo applyan"

"Salamat talaga ate ha. Hindi ko din kasi talaga alam saan ako maghahanap" nahihiyang sabi ni Ryujin.

"Wala iyon noh. Tulong na din talaga namin sa inyo ito sa ginawa ni Tita. Matagal na din naming gustong mag.reach out sa inyo kaso ayaw ni Tito na tanggapin ang tulong namin"

Hindi na nagulat si Ryujin sa sinabi ng pinsan niya. Dakilang martir nga kasi ang tatay niya.

"Ay nako ate. Hindi lang pinapahalata ni tatay pero hanggang ngayon namimiss pa din niya si nanay. Naririnig ko kasi minsan na nagsasalita siyang magisa sa kwarto. Nahuli ko pa nga siya dati na hawak niya yung wedding picture nila. Pero matagal na naman naming tanggap na hinding hindi na siya babalik. Nasanay na din naman kasi na kaming tatlo lang sa bahay"

Nagpatuloy lang silang magkwentuhan hanggang matapos silang kumaen. Nang matapos ay siya na ang nagprisintang maghugas ng mga pinagkainan nila.

Panay din ang update niya kay Yeji hanggang sa nakatulog na din sila pareho.





Tama nga ang sinabi ng pinsan niya at natanggap siya kaagad sa trabaho. Mass hiring din daw kasi sila ngayon at kita naman ang determinasyon ni Ryujin kaya hindi na nagdalawang isip ang magiging boss niya.

To YejiMyLabs: Mahal, 1st day ko ngayon sa trabaho. Baka hindi ako masyadong makapagupdate kasi buong araw daw ang training. Pero magmemessage ako kapag break time ko. Sobra na kitang namimiss.

Pagsend niya ng message ay sakto namang tinawag na siya ng kanyang pinsan para mag.agahan. Malapit lang naman ang grocery store na pagtatrabahuhan nila. Kaya ng isang jeep lang kaya hindi naman sila masyadong nagmamadali.

Pagkatapos kumaen ay naligo na din si Ryujin at nagayos ng gamit.

Saktong alas siyete ay umalis sila ng bahay at naglakad papunta sa sakayan.

"Huwag kang mahihiyang magtanong pag may hindi ka naiintindihan ha. Mababait naman ang mga katrabaho natin" pagpapaalala ni Sohee sa pinsan. Tumango tango naman si Ryujin. Wala naman kaso sa kanya ang makihalubilo sa ibang tao.

Pagsakay nila ng jeep ay agad na inabot ni Sohee ang bayad. Kalahating oras din ang byahe bago sila nakarating sa isang malaking grocery store. Sa likod na sila dumaan at dun naman aantayin ni Ryujin ang magtr.train sa kanila.

 

 

 

 

 

"Good morning! Ako nga pala si Chan. Ako ang assistant store manager dito. Ako din ang nag.te.train ng mga bagong tauhan. Isa ako sa mga pinakaunang empleyado dito. Nagsimula akong bagger hanggang sa naikot ko na ata lahat ng posisyon dito. Hindi mahirap pakisamahan ang mga magiging katrabaho niyo dahil lahat kami ay dumaan kay Ma'am Jihyo na ating general manager. Hindi uubra sa kaniya ang maarte sa trabaho at ayaw na ayaw niya ang patamad tamad. Isa sa mga nagustuhan ko din dito ay madaling kausap ang mga kasama mo. Isa o dalawang beses pa lang ata ang pagkakataon na nagkaroon ng away between the employees. Pero hindi rin nagtagal ito nang makausap nila si madam. Simula nun, kapag may hindi pagkakaintindihan ang kahit sino sa amin ay agad na inaayos ito. Kaya mamaya, gusto ko din obserbahan ninyo ang mga katrabaho niyo. Hindi gaano kataas ang sweldo dito dahil relatively, bago pa lang itong grocery kumpara sa iba pero proud kami na never pang kinulang or na.late ang pagpapasahod nila sa amin. May mga bonuses din naman na kasama paminsan minsan"

Pinagpakilala naman lahat ng bago sa isa't isa.

"Hello. Ako nga pala di Yuna. 20 years old po, taga-Cubao" pakilala ng isang matangkad na babae.

"Bin nga pala. 23 years old, taga-Pasig" pakilala ng lalakeng batak ang katawan.

"Ako pala si Lia. 22 years old, taga.Mandaluyong" sabi naman nung babaeng nawawala ang mata kapag ngumingiti.

"Wazzup ebribadi. LeeKnow nga pala, 24, taga-Pasig din" sabi naman nung lalakeng sumayaw pa habang nagpakilala.

Huling nagpakilala si Ryujin. "Hello po. Ryujin nga pala. 21 years old. Taga.Nueva Vizcaya po talaga ako pero nakikitira ako sa pinsan ko sa may San Juan"

May mga diniscuss pa sa kanila bago magsimula silang maglakad sa bawat sulok ng grocery. Matapos ng tour ay dinistribute sila sa iba't ibang lane para manuod kung paano gagawin ang tasks nila.

Nakatayo sa likod ng isang bagger si Ryujin at sakto namang may magccheckout na customer.

"Pag ganyang maramihan ang bili, sa box nilalagay ang grocery nila" panimula ni Han sabay kuha ng kahon sa ilalim ng counter. "Titignan mo din kung paano mo ilalagay ang bawat item. Tulad nito" inabot niya ang mga delata. "Sa ilalim ang mabibigat at dahil pantay pantay lang yung sukat, mas makakatipid sa space" inabot naman niya ang mga naka box na items. "Itong mga ito naman, pwede mo ilagay ng pahiga o patayo" pinakita naman niya ang gagawin.

Mabilis lang nakuha ni Ryujin ang mga teknik na tinuro ni Han. At sa pang.limang customer nga ay nagpresinta na siyang gumawa. Naka.abang naman si Han para tulungan siya.

"Wala na bang mas babagal pa jan?" Sabi bigla nung customer na putok ang make up.

"Pasensya na po mam" saad na lang ni Ryujin habang inaayos ang mga bote sa kahon.

"Jusko! Yan na nga lang gagawin mo ang kupad mo pa" irita pang dagdag nito.

Napapikit na lang si Ryujin at tinuloy ang pag.ayos ng mga grinocery ng customer. Iilan lang naman kasi yung binili at kasya naman talaga sa paperbag pero pinilit na ipalagay pa ito sa box.

Nang matapos ito sa pagtali ay agad agad namang kinuha ng customer at lumabas ng store.

Wala pang kinse minutos ay bumalik ito.

"HOY!" sigaw nito habang papalapit sa counter kung saan siya galing. "WALA KANG KWENTA SA TRABAHO MO! HINDI MAAYOS YUNG PAGLAGAY MO AT NABASAG YUNG MGA BOTE SA LOOB! BABAYARAN MO BA YUN PATI NA DIN ANG PAGLINIS NG KOTSE KO?"

Agad namang lumapit si Jihyo kasunod ang isang guard.

"Mam, baka pwede naman pong huwag kayo mangiskandalo dito. Pagusapan na lang po natin ito sa office" mahinahon niyang sabi.

"AKO BA ANG MAY MALI HA? HOY IKAW! ANG BAGAL BAGAL MO NA NGANG MAGTRABAHO, MALI PA ANG GAWA MO! IDEDEMANDA KITA AKALA MO!" pagpatuloy nito bago sumunod sa manager. Sumenyas si Jihyo kay Ryujin na sumunod sa kanila.

Pagpasok nila ng office ay dinuro.duro pa ng customer si Ryujin at kung ano ano pa ang pinagsasasabi. Pigil na pigil naman si Ryujin na hindi sumagot dahil alam niyang maayos niyang ginawa ang trabaho niya at kita naman din ni Han ito.

May kumatok naman sa pinto at pumasok si Felix, ang Security Manager nila at tumabi kay Jihyo at may ipinakita sa isang tablet. Isang cctv footage ito sa parking lot nila kung saan kita nila kung paano na lang ibinagsak ng customer ang kahon sa sahig at sinipa pa habang may kausap siya sa cellphone.

"Excuse lang po mam ha. Kanina pa ako nagtitimpi sa mga pinagsasasabi mo. Sa susunod po na mang.akusa kayo eh sana ho ay may basis kayo" mahinahong sabi ni Jihyo.

"DI MO BA ALAM NA THE CUSTOMER IS ALWAYS RIGHT?! MANAGER KA PA NAMAN TAPOS HINDI MO ALAM YAN? SAN BA KAYO PINAGKUKUKUHA NG MANAGEMENT NIYO? MGA WALA KAYONG RESPETO SA MGA CUSTOMERS NIYO!"

Minasahe muna ni Jihyo ang kanyang ulo bago sumagot ulit. "Ineearn po ang respeto mam. At ilugar niyo naman ang ugali niyo"


Napasinghap silang lahat sa office. "Kitang kita po sa cctv kung anong ginawa mo kung bakit nabasag yung mga binili mo. So YOU had no right to humiliate my employee like that especially when she just did what is expected of her. Alam mo din ho ang mga binili mo kaya sana hindi mo basta na lang binagsak at sinipa ito"

Hindi na makapagsalita ang customer pero kita mo sa mukha niya ang naglalakihang butas ng ilong niya sa panggigil niya. Maya maya lang ay bigla siyang napaluhod at umiyak.

Napailing na lang sila. "Hindi po uubra yan dito mam. Kung ako sayo, huminga ka na lang ng tawad sa pinahiya mo. Wala naman ginagawa sayong masama yung tao, kung makapagsalita kayo kanina akala mo nakapatay ng tao" pagpapatuloy ni Jihyo.

Piniling hindi magsalita ni Ryujin kahit pa patuloy na nagpapakita ng kapekean ang customer na namahiya sa kanya. Hinayaan na lang niya na ang mga boss niya ang mag.handle nito.

"Kayo na ho bahala boss. Balik na po ako sa labas" pagpapaalam nito at sinabayan naman siyang lumabas ni Han.

"Napaka.memorable naman ng 1st day tol. Ngayon ko lang din nakita si Mam Jihyo na mag-ganyan" bulong ni Han habang pabalik sila sa pwesto nila kanina.

"Buti na lang din nakapagtimpi ako. Nako. Inis na inis ako sa ganyan. Feeling entitled masyado"

Dumating ang lunch time at inaya naman si Ryujin ng mga kasamahan niyang bago. Nagpunta sila sa karinderya na malapit sa grocery para makamura.

"Lakas makasira ng araw yung isang customer kanina noh? Buti di mo pinatulan" sabi ni Lia.

"Akala ko sa US lang may ganun. Yung mga "Karen" ba. Dito din pala meron" dagdag naman ni Yuna.

Nagsimula na silang kumaen pagkuha ng mga order nila at nagkwentuhan pa. Hindi rin nakalimutan ni Ryujin na mag.message kay Yeji.

To YejiMyLabs: Mahal, kumakaen na kami ngayon ng tanghalian ng mga kasamahan kong bago din. Okay lang bang tumawag ako sayo pagkatapos namin ng shift?

To RyujinMyLabs: Inaantay ko pang dumating si Chaeryeong para makauwi muna ako ng bahay. Nagluto daw si nanay ng sinigang eh. Anong oras ba matatapos ang trabaho mo mahal?

To YejiMyLabs: Hanggang alas singko pa mahal. Miss na miss na kita.

To RyujinMyLabs: Miss na miss na din kita.

"Aba nga naman at may jowa pala itong kaibigan natin o" pang.aasar ni Han nang mapatingin sa cellphone ni Ryujin pagkakuha niya ng extrang rice.

Nag.asaran lang sila habang kumakaen at pagkatapos ay bumalik na din sa store. Nag.obserba lang din sila at paminsan.minsan ay sila na mismo ang gagawa lalo kung unti lang naman ang binili.

Pagpatak ng alas kwatro y medya ay tinawag na ulit sila ni Chan.

"Kamusta naman ang experience?"

Isa isa na silang nagsalita at panghuli ngang nag.share si Ryujin.

"Okay naman po sir. Hinding hindi ko lang makakalimutan siyempre ang nangyari kanina. Pero maliban po dun, all good naman po"

Nag.thumbs up si Chan. "May mga pagkakataon talaga na makakasalamuha tayo ng ibang klaseng customer pero gaya ng ginawa ni Ryujin, magandang ehemplo ang hindi niya pinantayan o sinabayan ang galit ng customer. Anjan naman si Madam Jihyo para ipagtanggol tayo at katulong na din jan si Felix na ating Security Manager"

May mga pinapirma sa kanilang mga documents para sa ATM nila at mga listahan ng requirements na kailangan pa nilang ipasa. At pagpatak ng 5PM ay pinag.out na din sila.

Tumambay muna sa likod si Ryujin kasama nila Bin at Leeknow na nagsindi na ng mga yosi nila.

"Balita ko may jowa ka daw ah. Taga.Nueva Vizcaya din?" Tanong ni LeeKnow.

"Ah oo. Sabay dapat kami luluwas kaso hindi kami sabay naka.graduate dahil namatay ang tatay niya sa aksidente kaya nauna na muna ako" sagot naman ni Ryujin.

"Maninigurado lang ako ha. Ayokong isipin mong assuming lang ako. Pero babae din jowa mo noh?" Tanong naman ni Bin.

Natawa naman si Ryujin bago tumango. "Oo. Five years na din kami"

"Sana ol. Tibay din naman pala. Kami ng jowa ko mag.iisang taon pa lang eh" saad ni LeeKnow.

"Kilala ko ito noh?" seryosong tanong naman ni Bin.

Tinaasan lang siya ng kilay ni LeeKnow bago sila nagtawanan. Hindi naman maintindihan ni Ryujin ang pinagtatawanan nila.

"Matagal na kasi kaming magkakilala nitong mokong na ito. At yung jowang sinasabi niya ay dito din nagtatrabaho. Actually, yung jowa ko din" pag.explain ni Bin.

Napakunot ng noo si Ryujin.

"Yung tinutulungan mo kanina. Si Han. Yun ang jowa ko. Ito naman namang si Bin, bigatin ang jowa dahil si Chan yun. College pa lang kami sila na" paglinaw ni LeeKnow.

"Baka naman magjowa din pala sina Lia at Yuna ha. Aba kung ganun eh sunduin ko na lang kaya si Yeji" natatawang sabi naman ni Ryujin.

Lumabas na ng store ang pinsan niya at nagpaalam na siya sa mga bagong kaibigan.

Pagkauwi nila ay dumiretso na sa kwarto si Sohee habang nanatili pa si Ryujin sa sala. Agad niyang minessage si Yeji na nakauwi na siya at ilang sandali lang ay tumatawag na ito.

Y: Mahal. Kamusta po ang trabaho?
R: Ayos lang naman mahal. Mababait naman ang mga katrabaho ko.
Y: Mabuti naman kung ganun. Halos kakauwi lang din namin ni Chaeryeong galing palengke. Medyo matumal ang bentahan simula nung magbukas yung supermarket sa bayan.
R: Mas maganda rin sigurong magtayo tayo ng sarili nating business noh?
Y: Oo naman pero matagal na proseso pa yun at kailangan ng malaking pera sa pagasikaso ng papeles at siyempre sa pagpapagawa ng pwesto at mga supply.
R: Alam ko naman mahal pero hindi naman masamang mangarap na isang araw, may maitatawag tayong sariling atin.

Nagpatuloy lang silang magusap hanggang sa bumaba na ulit ang pinsan niya na nakapagpalit na ng pambahay. Nagpaalam na siya kay Yeji at siya naman ang magaayos para makatulong sa paghanda ng hapunan.




 

Anim na buwan ang dumaan at naregular na si Ryujin kaya nabigyan na sila ng leave credits. May naipon na din siya kahit papano at nagtatabi talaga siya para sa pang tuition ni Yeji.

Uuwi din siya ng Nueva Vizcaya kaya naman excited na excited na siya. First time niya din kasing umuwi simula ng mag.Maynila siya.

"Ikamusta mo na lang ako kay Tito at kay Kyujin ha. Magiingat ka din sa biyahe" sabi ng pinsan niya bago siya lumabas ng apartment.

Gamay na naman ni Ryujin ang daan kaya hindi na rin siya sinamahan ni Sohee papunta sa terminal. Pagdating niya ay agad siyang sumakay at sandali lang ang inantay bago magsimula ang biyahe.

To YejiMyLabs: Unting oras na lang mahal at magkikita na tayo.

Hindi kaagad nakatanggap ng reply si Ryujin kaya inisip niyang umidlip muna. Nagising na lang siya ng tapikin siya ng kundoktor dahil nakarating na sila sa terminal.

Tumayo na kaagad ito at bumaba ng bus. Tumingin siya sa paligid at nakita agad si Yeji na kasama ni Kyujin.

Mabilis siyang tumakbo para salubungin at yakapin ang mga ito.

"Ateeeee. Miss na kita!" Bati ni Kyujin.

"Miss na din kita bunso"

Humiwalay siya sa yakap sa bunsong kapatid at niyakap naman si Yeji sabay bulong, "miss na miss kita mahal" at humabol pa nga ng pasimpleng halik sa ulo.

Nagsimula na silang maglakad pabalik sa bahay nila Ryujin kung saan naman nagaabang ang tatay niya.

Nag-prepare ito ng simpleng handaan sa paguwi ng panganay na anak kaya naman masaya silang kumaen.

Pinagkwento nila si Ryujin ng kanyang buhay sa Maynila at nakikinig lang sila.

"Ikaw tay ha. Nagooffer pala sila Ate Sohee na tumulong sa atin pero di mo daw sinasagot mga texts nila" pagbibiro ni Ryujin.

"Eh kaya naman natin nak. Tsaka alam mo namang ayokong nagkakaron ng utang na loob sa ibang tao"

Gets naman ni Ryujin yung punto ng tatay niya kahit pa minsan naisip niya na kung siguro ay tinanggap ng tatay niya ang tulong pinansyal ng kamaganak nila ay hindi na sobrang magkakayod sa trabaho ang tatay niya.

"Dito ka ba matutulog Yeji? Baka hanapin ka ng nanay mo" tanong nito.

"Nagpaalam naman po ako Tito. Tsaka kasama naman po niya ang pinsan ko ngayon" masayang sagot ni Yeji. Hindi naman kinewestyon ng nanay niya ang pagsundo kay Ryujin dahil nga naman ay matalik na kaibigan ito ng anak.

Si Kyujin na ang nagpresintang magayos ng mga kinainan nila kaya umakyat na sina Ryujin at Yeji sa kwarto niya.

Pagkasara ng pinto ay basta na lang ibinagsak ni Ryujin ang dala niyang bag at hinalikan si Yeji. Yung halik na alam mong sabik na sabik ito. Hindi rin nagpatalo si Yeji at gumanti.

Madaling araw na ng matapos sila sa kanilang pagtatalik kaya hingal na hingal silang napahiga.

"Gusto ko pa sana kaso alam kong pagod na pagod ka na mahal" sabi ni Ryujin habang nakatingin kay Yeji.

Mahinang palo naman ang balik ni Yeji sa kanya. "Siguro kung may alaga ka eh panigurado nabuntis mo na ako. At may dalawa o tatlong anak na tayo ngayon"

"Nako baka higit pa dun mahal. Ang saya siguro sa pakiramdam na makabuo tayo ng pamilya noh?"

"Kahit ilan pa maging anak natin mahal, handa akong magpabuntis sayo ng paulit ulit"

Nakatulog na din sila bago pa sumikat ang araw at bakas sa mukha nila pareho ang saya nang muli nilang pagsasama.

Kung gaano kasaya ang paguwi niya ay ganun naman ang katumbas na kalungkutan ng kailangan na niyang bumalik ulit ng Maynila.

"Ayoko man bumalik pero kailangan mahal eh. Oo nga pala" may kinuhang envelope si Ryujin sa bag niya at inabot kay Yeji. "May naipon ako kahit papano. Ipandagdag mo sa tuition mo sa susunod na taon mahal"

Lalo namang naiyak si Yeji pero nagpasalamat sa binigay ni Ryujin.

Hinatid ulit niya ito sa sakayan at pigil na pigil siyang hindi halikan ito dahil may araw na din kaya may mga tao na sa paligid.

Pagkaalis ng bus na sinasakyan ni Ryujin ay nagsimula na siyang maglakad pabalik sa kanila.





Ilang buwan pa ang lumipas at kahit pa masaya naman si Ryujin sa trabaho niya ay naisip niyang maghanap ng iba pang pagkakakitaan. Hiring ang isang bar na madadaanan niya pauwi kaya nag-apply siya dito. Hindi pa nga lang muna siya pinagsimula habang nagaayos pa siya ng requirements.

Kaya nang mag.ayang lumabas sila ng kanyang mga katrabaho pagkatapos ng kanilang shift dahil birthday ni Chan ay dun niya sila dinala. Kaya naman kasama niya ngayon sila Bin, LeeKnow, Han, Lia, at Yuna sa bar.

"Lugi naman ako mga tol. By partner kayo tapos ako magisa lang" sabi ni Ryujin pagkaupos nila.

"Malay mo naman may pwede kang maitable dito" biro ni Han.

"Hoy loyal ako sa girlfriend ko noh! Wag ka nga" sagot niya sabay bato ng tissue.

"Hindi naman kami magjowa ni Yuna ah. Close lang kami kaya akala niyo kami" sabi naman ni Lia.

"Oo na lang kami jan mars" dagdag pa ni LeeKnow.

Nakailang order din sila ng alak at masayang nagkekwentuhan at paminsan minsang sumasabay sa pagkanta. May mga banda kasing tumutugtog sa bar.

"Magandang gabi po sa inyong lahat. Salamat po pala sa Synk Bar sa pagimbita sa amin dito. For our first song, ito ay para sa lahat ng nagmamahalan at mukhang marami ang makakarelate" sabi nung bokalista sa stage at nagsimula na siyang kumanta.

Oh, kay gandang pagmasdan
Ang iyong mga mata
Kumikinang-kinang
'Di ko maintindihan

Ang iyong mga tingin
Labis ang mga ningning
Langit ay bumaba
Bumababa pala ang tala

Tumingin ka sa 'king mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig

At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso't maniwala
Na ikaw lang ang s'yang inibig
Ikaw lang ang iibigin

"Kelan ba namin makikilala yang girlfriend mo tol?" Tanong ni Chan na naka.akbay kay Bin.

"Oo nga. Di nga namin alam itsura nun eh" dagdag naman ni Bin.

Binuksan naman ni Ryujin ang phone niya at hinanap ang huling picture nila ni Yeji at ipinakita sa mga kaibigan.

"Ay ang sweet naman pala" sabi ni Han.

Picture kasi nila ito nung huli siyang umuwi at naka.backhug siya kay Yeji.

"Ganda naman ni ate girl" sabi ni Yuna.

"Gaano na ulit kayo katagal?" Tanong ni Lia.

"Mag.aanim na taon na sa October. Kaya nag file din ako ng leave sa araw na iyon" masayang sagot ni Ryujin.

Para namang kiti kiti si LeeKnow na hinahampas hampas ang jowa.

"Dy, sana tumagal din tayo ng ganun" bigla nitong sabi kay Han na lalong namula sa pagtawag ng endearment.

Pigil tawa silang lahat kaya pinandilatan ni LeeKnow.

Hindi na nila namalayan na nakaka.ilang bucket na sila dahil sa masayang kwentuhan nila. Nagulat na lang sila nang marinig nila ang bokalista na last set na nila ito.

"For our last set, kung meron pong gusto maki.jam, sabihan niyo na lang po ang mga waiter"

Lalong tumaas ang energy ng grupo at nagturuan na nga kung sino kakanta. Ang ending ay naisulat na pala ang pangalan nila Ryujin at Lia at naibigay na sa waiter.

"May we call on our jammers, Ryujin and Lia?"

Malakas na hiyaw ang nanggaling sa table nila at hiyang hiya pa silang tumayo at naglakad papunta sa stage. Inabutan naman sila ng tig isang mic ng isang staff.

"Parang ngayon ko lang kayo nakita dito" sabi nung bokalista.

"Ah opo. First time lang po namin sa bar na ito" sagot naman ni Lia.

"Alright! Wala bang palakpakan jan?" pag-hype nito sa crowd.

Naghiyawan ang mga tao lalo ng magsimula na ang music. Lahat nakatutok sa dalawang kumakanta sa stage. May ibang mga kinikilig sa chemistry nila Ryujin at Lia.

At ngayon, nandito na
Palaging hahawakan iyong mga kamay
Hindi ka na mag-iisa
Sa hirap at ginhawa ay iibigin ka

Mula noon hanggang ngayon
Mula ngayon hanggang dulo
Ikaw at ako

Nang matapos ang kanta ay magkatitig pa din ang dalawa na para bang may sarili silang mundo. Kung hindi pa nagsalita ulit ang bokalista ay hindi sila maglalayo ng tingin.

"Ang sweet naman nitong mag.jowang ito o. Nakakatuwa talaga yung mga taong hindi nahihiyang ipakita sa ibang tao ang pagmamahalan nila. Yung walang pakialam sa sasabihin ng iba. Yung hindi porket it's out of the norm, eh pipigilan nila ang damdamin nila. Kasi masakit yun sa puson ay este sa puso pala"

Nagtawanan ang audience sa sinabi ng bokalista pero hindi mapigilan ni Ryujin na mapaisip na sana…sana ganun nga sila kalaya ni Yeji.

Nang makabalik na sa table nila ang dalawa ay lalo pa silang inasar.

"Si Lia na lang jowain mo tol. Para kaming nanunuod ng performance sa kasal niyo eh. Yung may padedication pa" asar ni Han.

Pareho silang namumula at nagiinit ang pakiramdam.

Para kay Lia, hindi lang dahil sa alak ang dahilan nito.

Para kay Ryujin, dahil sa alak at sa kaba.

Mahal niya si Yeji. Mali. Mahal na mahal niya si Yeji at hindi niya ito kayang saktan. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit biglang may kakaiba siyang nararamdaman para sa katrabaho,

Natapos ang inuman nila at kahit alam niyang lasing na siya at may bumabagabag sa kanya ay hinatid pa din niya si Lia sa kanila. Magkalapit lang din naman ang Mandaluyong at San Juan.

Pinapasok ni Lia si Ryujin sa bahay nito at pinagtimplahan ng kape.

Tahimik lang silang dalawa habang umiinom.

"Lia"

"Jin"

Sabay nilang sabi. Sumenyas na si Ryujin na mauna na si Lia.

"Uhm. Pasensya na sa pangaasar nila kanina ha. Alam mo naman sila LeeKnow eh malakas mambwisit. Pero ano... huwag mo na lang masyado isipin yun" nahihiyang sabi ni Lia.

Huminga ng malalim si Ryujin. "Alam ko naman yun Lia. Sanay na din naman ako sa kanila"

Natahimik ulit sila pareho.

Umusog ng kaunti si Lia papunta sa kinauupuan ni Ryujin.

"Alam ko na ang sasabihin ko ay wala lang sa iyo. Dahil una pa lang, alam kong hindi mo ito papatulan. Wala rin naman akong balak   manghimasok. Gusto ko lang kumbaga mailabas ito sa sistema ko. Uhm. Ano kasi... uhm... gusto kita Ryujin. Matagal na. Hindi naman ako naghahangad na maging tayo dahil alam ko naman na may girlfriend ka na. At ayoko din makasira ng relasyon lalo't ang tagal niyo na din. Alam kong may mga plano na kayo for your future. Pero ayun nga, gusto ko lang umamin din sa iyo" pag.amin ni Lia.

Hindi naman agad makareact si Ryujin dahil hindi rin niya akalain na may maglalahad ng nararamdaman sa kanya na hindi si Yeji.

Pero hindi rin niya aaminin na matagal na niyang napapansin ang mga ibang kilos ni Lia towards her. Simula sa pagdala ng pagkaen na sasabihin niya palagi na naparami siya ng luto o kaya yung pasimpleng pagabot niya ng panyo kapag sa stockroom sila na.aassign at pinagpapawisan ng malala si Ryujin o ang pasimpleng paghawak nito sa braso niya kapag masaya silang nagkekwentuhan.

Hindi naman siya manhid sa mga iyon. Ang sa kanya lang ay hindi niya masyado itong binibigyan ng meaning. Ayaw niya ito bigyan ng ibang kahulugan dahil mahihirapan siya kung sakaling umiba ng direksyon ang puso niya.

Again, ayaw niyang saktan si Yeji na porket malayo ito sa kanya ay gagawa siya ng dahilan para masira ang tiwala nito.

"Sa totoo lang... hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Ngayon lang din kasi ako nakatanggap ng confession galing sa ibang tao" iniisip muna ni Ryujin ang mga sasabihin niya. "Ayoko din sana masira ang pagkakaibigan natin. Pero mahal ko si Yeji at ayokong mawala siya. Hindi ko intensyon ang makasakit ng tao. Gusto ko lang din maging honest sa iyo Lia. Hindi ka mahirap magustuhan at sigurado ako na maswerte ang kung sino man ang magiging jowa mo"

Kita ni Ryujin ang pagpigil ni Lia sa mga luha niya kaya niyakap niya ito.

Matapos ang ilang minuto ay kumalma na si Lia at kumalas sa pagkakayakap ni Ryujin at muli siyang hinarap.

"Ang swerte ni Yeji sayo" mahina niyang sabi. At sa isip isip ni Ryujin, ang iniisip niya ay siya ang swerte kay Yeji dahil kahit pa alam niyang pareho silang sumusugal ay hindi ito bumibitaw.

Nagpaalam na si Ryujin at lumabas ng bahay. Madaling araw na din kaya wala siya masyadong masakyan kaya naisip niyang lakarin nila hanggang sa kanila.

 

 

 

 

 

 

Lumipas ang isang taon nang sinimulan ni Ryujin ang mag-part time bilang waiter sa bar na pinuntahan nila noon. Kaya mas napapadalas na ang pagpadala niya ng pera kay Yeji na binalitang nakapag enroll na din siya para sa 1st sem ng last year niya.

Nakahinga ng maluwag si Ryujin dahil alam niyang pinaghirapan niya ang lahat ng perang binibigay niya para lang makapagtapos si Yeji. At para na din magkasama na sila ulit.

Para icelebrate ang kanilang 6th anniversary, ay si Yeji naman ang pinapunta niya ng Maynila. Nag.book si Ryujin ng isang kwarto sa isang hotel sa Cubao at dun lang sila nag stay. Naglibot din sila sa mga mall at dinala niya ito sa bandang Manila dahil gusto daw ma.try ni Yeji ang mga pagkaen sa Binondo.

Malaya silang nakapaghawak ng kamay at nakayakap sa isa't isa dahil malayo sila sa kanilang lugar kung saan lahat na lang na wala sa ordinaryo ay may sasabihin silang masama. Kaya lubos din ang ngiti nilang dalawa sa oras na nagkasama sila.

"Ganito pala kasaya sa Maynila mahal. Gusto ko na makapagtapos para ganito tayo palagi" masayang sabi ni Yeji pagbalik nila sa hotel.

"Marami pa tayong pwedeng puntahan mahal. Sa susunod ipapasyal naman kita sa ibang parks. Ipapakilala din kita sa mga katrabaho ko. Ang tagal na nilang gusto kang makilala eh"

"Sige mahal. Sa sem break na lang siguro"

At dahil nga isang gabi na lang si Yeji sa Manila ay nilubos na nila ang oras na magkasama sila. Inabot na naman sila hanggang madaling araw sa kanilang pagtatalik.

Si Ryujin naman ang nagpipigil ng luha ng ihatid niya sa terminal si Yeji. Matatagalan na naman kasi bago sila magkita ulit. Alam niya kasing magiging busy ito sa school lalo pa't graduating na nga.

Nang makaalis na ang bus ay pumara na din siya ng taxi para makapasok sa trabaho.






At gaya nga ng inaasahan niya, mas naging madalang ang paguusap nila ni Yeji dahil nga marami ng pinapagawa sa kanila. Naiintindihan naman ito ni Ryujin dahil dumaan din siya sa ganun. Kahit pa miss na miss na niya ang kanyang girlfriend ay mas nananaig ang pagpursige niya sa pagtrabaho para makapagpadala sa kanya.

To YejiMyLabs: Mahal, nagsend pala ako ng 5k sayo. Sabihan mo ko pag nakuha mo na ah.

To RyujinMyLabs: Natanggap ko na mahal. Salamat ha. Sakto din kasi may kailangan kaming bayaran para sa isang subject namin. May community service daw kasi kaming gagawin pero hindi abot sa budget ng faculty yung pagpagawa ng tshirt kaya kanya kanyang bayad daw.

To YejiMyLabs: Yun ba yung para kay Mam Nayeon? Saan daw ito gagawin? At kelan?

To RyujinMyLabs: Oo mahal. Sa Tondo, Manila daw. Sa susunod na Sabado din daw yun.

To YejiMyLabs: Ah dun nga din kami pumunta. Magdala ka ng extrang damit ha. Tsaka pamunas baka mapawisan ka.

To RyujinMyLabs: Yes po mahal.

Trumiple pa ang kayod ni Ryujin lalo pa't bumukod na siya sa pinsan niya dahil bumalik na ang isa pa niyang pinsan na si Naeun sa bahay. Natapos na daw kasi ang kontrata sa Hong Kong at mas gusto na lang na sa Pinas na lang magtrabaho ulit. Kasama din nito ang mag.ama niya kaya ayaw na din makisiksik pa ni Ryujin sa apartment.

Lunes hanggang Biyernes ng 8AM to 5PM ay nasa grocery store ito pagdating naman ng 10PM to 2AM ay nasa bar siya. Kumuha na din siya ng isang part time job na tuwing Sabado ng gabi naman ang schedule.

Ramdam ni Ryujin ang pagod sa tuwing linggo dahil ito lang ang talagang pahinga niya. Pero hindi siya nagrereklamo kahit pa minsan ay sardinas at tuyo na lang ang naiuulam niya.

Pero nang minsan ngay kinailangan niyang mag.overtime ng sunod sunod ay hindi na kinaya ng katawan niya at nahimatay siya habang inaayos ang mga boxes ng bagong stock sa grocery. Buti na lang at kasama niya sina Lia at Bin na nasalo siya.

May healthcard naman sila kaya hindi naman naging problema ang gastos. Pero mas naisip pa din ni Ryujin na sayang ang araw na hindi siya makakapasok. Hindi rin niya ipinaalam sa tatay at kapatid niya ang nangyari. Miski kay Yeji ay tinago niya ito dahil alam niyang iisipin nito na dahil sa kanya kaya grabe magtrabaho si Ryujin.

"Ryujin, huwag ka munang pumasok ng ilang araw. Ipahinga mo muna ang katawan mo. Tignan mo nga at nangangayayat ka" sabi sa kanya ni Mam Jihyo. Sumunod kasi ito sa ospital.

"Mam. Sayang yung sasahurin ko. Isang araw lang na pahinga, okay na ulit ako"

Napailing na lang ang boss niya ang si Lia na nagpaiwan.

"Ano ba pinagiipunan mo at hinahayaan mong sobrang mapagod ang katawan mo? Sobrang worth it ba na kapalit yun ng kalusugan mo?" Slight pagalit sa kanya.

Sasagot na sana siya pero nang magtama ang mga mata nila ni Lia na sumenyas na huwag ng magsalita ay tinikom na lang niya ang kanyang bibig.

"Sasabihan ko din si Chan na kontakin yung isa mo pang pinagtatrabahuhan para ma.heads up.an sila. O siya sige, magpahinga ka na. Naka.leave ka naman di ba Lia? Bantayan mo yan ah. Ikaw Ryujin, pag nakita kita sa store ng hindi pa tatlong araw, tatanggalin kita" huling sabi nito. Hindi naman sigurado ang dalawa kung nagbibiro lang ang boss nila.

Nang maiwan na silang dalawa ni Lia ay inayos na nito ang biniling pagkaen.

"Kaen muna tayo" sabi nito sabay abot ng styro na pinaglagyan ng biniling ulam.

Ilang araw na din kasing puro sardinas o tuyo ang inuulam ni Ryujin para lang makatipid kaya naman pagsubo niya sa beef and mushroom na ulam ay halos maiyak siya sa tuwa. Natawa na lang si Lia sa kanya.

Matapos nilang kumaen ay iniligpit na ni Lia ang pinagkainan at tinapon sa basurahan bago umupo ulit sa tabi ng hospital bed.

"Salamat pala sa pagkain ha. Tsaka na din sa pagdala niyo sa akin dito ni Bin. Naka.leave ka di ba? Bakit hindi ka pa umuwi?" Sabi ni Ryujin. Pero bago pa makasagot si Lia ay tumunog ang cellphone ni Ryujin.

Mahal, makakapagpadala ka ba ngayong linggo? Bumili kasi ako ng gamot ni nanay kaya na.short ako sa budget.

"Ah ganun ba. Magkano ba kailangan mo?"

"3k sana mahal"

"S...sige sabihan kita agad pag napadala ko na"

"Thank you"

"Walang anuman mahal. Kamusta ka-" hindi na natuloy ni Ryujin ang itatanong dahil binaba na ni Yeji ang tawag.

Napabuntong hininga na lang ulit siya. Hindi naman sa nagrereklamo siya pero napapansin nadin kasi niya na parang ang daming gasto bigla ni Yeji para sa school. Pareho lang naman sila ng kinuhang kurso kaya alam niya ang curriculum kaya nagtataka siya kung bakit may iba pa siyang binabayaran.

Ang problema pa ngayon, dahil hindi siya makakapasok ng ilang araw eh mababawasan ang budget na itatabi niya sana para ipadala kay Yeji. Napahawak na lang sa ulo si Ryujin at iniisip kung saan siya kukuha ng tatlong libo.

"O...okay ka lang ba? Kailangan ko bang tumawag ng doktor" pagaalalang tanong ni Lia.

"Deh okay lang ako. Sorry. May iniisip lang"

Hinawakan naman bigla ni Lia ang kamay ni Ryujin. "Alam mo Jin, hindi magandang sinosolo ang problema. Wala namang masama kung hihingi ka ng tulong. Andito ako, at mga kaibigan natin, magsabi ka lang"

Namana nga siguro talaga niya sa tatay niyang martir ang hindi pagsabi ng problema sa iba. Kaya hindi rin siya sanay na humingi ng tulong. At hanggat makakaya ay sasarilihin niya ito.

"O...okay lang talaga Lia. Salamat. Sobra sobra na ang tulong na ginawa mo sa pagsama sa akin dito"

Ramdam ni Lia na nagpipigil lang ng luha si Ryujin. Kitang kita naman kasi sa mga mata niya at nanginginig na panga. Kaya hindi na siya nagdalawang isip na yakapin ang kaibigan. At kusa na nga talagang tumulo ang luha nito.

"Pwedeng magpahinga Jin. Libre yun. Huwag mong puwersahin ang sarili mo kung hindi na kaya ng katawan mo. Alam kong may pinagiipunan ka pero huwag mo naman isakripisyo ang health mo. Paano na lang kung lumala ang kalagayan mo, eh di lalong hindi ka nakapagtrabaho" mahinahong paaral ni Lia.

Alam naman ni Ryujin na tama lahat ng sinabi ng kaibigan. Ang kanya lang, eh gusto niyang mapabilis ang pagsasama nila ni Yeji at siyempre andun na din na makapagtapos din ng high school ang kapatid niya.

Dalawang taon na din simula ng magtrabaho siya sa Maynila at sa kagustuhan niya na makapagipon ng malaki para sa kapatid niya at kay Yeji ay nakalimutan niyang ang isang pinakaimportanteng bagay at iyon ay ang magiwan ng para sa sarili niya.

Simula ng magtatlong trabaho siya ay hindi na siya nakakasama sa tuwing magaayang lumabas ang mga kaibigan. Kung mapipilit man eh alam niyang mas titipirin niya ang sarili niya. Ayaw din naman niyang umasa sa libre kahit palaging nagprepresinta si Lia na gawin yun.

 

 

 

 

 

Napagdesisyunan ni Ryujin na umuwi ng Nueva Vizcaya dahil hindi rin naman siya makakapasok pa. Nagsabi naman siya sa mga boss niya na dun na lang siya magpapahinga at pumayag naman sila. Hindi lang sinabi ni Ryujin sa pamilya niya at kay Yeji ang talagang dahilan kung bakit biglaan siyang umuwi.

Tuwang tuwa naman ang tatay at kapatid niya dahil nakasama ulit nila si Ryujin. Aaminin niya na nalungkot siya nang hindi si Yeji ang sumundo sa kanya pero naisip niya na baka busy lang din sa pagaaral ito. Malapit na din kasi ang graduation kaya alam niyang puspusan ang dami ng paperworks.

To YejiMyLabs: Mahal, punta ka na lang sa bahay ha. Dito ako hanggang linggo.

Umaga pa lang niya ipinadala ang message na iyon pero gabi na ay wala pang reply si Yeji.

"Ate, magkaaway ba kayo ni Ate Yeji?" Biglaang pagtatanong ni Kyujin habang naghuhugas sila ng mga pinggan.

"Ha? Hindi ah. Bakit mo naman naisip yun?"

"Eh kasi dati pag uuwi ka, magtetext sa akin si ate na dadaanan niya daw ako dito para sunduin ka namin sa terminal pero wala siyang message kanina"

"Bunso, graduating na kasi ang Ate Yeji mo kaya busy sa mga school works yun. Ganun din naman ako nung bago ako grumaduate di ba?"

Kumunot naman ang noo ng kapatid niya. "Ha? Nagaaral na ulit siya? Sabi kasi ni Chaerin hindi na daw tumuloy sa 2nd sem si Ate Yeji. Nagtayo kasi sila ng maliit na grocery store sa bayan kaya siya daw nagbabantay dun"

Nabitawan ni Ryujin ang hawak niyang plato at nabasag ito sa lababo. Tumalsik pa sa pisngi niya ang isang bubog kaya nasugatan siya.

"Hala ate!" Nagmadali namang kumuha ng first aid kit ang kapatid niya habang tulala si Ryujin.

Narinig din ng tatay niya ang nabasag kaya bumaba ulit ito para tignan ang nangyari. Nagulat siya ng may tumutulong dugo sa pisngi ng anak kaya agad agad niyang inabot ang kit na hawak ng bunsong anak.

Pinaghugas muna ng kamay si Ryujin dahil may sabon sabon pa ito bago pinaupo. Pinunasan naman ng tatay niya ng gauze ang sugat at nilinis ito.

"Sobrang dulas naman pala ng sabong binili mo Kyujin. Tignan mo ngang nabitawan ng ate mo yung plato o" pabirong sabi ng tatay niya.

Hindi pa din makapagsalita si Ryujin sa impormasyong nalaman niya.

Walang nabanggit si Yeji sa kanya tungkol dito. Nung isang araw lang ay nagsabi si Yeji na na.short siya sa budget, inisip niya para sa ito sa school. Kaya takang taka siya sa pagtataka ng kapatid niya tungkol sa sinabi niyang graduating na ito.

Hindi rin niya alam ang tungkol sa mini grocery store na pinatayo nila. Na dapat sila ang magpapagawa. Dahil yun ang plinano nila noon. Gulung gulo si Ryujin. Hindi na niya alam kung ano ba ang totoo.

Matapos lagyan ng bandaid ang pisngi niya ay nagpaalam siyang maglalakad lakad muna siya sa labas para magpahangin. Kinuha niya ang wallet at cellphone niya at lumabas na ng bahay.

Masarap ang simoy ng hangin at marami ding mga bituin sa langit pero kahit gaano pa kaganda ang pagliwanag ng buwan sa paligid ay yun naman ang kabaliktaran ng nararamdaman ni Ryujin.

Tila ba alam na ng paa niya kung saan siya pupunta kahit hindi ito nakatingin sa daan kaya naman nagulat siya ng tumigil ito sa paglalakad sa tapat ng bahay nila Yeji.

 

Kita mula sa labas gawa ng malaking bintana ang loob ng sala. Napangiti siya ng makita niya si Yeji na tumatawa pero mabilis lang din itong nawala nang may lumapit sa kanyang lalaki na hindi niya kilala.

At nadagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya nang yumakap ito sa girlfriend niya at humalik pa sa labi.

Nanigas si Ryujin sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung aantayin niya bang makita siya nito pero hindi rin nagtagal ay hindi na niya kinayang tumingin pa kaya naglakad na ito palayo.

Parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso ni Ryujin. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan magsinungaling ni Yeji sa kanya. Ganun ba kahirap ang magsabi ng totoo?

Gusto niyang sumigaw at magwala pero hindi rin niya ito magawa.

Madaling araw na nakabalik ng bahay nila si Ryujin. Lasing din siyang nakarating dahil napagpasyahan niyang uminom sa isang bukas na bar sa lugar nila. Hindi nga rin niya alam kung paano pa siya nakauwi sa dami ng ininom niya. Nagising na lang siya kinahapunan na pumipintig ang ulo sa sakit.

"Ate. Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong ng kapatid.

Gustuhin man niyang magsinungaling sa kapatid ay hindi niya magawa. Hindi naman kasi talaga siya basta basta na lang umiinom ng magisa.

"H...hindi" simple niyang sagot. Mabilis namang yumakap sa kanya si Kyujin. Gusto na lang niyang bigla mawala na parang bula.

Inabutan naman siya ng gamot at tubig ng kapatid niya at agad niya itong ininom.

"Alam ba ni Ate Yeji na umuwi ka ate?"

Tumango na lang ito.

Kahit isang araw lang, nagdasal siya na sana hindi niya muna isipin ang dahilan ng pagbigat ng nararamdaman niya.

Gustuhin man niyang puntahan ulit si Yeji para kausapin ay alam niyang kailangan muna niyang magpakalma. Kaya ng gabing iyon ay bumiyahe na lang ulit sa pa.Maynila. Ayaw pa sana siyang paalisin ng tatay at kapatid niya pero sinabi niyang kailangan niya munang lumayo sa ngayon.





Hindi na siya nagulat nang makita niya si Lia sa terminal at inaantay siya. Nag.message nga pala siya sa group chat nila.

"You look like Jin. Nagaway ba kayo ng girlfriend mo?" Pabirong tanong ni Lia habang iniinspect ang sugat nito sa mukha.

"Tara inom tayo" pagaya niya. At tsaka sila sumakay sa taxi papunta sa bar na pinagtatrabahuhan niya.

Kalahating oras din ang naging biyahe nila dahil sa traffic at nang makarating sila ay nagulat ang nga katrabaho niya.

"O akala ko may sakit ka tol" bati ni Chaeyoung.

"Oo tol. May sakit sa puso. Customer lang ako ngayon kaya pa.order na ng dalawang bucket at isang sisig" sagot naman ni Ryujin.

Ikinagulat naman ito ni Lia. Iniisip niyang may hindi magandang nangyari sa kaibigan at lalo siyang nagaalala. Pasimple niyang minessage sina Bin para sumunod.

Nagsimula na ang set ng resident band nila at tumayming nga naman na theme night ngayon at mga pang.broken hearted ang nasa set list nila.

"Hindi biro ang magmahal. Yung magbigay ng sobra sobra para sa isang tao. Yung lahat gagawin mo para mapasaya mo siya. Yung isasakpripisyo mo ang sarili mong kapakanan para lang sa kanya. Ang masakit dun, ay sa dami ng binigay at sakripisyo mo, eh ikaw pa din ang talo sa huli dahil iniwan ka din. Na mapapaisip ka na lang ng 'tangina! san ba ako nagkulang?'.


Hinahanap
Sa'n ba ako nagkamali?
Meron bang 'di naibigay?
Kulang pa ba?


Sunud sunod lang sa paginom si Ryujin na hindi niya napansin na dumating na din ang iba nilang kaibigan. Punung puno ang isip niya sa mga nangyari sa kanila ni Yeji. Kung kelan ba't nangyaring naiba na ang nararamdamn nito para sa kanya.

Naging sunod sunod ang pagtanong ni Yeji kung makakapagpadala siya at pilit namang ginagawan ng paraan ni Ryujin ito. Kaya siya napahanap ng pangatlong trabaho. Kaya din tinitipid niya ang sarili niya. Hindi naman siya nagrereklamo sa gastusin dahil ang plano nga naman ay pag natapos na siya sa pagaaral ay susundo si Yeji sa Maynila para mas makaipon at makapagpatayo ng grocery store sa kanila.


Kaya ba hindi ko na makita
Ang dati mong ngiti noong ako'y kailangan pa
Kaya ba ngayo'y nanlalamig na
'Di na nasasabik kapag ako ang kasama


Umuwi siya para icelebrate nila ang 7th year anniversary nila. Unang beses na hindi siya nasundo ni Yeji sa kadahilanan daw na na.late siya ng gising. Nang magkita sila sa bayan ay para bang distracted ito at palaging kaharap ang cellphone. Sabi may pinaguusapan lang sila ng mga kaklase about sa isang subject nila. Pinilit niyang hindi mainis at inintindi na lang.

Kahit pa nang magpunta sila sa tabing ilog kung saan sila madalas magpalipas ng hapon ay para bang wala ang atensyon ni Yeji sa kanya.

"Mahal, baka pwede namang humingi ng oras mo kahit ngayon lang" malambing na pagtanong ni Ryujin habang hinihimas ang braso nito.

"Sandali lang kasi. May inaayos kami sa isang subject" iritableng sagot ni Yeji.

"Mahal, babalik na ako ng Maynila mamayang gabi eh. Hindi kasi nakapag file ng leave"

"O tapos?"

"Mahal, anniversary naman natin ngayon"

Huminga ng malalim si Yeji at tinago na ang cellphone sabay sabi ng isang inis na "Fine".

Pinilit na lang ni Ryujin na hindi na lalong mairita sa kanya si Yeji kahit sa loob loob niya ay naiinis din siya sa inaakto at pinapakita nito.


Nagtatanong
Bakit biglang nanlamig?
Pangako mong pagmamahal
Nasa'n na ba?


Hindi na masyadong nagmemessage si Yeji at kung magrereply man siya ay sobrang tipid din. Kaya naman pinipilit ni Ryujin na umuwi ng Nueva Vizcaya every other weekend. Kahit pa balikan siya ng Maynila, para lang makita at makasama sandali si Yeji.

Ang nakakungkot lang ay pansin niya na hindi na kasing saya ang pakiramdam ni Yeji kapag magkasama sila. Na tila ba sa simpleng bagay ay naiirita siya.

"Mahol o, bumili ako ng siomai sa Binondo. Yung hindi natin napuntahan kasi pasara na sila. Dali tikman mo" sabi ni Ryujin habang nakalahad ang tupperware na dala niya.

"Busog pa ako"

"Di ba gusto mo ito?"

"Ano ba! Busog pa nga ako eh" pagtaboy ni Yeji sa kamay ni Ryujin. Muntik pang matapon ang laman nito.

Hindi na ulit nagpumilit si Ryujin kaya siya na din ang kumaen ng dala niyang pasalubong para dapat kay Yeji.

Usapan din nila na sa tuwing uuwi si Ryujin ay sa bahay nila sila matutulog. Hindi naman nagbago iyon pero walang nangyari sa kanila pagpasok nila ng kwarto. Humiga na lang si Yeji at nagtalukbong ng kumot. Wala na din nagawa si Ryujin at tumabi na lang at pinilit na matulog.

Kinaumagahan ay wala na si Yeji sa tabi niya at nagmessage na lang may kailangan siyang puntahan at magingat sa biyahe.

 

 

 

 

 

"Chaeng, dalawang bucket pa ulit!" sabi ni Ryujin sa katrabaho na nag okay sign lang. Pagkaubos ng isang bote ay agad siyang nagbukas ng panibago.

"Uy tol, hinay hinay lang. May hinahabol ba tayo?" Tanong ni Bin.

Nanibago din sila dahil hindi naman ganun uminom dati si Ryujin pag lumalabas sila.

Pagdating ng bagong order nila ay nagbigay siya ng tig isang bote sa mga kaibigan.

"Nomo lang tayo. Sagot ko na ito" sabi niya. Tuwang tuwa naman ang mga kasama except kay Lia. Lumapit ito sa tenga ni Ryujin at bumulong.

"Usap tayo after natin dito"

Tumango naman si Ryujin at nagtuloy lang silang maginuman.

Nang maubos nila ang dalawa pang bucket, oorder pa dapat ulit si Ryujin pero pinigilan na siya ni Lia at pinagbill out na.

Bumabagsak bagsak na ang ulo ni Ryujin kaya naman si Lia na muna ang nagbayad. Nagpatulong na lang siya kina LeeKnow na maisakay ito sa taxi at dinala sa apartment niya sa Mandaluyong.

Pagdating doon ay nagpatulong naman si Lia sa driver para maipasok si Ryujin sa sala. Pagkaalis ng driver ay dumiretso na siya sa kwarto niya para kumuha ng bimpo at binasa ng malamig na tubig bago ipinunas kay Ryujin. Naghanda din siya ng tubig para ipainom dito.

Kumuha na rin siya ng pamalit na damit nito sa bag na dala niya kanina bago siya nagayos ng sarili.

Tinitigan lang niya ang kaibigan at nagisip ng dahilan kung bakit bigla siyang nag.ayang uminom at kung bakit ganun na lang siya kalakas uminom.

Alam niyang may pinagdadaanan si Ryujin at hiling niyang na mag.open up ito kahit papaano. Pero she understands naman kung hindi ito magiging madali para sa kanya.

Dalawang oras ang lumipas at naalimpungatan si Ryujin lalo ng mapansin niyang wala siya sa apartment niya. Agad namang lumapit si Lia at inabutan ng isang basong tubig.

"Ubusin mo muna yung tubig para mabawasan ang amats mo" Sinunod naman niya ito at talagang naubos niya ang laman ng pitsel.

"Kanina pa ba ako tulog? Pasensya na sa abala ha"

"Okay lang Jin. Marami ka ding kasing nainom"

Ayaw na sanang umiyak ni Ryujin pero nang maalala niya kung bakit siya uminom ay hindi na niya napigilan ito. Niyakap na lang siya ni Lia at hinayaan siyang ilabas ang nararamdaman.

"M...may iba na s...siya. T...tangina! May iba na siya!" Bigla niyang pagamin sa kaibigan.

Hindi na rin napigilan ni Lia na maiyak na din. Nasasaktan din siya para sa kaibigan niya. Lalo na at alam niya kung gaano siya nagsisikap sa trabaho para sa girlfriend niya.

Kumalas sa pagkakayakap si Ryujin at tumitig lang sa sahig habang nanginginig ang mga kamay na kumakamao.

"B...bakit parang ang d...dali lang sa kanyang g...gawin yun? M...may mali ba sa akin? P...porket ba hindi ako lalaki?"

Wala din naman maisagot si Lia sa kanya dahil hindi rin naman niya alam ang buong kwento. At kahit pa alam niya ito, hindi rin siya ang taong makakasagot sa mga tanong ni Ryujin.

"Nakausap mo man lang ba siya?"

Mabilis na umiling si Ryujin. Hindi rin kasi niya talaga plinano na kausapin si Yeji kagabi dahil alam niyang matataasan niya ito ng boses lalo at papangunahan siya ng galit. At hinding hindi niya kayang gawin iyon kahit pa nasasaktan na siya.

"Alam kong mahirap. Alam kong masakit pero yun ang una mo dapat gawin Jin. Para rin sayo un. Kung ano man ang sabihin niya, pakinggan mo muna siya"

"H...hindi ko alam kung paano ko siya sisimulang kausapin"

Wala man experience si Lia sa ganun pero siya ang madalas takbuhan ng iba niyang kaibigan.

"Kelan ka ba ulit uuwi?"

Napaisip si Ryujin. Ang susunod na dapat uwi niya ay sa birthday ng tatay niya sa susunod na buwan.

"Next month pa eh"

Natahimik sandali si Lia at nagisip.

"Sa isang linggo, uwi tayo sa inyo. Para makausap mo na siya. Ano man ang magiging resulta ng paguusap niyo, sasamahan lang kita Jin. Support system kumbaga"

Sobra sobrang nagpapasalamat si Ryujin at nakilala niya ang isang Lia Choi. Na siguro kung wala ito ay nabaliw na si Ryujin sa kakaisip ng kung ano ano.




 

Sa bahay muna ni Lia namalagi si Ryujin habang hindi pa siya pwedeng pumasok. Kinausap niya na din ang boss niya sa weekend part time job niya na magreresign na din siya dahil nga nakakaapekto na ito sa kalusugan niya.

Kahit pa naiiwan magisa sa apartment si Ryujin ay hindi niya sobrang ramdam na nagiisa siya dahil panay din naman ang pagmessage sa kaniya ng mga kaibigan niya.

Mas nagiging kalmado na naman siya habang nagmmuni muni at hinahanda na niya ang sarili sa mga pwedeng mangyari at marinig niya mula kay Yeji.

Kahit bago pa maging sila, naisip niya na if they made it work, may posibilidad pa din na maghihiwalay sila. Masama man isipin na pinapangunahan niya ito pero hindi pwedeng ipa.walang bahala ang katotohanan na pwede talaga mangyari ito.

Kahit ayaw niya talaga dumating sa puntong iyon. Hanggang sa hindi matatanggap ng pamilya ni Yeji ang relasyon nila, hindi din sila magiging masaya ng buo.

Kasi kahit mas masarap isipin na ilalaban nila ito hanggang dulo gaya ng pangako nila nung naging sila, hindi mo maaalis ang katotohanan na may timbang pa din ang tingin ng ibang tao lalo na ang sarili mong pamilya.





Isang linggo ang lumipas at nagaantay na ng bus sina Ryujin at Lia. Gusto pa sanang mag.back out ni Ryujin pero pinaalalahanan siya ng kaibigan na kapag lalo lang niyang patagalin ito, mas lalo siyang mahihirapan.

Nahalata din kasi sa trabaho nila na hindi na siya ganun ka.active. Kahit mismong ang pinsan niya na katrabaho niya ay nanibago.

"Nagsabi ka ba kay Yeji na uuwi ka?" Tanong ni Lia pag-upo nila ng bus.

"Hindi eh"

Nabatukan naman siya ni Lia. "Eh paano kung busy pala siya. Eh di sayang biyahe natin"

Huminga siya ng malalim. "Sa totoo lang, nakausap ko ang kapatid ko na kaibigan ang pinsan ni Yeji. Madalas lang naman daw itong nagbabantay sa store"

Tumango lang si Lia.

 

Hindi rin nagtagal ay nakatulog ito at nagising na lang ng alugin siya ni Ryujin.

Pagbaba nila ng terminal ay naglakad na sila papunta sa bahay nila Ryujin.

"Pagpasensyahan mo na ang bahay namin ah"

"Noh ka ba. Tumira din ako sa lolo't lola ko sa probinsya namin dati. Mas masaya nga dun sa totoo lang"

Pagpasok nila ng bahay ay nagulat pa ang tatay niya sa kaniya at hindi nga naman inaasahan ang paguwi ng anak.

"O anak. Hindi ka naman nagsabing uuwi ka. Hindi man lang ako nakapagluto pa" bati ng tatay niya.

Nag.mano naman ito at ipinakilala na si Lia. "Tay, si Lia po pala. Kaibigan at katrabaho ko sa Maynila"

Ginaya naman ni Lia ang pag.mano sa tatay ng kaibigan. "Ay hello po. Pasensya na po sa abala"

Nakarinig sila ng mabigat na yapak at nagpakita na nga si Kyujin sa hagdan na tumakbo papunta sa ate niya. Dahil hindi niya na.estema ang pagkabuka ng kamay niya ay nadamay si Lia sa pagyakap nito.

"Miss na agad kita ate. Pasalubong ko?"

Babatukan na sana ni Ryujin ang kapatid ng makaramdam siya ng kurot sa tagiliran. At tsaka inabot ang paperbag na dala nila.

Pinagtimpla na lang muna ni Kyujin ng juice ang bisita nila bago siya umakyat ulit para isukat ang mga bagong damit niya.

"Kamusta ka na ba anak?"

Tumingin muna si Ryujin kay Lia na tumango. Senyas ito na umamin na sa tatay niya kung ano na nga ba talaga ang lagay niya. Physically, emotionally at mentally. Inamin niya sa tatay niyang nahihirapan na siya lalo pa't ang purpose talaga ng paguwi niya ay ang harapin si Yeji.

"Gusto ko pa lang huminga ng tawad anak. May mga naririnig na kasi akong bali-balita pero ayaw kong maniwala. Ayaw ko din na sa akin mo maririnig ito kaya mas mabuti nga talagang kausapin mo na si Yeji" tumayo ang tatay niya at hinawakan ang balikat ng anak. "Kung ano man ang sasabihin ni Yeji, nak, andito lang kami ni Kyunjin ha. Pati na din ng kaibigan mong si Lia na sinamahan ka pa talaga dito" humalik sa ulo ni Ryujin ang tatay niya bago umakyat ng hagdan.

Kinutuban na siya ng masama. Nagsimula na namang sumikip ang dibdib niya. Pinilit niyang hindi isipin ang bagay na iyon dahil alam niya na kapag yun nga ang dahilan ay lalo siyang masasaktan. At sa totoo lang, hindi na niya alam ang gagawin niya. At kung may magagawa pa ba talaga siya.

Napalabas ng yosi si Ryujin. Isang habit na natutunan niya na siyang nakatulong din sa kanyang kumalma. Nanginginig niyang sinindihan ang stick habang nangingilid na ang mga luha niya.

Hinawakan na lang ni Lia ang libreng kamay nito para tulungan na kumalma si Ryujin.

Naka.tatlong stick din siya bago siya tumayo ulit. Naghilamos siya at nagpalit ng damit bago nag decide na puntahan na nila si Yeji.

Hindi niya alam kung saan ang eksaktong pwesto ng store dahil tanging ang pangalan lang nito ang nabanggit ng kapatid.

Halos kalahating oras din silang naglakad papuntang bayan galing sa kanila at natuntun na nga nila ang maliit na pwesto na may karatulang:

 

For YR Convenience.

May emphasis pa sa Y at sa R at naisip pa ni Ryujin na baka siya pa din talaga ang mahal ni Yeji para ilagay ang initials ng pangalan nila.

Naunang pumasok si Lia para i.confirm na andun nga si Yeji at nagmessage naman kaagad ito kay Ryujin na andun nga pero sinubukan ding pigilan na pumasok.

Huli na nang mabasa ni Ryujin ang message dahil nakapasok na siya ng pintuan at sakto na may inaayos si Yeji sa isang shelf. Hawak pa nito ang balakang niya na para bang nahihirapan siya.

"Surprise mahal" bati ni Ryujin. Pinilit pa din niyang ngumiti kahit gusto na niyang lumabas ulit.

Nagulat rin naman talaga si Yeji ng makita niya si Ryujin. "B...bakit ka nandito?"

"Gusto lang kitang makita mahal. Miss na kasi kita eh. Peromukhang sobrang busy mo dito sa business mo" pigil na pigil si Ryujin sa pagtulo ng luha niya.

Hindi mapakali si Yeji at lalong hindi siya makatingin kay Ryujin. "Sorry. Sorry hindi ko sinabi sayo. H...hindi ko kasi alam kung paano nang hindi ka masasaktan kaya... kaya pinili kong hindi na lang sabihin"


'Di naman sa panunumbat
Nakalimutan mo na bang lahat?


Huminga ng malalim si Ryujin. "Marami kang hindi sinabi mahal. Tulad na lang ng pagtigil mo pala sa pagaaral. Dito ba napunta yung mga pinapadala ko?"

Tumango na lang si Yeji.

"Bakit hindi mo sinabi? Bakit kailangan mong itago? Maiintindihan ko naman kung ayaw mo na pala mag.maynila. Kaya naman nating palaguin ito eh. Di ba a...ako naman yang R n yan?"

Hindi nakasagot agad si Yeji kaya lalong hindi mapakali si Ryujin.

"Mahal. Sagutin mo naman ako o" pagmamakaawa ni Ryujin. Sinubukan pa niyang lapitan si Yeji pero umatras agad ito.

"I'm really sorry Ryujin. Alam kong hinding hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko. Pero para sa pamilya din namin ito"

Hindi nakalagpas sa tingin ni Ryujin ang pasimpleng paghawak ni Yeji kanyang tiyan. At lalo na ngang nanghina ang tuhod ni Ryujin.

Pasalamat na lang sila na walang iba pang customer maliban kay Lia na kunwaring nakikinig ng music gamit ang earphones pero nakikinig lang talaga siyaat  pigil na pigil na din na hindi muna lapitan si Ryujin. Awang awa na siya sa kaibigan.

Lalong hindi rin nakaligtas sa paningin ni Ryujin ang daliri ni Yeji na dati ay suot pa ang gawa niyang singsing ngunit ngayon at napalitan na ng kumikinang na bato.

"Kelan pa Yeji? Kelan mo pa ako niloloko?"

"Mahalaga pa ba iyon? Tapos na tayo Ryujin"

Nagpunas ng luha si Ryujin at tinignan sa mata si Yeji. "Pitong taon Yeji! Pitong taon tayo! Pero higit pa dun nang minahal kita tapos... tapos ganito na lang? Ganun ka na ba kasama? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sayo, lahat ng sinakripisyo ko para lang matulungan kang makapagtapos ng pagaaral, lahat ng tulog na hindi ko ginawa para lang makapagtrabaho pa ako para makadagdag sa ipon - wala na lang iyon sayo?"

"Tingin mo ikaw lang nahirapan? Ikaw lang nagsakripisyo? Na porket ikaw ang nagtatrabaho sa Maynila na hayahay ako namumuhay dito? Ikaw ba tumatanggap ng mga pinagsasasabi ng ibang tao na salot daw tayo sa lipunan? Na sana ay tamaan tayo ng kidlat? Na mahiya naman daw ako sa kuya ko na nagkakalat ng mabuting balita pero ang kapatid naman ay nagkakalat ng kadumihan? Andito ka ba para saluhin lahat iyon? Wala di ba? Kaya masisisi mo bang mapagod ako sa bawat araw na lang ay may maririnig akong ganun. Na sa sarili naming bahay ay maririnig ko yun sa nanay ko"

"Ilang beses akong umuwi dito. Ni isang beses hindi ka man lang nagsabi sa akin. Eh di sana matagal na kitang kinuha. Di ba pangako ko sayo na ako ang bahala sayo? Kung alam ko lang eh di sana ginawan ko na ng paraan"

"Tama na Ryujin. Wala ng magbabago pa. Sorry kung nasaktan kita. Kung nasasaktan kita. Pero tapos na tayo"

Alam ni Ryujin na matagal na siyang talo. Gaya ng buhay, ang pagibig parang gulong, dadalhin ka sa taas kung saan ang masasayang araw ninyo, minsan ay dadalhin sa baba kung saan ang masasakit na mararanasan niyo. Sa lagay ni Ryujin ay flat na ang gulong ng pagibig niya. Dahil hindi na siya nagiging masaya.

Oo, nasaktan din si Yeji sa mga mapanghusga nilang kababayan kaya siguro mas piniling niyang pumunta sa tuwid na daan. Pero sana lang ay maayos niya itong ginawa. At hindi sila lalong nagkasakitan.

Mahal niya si Ryujin pero hanggang kaibigan na lang kaya niyang ibigay dito.

Lalo pa't magkakaron na siya ng sarili niyang pamilya kasama si Renjun.





Pagkatapos magsagutan ang dating magkasintahan ay lumabas na ng store si Ryujin na sinundan naman ni Lia matapos bumili ng tubig. Hinabol niya ang kaibigan na dire.direcho maglakad sa tawiran. May ibang drayber ang binusinahan sila kaya si Lia na ang humingi ng tawad.

"Gago! Huwag mo kaming idamay sa pagpapakamatay mo!" Sigaw nung isang drayber.

Nang makahabol si Lia kay Ryujin ay agad niyang inabutan ng tubig ito pero hindi niya ito pinansin. Dire.direcho lang ang lakad niya hanggang makarating na sila sa tabing ilog. Umupo naman si Ryujin sa isang malaking bato na tinabihan naman agad nung isa.

Nakatulala lang si Ryujin sa tubig. Kaya hindi rin alam ni Lia ang gagawin niya.

Bilang witness na din siya sa usapang nangyari ay alam na niya ang kwento. Sana lang ay nasagot ni Ryujin ang mga katanungan niya. Kahit gaano pa ito kasakit.

Hindi rin talaga biro ang pinagdaanan ng kaibigan niya. Biruin mo, seven years na kayo tapos maghihiwalay pa?

 

Kaya hindi na uso ang forever eh.

Alam niyang nasasaktan ang kaibigan niya pero hindi niya alam kung gaano ito nasasaktan. At kung paanong pwede niya bang akuin kahit kunti yung sakit.

"Ang daya noh? Sabi nila hindi ibibigay sayo ang isang pagsubok kung alam niyang hindi mo malalapagpasan. Iniisip ko pa lang pero di ko alam kung kakayanin ko. Paano ba kung ayoko na lang lumaban. Pwede ba yun? Pwede bang magpa.anod lang ako sa ilog na ito? Ubos na ubos na ako" walang ekspresyon na sabi ni Ryujin.

Sa totoo lang kinakabahan si Lia. Baka kasi kung ano bigla ang gawin ng kaibigan.


Di mo na ako kailangan
Nahanap na ang 'yong tahanan sa iba


"Gusto kong magalit sa kanya. Dahil niloko niya ako. Dahil sinaktan niya ako. Dahil hiniwalayan niya ako. Dahil pinili niya ang taong tingin niyang tama kesa sa taong mali sa iba pero nagpapasaya ng tunay sa kanya. Dahil sinimulan na niya buuin ang pinapangarap naming dalawa ng magisa. Dahil bumubuo na siya ng pamilya na hindi ako ang kasama" dugtong pa nito. Kumuha muna ulit siya ng yosi at nagsindi.

"Pero naisip ko din na baka nga hindi talaga kami para sa isa't isa. Na kailangan ko na lang tanggapin na hindi ako ang para sa kanya. Kasi... kasi magiging nanay na din siya tulad ng matagal na niyang gusto. Hindi ko naman kaya gawin yun sa kanya. Kaya siguro naiintindihan ko din kung bakit mas pinili na lang niya akong saktan para sa mga bagay na alam niyang mas tama sa kanya"





Gabi na nang mapagdesisyunan nilang bumalik sa bahay nila Ryujin. At pareho silang nagulat ng makita si Yeji sa sala, kausap ang tatay niya.

"Halika Lia, hatid na muna kita sa kwarto ni Ryujin" sumunod naman kaagad si Lia at umakyat na ng hagdan.

Nang maiwan sina Ryujin at Yeji sa sala, walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Nagpapakiramdaman sila kung sino unang babasag ng katahimikan. Gustung gusto ng lumabas ulit ni Ryujin pero hindi rin niya magawa.

"Ryujin. Gusto ko sana ulit humingi ng tawad. H...hindi ko sinasadyang saktan ka ng ganito. Sa maniwala ka't sa hindi, pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam kong naging unfair ako sayo... sa maraming bagay. N...nung nagkasakit si nanay, gulung-gulo ako. Hindi ko masabi sayo yung totoo kasi iniisip ko na may mga sarili ka ding mga problema at ayoko ng dagdagan pa ang iisipin mo"

Nakikinig lang si Ryujin sa mga sinasabi ni Yeji.

"Nakilala ko si Renjun nung nag community service kami sa Tondo. Volunteer siya dun at dun kami naging malapit. Linggo lingo siyang bumabiyahe pa dito hanggang sa nag renta na siya ng apartment sa bayan. Tumutulong siya sa palengke kaya naging malapit lalo ang loob namin sa isa't isa pati na din kina nanay at kuya. Hanggang sa... hanggang sa may nangyari sa amin. Umamin siya na gusto niya ako kaya nung nalaman niyang buntis ako ay nag.propose na din siya"

Masakit na para kay Ryujin nung hindi pa sinasabi ni Yeji ang kabuuan ng kwento at mas lalong masakit ngayong narinig na niya.

Kaya naman pala nanlalamig na si Yeji sa kanya nung mga nakaraang buwan ay dahil may nagpapainit ng iba.

Ano pa nga bang magagawa ni Ryujin?

"Ayoko ng isumbat pa lahat ng ginawa ko para sa iyo Yeji. Hindi rin tama dahil pinili ko namang gawin yun. Para sayo. Para sa atin. Para sana sa atin. Alam kong hindi ka na makakarinig ng kung ano pa galing sa iba dahil tama na sa paningin nila ang kasama mo. Sobrang sakit lang mahal!"

Huminga ng malalim si Ryujin at nilapitan si Yeji para yakapin ng mahigpit. Hinalikan niya rin ito sa noo bago humiwalay.

"Perohindi ko na kayo guguluhin. Dahil alam ko na ngayon, na di mo na ako kailangan"

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
RVSone0105
890 streak #1
Chapter 3: huhuhu tapos na ba to?? akala ko seulrene happy ending ito, angst pala 😭😭😭
juhyuneeeee
94 streak #2
bakit ang sasakit naman hahahah 🥹😭
howdoyouknowmee
539 streak #3
Chapter 2: Ang konti lang ng ryeji fics tapos ang sasakit pa huhu
wenrenes
#4
Chapter 1: what at ending. not gonna lie, halfway through reading the story, i had a worry na baka maging endgame pa din sina joohyun and seungwan kasi i'm honestly not rooting for them haha. i'm glad you ended it the way it's supposed to be, author. thank you for writing this!
paradoxicalninja
#5
Chapter 1: ang sakit non haha 💔 pero alam mo na agad na doomed yung relationship if isa lang yung willing lumaban, umintindi, humanap ng compromise. and ang lungkot na it took losing seungwan (for good) for joohyun to realize all that.

thank you author for this. kahit masakit 😔
juhyuneeeee
94 streak #6
okay im seated 🫣