Ako Muna (WenRene)

Ang Kantang Ito...

https://youtu.be/TDztpIaYcEw

 

"Let's break up"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng narinig ang mga salitang iyon. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na ako nasasaktan sa tuwing gusto niyang makipaghiwalay sa akin. Yun ang paraang alam niyang tama sa tuwing may hindi kami pagkakaintindihan. Imbes na pagusapan namin ng maayos ay mas gugustuhin niyang maghiwalay na lang kami.

At hinahayaan ko naman siya.


Kung ano man ang dahilan na ako'y binitawan
Sapat na ang ikaw ay nakamtan, dati kong pangarap
'Di ba kahit ganito
Umaasa pa rin ako tayo sa huli


Well, it wasn't always like that. I remember the first time naming magaway ng malala at unang beses niyang sinabi yun ay lumuhod talaga ako at nagmakaawa. Halos namanhid na ang mga tuhod ko nung gabing iyon pero pinilit pa din niya ang gusto niya at iniwan pa din ako sa labas ng apartment niya. Hindi ko na inintindi ang mga nakakakita sa amin. Ang gusto ko lang ay magkaayos kami pero talagang nagmatigas siya.

I went home that night and drank until I passed out. Siguro kung hindi pa umuwi ang room mate ko nun sa dorm ay hindi ako gigising.

Parang ayoko na lang gumising.

Masakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko nung time na yun.

Kahit naman ngayon ay masakit pa din.

She was three years older than me pero we've known each other for a little more than that. High school pa lang ako, crush na crush ko na siya to the point na sa same university din ako nagenroll para palagi ko pa din siyang makikita. Despite my parents being against the course I took, pinilit ko din na galingan sa entrance exam and I was so proud of myself when I snatched the first place and was given a scholarship kahit hindi naman kailangan.

Second year in college, umamin ako sa kanyang gusto ko siya. I even had this grand plan na kantahan siya in front of everyone and asked kung pwede akong manligaw but decided not to dahil alam na alam ko din na she would feel more pressured to give me an answer. So pinakiusapan ko na lang ang room mate ko na makitulog muna sa dorm ng iba naming friends para makapagset up ako ng romantic dinner for her.

It was awkward at first dahil alam kong nagulat siya pagpasok ng dorm room ko na may nagkalat na mga kandila at may table na naka.set for two sa gitna ng sala. May pa.background music pa ako na ilang araw kong pinagisipan. I guided her to her seat before serving our food. Dinner went well and when I finally had the guts to ask, I looked her straight in the eye.

"Joohyun, I really like you. I know that you already have an idea. But still, I want to tell you. Gustung gusto kita. Matagal na actually" I paused for a bit before continuing. "I hope I'm not just assuming things pero I feel na somehow you feel the same for me" There was a sparkle in her eyes and it made me relax. "And I want to do this right Hyun. I even talked to tito and tita about this" Kita ko ang gulat sa mukha niya. "Can I, Seungwan Son, formally court you Miss Joohyun Bae?"






Tatlong taon ko siyang niligawan bago niya ako sinagot.

At ever since naging official kami ay hatid sundo ko siya sa trabaho since nauna nga siya grumaduate sa akin. Kahit may mga kailangan pa akong tapusin na thesis at kung ano ano pang paperworks for my major subjects, I would never fail to drive her to and from work. I did not mind that I had less sleep para lang on time ako palaging sumundo sa kanya with a hot choco and sandwich since I know hindi siya madalas magbreakfast. Inayos ko din ang schedule ko to make sure na by 4PM ay tapos na lahat ng klase ko to make time sa pagsundo sa kanya. Kalkula ko din pag may traffic kay humohonda talaga ako.

Hindi rin naman siya mahilig magovertime and there were only a few instances na late siyang lalabas ng office building kaya sa kotse or sa nearby cafe na lang ako gumagawa ng school works ko.

The first time na hindi ko siya nasundo ay yung time na I had a thesis defense. Graduating na rin kasi ako and I only have that left. Sumobra kasi sa oras yung nauna kaya na.push back yung sa akin. I didn't have the chance to text her dahil I was focused din sa iprepresent ko. Pero during the time na nagppresent na ako ay bigla bigla akong matutulala dahil iniisip ko ang girlfriend ko na for sure ay naiinis sa akin.

By the time natapos ito ay nagcheck agad ako ng phone with several messages from her.

Where are you?

Kanina pa kita inaantay.

So ano wala kang paramdam ngayon?

Whatever. Uwi na ako.

I don't know where the hell you are. Pero please huwag ka muna magpakita sa akin. I was expecting for you to be there kasi ang dami kong dala pero ni anino mo hindi ko nakita. You didn't even have the decency to let me know na hindi mo ako masusundo. Bahala ka na nga!

Right after matapos magsalita ng comments ng panel, I excused myself and ran out the door. Madilim na din when I got to my car and I knew I was so doomed.

Hindi naman ganun kalayo ang apartment niya from the university kaya mabilis din akong nakarating dito. When I got there, I rang the bell pero hindi niya ako pinagbuksan.

Love, please let me in.

Sorry talaga hindi ako naka.message. Please, usap tayo.

Love? Tulog ka na ba? 

May 15 minute interval sa bawat messages ko sa kanya pero wala akong nareceive na reply sa kanya. It had started to rain na din at hindi ko dala ang payong ko. Pero dahil ayokong matapos ang araw na ito na hindi kami nagkakaayos ay tumambay lang ako sa tapat ng pintuan niya.

Hindi ko na din namalayan na nakatulog na pala ako nang may tumapik sa aking delivery guy.

"Mam, taga dito ka po ba?"

Nagulat pa ako sa lalaki pero nung napansin ko nga ang paperbag na hawak niya ay nakaisip ako ng ideya.

"Bayad na po ba yan?"

"COD po siya mam. 250 pesos po"

I fished my wallet from my pocket and gave him the money. Sinabihan ko din na mag message sa nagorder to let her know na andito na ang delivery. Pagka.confirm naman na palabas na din siya ay pinaalis ko na si kuya.

As expected, may halong gulat at inis pa din si Joohyun when she saw me holding the delivery.

"Anong ginagawa mo dito?" Sobrang cold ng pagtatanong niya.

"I... I was waiting for you" mahina kong sagot. Inabot ko sa kanya ang food niya pero tinignan niya lang ito.

"Hindi na pala ako gutom. Umuwi ka na Seungwan"

Napabuntong hininga na lang ako. "Love. Let's talk please?"

"Why?"

"I just want to explain myself"

Kita ko ang pagikot ng mata niya at pagtaas ng isang kilay niya. "No need na"

"Late kasing natapos yung nauna sa akin sa defense kaya late din akong nakapagstart. Hindi rin ako makapag.message cause I was focused sa possible questions ng panel"

"Like I said, you don't need to explain. Kaya umuwi ka na lang" deadpan niyang sabi.

Nangingilid na ang mga luha ko at this point. Alam kong naiinis siya sa akin. And naiinis din ako sa sarili ko.

"Ayokong umuwi ng hindi tayo nagkakaayos Love. Huwag ka na po mainis sa akin, please?"

She scoffed. "Naiinis? Is that what you think I feel? Alam mong marami akong iuuwing gamit kanina. Nagmukha akong tanga sa lobby na bitbit ang sandamakmak na paperbags tapos hindi ka naman pala dadating!"

"Love, I'm really sorry. Kasalanan kong hindi ako nakapagsabi"

I tried to hold her with my free hand pero tinaboy niya lang ito.

"Buti alam mo! At sinasabi ko na din sayo na sobrang sama ang loob ko sa iyo kaya umuwi ka na lang!"

Aware akong may nakakakita sa amin na ibang tao. Along a busy street din kasi ang apartment niya pero wala akong pakialam. I tried to explain ulit pero she just shut me down at lalo akong pinagtabuyan.

"You know what? Let's just break up"

When I heard those words, napaluhod talaga ako sa harap niya at nagmakaawa.

"Please don't say that Love. Alam kong kasalanan ko ito pero huwag ka namang makipaghiwalay sa akin. Babawi ako sayo. Promise!"

Tuloy tuloy na ang mga luha ko pero she was really decided on what she wanted.

Wala na akong nagawa lalo nang pagsarhan na niya ako ng pinto and I was left still kneeling.

After a while, I mustered my strength to stand up before walking back to my car then drove to the convenience store near my apartment and bought alcohol. A lot of it.

Wala ang roommate ko that night dahil may group study sila kaya malaya akong nakapaginom ng walang pumipigil sa akin. Hindi ko na nga alam kung sa pang ilang bote ako nakatulog. Ang alam ko lang ay nadudurog ang puso ko at ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

When I woke up the next day, my room mate Seulgi was shaking me.

"Dude! Anyare sayo? Ginawa mong beer house yung apartment" sabi niya as she scanned the empty cans on the floor.

I looked at her and saw her concerned face. "Hyun broke up with me" I simply answered.

I went on telling her of what happened at akala ko naubos na ang mga luha ko pero unlimited pala ang supply nito.

I gave her the break she wanted and kahit kating kati ako na puntahan ulit siya ay pinigilan ko ang sarili ko at nag focus na lang sa thesis ko na kinailangan irevise. My parents were not happy sa nangyari especially that I had to lie to them na last minute akong nagbago ng topic kaya hindi sobrang pulido ng gawa ko.


Di mapigil ang damdamin na ika'y hahanap-hanapin
Ngunit kailangan kong magtiis sa halik mong matamis
Kahit ganito
Umaasa pa rin ako tayo sa huli


I was given another month to re-defend my thesis kaya I pushed myself hard to make sure na mas maayos ang work ko. Kahit pa I really wasn't myself during those times. I was at my lowest pero ayokong ipakita sa iba iyon so I went on and tried to focus on my studies.

 

Tatlong linggo akong nagkulong sa kwarto ko at lalabas lang pag kakaen para lang talaga maging okay ang output ko. Halos di na nga din ako natutulog and in between din ay umiinom ako magisa, ayoko din ipakita ito kay Seulgi kasi ayoko nga na makadagdag pa ng iisipin ng ibang tao. Fortunately, naging successful naman ang defense ko and was even given a really high mark from the panel.

Seulgi and her classmates also were given a high mark kaya naman we had a celebration. Nag.pre game na din ako ng stronger alcohol bago pumunta sa apartment ni Sooyoung kung saan gaganapin ang party. And when I got there, it was already in full swing. May ilang kegs ng beer sa isang table at dun ako tumambay. Paminsan minsan akong makikisayaw sa iba pero most of the time ay refill lang ako ng refill ng baso ko.

Hindi ko na alam kung ano ano na ba ang mga nainom ko dahil may mga dumating at may dala ng iba pang alak. I think someone even offered a party drug to me and since I was way too drunk to notice kung ano yun, I tried it out.

I don't really remember what happened next at kung paano ako nagising sa hospital but the first thing I saw was Joohyun, sleeping on the chair next to the bed.

Akala ko pa nung una eh nananaginip lang ako but when she stirred awake and saw me, I realized this was not a dream.

Oh how I missed seeing her. Isang buwan kaming hindi nagkita at walang paramdam sa isa't isa pero andito siya ngayon at hinahawakan ang kamay ko.

"Love, I'm sorry" panimula niya. Hindi ako sure if it's because of the alcohol or the meds na nakaturok sa akin pero I feel like I'm still drunk and was just imagining things. She apologized for what she did and she said it took her a while to finally have the guts to face me and asked if we could get back together.

I love her and will always love her no matter what kaya naman nung araw na iyon ay nagkabalikan kami. She even asked me to move in with her which I did but after I graduated na.

The second time she said those words was when she got promoted sa work. That meant more money to her and od course, an achievement but that also meant more hours sa office. May bago kasi silang client na nagpapatayo ng building at isa siya sa mga nag-oover see nito. For someone na may fear of heights, hindi niya ipinapakita ito sa tuwing pumupunta siya sa site.

Fixed ang schedule ko kaya hatid sundo ko pa din siya. Difference nga lang ay paiba iba na ng oras siya magpasundo. I didn't mind naman kaya laking gulat ko na maabutan siyang papasok na ng bahay bago pa ako makaalis.

"Love, hinatid na ako ni Bogum. Same way lang din pala siya pauwi" bungad niya sa akin bago humalik.

I'm not really a jealous person pero the way her face lit up when she said that name, I felt a sting. Kilala ko naman yung guy. We met nung day na na.promote to a manager si Hyun. Dun pa lang, napansin ko na ang ibang pagtingin ng lalaki sa girlfriend ko. I mean, Joohyun Bae na yun. Isang diyosa. Kaya I get na may lagkit ang mga tingin niya. Pero sorry dude, off limits.

I waited na lang na makatapos siyang maka.freshen up at ininit na lang ang niluto kong dinner namin. Usapan kasi namin na since hindi kami sabay nakakapag lunch ay sabay kaming kakaen ng dinner.

Usually it will take her around 30 minutes to take a shower at magbihis pero dahil nawili din ako sa pinapanuod ko bago siya dumating ay tsaka ko na lang napansin na isang oras na pala ang lumipas at hindi pa din siya bumababa. So I went up our room and found her already sleeping.

Pagod lang siguro siya.Tama. Pagod lang siya.

And so for the first time in a while ay magisa akong nag.dinner.

Hanggang sa napadalas ang OTs niya sa office, ang paghatid sa kanya pauwi ni Bogum at ang pagdinner ko ng magisa.

I really didn't want to make a big deal about it dahil malaki nga naman yung building na pinapatayo nila. So inisip ko na lang na once it's done, malelessen na ang workload niya.

A week after maitayo ang building at mabless ito, at dahil nalalapit na din ang 3rd anniversary namin ay nagplano ako ng vacation for both of us.

"Love, staycation tayo. Tamang unwind lang. I know you've been stressed din sa work" sabi ko over breakfast ng isang weekend.

She was busy with her phone kaya naman it took a few minutes bago siya sumagot. "Sorry, ano yun?"

"Sabi ko staycation tayo. Para naman ma.relax relax ka"

"Kelan?" She asked without even looking at me.

"Two saturdays from today po"

"Nako. May seminar kami nun sa Tagaytay eh. May potential clients din kasing aattend kaya need namin na andun to talk things out" mabilis niyang sagot, still not looking at me pero ngumingiti sa phone.

Nakaramdam na ako ng kakaiba pero I chose not to say anything about it. Sasabihan naman niya siguro ako kung may problema. Work comes first nga din naman kasi at alam kong pinagiipunan niya na makapagpatayo ng bahay para sa parents niya.

"Pero anniv-"

Di ko natuloy ang sasabihin ko at may tumawag sa kanya and she excused herself to answer it. Which she doesn't do before.

Niligpit ko na lang ang mga pinagkainan namin and decided to take a bath. At kasabay ng pagbagsak ng tubig ay ang mga luha kong matagal ko ng inipon.

Two weeks later ay hinatid ko siya sa office at may van naman daw silang gagamitin papuntang Tagaytay. Umalis na din ako kaagad pero I really just parked a little farther and saw Joohyun na pumasok sa sasakyan ni Bogum.


Kahit na parati kong nararamdaman
Pag-ibig mong nanlamig pinipilit kong painitin
Ngunit kahit ganito
Umaasa pa rin ako mahal mo sa huli


Maaga pa pero wala naman masama mag early drinking di ba? And that's what I did when I got home. Inimbitahan ko na din ang mga kaibigan ko from college and had a mini reunion.

Habang inaantay namin dumating ang food ay tumambay muna ulit ako sa kitchen. Faking na may hinahanap pero sunod sunod lang ang refill ko sa baso.

"Asan pala si Joohyun? Di ba -" natigil si Seulgi sa sasabihin niya nang makita niya ang naluluha kong mata.

Kinulong naman niya kaagad ako sa yakap habang pinapat ang likod ko.

"Hanggang kailan Wan?"

 

Simple niyang tanong na hindi ko mabigyan ng sagot. Ayokong mawala si Joohyun sa buhay ko kaya magtitiis ako ng magtitiis kahit nasasaktan na ako. Alam kong sooner or later ay maririnig ko na naman ang mga salitang ayokong marinig.

She got back from their business trip. Kunwari na lang na kakarating ko lang sa office nila when in fact ay dalawang oras na akong andun. Hindi naman masakit yung nakita ko siyang bumaba sa sasakyan ni Bogum. Parang kagat lang naman ng dinosaur. Pero nakangiti ko siyang sinalubong with a bouquet of her favorite flowers.

"Belated happy anniversary Love. San mo gustong kumaen?" bati ko without trying to make my voice sound broken.

I saw how her reaction changed from a surprised one to a worried one.

"Oh my god! It totally slipped my mind Love. I'm really sorry"

Hindi siya ma.PDA na tao kaya ako mismo ay nagulat ng halikan niya ako at yakapin ng mahigpit.

"I missed you"

"I missed you too Love"

We went to dinner and when we got home, she was wild as we made love.

Ilang buwan pa ang lumipas at may bago na naman silang projects. Maganda daw ang naging usapan with the clients sa Tagaytay kaya naman ay sabay sabay silang nagpatayo ng buildings.

And just as I expected, mas lalo siyang naging abala dito. Sa kama ko na lang siya nakakasama. Minsan wala pang usap at nagmamadali siyang magayos papasok or pagod siya masyado pagkauwi.

Inintindi ko yun.

 

Yun lang din naman ang magagawa ko.

 

Intindihin na importante sa kanya ang trabaho niya dahil alam ko kung gaano niya pinagsisikapan na maipatayo na ang bahay ng magulang niya.

Pero kahit gaano ko intindihin ang sitwasyon, hindi ibig sabihin ay hindi ako nahihirapan at nasasaktan sa tuwing uuwi siyang nakangiti na matagal ko ng hindi nakikita na ako ang dahilan.

She didn't come home one night and I had to resort to calling one of her workmates about her whereabouts. Which caused her na awayin ako because of it.

"Bakit kailangan mong tawagin si Jennie? Hindi lang akong umuwi kailangan mangstorbo ka pa ng ibang tao? Ano na lang iisipin nila? Na bantay sarado akong sa jowa ko? Nakakahiya!"

I tried not to lose my sa mga sinabi niya. And just like always, ako na ang humingi ng pasensya.

"Pasensya na Love. Hindi ka kasi nagmemessage. Worried lang naman ako kasi hindi ka umuwi kagabi"

"For Christ's sake Seungwan! I'm an adult. Hindi ko kailangan na palaging magupdate kung nasaan ako"

Pero nagpintig ang tenga ko. "Oo Hyun. You're an adult na and just in case you're forgetting, you're also committed to another person. You are committed to me, your girlfriend. So hindi ba automatic yun na magaalala ako kapag hindi ko alam kung nasaan ka?" I said, making sure I didn't raise my voice.

She looked at me straight in the eye with an annoyed look on her face then said, "Then I don't want to be committed to you anymore. Para hindi ka na magalala" sabi niya bago siya umakyat ng kwarto.

I thought I was already ready for the impact of her words. But boy was I wrong.

For the second time, I let her go.


Lagi kong sinasabi sa aking sarili
'Di ka dapat masaktan kung tunay ang pagmamahalan
Ngunit kahit ganito
Umaasa pa rin ako mahal mo sa huli


I was no longer surprised to not see her the next day. And while she was at work, nag.file ako ng leave sa office so I can move out of her apartment.

I contemplated pa kung makiki.tuloy muna ako kina Seulgi at Sooyoung but then decided na maghanap na lang ng ibang apartment. Buti na lang naalala kong may pinauupahan yung isa kong katrabaho at available pa naman yung unit kaya pinuntahan ko na kaagad at naglipat ng mga gamit. Iniwan ko na din ang spare key ng apartment niya and left a letter.

Because of what happened, nakaapekto ito sa trabaho ko ng mga sumunod na buwan. Nalalate na akong magpasa ng mga reports at minsan ay pumapasok ako ng nakainom. My boss had to talk to me one on one and I already foresaw na matatanggal ako sa trabaho.

"Seungwan, what's going on with you? You're not like this" tanong ni Miss Boa.

Napayuko na lang ako. "I'm really sorry boss. I am well aware that personal matters should not affect the job but I can't help it. And I would understand if you'll fire me because of my poor performance and behavior. I... I'm just really sorry"

"I don't like letting go of people especially when I know what they're capable of. You're one of my best employees here Seungwan. If you want to take some time off, I will allow that. Use the time to fix whatever needs to be fixed. But when you return, I really hope you'd be back to your old self. The one who gives us the most organized reports, the one who drops dad jokes to her team mates, the one who always has a smile on her face and always ready to help. Find her and come back"

Laking pasalamat ko sa chance na binigay sa akin. Kaya ganun nga ang ginawa ko. Inayos ko ang sarili ko kahit pa minsan I had to fake a smile just to show na okay lang ako.

 

Na okay na ako.

 

Kahit alam kong niloloko ko lang ang sarili ko.

One friday came at nagkaayaan na mag.night out ang mga katrabaho ko. Kaya naman pumunta kami sa isang bar sa Taguig at nagpakasaya sa alak at tugtugan.

Kasama din naman ang aming boss at talaga nga namang hindi nagpakabog sa sayawan at kantahan. Gamit na gamit din ang company card para sa alak at pagkaen.

Patapos na ang set ng live band when they asked the audience kung may gustong maki.jam at hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at nagtaas ako ng kamay.

Hiniram ko pa ang gitara at saglit na inalala yung chords ng kanta.

"LET'S ALL GIVE A WARM WELCOME TO SEUNGWAN!" Sabi nung bokalista at nagsimula na akong tumugtog.

A hundred days have made me older
Since the last time that I saw your pretty face
A thousand lies have made me colder
And I don't think I can look at this the same
But all the miles that separate
Disappear now when I'm dreaming of your face

I'm here without you, baby
But you're still on my lonely mind
I think about you, baby
And I dream about you all the time
I'm here without you, baby
But you're still with me in my dreams
And tonight, it's only you and me, yeah

Natapos ko ang kanta at kahit rinig ko ang malakas na palakpakan ng tao ay mas rinig ko ang iyak ng puso ko.

Masakit. Sobrang sakit pa din talaga.

I bowed to everyone and went back to our table kung saan ako sinalubong ng mga hiyawan at papuri. I guess over time talagang na.master ko na ang pagpanggap.

 

Pagpanggap na masaya ako kahit unti unti na akong namamatay sa loob.

We called it a night after a few more buckets. Paglabas namin ng bar ay sumampal sa amin ang malamig na hangi at si Joohyun pa din ang una kong naisip. Mabilis siyang lamigin and according to her, "I'm her personal heater".

Habang nagaantay ng mga grab at nagyoyosi ang iba kong kasama ay may narinig kaming tili galing sa parking lot. Call me delusional pero kilala ko ang boses na yun. Hindi ko na din namalayan na naglalakad na ako palapit sa commotion.

"BITAWAN MO KO! NASASAKTAN NA AKO!"

Sumunod din pala ang iba kong kasama at kita namin kung paanong hinihila at pinipilit nung lalaki na pumasok yung babae sa sasakyan.

"IUUWI NA KITA! HUWAG KA NG MAGMATIGAS!

Nagpumiglas pa ang babae and we witnessed how he slapped her hard on the face na dahilan para mapaupo ito at dun na nga nandilim ang paningin ko at sumugod.

Tinulak ko ng malakas si Bogum at natumba naman siya. Halatang nakainom na din ito. Bago pa siya makabangon ay dinaganan ko siya at inulan ng mga suntok. Nang makabwelo siya ay ako naman ang sinipa niya. Alam kong tumama pa ako sa bumper ng sasakyan niya at mas lalo akong nahilo pero hindi ko na muna inisip yun. All I had in mind was to hurt him for hurting her. Nakailang palitan pa kami ng suntok bago kami naawat.

"TANGINA MO! BAKIT KA BA NANGINGIALAM?" sigaw nito habang nagpupumiglas pero once he finally recognized me ay mas lalo pa siyang nag.angas. "EH DI BA INIWAN KA NA NIYANG BABAENG YAN? MOVE ON MOVE ON DIN GAGO!"

Mas maluwag naman ang hawak sa akin kaya naka.sipa pa ulit ako sa s niya. Iyak si gago eh. Naka.doc martens ako tonight so goodluck.

Nang kumalma na ang paligid ay napaupo na lang ako sa sahig sa tapat ni Joohyun na tahimik na umiiyak, halata din kasing shaken pa siya sa nangyari. Pinunasan ko ang dugong tumutulo sa pumutok kong labi at tinignan siya.

"Are you okay?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Built differently naman pala itong si Seungwan" biro ng isa kong katrabaho na si Kai.

I saw how she was hesitating na lapitan ako kaya naunahan siya ng isa ko pang katrabaho na si Rosé na agad naman hinawakan ang mukha ko.

"I think we should bring you to the hospital. Baka lalong mamaga ang face mo" sabi nito at marahang pinunasan ang dugo sa labi ko.

"Concerned na concerned yern?" Biro naman ng jowa niyang si Lisa.

"Oo. Nagsasawa na ako sa mukha mo kaya kay happy crush na lang ako" balik nito at asar talo si mokong.

"Thank you sa panyo Rosie. Balik ko na lang pag nalabhan ko na. Okay lang ako guys. Una na kayo. I'll bring myself and Hy...her to the hospital. Kaya ko naman mag-drive" sabi ko sa mga kasamahan ko.

Tumango naman mga ito and went their own way after also making sure na okay lang ang ni.rescue ko.

I held my hand out and she took it naman at naglakad na kami papunta sa kotse ko.

"Sigurado ka bang walang masakit sayo?" Ulit kong tanong habang pinagbubuksan ko siya ng pinto. Hindi pa din siya nagsasalita pero hindi rin naman siya tumanggi pa at umupo na sa passenger seat.

Once I was inside, kinabit ko na din ang seatbelt niya bago ako kumuha ng wet wipes sa glove compartment and checked my face sa mirror to clean off the dried blood. Buti na lang at yung labi at kilay ko lang ang nabangasan niya. Pero masakit na din ang mga kamao ko. Tigas din ng mukha eh.

I started the car and drove to St. Luke's. Wala namang traffic pero ang dami kasing stoplight. I kept glancing at Joohyun na nakayuko lang at pinaglalaruan ang kamay.

Having known her for years, alam kong habit niya yun kapag kinakabahan siya.

May 40 seconds pa bago mag-go kaya hinawakan ko ang kamay niya na hindi naman niya binitawan hanggang makarating kami sa ospital.

Mabilis lang naman kami sa ER and I only needed a few stitches. Nagamit din naman ang HMO kaya walang problema.

Inupdate ko ang mga kasama ko at sinabing done na ako sa hospital.

When everything was settled, tinabihan ko si Joohyun na nasa waiting area na.

"Hatid na kita pauwi?"

Nung humarap siya sa akin, it took me back to the day na sinagot niya ako.

She was also crying dahil katatapos lang namin manuod ng nakakaiyak na movie.

"Can you be my miracle Hyun?"

"But you're not dying Wannie"

"I feel like I am every day that I don't get to call you mine"

"Then I'm yours forever"

A memory I still look back when I pass by that lane.

She was giving me the same look right now at nabuhay na naman ang puso ko.

"Thank you....and I'm sorry"

I accepted her gratitude and forgave her.

 

I guess I will always forgive her kahit ilang beses pa niya akong saktan.

When we arrived in front of her apartment, inalis niya ang seatbelt but remained seated. Lalabas na sana ako para pagbuksan siya ng pinto when she spoke up.

"I was wrong for breaking up with you Wannie. I... missed you everyday. But I didn't know where to find you. Ayaw din sabihin nila Seulgi and I understood why kaya hindi ko sila pinilit. The past months... I tried not to think about you. Even to the point of entertaining Bogum. But I wasn't happy at all. Aamin ko na I was starting to get attracted to him kaya I kept accepting his offer na ihatid ako. And that night when I didn't come home, I was actually with him. But believe me, nothing happened. I... couldn't give myself to him dahil naisip kita. Tapos nalaman ko ngang hinanap mo ako kay Jennie and I took it the wrong way. Alam ko namang palagi kang nagaalala sa akin" her tears started falling kaya niyakap ko siya. "I'm sorry... I'm so sorry... I'm really really sorry for hurting you Love. If I could turn back time, I would"

Naiiyak na din ako kaya hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya.

 

Sobrang namiss ko din siya.

 

Sobrang mahal na mahal ko pa din siya.

I went back to her... our apartment and things went great since then. It took a while din para maging okay sina Seulgi kay Joohyun but still accepted her back in our circle.

Grabe din ang bawi niya when we got back together. Minsan nagugulat na lang ako na may pa.breakfast in bed pa siyang nalalaman. May certain times din na may matatanggap na lang akong delivery for lunch sa office. Then pagkasundo ko sa kanya from work ay siya na din ang magaayos ng dinner namin.

I wasn't used to being on the receiving end of food serving dahil simula nung magsama kami sa iisang bahay ay ako na ang umakong magluto ng nga meals.

She gave me another surprise when she randomly asked me to accompany her somewhere. Off namin pareho kaya wala namang problema. We were on the road for three hours because of traffic pero I didn't question kung saan kami pupunta although I already had an idea.

"How did you know Love?" I asked.

"I may or may have not seen a tab on your laptop about the place" she answered ng nakangiti.

We checked in and was shown to our rented place and settled in. For someone na mahilig sa nature, I knew this was a perfect venue.

We did some kayaking and joined the other campers sa bonfire. We even tried skinny dipping for a few minutes after making sure na walang makakakita. And the way we made love during our stay was as if we were on a honeymoon.

Nagkaron pa kami ng ilang mga spontaneous trips after nun and even our birthdays and anniversaries were spent out of town at late na lang nakipagcelebrate with our friends.

Sometimes I could not keep up sa mga trip niyang adventures. We did some paragliding, then we did several rounds of bullets sa isang shooting range, we did some scuba diving and I would consider the recent activity we did as the most extreme. We went skydiving dahil parehong nasa bucket list namin ito. The experience was surreal at kahit gusto kong umulit, medyo pricey din kasi kaya pinigilan niya ako.

It was definitely the best anniversary celebration we did.

Pero sabi nga nila, iikot at iikot ang gulong ng tadhana. Na sa bawat masasayang ngiti ay may kapalit na mga luha.

For the third time after 2 years since we got back together, I heard her say it.

And the pain remains the same.

I've been working hard since I was given that second chance by Miss Boa to fix myself and bring back the usual me kapag nasa office. Bawat task or report na ibibigay sa akin ay talagang ginagalingan ko. I don't miss any deadlines at minsan nga ay mas maaga ko itong naibibigay. Na mismong ang CEO namin ay naimpress kung gaano kadetailed ang paperworks ko.

Hindi na rin masyadong naghahandle ng big projects si Joohyun. Kaso kahit small projects lang, minsan pa din ay sabay sabay ito.

Kaya naman ay aside sa paglulutuan ko siya ng paborito niya ay may kasama pang masahe bago kami matulog. Mostly kasi nasa cubicle ko lang ako at short distances lang ang lakad ko kaya hindi naman sumasakit katawan ko pero in her line of work, being a project manager, it would require her to go to their sites para maginspect kaya more lakad talaga siya. Ayaw naman din niyang mag.flats dahil mas nakakaintimidate daw tignan pag naka.heels siya. Baka daw isipin ng mga workers nila eh naliligaw lang siya.

An invite was sent to everyone sa office one time. May dinner event kung saan yung mga executives ay pupunta din. We were allowed to bring a plus one at siyempre pinaghandaan namin ang mga isusuot. We don't get to attend formal events din naman kasi kaya we dressed up to impress.

Pagdating namin sa venue ay nakita ko agad ang mga katrabaho ko na nagyoyosi sa designated area. Kumaway lang ako sa kanila cause I know na ayaw ni Hyun ang amoy ng usok nito.

When we got to our table at nakabalik na din ang mga katrabaho ko ay ipinakilala ko siya sa kanila.

"Guys, this is Joohyun. My girlfriend" proud kong sabi at namukhaan naman nila.

"Iba ka talaga Seungwan! Naging knight in shining armor ka lang, nagkajowa na" asar naman ni Sehun.

"Matagal na kami, actually" sagot ko.

"Luh. Eh bakit may kasama siyang lalaki nun?" tanong naman ni Sejeong.

Hindi na ako nakasagot dahil nagsalita na ang CEO namin pero ramdam ko ang pag loosen ng hawak ni Joohyun sa kamay ko.

The program went on pero nagsisimula na namang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi kasi ako masyadong kinakausap lalo pa nung bumalik siya galing sa restroom. Kung magsasalita man siya, tipid lang.

"And now we would like to award our best employee who not only showed greatness towards the tasks given to her but also showed great camaraderie to her peers. Her exemplary work ethics cannot be compared and her positive attitude towards the workload affects everyone in the team. So I am so proud to give this to none other... Seungwan Son!"

Malakas na palakpakan ang mga sumunod na narinig. May pa.awarding palang ganap. Una akong tumingin kay Joohyun na tipid na nakangiti habang nakikipalakpak. Nagulat din siguro siya nung niyakap ko siya kaya hindi siya nag.hug back.

"Seungwan inaantay ka na nila boss sa harap" sabi nung isa kong katrabaho kaya humiwalay ako sa yakap but still whispered I love you kay Joohyun.

I went up the stage and accepted the award. I was not prepared for a speech kaya nagpasalamat na lang ako sa lahat. May unting picture taking at malaki ang aking mga ngiti na nakatingin lang kay Joohyun. And even from afar, kita ko na ang ngiting pinapakita niya ay parang pilit na.

The host announced na the floor is open to anyone who would like to dance. Party party na lang ang last part ng program.

"Tara na Seungwan!" Pagaya ng mga teammates ko. Tumango naman ako at sabing susunod na lang ako. I faced Joohyun and asked her to dance with me.

"Love, tara join tayo sa kanila"

"I'm good here. You can go with them if you want"

My smile was turning upside down. Hindi ko alam kung bakit nawala siya sa mood. Wala naman akong maalala na nasabi kong hindi maganda. But somehow I feel na she did hear something she did not like from others.

"Just one dance please?" pagpilit ko. Alam kong may possibility na lalong mawala ang mood niya pero kasi minsan lang din naman yung ganitong event.

"Seungwan, ayoko ngang sumayaw. Kung gusto mo makisama dun, then go"

Her tone was on the verge of being really pissed off kaya I decided to stay with her. Pinanuod lang namin ang mga office mates ko na magsayaw sa masayang tugtugan.

"Seungwan, hinahanap ka ni Miss Boa. Bakit daw hindi ka sumasayaw?" tanong ni Sejeong na bumalik sa table para uminom ng tubig.

"Pakisabi na lang sumakit ang tiyan ko. Uwi na din kasi kami maya maya" pagsinungaling ko. Sumenyas na lang din ako kay Lisa na nasa dance floor na aalis na kami and thankfully na gets naman niya yung mensahe.

Paglabas naman namin ng venue ay nakasalubong ko ang bagong secretary ni Miss Boa na si Jihyo.

"Uy uwi na kayo?"

"Oo eh"

"Papicture naman jan. Best employee of the year o"

She held out her phone at lumapit sa akin. She slightly bumped Joohyun pa nga at ramdam ko ang matalim na titig nito kahit hindi ko siya nakikita. Unexpectedly, yumakap pa sa akin si Jihyo at kumuha ng ilang selfies namin.

"Ang gwapo mo talaga Seungwan" kinikilig nitong sabi at pinisil pa ang pisngi ko bago siya nagpaalam at bumalik sa loob.


When I turned around, wala na si Joohyun sa likod ko at nauna na sa sasakyan. Pagbubuksan ko na sana siya ng pinto when she beat me to it at sa likod pa nga siya umupo.

I closed my eyes for a second and composed myself before I got in the driver's seat.

Tahimik lang ang buong byahe namin pauwi at pagdating namin ng apartment ay nauna na din siyang bumaba ng kotse. Napalakas pa nga ang pagsara niya ng pinto.

Sumunod ako kaagad at pagpasok na pagpasok ko ay isang sampal ang sumalubong sa akin.

"W...what was that for?" Gulat kong tanong. First time din niya kasing magawa ito.

"Do you flirt with all the girls in your office? Kasi tangina lang Seungwan, huwag na tayo maglokohan dito" galit na sabi niya.

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"That girl who asked to take a picture with you. Jihyo, right? Was she aware that you're already in a relationship? Or ngayon mo lang talaga sinabi sa kanila na may girlfriend ka?"

"Bago lang kasi yun si Jihyo and hindi rin naman kami close so no I did not tell her before" pag.eexplain ko pero hindi rin ito nakatulong sa pagkalma sa kanya.

"Hindi close? Pero hinayaan mong yumakap ng ganun yun kanina? Are you even aware of what they say behind your back? Ang dami pa lang nagkakagusto sayo sa office niyo. May nagbibigay din ng kung ano ano. Kaya pala may paperbag ka sa kotse mo kung saan mo nilalagay yun. Tinatanggap mo kasi hindi mo kayang tumanggi. And that gives them an idea na may chance sila to get you"

Hindi na ako nakasagot dahil at this point, if I say anything else, magmumukha lang na dinedefend ko sila. Pero totoo naman na hindi ko kayang tumanggi kapag may magaabot ng something sa akin sa office. And I kept it na lang sa kotse kasi nahihiya akong itapon or ipamigay.

"I... I just don't want to be rude Love" mahina kong sagot.

"Walang masama sa pagsabi ng no Seungwan! And also, you didn't even defend me nung binanggit nila si Bogum. You made me feel and look like a fool kanina! I don't know if you are aware as well pero ang dami nilang side comments"

Inalala ko kung kelan na.brought up yun.

"Hindi na ako nakasagot kasi nagstart na yung program Love. Di ba nga nagsalita na yung CEO? I'll explain it to them on Monday"

"Sige nga. How would you explain it to them? Sinabi mo ng matagal na tayo so they would think na that night, when you ‘rescued’ me, I was basically cheated on you! Hindi mo ba naisip yun?"

May point naman siya dun. Right this moment, hindi ko alam ang explanation na gagawin ko.

Kung kailangan ko nga ba talaga mag explain. Pero for them to not get any bad ideas, I know that I had to.

"I will tell them na we were on a break nung mga panahon na iyon. Which is true naman di ba Love? And we rekindled the relationship after"

Ako na nahihilo sa ginagawa niyang pagikot ng mata sa pagkairita. Wala naman mali sa sinabi ko. Pero andun pa din yung takot ko sa possibility na she would sort to that thing I hate hearing.

"Don't bother anymore. Dahil ayoko na Seungwan. My image to your workmates have already been tainted at ayokong makipagplastikan sa kanila" she said before walking away.

I closed my eyes to compose myself. "Is that... is that the only way you know Love? Ang makipaghiwalay sa akin everytime we have a misunderstanding? H...hindi mo ba naiisip yung nararamdaman ko sa tuwing pagdedesisyunan mo yun?"

Natigil siya sa pagakyat sa hagdan.

"I don't need to explain myself anymore. Tapos na tayo" huling niyang sinabi bago tuluyan ng umakyat.

It shouldn't hurt anymore right? Dapat sanay na ako. Inexpect ko na din ito kanina pa lang nang mapansin kong nawala na siya sa mood. Pero tangina lang, ang sakit sakit pa din.

Natuod lang ako sa kinatatayuan ko at hawak pa din ang trophy na nakuha ko kanina.

 

I may be the best in the company but I guess I'm no longer the best for her.

I found myself at a bar later that night. Naging takbuhan ko ang alak para kahit papano mamanhid nito ang nararamdaman ko. I sat at the very corner and just watched as people come and go. Some with friends and some with a partner.

My head and my heart are fighting. Naisip ko na baka hindi nga talaga kami para sa isa't isa. Na sabi nga ng Ben & Ben ay maybe we were meant to be a lesson to each other. Pero at the same time, gusto ko pa ding panindigan siya at piliin siya araw araw. Kahit ba palagi lang niya akong binibitawan.

Hindi ko na namalayan na tumutulo na ang mga luha ko. Hindi ko na nga din napansin na gumagalaw ang mga daliri ko at kusang bumubuo ng mensahe para kay Joohyun.

Hi Love,

I can still remember the first time I saw you. Your family just moved in next door and I was star strucked by your beauty. Inaabangan ko palagi na lumabas ka ng bahay para lang makita kita and I get giddy once I do. Then I found out na we'd be attending the same highschool kahit oa you'd be already on your last year. I couldn't contain my happiness na palagi akong inaasar ng mga kaklase ko.

 

Hinahanap hanap kita palagi and I would dream of you. Being neighbors, our families would get together and I always look forward sa mga pagkakataon na iyon. Hindi ko rin ineexpect na magiging close tayo. At para bang palaging kulang ang oras sa tuwing magkasama tayo at inaabangan ko ang susunod na pagkakataon na maulit ang kulitan natin. I didn't understand why I was feeling that way and for the first time in my life, I finally realized na gusto kita.

 

You are my first…of everything.

 

Sobrang nalungkot ako nung grumaduate ka pero nung nalaman ko kung saan ka nagaaral ay talagang ginalingan ko para makapasok sa same university. Buong summer bago magpasukan ko pinagisipan paano ako aamin sayo. And once I did, you probably don't know kung gaano ako kasaya nung pumayag kang ligawan kita. It took a while, yes, but the wait was worth it when you agreed to be my girlfriend.

But somewhere along the way, it hit me that maybe you don't really feel the same way I do. Minsan naisip ko din na you only settled with me pero hindi talaga ako ang gusto mong makasama in the future. But then you always come back kaya those thoughts are pushed aside.

Sabi ko sa sarili ko na kahit ilang beses pa akong mahirapan at masaktan, I will always wait for you. Regardless of what the others would think or say, ikaw at ikaw pa din ang pipiliin kong mahalin.

Pero siguro may hangganan din ang lahat.

 

Pasensya ka na ha. Napapagod na kasi ako. Ramdam kong unti unti na talaga akong nauubos. At kung ipilit ko pa eh bago lalong wala ng matira sa akin.

Hindi na ako aasang babalik ka. Hindi na ako aasa na magiging okay pa ulit tayo.

Gusto kong magpasalamat. For being with me the last five years. For choosing to be with me. For letting me be a part of your life.

And I'm sorry. For all my shortcomings. For the times I gave you reasons to hate my presence especially pag kinukulit kita. For not being the one meant for you.

I wish you all the best Joohyun. Take care of yourself.

I wish this was as easy as you make it seem but this time I am letting go of you.

I will always love you.

For now, sarili ko muna ang uunahin ko.


At hindi na babalikan
Masakit mong alaala
Handa na akong kalimutan ka


Hindi na ako bumalik sa apartment at kay Seulgi ko na lang pinakuha ang mga gamit ko. Kahit gusto ko siyang makita muli, I have to do this for myself. I need to do this for myself.

I also resigned from my job and decided na magpakalayo layo muna.

Wala na akong narinig na balita from her. My friends were also cautious of mentioning her kapag magkikita kami.

I was doing good for about three years until fate decided na magkita ulit kami. The moment I saw her, a lot of flashbacks came to mind.

I tried meeting other people and that's why I am sitting in a restaurant with Sana. A girl with a bubbly attitude that matched mine. We hit it off right away and I was really enjoying the time I was exchanging messages with her.

Today was our third meeting/date and although I didn't say anything when she suggested for us to go at this particular place, which is one of Joohyun's favorite restaurant, it kind of kept me on edge that any moment, I would see her here.

And I did. Dahil pagpasok pa lang namin ay nakita ko na kaagad siya from afar. I'm not sure if she saw me, pero I'm hoping na hindi.

Masayang kausap si Sana at talagang same level kami ng kadaldalan.

"I was really looking forward to this day, you know. I can't believe we're already on our third date. Inaasar nga ako ng mga friends ko kasi I'm always on my phone at palaging nakangiti kaya gusto ka na nila ma.meet"

Hindi ako naka react kaagad dahil natulala ako nang makita ko siya...with Bogum.

"Uy Seungwan. Nakikinig ka ba?"

Nahila ako pabalik sa reality nang hawakan ni Sana ang kamay ko at sinundan ang direksyon kung saan ako nakatingin.

"Kilala mo sila?"

Napatango na lang ako and brought my attention back to her.

"Sorry about that" pagpaumanhin ko.

And Sana being Sana, she was still just smiling. "Okay lang yun. May naisip ka pa bang puntahan after dito?"

Napaisip ako kung saan pa kami pwede pumunta. Hindi pa naman din kasi sobrang late. Pero nadidistract ako sa table kung nasaan sila. Na para bang may pinagaawayan sila.

Dumating ang waiter at kinuha ang aming order. Pinilit kong huwag ibaling ang tingin ko sa kanila.

"So ayun nga, Si Mina, yung isa kong best friend, ikakasal na sa long time fiancé niyang si Chaeyoung in two months. March 27 ata if I'm not mistaken. Dapat nga sa March 24 kasi birthday ni Mina yun pero siyempre ayaw naman ni Chaeyoung na same yung celebration ng birthday at anniversary nila. Spoiled din yung frennie ko sa fiancé niya. 3 years older si Mina pero grabe yung effort ni Chaeyoung lalo na nung nililigawan siya nito. Like hatid sundo ito sa work at palagi siyang on time talaga. Like kalkulado niya palagi yung oras ng byahe niya kasi on the dot talaga siya dumadating. Tapos nung makagraduate nadin si Chaeyoung, nag live in sila. I mean, of course it's not always rainbows and butterflies sa relationship nila. Moody din kasi yung bestfriend ko pero hindi sumuko si Chaeyoung sa pagsuyo sa kanya. And five years later, eto na nga at ikakasal na sila. They're marupok for each other. It's so funny!"

I couldn't help but feel sad and jealous. Her friend's love story is a lot like Joohyun and I's. The only difference is that pinaglaban nila pareho. At nagbunga nga ang ginawa nila cause soon, they'll be starting a new chapter in their lives. Something I once hoped and wished na nagawa namin.

"Hala Seungwan, bakit naiiyak ka?" nagaalalang tanong ni Sana. Hindi ko din kasi napansin na tumulo na pala ang luha ko.

She immediately gave me some tissues at pinunasan ko agad ang mata ko.

"Masyado ata akong nadala sa kwento mo. Ang sarap siguro sa pakiramdam ng may taong pinaglalaban ka din hanggang dulo noh?" Saad ko. I felt embarassed that she had to see that.

"I know it's too early pero ayoko na din naman patagalin pa. I want to tell you na gusto kita Seungwan.........."

I see Sana's mouth still moving meaning may mga sinasabi pa siya pero hindi ko na ito naiintindihan dahil napungaw na ang atensyon ko sa kabilang table kung saan nakita kong sinabuyan ni Bogum ng tubig si Joohyun. It started a commotion sa restaurant as other guests looked in that direction. Kahit si Sana natigil sa pagkekwento niya.

"Sana pala hindi na kita inaya kung hindi mo rin pala ako kakausapin ng matino! Bumalik ka na lang sa magaling mong ex!"

Si Bogum naman ang nag.walk out. Mabilis akong tumayo at nagpaalam kay Sana and gave her my card to pay for our meal and I think she understood why I did that. Agad kong inalis ang suot kong coat at nilapitan si Joohyun who was silently crying.

I placed the coat over her shoulders na ikinagulat niya.

"It's okay Hyun. You're okay"

I asked the waiter na lumapit para magabot ng mga tissue kung paid na ang meal nila, when he said no, I told him na isama na bill ng table namin.

Tinayo ko na si Joohyun and inalalayan. Dinaanan ko si Sana and told her na we will wait for her sa car and she just nodded. When we reached the parking, pinagbuksan ko ulit siya ng pinto pero sa backseat pinaupo. I started the car na din bago pumunta kaagad sa likod ng kotse and got some spare clothes. Well, the emergency bag na hinahanda ko na may mga gamit pa siya.

After three years, she still have that hold in me.

 

Napabuntong hininga na lang ako bago ko siya pinuntahan ulit.

"Palit ka muna ng damit Hyun" sabi ko sabay abot ng damit niya. Tinted naman yung kotse pero binigyan ko pa din siya ng privacy at isinara ang pinto.

Dumating na din si Sana with my card.

"I'm really sorry about this Sana. Babawi ako on the next one" paghingi ko ng pasensya.

"I think I know how you know her Wannie. And I understand. Since sabi mo naman na babawi ka, can you be my date sa wedding ng MiChaeng?" Sabi niya ng nakangiti.

I paused for a moment before saying, "I would be honored to be your date"

Bigla naman niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi bago siya pumasok sa passenger seat. Nauna ko muna siyang hinatid dahil pupuntahan niya ang best friend niya to personally confirm na may plus one siya sa wedding nila. At nang maiwan na lang kaming dalawa ni Joohyun sa car, walang umimik sa amin.

When I got to her apartment, nag-flashback na naman yung araw na huli siyang nakipagbalikan. Coincidentally, I saved her again from Bogum.

Parang automatic na din na pinagbuksan ko siya ng pintuan at sinamahan maglakad papunta sa doorstep.

Nostalgic ang lugar na ito na minsan kong itinuring na aking tahanan. From the time I first begged her not to break up with me, to the time na huli siyang nakipaghiwalay. Ang daming memories. Good and bad.

"W...would you like to come in?" Bigla niyang sabi. Hesitant pa ako but then naisip ko na kahit sa huling pagkakataon, pagbibigyan ko siya. Kung makakapagusap pa nga kami ng maayos, much better. Proper closure kumbaga. And so I found my myself walking inside.

Walang nagbago sa itsura nito. Having known her, ayaw niya masyado ng change sa mga gamit. She told me na ilalagay lang niya muna yung nabasa niyang damit and my coat sa washer and I told her to take her time.

I need some din kasi to process my thoughts.

As I looked around the familiar place, one thing I noticed is that my presence is still there in the form of a photograph na nasa center ng cupboard. It was taken during our fifth anniversary and we were looking at each other with smiles on our faces. I looked back on that memory kung saan supposedly ay mag-pro-propose na din talaga ako sa kanya pero sa shunga ko ay naiwan ko yung singsing at hindi na nga naibigay talaga.

Sign siguro yun na hindi talaga kami magwowork out.

I heard her walking back sa living room kaya bumalik na ako sa pwesto ko sa couch.

Pinagtimpla niya din ako ng kape and hot choco para sa kanya. She still used the mugs na binili namin when I first moved in with her.

Ramdam mo yung tension at awkwardness kaya binasag ko ang katahimikan.

"How have you been Hyun?" I simply asked. Walang halong sarcasm or anything. A genuine question to know how she is.

I tried not to look at her straight in the eyes but I failed as I saw how her eyes got teary with just a question.

"I... I guess this is my karma, you know. If only... if only I didn't let my pride and stupidity win me over... I... I could have been feeling much better"

I opened my mouth but closed it again.

"I really want to apologize Wannie. For everything I've done. But most especially, I want to apologize for hurting you. The one person who fully accepted me. Yung nakakaintindi sa akin. Yung kaya at gusto akong alagaan. Yung taong minahal ako ng higit pa sa sarili niya. Sinayang ko... sinayang ko yung pagkakataon. Kung sana mas pinakinggan kita. Kung sana mas inintindi kita. Kung sana mas naipakita ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin. But I didn't. And I regret it. I guess it's really true when they say na nasa huli ang pagsisisi. Cause that's all I have since you left. A big load of regrets. And now, seeing you again after all these years... made me regret it even more for taking you for granted, especially now that you have someone new. You didn't deserve what I did to you. You didn't deserve how I treated you. You loved me whole heartedly and in return I broke you"

Pinigilan ko ang luha ko pero hindi ko kaya. Eto yung inaantay ko noon. Na maging open siya ng buong buo kung ano yung nararamdaman niya. Yung pagusapan namin ang problema ng maayos at hindi yung magreresort siya sa break up. Pero it was already too late. She was already too late. She may still hold a part of my heart but I have already moved on and about to start something new with someone.

We cried so much that night. Inamin ko lahat ng pinagdaanan at paghihirap ko. I can see clearly how much she regrets how much she hurt me. And even right now, may kirot pa din habang nakikita ko siyang umiiyak.

But eventually, we forgave each other and got the closure we needed.

As she walked me towards the front door, niyakap ko siya ng mahigpit.

"I want you to be happy and not live with anymore regrets Hyun. We had a blast together and I would never ever regret that I loved you. But this time, ako muna ang uunahin ko"


Dahil sa ngayon
'Di tulad noon

Ako muna

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
RVSone0105
889 streak #1
Chapter 3: huhuhu tapos na ba to?? akala ko seulrene happy ending ito, angst pala 😭😭😭
juhyuneeeee
94 streak #2
bakit ang sasakit naman hahahah 🥹😭
howdoyouknowmee
539 streak #3
Chapter 2: Ang konti lang ng ryeji fics tapos ang sasakit pa huhu
wenrenes
#4
Chapter 1: what at ending. not gonna lie, halfway through reading the story, i had a worry na baka maging endgame pa din sina joohyun and seungwan kasi i'm honestly not rooting for them haha. i'm glad you ended it the way it's supposed to be, author. thank you for writing this!
paradoxicalninja
#5
Chapter 1: ang sakit non haha 💔 pero alam mo na agad na doomed yung relationship if isa lang yung willing lumaban, umintindi, humanap ng compromise. and ang lungkot na it took losing seungwan (for good) for joohyun to realize all that.

thank you author for this. kahit masakit 😔
juhyuneeeee
94 streak #6
okay im seated 🫣