seat no. 13

sa probinsya ng quezon…

Number 13…

 

Tiningnan ko ang ticket na nasa kamay ko. 

 

Name: Winter Kim 

Seat No: 13

 

Lucky number ko na ata ang number 13. 

 

Napakagat ako ng labi nang maalala si Baby ko. Ang ultimate jeep/bus crushie ko. 

 

Busy ako balikan ang moments namin ni Baby ko sa bus nang may tumamang unan sa mukha ko. Mabilis kong nilingon ang nag-iisang epal sa buhay ko. Tumatawang inirapan ako ni Isa, ang pinsang kong epal, kasama ang hilaw niyang girlfriend. 

 

Dalawa na pala epal sa buhay ko. Hah, mahirap talaga kapag cue and relevant. 

 

“Min, para kang baliw. Ngumingiti mag-isa,” 

 

“Hindi kita tinawag na baliw noong umiiyak at nagseselos ka sa pinsan ni Seeun,” pabalik kong sabi kay Isa. Buang na ‘to, ako pa hinamon. 

 

“Fake news ka!,” sabay bato na naman ng unan sa akin. Mabilis kong nailagan ang unang niyang kadiri. 

 

“‘Wag kang liar, Isa! Tsaka tigilan mo nga pagbato sa akin ng kadiri niyong unan ng hilaw mong jowa. Ew. Like so kadiri,” irap ko sa kanila bago tumayo at pumunta sa shared kitchen sa unit namin. 

 

Tumatawang hinampas ako ni Seeun nang lampasan ko siya. “Minjeong!” 

 

Nakadila ko silang nilingon at inirapan. Itong magjowa na ‘to. Ang sarap nilang patalsikin sa pamamahay ko. 

 

Share kami sa unit na ito ni Isa. Sila Mama at Tita ang nagpumilit since hindi naman maalam sa Manila si Isa two years ako. Ngayon, pwede na siya maging tour guide. Sus, scam talaga ‘yung sabi ni Tita, “Mahiyain ang pinsan mo, Minjeong! Ipasyal mo naman minsan ‘yan” 

 

Mahiyain daw eh, no. Hindi mo nga mapagkakamalang sa probinsiya ng Bicol lumaki ‘to eh!

 

Bicolano sila Mama while laking Manila si Papa. Although ilang taon ring tumira dito sa Manila sila Lola, mas pinili nilang bumalik sa Bicol. Mas fresh daw ang hangin. Kasama si Tita Ysabel, nanay ni Isa, na bumalik sa Bicol. Kaya laking Bicol ‘tong pinsan kong mapagpanggap. 

 

Anyways, yes, kasama ko sa unit na ‘to si Isa. Ito namang si Seeun, boarder namin. Masyadong baliw kay Isa kaya everyday na lang nandito. Like girl, one year na kaming magkakasama sa unit na ‘to. 

 

Sawa na ako sa lambingan nila please lang. Every morning na lang sinusubok ang kalooban ko. 

 

Need ko rin magdala ng jowa dito! Patalsikin sila Isa at Seeun!

 

At si Baby ko sa bus na ‘yun!

 

“Hoy, Min! Gaga ka! Ichika mo ‘yung maganda sa bus stop!” 

 

“Nasa bundok ba kausap mo? Umagang umaga, Isa. Sigaw ka nang sigaw” 

 

“‘Wag mong ibahin usapan, Minjeong. May pakaway pa si tanga! Cute ka na niyan,” pang-aasar sa akin ni Isa na ngayon ay nandito na rin sa kusina. Nakasunod naman sa kaniya ang bulag niyang jowa. 

 

Sa totoo lang, alam ko namang cute ang lahi namin pero hindi naman cute si Isa. Seeun, nabagok ka ba or what?

 

“Kaya nga, Babe. Nakita mo ba pag-tilt ng head niya that time? Nagpapacute siya!,” panggatong naman ni Seeun. 

 

Inirapan ko sila parehas. Mga panira ng umaga at illusyon. Ang sarap niyong ilublob sa tubig! Magjowang hilaw, ngeks.

 

Anyways, balik tayo kay Baby ko sa bus. Hindi ko talaga inexpect na makakakita ako ng ganoon kaganda! Right after niya ialok ‘yung tubig na hawak niya, napasabi ako ng Lord right away. 

 

Tapos agnostic ako…

 

Ang bait lang kasi! Halata naman na hindi pa siya tapos uminom nung dumating ako pero inalok niya pa rin ‘yung tubig kasi baka napansin niyang hinihingal ako that time. Theory ko pa lang ‘to pero okay lang ako naman ‘to eh. 

 

Clown ng sarili. 

 

Kahit na badtrip ako kila Isa sa pang-iiwan sa akin that time, gumanda pa rin ‘yung gabi ko kasi ang thoughtfull ni Baby ko. 

 

“Ah, sabi niya kay Tita na katabi niya raw ‘yun sa bus that byahe, Babe,” nilingon ko si Seeun dahil sa sinabi niya. 

 

Tinuro ko siya gamit ang kutsarang hawak ko habang umuupo sa harapan nila, “Evesdropper! Chismoso kang hilaw ka!” 

 

Tinawanan ako ng dalawa. Hindi naman na sila nanggulo after. Siguro nakuha na rin nila na ayaw ko pag-usapan. Kahit naman na nakakadiri silang magjowa, medyo like ko naman sila kasi ‘di sila namimilit. 

 

Alam nila ang word privacy. 

 

Pero dahil maganda gising ko today kasi feel ko talaga lucky number ko na ang 13, nagspill ako ng little chika para naman kumulay ang buhay nilang magjowa. 

 

“Hindi ko nakuha ang name, okay. Pero alam niyo naman motto ko right? Hindi ako nagheld back pero shunga lang ako sa part na hindi ko kinuha valid id niya” 

 

Gulat naman ang dalawa sa sinabi ko. Ilang minuto lang din ay tumatawa na sila sa akin habang binabato ako ng tanong. 

 

“Talagang sinunod mo sinabi namin? Maximum harot na kasi one time lang naman?,” mamamatay na sa katatawa si Isa habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin si Seeun. 

 

“Oo, bakit? Masama bang gayahin ka kung paano mo nakuha ‘tong hilaw mong jowa?” maldita kong sabi bago pumasok sa kwarto ko. Tawa naman ni Seeun ang huli kong narinig. 

 

Ang sinasabi ni Tita na mahiyain, hinarot lang naman si Seeun sa jeep nang makasakay niya. Imagine first time pa lang nakita ni Seeun si Isa pero si Isa, parang buang na humaharot. Ang mas nakakasuka pa is humarot pabalik si Seeun! 

 

Ew talaga. 

 

Pero thankful naman ako na nakita nila ang isa’t isa. Bagay sila. Masaya ako for them kasi hindi rin naman naging madali journey nila. And ang wow factor pa is kasama ako sa journey nila. Ang hirap maging taga-deliver ng letters ni Isa! Imagine taga-UP pa ‘tong si Seeun dati. Butas talaga bulsa ko!

 

Pero okay lang kung taga-UP din si Baby ko. Mukhang matalino eh. Mukhang kaya kang ipaglaban sa debate. 

 

 

Tinext ko si Tita na tumaya siya sa jueteng sa Bicol. Feel ko talaga swerte ako. 


 

Minjeong:

Tita, taya ka sa jueteng. 

13, 23

50 pesos taya gcash ko na lang


 

Feel ko talaga mananalo ako. 

 

December 23, Seat No. 13 = Baby ko sa bus


 

 

Masarap ang tulog ko. Mas true pa ‘yon sa fake bangs ni Isa. Simula 8 PM hanggang 12 AM, tulog ako. Siguro factor ‘yung face ng katabi ko. 

 

Tama. 

 

And mas sasarap pa sana ‘yun kung hindi tumawag si Isa. Naramdaman kong nagv-vibrate ang phone ko na nasa kanan ko banda. Habang nakapikit, sinagot ko ito. 

 

“Min! Nakasakay ka na?,” energetic na tanong sa akin ni Isa. 

 

“Hmm..”

 

“Galit ka? Sorry na kasi. 2 tickets lang ‘yung nabili ni Seeun, eh. Right, Babe ko?,” 

 

“Yes, Minmin. Sorry talaga. Super daming tao rin kasi that time,” rinig kong sabi ni Seeun. 

 

Ah, kaya pala ako badtrip kanina kasi iniwan nila akong dalawa. Gabi ng Dec 21 dapat ang alis ko pauwi ng Bicol kasama sila, kaso itong magjowang hilaw, iniwan ako. Hindi naman ako galit, nagtatampo lang kasi the audacity na iwan ako!

 

“Quezon pa lang kami, Isa. Matulog kaya kayo ng girlfriend mo…” 

 

“Sunduin ka na lang namin, Min. Umaga ka na makakarating no?...‘Di ka na galit, Min?,” nagpapaawang sabi sa akin ni Isa. 

 

“Oo, mamaya pa akong 6 or 7 makakarating,” nakapikit ko pa ring sabi. Anong oras na ba? Hula lang naman ‘yung nasa Quezon na kami part. Pero sure ako na nasa Quezon pa kasi ang haba ng Quezon no. 

 

Naiiihi ako. Buti na lang may portable cr. 

 

“Okey. ‘Di ka na galit? Winter, my cousin,” buang talaga ‘to si Isa eh. ‘Di naman talaga ako galit. Nainis lang slight tapos nanghihinayang kasi gusto ko rin naman sila kasama umuwi. Syempre bilang kasama nila sa bahay, gusto ko rin ng bonding time!

 

Bonding time talaga kasi mahihiluhin si Seeun. Edi sana may video ako ng pagiging weak niya. 

 

Hays, tsaka para na rin may titingin kay Isa. Hindi pa naman sanay sa malayong byahe ‘yun. 

 

“Oo nga, kulit mo. I’ll chat you na lang kapag Sipocot na…”

 

“Love you, Min. Chat ka ha,” malambing na sabi sa akin ng pinsan ko. 

 

Wow, soft hours ni baliw. “Hmm… sige na” 

 

Binaba ko na ang tawag. Alas dose na pala. Tingnan mo ‘tong magjowang hilaw na ‘to, magjowang nagpupuyat din. 

 

Tinext ko si Mama na hindi sumama pauwi kasi quality time raw nila ni Papa. Akala mo naman walang quality time kapag normal days eh silang dalawa na nga lang sa bahay namin. Plus mga dogs din pala namin. 

 

Nagchat na rin ako sa gc namin para alam nila kung asan na ako. Nilingon ko ang labas at nasa Quezon pa nga lang kami. Aabot talaga kami ng umaga sa daan. 

 

maroon school lazada version

 

yugiyuqi: nagchat na ba si winter sa inyo? 

yugiyuqi: @isa hoy tumawag na ba sa inyo si winter?

 

yunaganda: teh @isa kasama mo ba jowa mong impostor sa pag-uwi?

yunaganda: hindi ako pinatulog ni winter kagabi dahil sa issue na ‘yan

 

liaghoster: what’s up?

 

isa: katatawag lang ni min 

isa: quezon pa lang siya

 

yunaganda: shut off sa may tinaguan na namang kalandian ah 

yunaganda: @seeunamongus sino nga ulit ‘yun?

 

isa: susunduin naman namin siya ni seeun mamaya

 

seeunamongus: sino sino*

seeunamongus: @liaghoster kung hindi ka lang bakla, marami ka na siguro panganay

 

liaghoster: funny ka na niyan? 

 

yunaganda: tingnan niyo ang bilis magreply!!

yunaganda: wow special na ba kami @liaghoster

 

seeunamongus: hahahhahahahaha

 

yunaganda: grabe talaga 

yunaganda: mga humahabol kay lia punching the air right now 

yunaganda: wishing na ako na lang sila 

yunaganda: */sinipon kaiiyak 

 

seeunamongus: hahahhahaha

seeunamongus: lol

 

yunaganda: ‘tong impostor na ‘to isang halos 2 years na kaming kasama lol pa rin kung tumawa

yunaganda: dude stop the car pls

 

winmin:

winmin: 

proof of life

 

yunaganda: corny mo naman proof of life


 

Pinatay ko na ang phone dahil wala na naman sa ayos si Yuna. Daig pa sa Isa sa pagiging baliw eh. 

 

Tinabi ko na ang phone ko at tumayo na para pumunta sa cr. Madilim ang buong bus at mukhang tulog na ang lahat. Lalabas na sana ako nang mapagtanto na wala akong dadaanan. Dahil sa dilim, hindi ko napansin na super reclined ‘yung seat sa harap ng katabi ko. 

 

Nawalan ako ng balanse at napahawak sa katabi ko. 

 

Putangina!

 

Nakakahiya!

 

Nagising ko si Ate nagbigay ng tubig at malalaki ang mata akong tinignan. 

 

Hindi ko sadya, Ate! Sorry!

 

Mabilis kong inalis ang pagkakahawak sa kaniya na isa pang putangina. Nawalan ulit ako ng balanse!

 

Nahawakan ko siya sa balikat at ginawang suporta. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa isa kong braso. 

 

Ang romantic ng pwesto namin kung sa waist ko siya napahawak. 

 

ANG LANDI MO, MINJEONG!

 

“Sorry, ano, sorry, l-labas sana ako, eh,” natataranta kong pagpapaliwanag. Mahina lang naman boses ko kasi doble kahihiyan kapag nagising sila tapos ganito ayos namin. 

 

Nakakahiya talaga! Isa, save me. 

 

“Ano, sorry yung seat kasi, ano, I’ll ano,” 

 

LORD…

 

Mabilis na tumibok ang puso ko nang marinig ko siyang magsalita. Hushed tone lang din ang gamit niya. Nakaalalay pa rin siya sa akin. Mabilis ko naman naintindihan gusto niyang sabihin. Gumalaw na siya at sinubukan ko namang lumabas pero wala pa rin. 

 

Mas lalo lang akong napalapit sa kaniya kasi kulang na lang daganan kami ng reclined seat ng nasa harapan. Nakalingon lang si Ate sa kanan habang malapit ako sa sa kaniya. 

 

Nagpakawala ako ng hininga na naramdaman din ata niya kasi nakita ko ang pagtaas ng balahibo niya. 

 

Weird kasi ang dilim pero kita ko pa rin. Baka dahil super lapit namin. 

 

Isa, tulungan mo ako. Kaunting tulak na lang talaga magpapakandong na ako. 

 

Ang bango ni Ate. Amoy mayaman pero hindi naman matapang. Pamilyar ang amoy niya, naamoy ko na kay Seeun ‘to dati eh.

 

And dahil malapit ang mukha ko kay Ate, mas nakita ko ang features niya. Ang gurl mapapatanong ka talaga kung may favorite ba si Lord. Kung may Lord nga ba talaga. 

 

Anyways, huhu. 

 

Natigil ang pagpuri ko sa kaniya nang maramdaman ang pisil sa braso ko. HUY, BAKIT?

 

“Ano, I’ll go out muna tapos ikaw naman para ano, ayun, yeah,” composed na sabi ni Ate. Napatango na lang din ako at bumalik na sa upuan ko. Nakaalalay lang naman siya the whole process. 

 

Bakit ang bait niya?!

 

Ate, mahina ako sa mga magaganda at mabait. Kulang kasi ako sa aruga. JOKE. 

 

Lumabas naman na siya na agad ko namang sinundan. Nagkatitigan pa nga kami nang makalabas ako. Ang gada ng mata niya, ang sarap magpalahi. 

 

“Uhm, sorry tsaka thank you,” sabi ko bago dumiretso sa portable cr. Ang landi ko talaga. Pero ang bait niya talaga. Grabe, Isa could never!

 

Nagulat naman ako nang sumulpot siya sa gilid ko at inalis ang pagkakatali ng pinto ng cr. Inayos niya ang cr bago ngumiti sa akin. 

 

Baka totoo nga ang Lord kasi parang heaven ‘yung smile niya! Tumango na lang naman ako dahil sa gulat at pumasok na sa loob. Habang nagbabawas ng tubig sa katawan, hindi ko mapigilan isipin si Ate. 

 

Crush ko siya!

 

Type ko ‘yung ganda ni Ate. ‘Yung ano mukhang mataray na kaya kang ipaglaban sa mga debate at fliptop. 

 

Ano kaya name niya? 

 

Lumabas na ako at nagulat nang makita ko siyang nakatayo pa rin sa labas. 

 

Hinintay niya ba ako? Bakit? Luh? 

 

Ah, baka gagamit din siya ng cr. Okay, umasa ako dun. 

 

Pumasok na siya sa loob. Nanatili lang naman ako sa labas. Naalala ko ang motto ni Isa na motto ko na rin. 

 

Maximum harot na kasi one time lang naman. It is what it is, bakla. Go na ‘yan!

 

Since hindi ko naman na makikita ‘tong si Ate, harutin na natin. Crush ko talaga siya and walang torpe sa pamilya ng mga Kim at Lee. Example na si Isa. 

 

Nagulat naman si Ate nang makita na nasa labas pa ako. Gulat ka ba, Ate? Nginitian ko siya. “Uhm, tara na hehe?”

 

Gulatan tayo ngayong araw, Ate. Kanina pa tayo nagugulat sa mga pangyayari kaya lubusin na natin. 

 

Nakatulala lang si Ate sa harapan namin after namin makaupo. Parang kahoy. Nilabas ko ag gummy bear kong binili kanina at inilahad sa kaniya. 

 

Best couple talaga kami. Siya na nagaalok ng water sa stranger tapos ako gummy bears sa magaganda. 

 

“Uhm, thank you. Sorry pala at naistorbo ko pa tulog mo. Ano, uhm, gummy bear?,” mahina kong sabi sa kaniya. Kung maririnig lang siguro ako ni Yuna, masusuka na siya. Pero ‘wag siya magulo, crush ko ‘to oh. 

 

Nilingon naman ako ni Ate at tinitigan lang. Hindi ko naman alam kung bakit gandang ganda ako sa eyes niya. Parang… parang maraming sinasabi. 

 

OH MY…

 

May nunal siya sa ibaba lang ng lips niya. Kahit na bet na bet ko ‘yung eyes niya, ‘di ko rin mapigilang titigan ‘yung moles sa ilalim ng lips niya. 

 

Bagay sa kaniya. Hindi awkward ‘yung pagkakalagay ng mole sa face niya. And honestly, parang siya lang kayang ipull off ang ganoong nunal. 

 

She excludes the sakto lang type of ingay pero playful din aura. Mukha siyang mangangain ng tao kapag nakapoker face lang at super cute naman kapag flustered. I don’t know kung anong timbre ng voice niya pero assuming sa narinig ko kanina, natural na may deep voice siya. Not that deep ha pero deeper na compared sa akin and kay Yuna. 

 

The way she moved kanina, mahahalata mong she’s used na sa pag-aalaga ng people around her. Hindi ko naman napigilang pansinin ‘yung subtle pag-alalay niya sa akin the whole time. Siya rin ‘yung type na considerate, just like Seeun. 

 

Isa would go epal na naman kapag nalaman niyang marami na ako agad napansin in just a little amount of time. 



 

I don’t know what happened next. Wait, scratch that kasi alam ko naman. I definitely took my chance. 

 

Flirting is not the right term. 

 

Bonded with her? Ewan. 

 

Nakita ko na lang sarili ko na kinukulit siya at nago-open up sa kaniya na minsan lang mangyari. I said my name, my likes, my hobbies, and even my admiration sa relationship nila Isa. 

 

Tumatango lang naman siya the whole time. Minsan nagtatanong, minsan naman nagbibigay ng comment sa mga sinasabi ko. And I’m right, maraming gustong sabihin ang mga mata niya. 

 

She started opening up noong inaantok na kami parehas. Funny thing kasi noong nakatulog na kami, tsaka naman nagising ang ibang tao sa bus. It’s like sa amin sa bus ng dalawang oras. 

 

Inis kong itinuro ang ilaw sa kisame, “Bakit hindi mo tinanong pangalan niya?!” 

 

Kaya hindi ko machika kila Lia kasi panigurado babatukan nila ako. Sasabihin nila na “Winter you had your chance! Tapos ‘di mo pa hiningi name?” 

 

Oo nga, sis. Mali ko nga ‘yun!

 

Kaya eto ako ngayon, malungkot kasi miss na siya. 

 

Posible kaya ‘yun? Mamiss ang taong hindi mo naman totally kilala and nakasama? Ang sarap niya lang kasing kausap. Siya ‘yung type na magandang isama sa dalampasigan tapos mag-uusap lang kayo while waiting sa paglubog ng araw or pagsikat niya. 

 

2 weeks na since nagkita kami. Nakabalik na rin kami sa unit namin dito sa Sta. Mesa pero siya pa rin nasa isip ko. 

 

Ano ba ‘yan! Kaya dapat natutulog na lang sa jeep or bus eh para iwas dagdag ng crush. 

 

 

Ang dalawang linggo ay naging isang buwan. December nang makita ko siya at ngayon at Feb na. 

 

February = Mga ew na tao

 

Time na naman kung saan super sweet sila Isa! Okay lang naman siya sa akin kung hindi ko nawitness onhand ‘yung mall session nila last year! 

 

Traumatized ako!

 

2 months din akong ilag sa kanila. 

 

Anyways, kagigising ko lang. Ay, 13 pala ulit ngayon? 

 

Taya kaya ulit ako? 

 

Last taya ko nanalo ako halos 30k eh. 

 

Minjeong:

Tita, taya ka ulit. 

13, 23 po hehe

50 pesos po ulit

Thanks, Ta!

 

Kapag nanalo pa talaga ako dito ewan ko na lang. 

 

Nagpatuloy na ako sa araw ko at naglinis ng unit namin ni Isa. Wala naman akong pasok ngayon kaya okay lang. Tsaka isang linggo na rin kaming walang linis sa unit kasi busy sa school. 

 

Sintang paaralan pa, Minjeong. 

 

Hapon na nang matapos ako. Satisfied naman ako sa result ng unit namin. Mukha ng bahay ng cute na tulad ko. Naligo na ako after ko kumain ng meryenda. Habang nagkukuskos, naalala ko si Tita. Mukhang ‘di kami nanalo since wala siyang text sa akin. Okey lang naman, nagtry lang naman ako kanina. 

 

Tunog nang tunog ang cellphone ko paglabas ng banyo. Panigurado sila Yuqi lang ‘yun. Nagbihis muna ako bago bulabugin ang group chat naming magkakaibigan. 

 

 

maroon school lazada version

 

yunaganda: diba sabi ni wintet katarina future jowa niya

 

yugiyuqi: nagiilusyon lang naman ‘yan si winter eh 

yugiyuqi: as if magkakajowa ‘yan eh halaman din ‘yan eh 

 

isa: grabe ka naman sa pinsan ko!

isa: ‘wag ka

isa: may hinarot pero hindi pinanindigan ‘yan sa bus 

isa: diba babe?

 

seeunamongus: yes yes haha

 

liaghoster: tama ba pagkakabasa ko? si winter?

 

yugiyuqi: bakit selos ka? @liaghoster  

 

liaghoster: issue ka 

 

isa: wow ano to 

 

yunaganda: tahimik mga panget

yunaganda: nakakita ako ng may name na karina @winmin   

yunaganda: sa group ng pup sinisinta ko

yunaganda: ‘yung bardagulan group!

 

liaghoster: katarina nga raw diba

liaghoster: bobo ka sa part na ‘yan 

 

yunaganda: ‘wag kang bitter ses 

yunaganda: magreply ka kaya muna kay chaer

 

seeunamongus: hahahahahahahah

seeunamongus: damn

 

yugiyuqi: alam mo ikaw seeun, naglalapag ka lang dito sa gc kapag tinatawag ka ng jowa mo or pinagtutulungan niyo si lia

 

seeunamongus: haha :D 

 

yugiyuqi: sakit mo sa mata seeun

 

yunaganda: sent a photo

yunaganda: ayan oh! tambay mga friends niya dito eh tapos ngayon lang siya nagreply sa comment 

yunaganda: maganda! halatang type ni @winmin        

 

winmin: ako na naman topic niyo

winmin: grabe na talaga mga fans ni winjeong


 

Natawa ako sa sarili kong chat. Tiningnan ko naman ang picture na sinend ni Yuna. Screenshot ng post sa group ng mga epal kids ng PUP. Wala namang kakaiba. Harmless asaran between friends pero may isang name ang nakaagaw ng pansin ko. Hindi pala name, display picture pala. 

 

Karina Yoo

 

Agad kong pinindot ang profile at chinech ang picture niya. Halos malaglag naman ako sa upuan sa sala namin nang makita ang picture.

zPftqNBd52XZSHofGxB16yZg70Dkrx-NGVmweTuEupBL1SG2F6QF1PRa3k8NsnY6odCXPJh6vrs1ikI7OTQzrhMrHxrvEJPMD98BvwoHqBq7Ivtl2LruRyPGAAWn9oHgm6j7VcK5x37SBhl5eJotqA616K7KTdqRSqyEVYcQCK4sqx5gikBFjNJvmISrag

 

Busy ako tingnan ang picture niya habang nakanganga nang makita ko ang text notification mula kay Tita. 

 

Tita Ysa

min gcash ko na lang ulit ‘yung panalo mo ah

san mo pala nakuha number na ‘yun

sabi ni lando balato raw haha

 

PUTANGINA!!!

 

Lucky day ko na talaga mga 13!!!

 

Nakita ko acc sa fb ni Baby ko tapos nanalo pa ako!

 

Isa, itabi mo na. Ako na favorite ni Lord…kung may Lord nga hehe.  

 

Agad akong bumalik sa gc namin para itanong kay Yuna kung active ba sila Baby ko sa group na ‘yun. Hindi ko rin inexpect na ‘yung name na binigay ng manghuhula sa akin dati ay similar sa kaniya. 

 

Karina Yoo. Ang ganda…

 

maroon school lazada version

 

yunaganda: ako na nga ‘tong naghatid ng chika?

yunaganda: tsaka lumayo layo kayo sa akin bukas isa

yunaganda: baka sabunutan ko kayo ng jowa mong impostor 

 

isa: pikit

 

winmin: @yunaganda active ba ‘yan sa group?      

 

yunaganda: medyo win

yunaganda: kagabi pa nga ‘yan eh 

yunaganda: binebenta na ‘yung karina kasi siya na lang daw natitirang single sa kanila

yunaganda: luh bakit?

yunaganda: BET MO?

 

winmin: @yunaganda oo magpapapansin na nga ako ngayon eh

winmin: cutie problems ganun


 

isa: pamilyar ‘yung face nung karina

isa: parang nakita ko na 

isa: babe classmate mo ba siya?

 

seeunamongus: no babe pero familiar nga siya

 

winmin: true familiar kasi future pinsan mo ‘yan isa :p 

 

Nagkagulo na sila sa gc after ko maisend ‘yun. Mabilis naman akong nagselfie at nagpacute. Pumunta ako sa group na sinasabi ni Yuna at nabungaran ko ang post ni Karina. Inaalaska lang naman niya si Ryujin. Sure ako na makikita nila ang post ko ngayon since tambay sila sa group.  

 

Mabilis akong nagcompose ng ip-post sa group. 

 

Hahabol tayo sa Valentine’s Day, Karina. 

 

Winter Kim 

1 sec ago 

 

Tinanong ako ni Mama kung ano raw pinakafav ko sa bakasyon ko last December. Sabi ko sa kaniya, Quezon. Tanong niya, “Bakit Quezon eh hindi naman kayo dun nagpunta. Dinaanan niyo nga lang eh”. 

Ang sagot ko? 

 

Kasi sa probinsya ng Quezon… may maganda-

 

-magandang ako :P

 

PS. gusto ko ng gummy bear date bukas hehe 

PPS. reclined seat :D

xPpqD3MuievYTHeyzqr6y_ZmrVlAgM5szhcApwDlzNlJKupHdT0-9cSEnZY_bJ458KJNoX4zRlt4jVZMXNcQCmOdWd4Q1t1OqlqeOCgBy43O8D8t3pGq9d_qKc77KF3CXj0InhuWJyQQBS9qAhvjoyCcrmk82ysdYoIXi8d8Eld8mLs0S7GOPSAh59_Itw

 

========

wala talaga akong plan na ipost or isulat ang side ni minjeong. nakita ko lang comments and after ko basahin 'yung story, super bitin nga haha. 

ps. baka may kasunod pa (?) hashahshas

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aalysb
Hanggang dito na lang (?) Hindi ko po alam kung may kasunod pa ang story na 'to. One shot lang talaga siya initially pero dahil sa mga comments, umabot sa 4 chaps. Thank you po sa lahat ng nagbasa at nagcomment! Super appreciated po! Kapag nagrebolusyon susulat ko ang Quiapo scene haha.

Comments

You must be logged in to comment
ohyo_ohyo319
#1
Chapter 1: Grabe lang so real ang highlight ng bakasyon ko everytime na uuwi ng bicol is yung bus ride eh😭 gusto ko uli umuwi sana may ganyang moment rin ako😳
jaangwaang
889 streak #2
Chapter 4: cutieeee 🥰
Wikwuok #3
One of the best reads here sa aff. Cute cute nila (^^)b
Db1234 #4
Chapter 4: Nice. Haha. More please
luh_KEY #5
Chapter 4: Ang cute cuuuuuuuteeeee
gomtokkim
2145 streak #6
rereading while pauwi sa Quezon<3
sso___ #7
Chapter 4: cutieeee! me when? 🥺
joyie4ever #8
Chapter 4: Huy cute!! More?😭
TYTFshipper
259 streak #9
Chapter 4: Haynako. Sumakay din naman ako ng bus. Pero bakit trapik lang naman inabot ko. Charot HAHAHAAHAH
gompringles
#10
Chapter 4: Hankyuuuuut ng storyyyyyy!!! More pa poo