hm?

sa probinsya ng quezon…

February 13…

 

Ilang buwan na rin pala simula nung nakita ko si Minjeong. Talagang one time thing lang siya. Typical jeep/bus crushes. 

 

Napabuntong hininga na lang ako. 

 

Inis kong tiningnan ang picture na nasa pader ng kwarto ko. Si Taeyon ng SNSD, nakangiti tapos ako nakakunot ang noo. Unconsciously, nagawa ko na naman ‘yung pinuna nila Ryujin dati. 

 

Sabi nila, mahilig daw akong mag scrunch ng nose ko or mag purse ng lips. At first akala nila kapag nervous land daw or busy, pero all the time raw. Nagvideo pa kami ng one month para lang dun. ‘Yung extra phone ni Yeji, nilagay pa nila sa sala namin para raw accurate ang result. 

 

Mga walang magawa sa buhay. 

 

Speaking of Yeji, sila ng jowa nila ang dahilan kung bakit badtrip ako ngayong araw. Umagang umaga kasi ang ingay ingay. Kagabi pa sila, ay mali, last month pa. 

 

Last month pa nila ako inaasar. 

 

Dahil kay Minjeong. 

 

Na hindi nga nila kilala pero ang lakas ng mga trip. 

 

After that morning kay Mommy, mabilis na nakaramdam sila Ryujin about sa pagkakagusto ko kay Minjeong. Isang araw lang nalaman na nila agad! Sabi pa ni Aeri na hindi raw ako magaling magtago lalo na sa kanila na matagal na akong kilala. 

 

Si Ryujin, kaklase ko from my jhs school tapos sila Aeri at Yeji naman ay naging kaklase namin ni Ryujin nung freshman year. Since block section kami, sila pa rin mga kaklase ko ngayong 3rd year. Si Ningning naman ay lower sa amin ng isang taon at nasa main building siya nakapwesto. Sa CEA kasi kaming engineering students. 

 

Lumabas na ako ng kwarto at hinanap si Mommy. 8 pa lang naman ng umaga and buti na lang wala akong schedule ng pasok ngayon. 

 

Wala sa buong bahay si Mommy. May nakita naman akong note na nakadikit sa ref namin kasama ang mga bills. 

 

Ah, bibisita siya kila Tita sa may Pasay. 

 

Kumain na lang ako ng almusal bago umpisahan ang pagr-review. Finals na rin kasi next week kaya maganda na ‘yung maagang pagr-review. Hindi ko na rin tinangkang icheck ang gc namin kasi sure akong puro landian lang nila Ryujin at Yeji ang nandoon. February na naman kasi, monthsary nila. 

 

Hay nako lang talaga. 

 

Mabilis akong nakakuha ng momentum sa pag-aaral. Hindi ko napansin na tanghali na rin pala. Late na masyado kung magluluto pa ako since 1 na ng tanghali kaya nagbukas na lang ako ng cup noodles. 

 

Wow, Katarina. Kaya ka nga hindi nagdorm para maayos na pagkain kakainin mo tapos noodles ka na naman. 

 

Habang kumakain, naalala ko na naman si Minjeong. Favorite niya raw sa lahat ang creamy seafoods na flavor pero nagstop na sila bumili nun nang nalaman nilang allergic sa malalansa ‘yung jowa ng pinsan niya. Natawa naman ako kasi naalala ko na naman kung gaano siya nac-cringe sa relationship ng pinsan niya.  

 

“Baka naman bitter ka lang?,” panghahamon ko sa kaniya. Tiningnan niya naman ako that time nang may pandidiri sa mukha. Sabi pa niya, “Buang ka ba? Bakit naman ako maiinggit eh ang cute cute ko” 

 

Wala naman akong sinabing naiinggit siya pero ‘di ko na sinabi. Tumawa na lang ako at nakinig pa sa kwento niya. Actually, marami siyang nakwento. 

 

Teka, oo nga no? 

 

Maraming nasabi si MInjeong pero ‘di niya nabanggit saan siya nag-aaral. Super bilis din kasi ng flow ng kwento niya eh. Parang the first minute si Harry Styles topic tapos next minute ty transportation system na ng bansa. 

 

Madalas siguro siyang magcommute. Ramdam na ramdam ko kasi that time ‘yung inis niya. Hindi ko naman siya masisisi kasi super drained ka na nga sa school, sasabayan pa ng transportation na bulok, ewan ko na lang kung hindi ka sumabog. 

 

Umakyat na ako sa kwarto at binuksan ang cellphone ko. Bungad na bungad sa akin kung gaano kaingay si Ryujin at kung gaano naman kasupportive ‘tong jowa ni Aeri na si Ningning. 

 

 

oplan hanapan ng bb si karina

 

luningning: ryujin ikaw na lang laman ng timeline ko
luningning: baka naman gusto mong tigilan muna pagp-post sa group

 

torpaeri: yaan mo ‘yan bb
torpaeri: valentine’s na bukas need na talaga ng jowa ni rina

 

yeji love: HAHAHAHA
yeji love: maraming nagm-message sakin @rina 
yeji love: sa ‘yo rin ata marami? HAHAHA

 

rina: ang saya niyo naman
rina: lalo ka na @yeji love
rina: sabi sa ‘yo ako na lang eh

 

ryujin kumalma ka sa 14: ????

 

I laughed out loud nang makita ang reply ni Ryujin. Sabi na ‘yun lang need ko gawin para matigil siya sa pang-aasar. Kagabi pa kasi nila ako binebenta sa fb group ng PUP students. Ako lang daw kasi walang date bukas. 

 

As if naman na need ko. 

 

Pero name ko na lang ang makikita sa group na ‘yun. Kalahati, binebenta at nirereto ako. ‘Yung kalahati naman, nagtatanong sino raw ba sa Rina at bakit may kink siya sa mga late. 

 

Lahat ‘yun kagagawan ni Ryujin na suportado naman nila Yeji. 

 

Lord!

 


ryujin kumalma ka sa 14: maraming kumakatok sa messenger mo @rina tigilan mo ang baby ko
ryujin kumalma ka sa 14: sino nagpalit ng nickname ni rina??

 

ryujin kumalma ka sa 14 changed your nickname to rina humarot ka na 

 

luningning: ryujin sana raw marestrict ka sabi ng kaklase ko 
luningning: HAHAHAHHA ANG INGAY MO RAW 
luningning: gawa gawa mo lang raw si rina HAHAHA

 

torpaeri: magparamdam ka naman kasi rina
torpaeri: hahayaan mo na lang bang i-dogshow ka ni ryujin

 

yeji love: alam ko na paano mapapagalaw si rina hahaha

 

ryujin kumalma ka sa 14: gutom na ako kain tayo
ryujin kumalma ka sa 14: sa jabee na lang sa pureza station para malapit lang sa amin

 

luningning: pass ako may class ako ng 5:30

 

ryujin kumalma ka sa 14: 4:30 pa lang naman
ryujin kumalma ka sa 14: kaya ‘yan @luningning

 

luningning: ‘wag ka na ryujin ayan jowa mo oh siya na lang yayain mo

 

ryujin kumalma ka sa 14: automatic na kasama ko siya
ryujin kumalma ka sa 14: bakit? 
ryujin kumalma ka sa 14: kasi baby ko ‘yan hehe
ryujin kumalma ka sa 14: matatalo mo ako sa calculus pero ‘di mo ako matatalo sa mwa mwa time @rina humarot ka na

 

rina humarot ka na: jokes on you meron din naman ako

 

yeji love: HAHAHAHA
yeji love: as if rina 
yeji love: for sure trending ka na naman sa PUP bukas kasi map-picturan ka na naman mag-isa hahaha

 

Valentine’s Day plus ako = trending na babaeng bitter. 

 

Last year, kumalat ‘yung picture ko na nakasimangot sa main gate tapos napapalibutan ako ng sweet na mga magjowa. Ginawa nga akong meme ng mga taga-CEA eh. Isang buwan din akong nireto ng mga kadepartment ko. For sure, meron na naman ngayong buwan. 

 

Binisita ko na lang ‘yung fb group kung saan nagkakalat si Ryujin. Nagcomment agad ako sa nabungaran kong post niya. Mabilis naman ang reply niya at nila Aeri. 

 

Wow, ang bilis ah. 

 

Habang nakikipag-away kay Ryujin sa comment section, sumagi na naman sa isip ko si Minjeong.

 

May date kaya siya bukas?

 

Lord, baka naman oh. 

 

Kasalanan talaga ni Ryujin lahat. 

 

Malungkot akong humiga sa kama ko. Tinitigan ko ang kisame at inisip si Minjeong. 

 

Saan kaya siya nag-aaral? 

 

Kumusta na siya? 

 

Bakit kaya mag-isa lang siyang bumyahe that time? 

 

Hays…

 

Manonood na lang ako ng favorite kpop group ni Minjeong, aespa

Binuksan ko ulit ang cellhpone ko at aalis na sana sa facebook nang magrefresh. Isang bagong post naman ang nakita ko. 

 

Winter Kim to PUP sinisinta ko (bardagulan)
2 sec ago 

Tinanong ako ni Mama kung ano raw pinakafav ko sa bakasyon ko last December. Sabi ko sa kaniya, Quezon. Tanong niya, “Bakit Quezon eh hindi naman kayo dun nagpunta. Dinaanan niyo nga lang eh”. 
Ang sagot ko? 

Kasi sa probinsya ng Quezon… may maganda-

-magandang ako :P

PS. gusto ko ng gummy bear date bukas hehe 
PPS. reclined seat :D

xPpqD3MuievYTHeyzqr6y_ZmrVlAgM5szhcApwDlzNlJKupHdT0-9cSEnZY_bJ458KJNoX4zRlt4jVZMXNcQCmOdWd4Q1t1OqlqeOCgBy43O8D8t3pGq9d_qKc77KF3CXj0InhuWJyQQBS9qAhvjoyCcrmk82ysdYoIXi8d8Eld8mLs0S7GOPSAh59_Itw

 

Napatili ako nang makita ang picture. Si Minjeong! Nagpost si Minjeong!

 

Mommmyyyyyyyyy!!!

 

Ang ganda ganda ni Minjeong. Ang cute! Mukha ring mabango huhu. 

 

Amoy baby siyaaaa!!

 

Mukhang amoy baby hehe. 

 

Lord…

 

Mabilis akong dumapa at tumili sa unan ko. Kinikilig ako. 

 

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sasabog na ata. Naghihina akong umayos ng higa at tinitigan ulit ang kisame. ‘Yung crush ko, si Minjeong, ang ganda ganda. Lord…

 

Pinindot ko ang pangalan niya at triny na mangstalk. 

 

Locked. 

 

Nakalock ang facebook profile niya! Bakit naman!

 

Ang damot naman huhu. 

 

Bumalik na lang ako sa post niya at chineck ang comment section. Kahit na kap-post niya pa lang, dinagsa na agad ng mga student ang post niya. Puro “hi” or “tara, date tayo bukas” ang mga nakalagay. Iba iba pa nga eh, may lalaki and babae. 

 

Back off, guys! Crush ko ‘yan! 

 

Inisa isa ko talaga mga pangalan at mga nagcomment sa post niya. May mga nagsasabi ng kung ano ano kaya nireport ko na rin. 15 minutes na rin akong nakatutok lang sa post niya. 

 

I was tempted na magcomment din. 

 

Hi! 

Ako si reclined seat! 

‘Yung gummy bears ang sarap! 

 

Kaso hindi niya rin naman mapapansin since ‘di niya alam ang name ko. Sa face niya lang ako kilala. Kung natatandaan niya nga ako…

 

Mommy, help!

 

Paano ba magpapasin? 

 

Nag-iisip ako ng magandang gawin ng may isang comment akong nakita. 

 

Julia 
Mine. 

 

What? 

 

Nakita ko naman sa replies ang iba pang mga tao. 

 

Song Yuqi
Wow! Tabi, andito na ang bebe

 

Isabel Lee 
Explain mo ‘to, Minjeong! Winter Kim

 

Seeun Yoon
Yuna Shin look

 

Yuna Shin
Seeun Yoon */surprised real true

 

Seeun Yoon
Yuna Shin HAHAHAHAH

 

 


WHAT?

 

Anong mine? 

 

Sino ‘to? 

 

May girlfriend na si Minjeong?

 

Nakanguso kong tinignan ‘yung facebook ng Isabel Lee. Nakita ko naman ang pamilyar na hitsura. Siya yung kasama sa sumundo kay Minjeong. 

 

So sila nga? 

 

Pinatay ko ang cellphone ko at nagtalukbong ng kumot. So ‘di na siya single? 

 

Hmp. 

 

Bakit may gummy bears ba kung taken ka naman na? Hmp. 

 

Nakanguso kong hinampas ang kumot. Inis naman akong umupo at ginulo ang buhok ko. “Bakit? AAAAAA” 

 

“Bakit taken ka na?”

 

“Lord!” nagsusumbong kong turan sa kisame. 

 

Tumayo ako at nakapamewang na humarap sa kama ko. “Eh bakit ka pa nagpost ng reclined seat chuchu?! Tapos may cute na pic pa?!...”

 

“...mahina ako sa cute at maganda!,” pagsasalita ko nang mag-isa sa kwarto ko. Ilang minuto rin akong ganoon bago icheck ulit ang post ni Minjeong. 

 

Naghihina naman akong dumapa sa kama habang nags-scroll sa comment section niya. 

 

Winter Kim
Alam kong cute ako pero ew sa’yo Julia 

 

Winter Kim 
Mamaya sugurin pa ako ng MGA jowa mo, pass na lang

 

Winter Kim
Julia maganda ka pero it’s not you and it’s not me, it’s the universe. 

 

Winter Kim 
Isabel Lee Seeun Yoon lumayas kayo sa comment section ko naiirita ako sa inyo. Kadiri talaga mga magjowa

 

Seeun Yoon
Kahit may Baby(?) ka rin Winter 

 

Isabel Lee 
Winter oo nga si mabango gurl 

 

Winter Kim 
UY ANO BA hehe

 

Winter Kim 
Ano ba ‘to! Wala na, kinikilig na ako ahshahshhsa

 

Yuna Shin
ANG HAROT MO NAMAN Winter

 

Yuna Shin
Pero ‘di ka naman pinapansin ng crush mo

 

 

So hindi niya girlfriend ‘yung Julia, pero may Baby na siya na mabango. Nilagay ko sa ilalim ng unan ang phone ko at nagdadabog na pumasok ng banyo. May extra force ang pagkukuskos ko kahit na nakaupo lang ako sa bahay buong araw. Hindi ko naman maalis sa isip ko ‘yung crush ni Minjeong. 

 

Sure ako maganda ‘yun kasi maganda si Minjeong. 

 

Inis kong sinara ang shower at tinuro ang shower head sa itaas ko. “P-pretty daw a-ako! Sabi ni Mommy!” 

 

Napapadyak ako nang mahina bago binuksang muli ang shower at nagbanlaw na. Kunot noo lamang akong naliligo habang iniisip na bakit isa lang ang Minjeong. 

 

Kasalanan ni Ryujin, kinuha na agad si Yeji!

 

I sighed bago kunin ang towel at ang toothbrush. 

 

Nagt-toothbrush ako nang may maalala. Si Ryujin noong first month namin bilang freshmen. 

 

 

“Mas maganda ako sure ako! Mas mabait pa! Ano kaya niya ba magsolve ng calculus at thermochemistry?” 

“Crush pa lang naman niya, ‘di sure hehe. Sa akin sure na sure na siya kahit ako na gumawa ng thesis niya!” 

 

 

I remember binatukan ko si Ryujin that time. For me, masyadong all out si Ryujin that time. Tinanong ko pa nga kung sure siya. Sabi niya naman sure na sure siya kaya ilang buwan siyang nagpapansin kay Yeji. 

 

Dahil classmate lang namin si Yeji, mas nagging madali ang oplan ipakita kay Yeji na worthy siya. Ryujin indeed showed us how she liked Yeji that time. Kahit na maloko si Ryujin, siya raw ang definition ng green flag based kila Ningning and mga classmates namin. 

 

Pero, oo nga. Crush pa lang naman! 

 

Hah, ako ang pinakamatapang na ginawa ni Lord!

 

Nakangiti akong nagkuskos ng ngipin ko. Tatlong beses ko pa ngang inulit ang Happy Birthday song. Nagmumog na ako at mabilis na kinuha ang cellhpne ko. Alam kong may chance na ibaon ko sa lupa si Ryujin at Aeri para dito, pero I’ll take the chance. 

 

Need kong mailibre si Minjeong ng gummy bears bukas. In short, dapat ako ka-date niya bukas!

 

 

Akala ko madaling sabihin ang plano ko kila Ryujin. Hindi pala. Halos ilang minuto na rin akong nakatulala lang sa gc namin. Paano ko ba sasabihin? 

 

Umupo ako nang maayos sa kama ko at napagdesisyunang tawagan na lang si Ryujin. Siguro kumakain na sila sa Jollibee ni Yeji pero urgent ‘to! Nagr-ring lang naman at walang sumasagot. Kung normal na araw lang, ‘di ko na hihintayin pagsagot nila. 

 

Tumawag ulit ako at ilang ring lang ay sinagot na ako ni Ryujin. “Karina, bak-” 

 

“Ibenta mo ako, Ryujin.” Wala akong narinig sa kabilang linya after ko ‘yon sabihin. Tiningnan ko naman ang phone ko kasi baka pinatayan ako ng call pero on going pa naman ‘yung tawag namin. “Ryujin?”

 

“Ano? Ulitin mo nga, Karina,” si Yeji ang sumagot sa akin. Asan si Ryujin? Huminga ako nang malalim bago inulit ang sinabi ko kanina. 

 

“Ibenta niyo ako, Yeji” 

 

“Buang ka ba!,” sigaw sa akin ni Ryujin. Nagulat naman ako sa sigaw niya. Narinig ako ang mahinang pagsaway ni Yeji sa girlfriend niya. “Ryujin, nasa supermarket tayo!” 

 

“Si Karina kasi!...Karina, anong benta benta? Kwek kwek ka ba para ibenta?” mariing tanong sa akin ni Ryujin. Narinig ko na naman si Yeji at ang hampas niya kay Ryujin. Nag-aaway pa sila. 

 

Kwek kwek?

 

Anong kwek kwek? 

 

“Rina, hi! Nasa grocery kami ni Ryujin pero papunta na kami sa counter…” 

 

Okay. 

 

Okay? Huh? Ano naman kung nasa grocery sila? 

 

“...anong benta ba, Rina?”

 

“Sa facebook. ‘Yung may LF LF, Yej?” ‘di sigurado kong sagot kay Yeji. Hindi ko na matandaan ‘yung mga post ni Ryujin kagabi. Basta nakita ko may LF na nakalagay. Narinig ko naman si Yeji na parang nagulat. 

 

“Like, irereto ka? Sa facebook?” Tumango naman ako kahit hindi niya makikita. “Oo, Yej. “Sa group…’Yung may bardagulan word?”

 

Hindi naman nakasagot agad si Yeji. Narinig ko na lang ang mura ni Ryujin sa background. After ilang seconds, nakita ko ang notification na gusto ni Ryujin magbukas ako ng camera. Agad ko naman binuksan camera ko at nakitang nasa grocery nga sila Ryujin. 

 

Akala ko ba sa Jollibee?

 

“Movie night na lang daw kami sa condo sabi ni Ryujin,” sabi ni Yeji na para bang nabasa ang iniisip ko. Kunot noo ko naman silang tinitigan at tiningnan nang masama si Ryujin. 

 

“Galawan mo, Shin!”

 

“Utak mo, Karina! Movie night kasi! Tsaka anong benta?”


“Sa group! Post mo ulit ako tulad kagabi! Dali na kasi”

 

“Ayaw ko, Rina. Bahala ka diyan”

 

“Bakit ba kasi? Ikaw naman nagstart eh! Ayan na nga oh may consent ko na!” 

 

“Parang gago naman kasi ‘to eh! Anong benta? Gusto mo ba ng kadate bukas? Pinsan ko na lang! ‘Wag na sa group magpost!” protesta ni Ryujin at nireto pa ang pinsan niyang isa ring may “?” sa utak. 

 

Tsaka lalaki pinsan niya! 

 

“Lalaki pinsan mo!”

 

“Kaya nga! Ano naman? Pogi kaya mga Shin,” mayabang na sabi ni Ryujin na nasa labas na ngayon ng grocery. Iniwanan niya si Yeji sa counter. Nakakunot ang noo niya habang kinakausap ako. 

 

Tingnan mo ‘to! Support na nga ako sa kalokohan niya tapos ngayon ayaw na niya!

 

“Bakla ako, Ryu! Parehas kami ng gusto ng pinsan mo!,” inis kong sigaw kay Ryujin. Nagkatinginan naman kami bago sabay na natawa. 

 

Matagal bago humupa ang tawa ni Ryujin. Naabutan pa siya ni Yeji na halos mamatay na katatawa. Naglalakad naman sila ngayon pauwi sa condo ni Yeji. Tumingin sa akin nang seryoso si Ryujin bago nagsalita. “Seryoso, Rina. Bakit kasi?” 

 

Ngumuso na lang ako kasi alam kong hindi ako titigilan ni Ryujin. Tiningnan ko silang dalawa ni Yeji, “I saw Minjeong sa group” 

 

Nanlalaking mata akong tiningnan ng dalawa bago tumili si Ryujin. Agad naman siyang hinampas ni Yeji kasi nasa kalsada pa rin sila. Parang kiti-kiti si Ryujin! 

 

“Gago ka, Rina!” 

 

“ ka rin, Ryujin!” ganti kong sabi. Umiling na lang si Yeji bago nagsabing papasok sila sa elevator. Binaba ko naman muna ang tawag at lumabas muna ng kwarto at dumiretso sa kusina. Uminom ako ng tubig at inisip kung paano ko masasabi kay Minjeong na ako ‘yung katabi niya last December. Sa mukha lang ako kilala ni Minjeong!

 

So dapat kasama picture ko sa ip-post ni Ryu? Pero anong picture? 

 

Hala, wala akong matinong picture!

 

Mabilis kong tiningnan ang mga solo picture ko sa gallery. Wala naman akong masyadong makita dahil puro groufie namin ‘to nila Aeri. 

 

Problemado akong namimili nang magpop up mga chats nila Aeri sa gc. Hindi ko naman sila pinansin at tiningnan ulit mga picture ko. 

 

No. Swipe. 

 

No. Ang stiff ng smile ko. Swipe. 

 

No. Ang epic ng face ko. Swipe. 

 

Wait. No, mukha akong masungit. Swipe. 

 

No! Ito ‘yung haggard ang stressed ako sa Fluid Mechanics! 

 

Ilang minuto rin akong swipe lang nang swipe. Wala talaga akong mapili kaya pumunta na lang ako sa gc namin. Tunog din nang tunog ang phone at maraming notifications from messenger and facebook ang lumalabas. Inis ko silang inalis bago buksan ang group chat naming magkakaibigan.  

 

oplan hanapan ng bb si karina

 

luningning: HAHHAHAHAHAH 
luningning: umabot na sa ibang school HAHHAHA

 

ryujin kumalma ka sa 14: ahshashahshas 
ryujin kumalma ka sa 14: sabog notifs ko

 

torpaeri: huy chinat na ako ng shs friends ko na sa up nag-aaral
torpaeri: hindi raw nagrereply si rina
yeji love: HAHAHAHA
yeji love: hindi namin matuloy ‘yung movie kasi ang lumalabas ‘yung notifs sa laptop ni ryu

 

ryujin kumalma ka sa 14: grabe ang aking power
ryujin kumalma ka sa 14: ang benta ng itlog ko HAHAHAH

 

luningning: tangina ka HAHAHAHHAHA

 

torpaeri: HAHAHHAHAHAHA

 

yeji love: HAHAHAHA LOVE!

 

Hindi ko masundan mga pinagsasabi nila kaya nagbackread ako. Kanina pa sila nag-uusap. 

 

ryujin kumalma ka sa 14: binenta ko si rina
ryujin kumalma ka sa 14: nyahahhaha

 

torpaeri: gaga ka sasapakin ka talaga niyan bukas 

 

luningning: ryujin stop ka na puro ikaw na lang nasa group!

 

yeji love: check niyo ‘yung post hahahaha

 

torpaeri: AHAHSHAHSHAHSHAHHAHAHA
torpaeri: TANGINA MO RYUJIN AHHHHAHSAHSHAHAHA

 

luningning: HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHHAHAHAH

 

torpaeri: ITLOG AHSAHSHAHS
torpaeri: KWEK KWEK NI RYUJIN 
torpaeri: AHAHSHAHSHAHSHAHHAHAHASSHAAAAA

 

ryujin kumalma ka sa 14: HAHAHHAHAHAHAHA GAGO BAKIT ANG BILIS DUMAMI NG COMMENTS
ryujin kumalma ka sa 14: GAGO ITLOG KO RAW

 

yeji love changed your nickname to itlog


torpaeri changed your nickname to kwek kwek na white


luningning changed your nickname to rina pugo 

 

WHAT POST?

 

Ryujin ano na namang ginawa mo?!

 

Lord! Bakit mo ginawang ganito si Ryujin! 

 

Ano po bang role ni Ryujin sa buhay ko?

 

Mommy…si Ryujin

 

Kaya pala sunod sunod ‘yung notifs ng facebook ko. Binuksan ko ang facebook at pinindot ang isa sa notification. Bumungad sa akin ang post ni Ryujin sa group ng PUP Sinisinta ko (Bardagulan). 

 

Holy….! 

 

Ryujin!!!

 

Lord!!!!!!!!!!!!

 

 

Ryujin Shin to PUP sinisinta ko (bardagulan) 
45 mins ago


PTPA


WTS LFB PUP PH

!!!

Hello po! Binibenta ko po ‘yung pugo namin sa CEA. Nasa baba po ‘yung pictures. 


rfs: bawal po kasi single sa tropahan namin 
pros: magaling sa calculus, kaya kang ipaglaban sa debate, kayang gawin thesis mo
cons: mahilig sa crocodiles at dinosaurs tapos mga late 

 

Para sa mga interested, direct message niyo na lang si Karina Yoo sa facebook. (Medyo mabagal po kasi wifi nila kaya hindi po siya makakareply agad). Siya na rin po pala magsasabi ng price hehe. 

y7BMWhEw5BTpCuYFoOIRf1DoxiomIEJFbPTYEs89svEwqN6jIbKZ22KH1dt0NIZZULr4rBoDmLhIwYCm36NZEm3CAaoyRW6Whk73993NzKjvdXXAiDacsTNkcuLyDtjjjamhRAXMajK0CrN_dEco3GgXWpMaIm9pBKQWxFRxO8V1Q2EkfWE2tqYn_nzvTA

-----------------------------

hKICnDAHhKq0M18hjjRX87TkrdynoWCfEuSLxNrFPbWLkBa8ni3JWwZR4dqPqss_PW2ykDCK4tqdtJHntfo8s9WkTxrGaNagWMNUyoi0eQYUwHLOQh8GrCcpoRhqe3ONWSOylOMmMRBDdJZyiRz3iicuwRq-X80imqbw0--mxvLW3Gr7BZ49OgpHJ2oU1g

- Rosary ring for sale! Nasa maayos na condition pa kasi maalaga ‘yung may-ari. Mabango legit kasi mabango rin ‘yung dating nagsuot. May kasamang matangkad kapag binili.  

 

ZgO-mV37jX8wz7XjT-B8zTpAf0nUWcodbR-lv11YfdZjzaOm5UrjxQi1cAjwxSlZZMBc3v3jMwf7cXae35vSzXOCaqDT4bHP6EAuSyHcc68-Y-F4SyCbbWgMgKjW2Na8euTP_6dpL7aPJKVrFf2gfCD2hZ6hbYKeh3RgyD9FFR2ct6it9KUhcwQyuwH6QQ

- White oversized hoodie for sale! May bagong hoodie lang kaya ibebenta na. Maayos na maayos ang condition walang mantsa. Mabango real legit kasi mabango ang fabcon na gamit plus mabango rin legit ‘yung dating may-ari. 

 

XV6L5tLnHEn3WSFaTrJGOUeGUT3ivLtNKO4x_DjKy_qufJdwSWIK8Pqf65U_ESa2My14C9Z-PSlUeyEQG2ws2BCDHw9X7VoIBYS6QlqGnrJrvFLeo1-Ou0TzJXxm-LHJlJawiCq8PnKu5mINBWigl3cqKtv2xtXnZPDrETjVL5x6-KmiTluPBQDPNBh7mQ

- Itlog pugo/kwek kwek na black and white for sale! Masarap charot pero true made with love! DM niyo lang si Karina Yoo for more details. 

 

RYUJIN! 

 

Mabilis kong iniscan ang mga comments. Sandamakmak na tawa at reto ang nababasa ko. Karamihan sa mga kaklase ko, tumatawa at minumura si Ryujin. Ang iba naman ay puro “hello, dm sent” o “mine na po”. Meron pa “steal”. Meron naman nagcomment trade na lang daw, nagpost pa ng picture ng jowa niya! 

 

Hindi ako photocard! 

 

Lord, gusto ko lang naman magpapansin…

 

Bakit dinogshow ako?

 

Kaya pala ang ingay ng gc! Ryujin, I’ll choke you! 

 

Aalis na sana ako at babalik na sa group chat namin nang biglang magpop out ang isang new comment. Naibato ko naman ang phone ko nang mabasa nang buo ang comment. 

 

Winter Kim 

hm? 

 

HM? H? M?

 

Anong “hm”?!

 

Dahil naibato ko ‘yung phone, agad ko itong pinulot na ngayon ay nasa ilalim na ng upuan dito sa sala. Buti na lang matibay ang case kaya walang damage. Agad ko namang sinearch sa google ang meaning ng “hm”. 

 

How much? 

 

HOW MUCH?

 

Minjeong, ano ‘to?! 

 

Nagh-hiperventilate na ako dito sa salas namin nang may new notification na naman galing sa messenger. Noong una akala ko si Ryujin kaya tiningnan ko agad kasi g-gyerahin ko siya. 

 

Winter Kim: loe pi,,,hm pi sa rosary ring…..,

Winter Kim: ksma pi b sa sing2 ung my su0t?,,,,,,

 

OH MY GOD! 

 

Si Minjeong! 

 

OhMyGod.OhMyGod.OhMyGod.OhMyGod.OhMyGod.OhMyGod.OhMyGod.OhMyGod.

 

OHMYGOD!!!!!

 

Chinat ako ni Minjeong!

 

Napatayo ako sa sofa at napasuntok sa hangin. Lord! Chinat ako ni Minjeong! 

 

Mommy, si Minjeong! Chinat ako!

 

“Anghel, ikaw ay bumaba…sa kalangitan,” kanta ko habang tumatalon talon sa marupok naming sofa. 

 

“...Labis na kadiliman, balot sa’king mundo…” 

 

Winter Kim: mhina b wifi ny0? pasalod n lng qta,,,,

Winter Kim: hehe anong number mo?

 

Chat ulit ni Minjeong. Dahil sa gulat at saya, hindi ako nakapag reply sa unang message niya. 

 

Winter Kim: loe pi,,,hm pi sa rosary ring…..,

Winter Kim: ksma pi b sa sing2 ung my su0t?,,,,,,

 

Winter Kim: mhina b wifi ny0? pasalod n lng qta,,,,

Winter Kim: hehe anong number mo?

 

What? Number ko? 

 

Bakit naman ganito typings ni Minjeong? Ang hirap kaya gayahin neto! Nagtype naman ako ng reply sa kaniya. 

 

Karina Yoo: l0e dN p0

Karina Yoo: 548 pH0e unG sing2x…1k bli q

Karina Yoo: mAhinA p0 sIgnAl smin,,x0ri XD

 

Malakas akong tumawa dahil sa mga reply ko. Inabot rin ako ng dalawang minuto matype lang ‘yun! Sana same kami ng humor…

 

Winter Kim: d m0 sng0t isa qnG tnUng,,,,,

Winter Kim: number mo? :) 

 

Oh my…Lord. 

 

Possible ba na kiligin ka sa jejemon text? Possible ba?

 

POSSIBLE!

 

Napapadyak ako sa kilig at kinagat ang maliit na unan dito sa may sofa. Pinagkasya ko naman ang sarili ko sa single sofa at humiga. Nakatakip sa bibig ko ang unan habang hawak ko ang phone at nagt-type ng reply kay Minjeong. 

 

Sunod sunod pa rin ang pasok ng notifications mula sa facebook at mga chat nila Ningning sa group chat pero wala akong pinansin ni isa sa kanila. 

 

Winter Kim: hi

Winter Kim: nahihirapan ka na ata sa jeje typings haha

 

Karina Yoo: Uy, no ha

Karina Yoo: Medyo familiar naman ako kaya okay lang

Karina Yoo: hehe

 

Winter Kim: pero true na binibenta ka? 

Winter Kim: bibili kasi ako 

Winter Kim: binibenta singsing at hoodie mo*

Winter Kim: **** sorry mali haha

Winter Kim: pero totoo bibili ako

Winter Kim: ‘yung singsing sana pati ‘yung may suot, bagay kasi sa akin

 

Lord God Panginoon….

 

Tuluyan na akong tumili sa unan kong hawak. Pinadyak ko ang mga paa ko bago umayos sa sofa. 

 

Karina Yoo: Sorry, reserved na kasi ako

Karina Yoo: ‘yung singsing at hoodie****

Karina Yoo: sorry pero reserved na talaga 

 

Winter Kim: hala sabi nung ryujin hindi pa >_<

Winter Kim: hindi po pwede isteal ng cute? :D 

Karina Yoo: No eh

 

Winter Kim: eh ng gummy bears? :p  

 

Karina Yoo: Tatanggapin ko lang ‘yung gummy bears kapag gummy bear date

 

Winter Kim: eh ng gummy bear date****? 

 

Karina Yoo: haha

Karina Yoo: Minjeong?

 

Winter Kim: hala 

Winter Kim: p-p-po?

 

Karina Yoo: 09*********

Karina Yoo: Super mahina kasi ‘yung internet namin as of the moment. 

Karina Yoo: Pwedeng sa call na lang ‘yung details ng singsing?

Karina Yoo: Smart pala ‘yung network ko

 

Winter Kim: nasa tabi mo ba charger mo? 

 

Karina Yoo: Hala, bakit? Anong meron?

 

Winter Kim: mahina kasi ako sa understanding 

Winter Kim: feel ko ‘di ko agad mag-gets explanation mo

Winter Kim: aabutin tayo ng 12 AM

Winter Kim: FEEL KO LANG NAMAN

Winter Kim: tapos sa super slow ko baka ituloy mo na lang bukas ‘yung explanation in person 

Winter Kim: ano feel ko lang naman ganun 

Winter Kim: malakas talaga intuition ng mga cute skl hehe

 

Tumawa ako nang malakas nang mabasa ang sunod sunod niyang message. Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Kinuha ko ‘yung spag na nasa tupperware at ‘yung tubigan ko. Dinala ko sa kwarto bago itinabi sa akin ang charger at powerbank ko. 

 

Nag-iwan na rin ako ng note sa baba na ‘wag akong istorbohin mamaya. 

 

Binuksan ko ulit ang phone ko at nagreply na kay Minjeong. 

 

Ieexplain ko talaga sa’yo ‘to bukas in person, Minjeong.

 

Karina Yoo: hmm

Karina Yoo: call ka na?

Karina Yoo: call ka na, minjeong.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aalysb
Hanggang dito na lang (?) Hindi ko po alam kung may kasunod pa ang story na 'to. One shot lang talaga siya initially pero dahil sa mga comments, umabot sa 4 chaps. Thank you po sa lahat ng nagbasa at nagcomment! Super appreciated po! Kapag nagrebolusyon susulat ko ang Quiapo scene haha.

Comments

You must be logged in to comment
ohyo_ohyo319
#1
Chapter 1: Grabe lang so real ang highlight ng bakasyon ko everytime na uuwi ng bicol is yung bus ride eh😭 gusto ko uli umuwi sana may ganyang moment rin ako😳
jaangwaang
889 streak #2
Chapter 4: cutieeee 🥰
Wikwuok #3
One of the best reads here sa aff. Cute cute nila (^^)b
Db1234 #4
Chapter 4: Nice. Haha. More please
luh_KEY #5
Chapter 4: Ang cute cuuuuuuuteeeee
gomtokkim
2145 streak #6
rereading while pauwi sa Quezon<3
sso___ #7
Chapter 4: cutieeee! me when? 🥺
joyie4ever #8
Chapter 4: Huy cute!! More?😭
TYTFshipper
260 streak #9
Chapter 4: Haynako. Sumakay din naman ako ng bus. Pero bakit trapik lang naman inabot ko. Charot HAHAHAAHAH
gompringles
#10
Chapter 4: Hankyuuuuut ng storyyyyyy!!! More pa poo