sa sta. mesa

sa probinsya ng quezon…

Laging paalala sa mga bata na huwag na huwag gagamitin ang cellphone kapag charging. 

 

Masunurin akong bata sabi ni Mommy. Hindi nga raw nagkaproblem si Mommy noong bata pa ako bukod lang sa random urge ko na manood at pumunta sa zoo.  

 

Pero ngayon, hindi na ata. Hindi na ako bata, hindi na rin masunurin. 

 

Ginamit ko ‘yung phone ko while charging. Bottom line pa is kausap ko si Minjeong habang nagc-charge ako. Ang init ng phone ko kagabi feel ko sasabog na siya. 

 

Hindi nagj-joke si Minjeong kahapon noong sinabi niya na aabutin kami ng 12AM. Lumagpas pa kami. Kung hindi pa siya nakatulog, hindi pa kami matatapos. 

 

Ang daming chika ni Minjeong!

 

 

For me stories siya regarding her friends and cousin pero sabi niya, “Chika ‘to sis. Maraming gusto ako maging katropa para lang sa mga chikang knows ko” 

 

Sabi pa niya, alam niya rin chika sa CEA. Mukhang totoo naman kasi kahit ‘yung super lowkey couple sa CEA, alam niya ang kwento! Tinanong ko siya paano niya nalaman sabi niya lang binulong daw sa kaniya ng lupa. 

Talking with Minjeong kagabi hanggang kanina made me realize na ibang iba ang Minjeong sa text, Minjeong sa call, and Minjeong sa personal. 

 

Minjeong sa text, char, or sa internet: Flirty 

 

Minjeong sa call: BFF type na maraming stories and rants 

 

Minjeong sa personal: Ball of sunshine

 

 

Although hindi ko pa masyadong naexperience ang Minjeong sa personal, sure akong super cute niya lang. 

 

Ayun nga, hindi ko inexpect na super iba ni Minjeong sa call. Kung super forward and flirty siya sa chats niya, super kalog naman siya sa call. Feel ko alam ko na talambuhay and lovestory ng pinsan niya and ng jowa ng pinsan niya. 

 

Ginawa raw siyang literal na bridge and messenger ng dalawa. Sabi niya freshman Minjeong ay bumabyahe pa from Sta. Mesa to Diliman maibigay lang ‘yung corny and cringe na love letter ng pinsan niya sa jowa ng pinsan niya. 

 

Kulang na nga lang raw gawin na siyang customer of the year ng isang cupcake shop sa may Commonwealth kasi favorite raw ng jowa ng pinsan niya ‘yung cupcake na ‘yun. 

 

Isa ‘yun sa mga naging topic namin kagabi. Napunta pa kami sa iba’t ibang topics pero mas madalas ‘yung rant and chika niya about PUP. 

 

Kagabi while kausap ko si Minjeong, hindi ako nailang. Wala ‘yung urge na magpasikat or what kasi crush mo ‘yung kausap mo. She made me feel na tropa na kami for a long time and eto ‘yung normal routine namin every night, ang pagchika sa isa’t isa. 

 

Para lang akong nakikipag-usap kila Ryujin plus may kilig and admiration factor lang everytime na maririnig ko ang cute noises ni Minjeong. 

 

 

11 na ng umaga nang makaalis ako ng bahay. Didiretso ako sa Jollibee sa may Pureza kasi doon ang napag-usapan namin ni Minjeong kagabi. Kinukulit daw kasi siya ni Yuna, friend niyang kapre based sa kaniya, na ilibre siya ng Jollibee. Tinanong ko siya kung bakit nagpapalibre tumawa lang naman siya. 

 

Nagsabi na rin pala ako kila Ryujin kaninang umaga. Hindi ko na rin kasi sila nareplyan kagabi. Halos isang oras din naman akong stranded sa phone ko kasi ayaw paawat nila Aeri. Nasa mood din ng pang-aasar si Yeji kasi siya pa ang nangunguna. 

 

Dinelete na rin naman ni Ryujin ‘yung post niya kagabi. Sumasabog na rin daw kasi talaga ang phone niya and feel niya raw nahanap ko na forever ko kagabi. 

 

Ryujin parang buang. 

 

Natawa ako nang marealize na nakuha ko na kaagad ang ilan sa wordings ni Minjeong. Kagabi, puro siya buang. 

 

Isa, buang. 

 

Seeun, isa pang buang! 

 

Parang mga buang! 

 

Diba? Mga buang talaga!

 

Kung bibilangin ko lang kung ilang buang nasabi ni Minjeong kagabi, siguro aabot ako sa 75. Ganoon siya kadaldal. 

 

 

Nakita ko naman ang message ni Minjeong na nasa Jollibee na siya at nakapila na sa counter. I replied na malapit na ako. 

 

Winter Kim: dito na me 

Winter Kim: nakapila na ako sa counter

Winter Kim: ano sa ‘yo?

 

 

Karina Yoo: Malapit na rin ako. 

Karina Yoo: Wait. Tanong ko sila Ryujin.

 

 

Winter Kim: kkk

Winter Kim: karina karina karina 

Winter Kim: hehe

Winter Kim: may chika pala ako! si ate kanina!

 

Natawa naman ako nang makita ang reply niya. May bago na namang chika. Okay lang naman sa akin kahit kadalasan super random and trivial things ang topic. 

 

 

Pumasok na ako sa Jollibee at agad na hinanap si Minjeong. Nakakunot ang noo niya habang nakapila sa likuran. Kitang kita na hindi siya nabigyan ng height dahil super tangkad ng nasa unahan niya. Natawa naman ako nang mahina dahil ito pa lang ang second time na nakita ko siya sa personal. Itinagilid ko nang kaunti ang ulo ko habang nakatingin sa side ni Minjeong. Kunot noo siyang naghihintay. 

 

Maganda is an understatement. Fusion si Minjeong ang ganda at cute. Napangiti ako nang makita ang paghaba ng nguso ni Minjeong habang masama ang tingin sa sapatos ng lalaking nasa unahan niya. Lumapit ako sa kaniya at pumila sa likod niya. Hindi naman niya ako napansin dahil busy siya titigan nang masama ‘yung sapatos sa harap niya. 

 

Kinuha ko ang tumbler sa bag ko at inilahad sa gilid niya. Nagulat naman si Minjeong at mabilis na napalingon sa akin. Nakangiti ko siyang binati, “Water?” 

 

Nagpabalik balik naman ang tingin niya sa mukha ko at sa hawak kong tumbler. Mas nilawakan ko ang ngiti ko para sabihin sa kaniyang okay lang kunin niya na ang tubig, isama niya na rin ako. 

 

Harot mo, Katarina!

 

Kinuha niya naman ang tumbler at uminom sa harap ko. Nakita ko ang maliit na ngiti sa labi niya habang umiinom. Tinititigan ko lang naman siya the whole time na umiinom siya kaya at one point, tinaas niya ang kilay niya sa akin. 

 

Nakangiting umiling naman ako bago tumingala sa may counter. May tatlong tao pa sa harapan namin. Inalala ko naman ng mga order nila Ryujin. 

 

Nakita ko naman sa peripheral ko na nakangiting nakatingin sa akin si Minjeong. “Hm?”

 

“Wala, tangkad mo pala” 

 

“Kapre na rin ba ako?,” mapaglarong tanong ko sa kaniya. Umirap naman siya sa akin. Tinalikuran niya na ako at hinarap ang likod ni Kuya tangkad. Lumingon naman ulit siya sa akin after ng ilang segundo. 

 

“Nasabi ko na ba sa ‘yo na ‘di ko type matatangkad? Nah-highlight kasi height ko eh. Share ko lang ganun,” mataray na sabi niya bago umayos ng tayo. Natawa naman ako sa likod niya. 

 

Lumapit ako sa likod niya bago nagbend. “Ah, parehas pala tayo. Gusto ko mga same height ko lang” 

 

Napalingon naman siya at nakita akong kapantay niya na lang. Hindi naman ganoon kalaki ang height difference namin kung ico-compare sa lalaking nasa harap namin kaya hindi ako masyadong nagbend pababa. Nagulat naman si Minjeong nang makita na same level na ‘yung mukha namin sa isa’t isa. 

 

Kinagat niya ang labi niya at nagpipigil ng ngiting inirapan ako. Tumalikod na siya agad, “Pesteng mga kapre ‘to. Mga buang talaga!” rinig kong bulong ni Minjeong habang nanggigigil na nagt-type sa cellphone niya. Natawa naman ako at humarap na lang sa counter. 

 

Grabe ka na, Minjeong. 

 

Lord, ang ganda ng araw ko today. 

 

Mommy, kahit ako na po maghugas ng plato mamaya hehe. 

 

Mabilis naman kaming nakausad. Inaalok ako ni Minjeong na isabay na sa kaniya ang order ko pero tumanggi ako. Masyadong marami ang order ko. Hindi naman na ako kinulit ni Minjeong. Ilang minuto pa kaming naghintay sa loob bago makuha ang take out order. Puro naman kwento lang si Minjeong at ako nakikinig. 

 

 

“Nasabi ko na ba kagabi na dating Dilimanz si Seeun?,” animated na tanong sa akin ni Minjeong. May dadaan namang crew sa likod niya kaya marahan ko siyang hinila. 

 

Dilimanz?”

 

“Taga-Diliman, duh. UPers kasi ‘yan si Seeun before,” nilingon niya saglit ang crew na dumaan sa likod niya bago ipinagpatuloy ang kwento sa akin. Tumango naman ako sa kaniya bago chineck ang order namin. 

 

“Compensated ka ba sa pagpunta mo sa Diliman?,” natawa naman siya sa sinabi ko. Nahawa ako sa tawa niya bago masalita ulit. “Bakit? Nagw-wonder lang ako kung anong meron bakit parang willing ka sa situation niyo that time”

 

“Anong willing?!..” nahampas niya ako sa braso. “...Si Isa ang may kasalanan ng lahat! Anong willing, hindi ah” tanggi niya sa akin. Tumawa lang naman ako sa kaniya bago tumango. “Okay”

 

“Napilitan nga lang ako!”

 

“Okay”

 

“Totoo nga! Real pa sa nesfruita!”

 

“Oo nga, Minjeong. Napilitan ka lang”

 

“Totoo nga kasi, Karina!”

 

Natigilan naman ako nang marinig ang pangalan ko. First time niya ako tawagin sa name ko. Kagabi kasi puro “sis” and “mare ko” ang gamit niya. Napangiti naman ako nang malawak at kagat labing tumingin sa kaniya. Parang nagulat pa siya sa nasabi niya dahil ang awkward ng tingin niya sa akin. 

 

“Wala naman akong sinabing hindi totoo…Winter”

 

“Eh?!” 

 

“Bakit?,” tumatawa kong tanong ng eskandalosang sumagot si Minjeong sa akin. Nakakunot naman ang noo niya at makikitang inis siya sa narinig. 

 

“Bakit Winter?” 

 

“Haha pangalan mo ‘yun ah?”

 

“Minjeong…,” mahinang sabi ni Minjeong habang nakanguso. Hindi naman ako nakasagot dahil tinawag na kami para sa order namin. 

 

 

Naunang lumabas si Minjeong. Nasa likod niya lang naman ako. Agad kong nilabas ang payong sa bag ko nang makalabas kami. Advantage na rin na mas matangkad ako kay Minjeong dahil hindi ako nahirapang payungan siya. Naglalakad na kami paalis nang bigla siyang huminto. 

 

Nilingon niya ako. “Diba sa CEA ka? Hala…” 

 

“Sa Main ako pupunta ngayon. Masyadong magulo sa CEA ngayon,” iling ko sa kaniya. Nakatingin lang naman siya sa akin. Ngumiti ako para ipahiwatig na sa Main kami pupunta.  

 

Ngumuso si Minjeong habang naglalakad. Napangiti ako sa gilid niya. 

 

Ang cute cute ng anak mo, Lord. 

 

 

Sa maikling panahon na nakausap at nakasama ko si Minjeong, sure akong wala siyang katulad. Hindi dahil crush ko siya pero ‘yun ang totoo. Para bang may sariling brand si Minjeong. May mga kakilala akong medyo similar sa personaity na meron si Minjeong pero iba si Minjeong. She has charms that can lure you in. If I were to compare her to functions and equations, Minjeong is the complex type. It would take hours to solve her if she was a problem. 

 

The type of problem I am willing to decipher.

 

If you would look at Minjeong, aakalain mong simple lang siya. At first, aakalain mong siya ‘yung typical makulit person, but if you look closely, you'll notice how much she values her cousin, Isa. Hindi ko alam if napapansin niya pero in every usapan, Isa is present. How annoying Isa is for her. How disgusting Isa and her girlfriend Seeun are every mornings. How good is Isa sa singing and dancing. How loving Seeun is. 

 

Makikita mo how deep siya mag-isip sa mga bagay bagay. How she sees things in a different light. Malaman ang mga insights ni Minjeong about issues and current happenings. Kahit pabiro ang mga sinasabi niya, you’ll see na she actually cares and disappointed sa how things are happening. 

 

Makikita mo na how understanding siya. Kung paano or gaano kahaba ang pasensya at pagintindi niya sa mga bagay bagay. 

 

Hindi ko alam kung sadya ba ni Minjeong mga sinabi niya kagabi or what pero isa lang alam ko, I’m interested sa kaniya. No, mali. Interested na ako from the start pero after ng call namin kagabi, feel ko kaya kong tumalon sa second floor makilala lang siya nang mabuti. 

 

“Tric tayo?,” cute na tanong sa akin ni Minjeong. Ngumiti ako sa kaniya bago marahang umiling. 

 

Lakad na lang tayo, Minjeong. Gusto pa kitang makasama. Sure akong maraming epal kapag nasa PUP Main na tayo. 

 

Tumango lang naman si Minjeong bago kumapit sa braso ko. “Pakapit ha hehe” 

 

Tumawa ako bagi tumango. Inayos ko naman ang hawak ko sa payong at sa order ko. 

 

“Mechanical Engineering ka pala. Nagulat talaga ako kagabi nung sinabi mo ‘yun”

 

“Bakit ano inexpect mo?,” tawa ko. 

 

“Wala. Akala ko lang PolSci student ka”

 

Malakas akong natawa. Sumabay naman siya sa tawa ko, “Oo nga! Noong nakita kasi kita sa bus mukhang kaya mong magbars sa fliptop eh..”

 

“...Tapos bagay pa sa uara mo ‘yung ganoong course. Akala ko talaga furute lawyer or president ka! Kaya gulat na gulat talaga ako kagabi! Napasearch pa ako kung ano ‘yung Mechanical Engineering!” tuloy tuloy na sambit ni Minjeong. Naramdaman ko naman ang hila niya sa akin noong may dumaang sasakyan sa gilid ko. Tumatawa lang naman ako sa gilid niya.

 

“Naisip ko rin ang law noong seenior high ako pero mas gusto ko sa engineering…” tumatango lang naman si Minjeong. 

 

“...Nagsearch ka talaga? Sabagay civil ang sikat eh,” tanong ko kay Minjeong. Agad naman siyang tumango at dinukot ang cellphone niya. 

 

“True kaya. Tingnan mo search history ko..” Minjeong showed me her phone. Imbes na search history niya ang makita ko, mukha ko ang bumungad. Ang picture ko sa facebook ang gamit niyang lockscreen. Nataranta naman si Minjeong at mabilis na binuksan ang phone niya. 

 

“..A-ayan oh. Diba nagsearch talaga a-ako” nauubong sambit ni Minjeong. Tinago niya na agad ang phone niya at patay malisyang nagpatuloy sa paglalakad. 

 

Seriously, Minjeong? 

 

Lord, ako na talaga bahala sa hugasin mamaya. 

 

Marahan ko siyang hinawakan sa siko at huminto sa paglalakad. Namumula namang lumingon sa akin si Minjeong. “Gaga, b-bakit ka huminto? T-tara na” 

 

Pinigilan ko ang ngiti ko at inilapit ang sarili sa kaniya. Umiiwas naman ng tingin si Minjeong at pilit na nauuna sa paglalakad. Nakita kong malapit na kami sa gate ng school kaya mas lalo ko pang binagalan ang lakad. Napansin naman iyon agad ni Minjeong at cute na tumingin sa akin. 

 

Naiinis na tumingin pala haha.

 

Bakit ang cute mo, Minjeong? 

 

“Huy…ano ka na diyan sis” 

 

Nakatingin lang ako sa kaniya habang pinipigilan ang paglabas ng ngiti ko. Hindi pa rin nakakaget over sa fact na ako ang nasa lockscreen ni Minjeong. 

 

Oh, God. 

 

Minjeong sighed bago lumapit sa akin. Kukunin na niya sana ang payong na nasa kamay ko pero nilipat ko ito sa kabila kaya kamay ko ang nahawakan niya. Hinampas naman ako agad ni Minjeong. “Shuta ka, huy…” namumulang sabi ni Minjeong. 

 

Nagpipigil ako ng ngiti at itinaas ang kilay sa kaniya, silently asking bakit ako ang nasa lockscreen niya. “Wala. Aesthetic kasi tingnan…”

 

Tumawa ako sa sinabi niya. Mas lalo naman siyang nahiya at marahan na rin akong hinila papunta sa gate ng school. Kagat labi naman akong nagpahila bago magsalita, “Sinadya mo”

 

“Ha? Anong sinadya?”

 

“Me sa lockscreen mo tapos pinakita mo pa sa akin”

 

“‘Wag kang feeling huy. Iwanan kita tingnan mo,” sabi niya at nasa harap na nga kami ng gate ng school. Hindi niya pa rin binibitawan ang braso ko. 

 

Humarap na sa akin si Minjeong. “Gagi, nakikita ko na si Yuna” 

 

Kagat labi lang naman akong nakangiti sa kaniya. Inalog niya ako nang hindi ako sumagot. “Huy! Halaman ka ba? ‘Di na sumagot oh”

 

“Katarina Yoo” sabi ko habang nakatingin straight sa mata niya. Naguluhan naman siya agad. 

 

“Huh?”

 

“Pangalan ko, Minjeong. Katarina Yoo. Madalas akong tawaging Jimin sa probinsya ng father ko pero Rina sa side ni Mommy”

 

“K-katarina?”

 

Tumango lang naman ako. Bigla namang napabitaw si Minjeong bago humakbang patalikod. Nakatakip naman siya sa bibig niya habang nakatingin sa akin. Tinaas ko ang kilay ko para tanungin kung anong meron. 

 

Tinuro niya naman ako, “Katarina ka talaga?” 

 

“Oo nga, Minjeong. Bakit?” tumatawa kong sabi habang humahakbang papalapit sa kaniya. Natulala naman si Minjeong sa akin. Anong meron?

 

“Hala putangina…hindi scammer si madam…” ‘di makapaniwalang sambit ni Minjeong. Hindi ko naman mantindihan sinasabi niya. 

 

“Gago huy….shutangina Yuna ‘yung baby ko andito”

 

“Baby?” tainong ko. Huh? Sinong Baby?

 

“Yes, Babe?” sagot ni Minjeong. Inirapan ko naman siya agad. Natawa rin naman siya bago malalim na huminga sa harap ko. 

 

“Alam mo ba na noong freshman ako, napadaan ako sa may Quiapo…” tumango ako sa kaniya habang ipinapaypay ang kamay ko sa amin kasi mainit. Kahit naman na may payong kami, mainit pa rin. 

 

Dala ko ba ‘yung panyo ko?

 

“...huy sabi ko may napuntahan akong stall”

 

“Yes, Minjeong,” pagtango ko habang patuloy pa rin sa pagpaypay. 

 

“Makinig ka kasi… So eto na nga. Nasa labas ako nun tapos narinig ko sa loob ‘yung “May customer ka na next. Mukhang student. Cute rin”. Syempre nagulat ako! Paano niya nalaman na may cute sa labas kung hindi siya maghuhula diba?” natawa naman ako sa kaniya. Natawa rin si Minjeong bago ako hinampas nang mahina sa pisngi. 

 

“Totoo nga! So napapasok ako kasi feel ko trueness siya na maghuhula. Pagkapasok na pagkapasok ko, nafeel ko talaga na may papel sa life ko ‘yung isa sa mga babae.” 

 

Really, Minjeong? Natawa ako sa kaniya at patuloy pa ring tumango at nakinig. See? Unique and unusual topics. 

 

Excited na nagkwento si Minjeong. “Tapos nagsalita ‘yung isa! Siya ‘yung nagsabi na cute ako. Tapos alam mo ba sinabi niya?”

 

Umiling ako, “Ano sabi?”

 

“Sabi niya alam niya raw pangalan ng soulmate ko,” nagmamalaking sabi ni Minjeong. Soulmate?

 

What? 

 

Alam ni Minjeong name ng soulmate niya? 

 

What?

 

“Edi syempre tinanong ko anong name!” 

 

Lord…

 

Parang ayaw ko na maghugas ng plato mamaya. 

 

Baka naman platonic soulmate.

 

Meron naman nun eh. 

 

Platonic lang sila. Meant to be friends lang. 

 

Tama.

 

Lord, huhu. 

 

“Alam mo sinabi?,” excited na tinanong ni Minjeong. Distracted naman akong tumingin kay Minjeong. 

 

“Lapit ka dali! Bulong ko sa ‘yo,” nanguutong sabi ni Minjeong. At syempre bilang ako ay distracted at disturbed pa rin sa soulmate thing ni Minjeong, lumapit naman ako sa kaniya. Tumingkayad si Minjeong at bumulong sa tenga ko. 

 

“Katarina”

 

“Hmm bakit?” lito kong tanong sa kaniya. Nakangiti naman si Minjeong sa akin na nakatingkayad pa rin ngayon. Narinig ko naman ang boses ni Ryujin sa ‘di kalayuan. 

 

“Sabi ko, Katarina” ngiting sabi sa akin ni Minjeong. Hindi naman agad pumasok sa isip ko kung ano ang sinasabi ni Minjeong. Lumayo na sa akin sa Minjeong at lumingon sa gate ng PUP. 

 

“Hindi ako naniniwala sa hula talaga pero dahil tinawag niya akong cute, na toto naman, naniwala ako ng medyo five percent…”

 

Katarina. Pangalan ko ‘yon. 

 

Katarina. Name raw ng soulmate ni Minjeong. 

 

Katarina. 

 

Ako!

 

“Pero noong sinabi mo kanina na Katarina ang full name mo, sabi ko “Ah shet, hindi sayang ‘yung 200 na binayad ko sa manghuhula dati” nakangiting sabi sa akin ni Minjeong. May kinuha siya sa hawak niyang plastic at binigay sa akin. 

 

Gummy Bears. Isang pack. 

 

“Hi, Katarina. Winter Kim pero Minjeong ang tawag sa akin ng family ko…” 

 

Nakatingin lang ako sa kaniya the whole time. Naramdaman ko rin ang init ng tenga ko. 

 

“Nasa Pureza Station ako mamayang 6PM kasi need ko bumili ng stock ko ng gummy bears sa may Araneta. HIndi raw ako masasamahan nila Isa kasi may date sila ni Seeun…” 

 

“...Pwede ko na bang iclaim ‘yung singsing na minine ko? ‘Yung bayad ibibigay ko after ko matanggap ‘yung item pati ‘yung matangkad na freebie. Pwede ba?” 

 

 

Lord…

 

Mommy…

 

Ryujin…

 

 

Nakangiti si Minjeong sa harap ko. Nakita kong tinatawag na siya ng pinsan niya sa likod. Narinig ko na rin naman ang kaharutan ni Ryujin sa may gate ng school. 

 

Ilang beses na ba akong ngumiti at tumango ngayong araw? 

 

Ah, maraming beses na. 

 

Paulit ulit na nga eh. 

 

First time ‘to. 

 

Sa Sta. Mesa lang nangyari ‘to. 

 

 

Lumapit ako kay Minjeong bago hinawi ang nakaharang na bangs sa mukha niya. Ang cute cute ng amoy baby na ‘to. Tumingala naman siya sa akin. Kinindatan ko naman siya bago magsalita. 

 

“Nagc-crave rin ako sa gummy bears ngayon. Hintayin na lang kita sa station mamaya…”

 

“May movie pala akong nung December ko pa want panoorin kaso ‘di ko mapanood kasi busy ako. Pwede bang samahan mo ako manood sa discord mamaya?...” bulong ko sa kaniya. Kita ko naman ang ngiti sa mukha niya kaya nilabas ko ang alas na makakapagpapayag sa kaniya. 

 

“...cutie?” 

 

Tuluyan na siyang natawa.

 

Minjeong, Minjeong. A cute narcissistic baby. 

 

Tumango siya bago umalis sa harapan ko. Nakita ko naman ang pasimpleng sign niya ng kamay. Call.

 

“Budol amputa…” rinig kong sabi niya bago tuluyang pumunta sa pinsan niya. 

 

Tumawa naman ako bago pumunta na rin kila Ryujin. Isang sabunot naman ang natanggap ko kay Ningning nang makarating sa harap nila. 

 

 

 

“Gaga ka! May nireplyan ka pala sa mga nagmine sa ‘yo kahapon!” 

 

“Naalala niyo ‘yung katabi ko sa bus last December?” 

 

Tumango naman sila lahat. Ngumiti lang ako sa kanila nang malawak bago sila iwan sa gate. Pumasok na ako sa school at sumisipol na naglakad. Narinig ko naman ang tili ni Ningning at Yeji pati na rin ang mura ni Ryujin. 

 

 

“MAY KADATE NA ANG “BITTER GURL NG CEA” GUYS!” sigaw ni Ryujin. 

 

 

Grabe ka talaga, Ryujin. Lagi mo na lang akong pinapahiya. 

 

Demoted na ang Quezon sa favorite place ko. 

 

Napalitan na ng Sta. Mesa, Manila. 

 

Kasi sa Sta. Mesa…

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aalysb
Hanggang dito na lang (?) Hindi ko po alam kung may kasunod pa ang story na 'to. One shot lang talaga siya initially pero dahil sa mga comments, umabot sa 4 chaps. Thank you po sa lahat ng nagbasa at nagcomment! Super appreciated po! Kapag nagrebolusyon susulat ko ang Quiapo scene haha.

Comments

You must be logged in to comment
ohyo_ohyo319
#1
Chapter 1: Grabe lang so real ang highlight ng bakasyon ko everytime na uuwi ng bicol is yung bus ride eh😭 gusto ko uli umuwi sana may ganyang moment rin ako😳
jaangwaang
889 streak #2
Chapter 4: cutieeee 🥰
Wikwuok #3
One of the best reads here sa aff. Cute cute nila (^^)b
Db1234 #4
Chapter 4: Nice. Haha. More please
luh_KEY #5
Chapter 4: Ang cute cuuuuuuuteeeee
gomtokkim
2145 streak #6
rereading while pauwi sa Quezon<3
sso___ #7
Chapter 4: cutieeee! me when? 🥺
joyie4ever #8
Chapter 4: Huy cute!! More?😭
TYTFshipper
260 streak #9
Chapter 4: Haynako. Sumakay din naman ako ng bus. Pero bakit trapik lang naman inabot ko. Charot HAHAHAAHAH
gompringles
#10
Chapter 4: Hankyuuuuut ng storyyyyyy!!! More pa poo