seat no. 14

sa probinsya ng quezon…

Number 14…

 

Muli kong tinignan ang ticket na nasa kamay ko. 

 

Name: Karina Yoo 

Seat No: 14 

 

Nilingon ko sila Ryujin na hinahanap na rin kanilang number. Nginitian ako ni Yeji bago batukan ang nobya niyang busy makipagtalo kay Aeri. 

 

Nauna na akong umakyat sa bus at mabilis na binigay sa kundoktor ang ticket na hawak. Kinuha naman agad ni Kuya ang copy nila at iniabot sa akin ang puting version ng ticket. 

 

“Ilagay na natin sa baba ‘yang dala mong maleta,” 

 

Agad naman akong tumango at sinundan na siya sa baba ng bus. “Saan po ba kayo bababa? Sa Naga ba?,” 

 

“Sama ka sa amin, Rina! Maraming beach na tahimik doon! Tsaka may SM naman sa Naga so mabubuhay ka pa naman,” aya ni Ryujin sa akin. 

 

“Opo,” sagot ko sa kundoktor matapos kong maalala ang aya sa akin ni Ryujin last month. Nasa classroom kami nang mga panahong iyon at katatapos lang mag-announce ng prof namin ng magiging date ng aming finals examination para sa 1st semester. 

 

 

“Grabe! Wala talagang pinapalampas ‘to si sir,” reklamo ni Ryujin sa tabi ko. 

 

“Ah, basta iiinom ko na lang sa Christmas Break ‘yung magiging score ko sa kaniya,” mukmok naman ni Aeri sa harapan namin. 

 

Kasasabi lang kasi ni Engr. na bago raw kami magbakasyon para sa Christmas and New Year, mag-exam muna kami sa kaniya. Normal lang naman since ganoon talaga ‘yung nakalagay sa school calendar, kaso super late na ‘yung date na binigay niya. 

 

Dec 21, last day ng klase sa taong ito. 

 

Muntik pa nga na maging Dec 22 kung hindi lang umextra si Ryujin. Dec 8 talaga ang sched namin ng exam sa kaniya. Naiba lang dahil umattend siya ng sandamakmak na Christmas Party and Year-End Party. Okay lang naman ‘yun, gets naman na may buhay siya outside ng school namin. 

 

Kaso kasi 3 years na siyang ganiyan…

 

Laging late ang mga schedules namin sa kaniya kasi lagi siyang may party na pinupuntahan. Kahit grades namin ay laging late kaya yung record namin sa school’s account, ang pangit pangit. Naintindihan namin siya noong mga first years, kaso nalaman namin na super random and walang sense ‘yung party na pinupuntahan niya. 

 

Party ng aso ng kapitbahay namin…

 

Party ng guard namin eh…

 

First time sumakay ng lrt ng anak ng kumpare ko kaya pupuntahan ko lang…

 

And mas marami pang questionable palusot. Sabi sa school, need namin magklase ng atlest 7-8 meetings pero ‘yung meetings namin sa kaniya, hindi pa abot sa members ng Red Velvet. 

 

“Uuwi pala ako sa province namin this break.Isasama ko si Yeji babe hehe. Gusto raw siyang makita ni Lola Nanay,” ngiting turan ni Ryujin. 

 

“Wow. Legal na legal na sila, oh. Ako Rina, kailan mo ako ipapakilala kay Mommy mo?,”

 

“Kapag pinansin ka na ng crush mo, Aeri”

 

“Pinansin na ako ni Ningning! ‘Wag kang epal, Karina”

 

Inirapan ko lang siya. Natatawa namang humarap sa akin si Ryujin. 

 

“Sama ka sa amin, Rina! Maraming beach na tahimik doon! Tsaka may SM naman sa Naga so mabubuhay ka pa naman,” aya ni Ryujin sa akin. 

 

 

Hindi ko na alam kung bakit sa loob lang ng isang buwan, lahat kami ay papunta sa probinsya nila Ryujin. 

 

Kami = Ryujin, Yeji, Ako, Aeri, at si Ningning. 

 

Surprise talaga na kasama si Ningning! Baklang halaman lang kasi ang tawag namin kay Aeri sa sobrang torpe niya. Tapos ngayon talking stage na raw ang dalawa!

 

Sabi nga ni Yeji, “The audacity of this baccla” 

 

 

Nahanap ko na ang seat na para sa akin at nakitang sa aisle seat ito. Mas gusto ko ‘yung window seat kaya try ko na lang makipagpalit sa katabi ko mamaya. Ako lang kasi ang walang katabi sa aming lima. 

 

Syempre, alangan naman tabihan ko si Yeji edi binomba ako ng selosa niyang hilaw na jowa. 

 

Nasa likuran ko sila Giselle at nasa katapat na upuan naman sila Ryujin so okay lang. Kaso makikita ko pa rin kalandian ni Ryujin. 

 

8 pa ang alis ng bus namin at 7:30 pa lang naman. Maaga kaming pumunta kasi rush week na. Dec 23 na rin kasi and halos lahat gusto na rin makauwi sa kani-kanilang province. 

 

Weird din pala na hindi ako sa bahay namin magpapasko at magn-new year. Mas weird na pinayagan ako ni Mommy. May sinabi sila Aeri sa kaniya kaya ako pinasama eh. 

 

Halos puno na ang bus nang pumatak sa 7:55 ang time. Wala pa rin akong katabi. 

 

“Lucky girl ka ba ngayon, Rina? Kapag ‘di dumating ‘yang katabi mo, solo mo upuan,” sabi sa akin ni Aeri na nasa likod ko lang. Inirapan ko lang naman siya at nginitian si Ningning na nasa window seat. 

 

Binuksan ko ang water bottle na binili ko sa 7/11 at uminom. Kampante naman ako na magconsume ng water kahit nasa byahe kasi may cr naman sa loob ng bus. Na-try ko na rin gamitin kanina and ayos naman siya so far. Tatlong lagok pa lang ako sa tubig ko nang makita ang isang babae na nagmamadaling pumunta sa direksyon ko. Tumigil siya sa tabi ko at sapilitang ipinasok ang dala niyang backpack sa compartment sa taas. 

 

Ah, siya ‘yung late kong katabi. 

 

Mabilis siyang umupo sa tabi ko after niyang mailagay gamit niya sa taas. Hinihingal pa rin siya. Siguro tumakbo papunta dito kasi literal na buzzer beater siya. 

 

Right after niya kasi makaupo, nagsabi na ‘yung driver na aalis na raw. Sinilip ko siya para sana sabihin na kung pwede palit kami ng upuan nang makita ko ang mukha niya nang mas malinaw. 

 

Ah, okay. 

 

Umiling na lang ako at hinawakan nang maayos ang bote ng tubig. Kalahati pa ang laman since natigil ako sa pag-inom nang makita ko si Ate. 

 

Hinihingal pa rin si Ateng Baby face. Alukin ko ba ng water? Parang problematic kasi siya eh. 

 

Without thinking, I extended my hand na hawak ang bottle water sa harap niya. Nagulat naman siya at napatingin sa akin. Mas nagulat naman ako kasi- 

 

kasi ang ganda niya…

 

“Uhm, ano, palagay sa gilid?” 

 

it, Katarina! Ang bobo mo!

 

Narinig ko naman tawa sa likod at gilid ko. Kulang na lang mamatay si Ryujin kapipigil ng tawa habang si Aeri naman, walang pakialam na tumatawa. 

 

“A-ah, sige, ano,” nauutal at nahihiyang sabi ni Ate baby face. Nataranta naman ako kasi hindi naman ‘yun ‘yung gusto kong iparating. 

 

“Ano, ems, joke?” patanong kong sabi. Naramdaman ko ang tulak sa likod ng upuan ko. 

 

Maka-react ka naman Aeri parang hindi ka rin dumaan sa ganitong sitwasyon!

 

Kumunot naman ang noo ng katabi ko. Hala, nagalit ko ata. 

 

“Ano, joke lang na palagay sa gilid. Ayun. Bale ano, uhm, sa’yo na lang?” tinitigan lang naman ako ni Ate Baby face. 

 

“...Sa’yo na lang ‘tong water,” mas buo kong sabi. Kinuha naman ni Ate Baby face after ng ilang seconds at nagpasalamat sa akin. 

 

“Thank you,” malumanay na sabi sa akin ni Ate Baby face habang may maliit na ngiti. Inayos na niya ang gamit niya at inayos na rin ang upuan. Naka-recline na ito nang kaunti at ready na siya matulog. 

 

Uminom siya sa tubig na bigay ko bago itinago ang tira sa gilid ng bag niya. Lumingon naman ako kay Ryujin. Nginuso niya ang cellphone niya sa kamay. 

 

 

katarina bakla era

 

ryujin ang landi mo: NAKAKAHIYA KA

ryujin ang landi mo: hindi na kita tropa karina!!

ryujin ang landi mo: pakilagay sa gilid amp

ryujin ang landi mo: ano ganiyan ka ba humarot?

ryujin ang landi mo: EMS AMPUTA

ryujin ang landi mo: HINDI KITA TROPA!!!

 

torpaeri: pustahan tayo bet niya si ate baby face 

 

ryujin ang landi mo: ate baby face rin tawag mo? 

ryujin ang landi mo: gagi same talaga tayo ng utak @torpaeri 

 

yeji love: type ni rina mga niyan eh 

yeji love: like niya rin mga late hahaha

 

luningning: huy @yeji love !!!

luningning: HAHAHAHAHHA

luningning: ano, tititigan mo ba siya hanggang mamaya @rina gulong 

 

torpaeri changed the group name 

toraeri changed your nickname 

 

torpaeri: @rina ems ano na tayo? Matutunaw na ‘yan hoy

 

rina ems: u all

 


 

Hindi ko alam kung paano ko nasurvive ang byaheng iyon. Halos dalawang oras rin akong inaasar sa gc namin at paminsan minsang kinukurot ni Aeri mula sa likod ko. Tulog na tulog naman si Ate Baby face na may panyong takip sa mukha niya. 

 

Ayaw niya ata ng liwanag since hindi pa pinapatay ng kundoktor ang ilaw sa bus. Laguna pa lang daw kami sabi ni Ryujin na ngayon ay tulog na tulog na rin sa balikat ng jowa niya. Si Aeri naman ay gising pa pero napapapikit na rin. Si Ning ay tulog na rin sa balikat ni Aeri habang si Yeji ay nanonood ng movie sa phone niya. 

 

Ako? Inaantok na pero mas lamang ‘yung inis ko sa nasa harapan ko kasi grabe kung irecline ‘yung upuan niya. Kulang na lang daganan ako. Sa akin ka na lang kaya humiga?

 

Nakatulog na rin naman ako agad after patayin ang ilaw ng bus. 

 

 

I slept well kasi nang magising ako, 12 na ng madaling araw. Tumigil din pala ang bus 2 times para sa stopover pero tulog na tulog daw ako sabi nila Ryujin based sa mga chats sa group chat namin. Dinagdag din nila ang tibay daw namin ng katabi ko kasi straight ang tulog. As usual, ako na naman ang topic and center ng kalokohan. 

 

Nilingon ko si Ate Baby face at tulog pa rin siya. Wala na ang panyo sa mukha niya pero natatakpan pa rin ng buhok ang mukha niya.

 

Tulog sila Ryujin. Lahat sila. Parang ako nga lang ‘yung gising ngayon dito at ang driver. Hindi ko rin alam kung nasaan na ba kami basta ang sabi ni Ryujin, around 5 or 6 kami makakarating. 

 

Ang tagal pa. 

 

Natext ako kay Mommy ng goodnight at nagready na ulit matulog. Hindi pa naman ako nagugutom. 

 

Ilang minuto pa lang akong nakapikit nang may maramdamang nagv-vibrate sa kaliwa kong braso. Napadilat ako at nakitang cellphone pala ni Ate baby face ‘yung nagv-vibrate. 

 

Paano ko nalaman? ‘Yung phone ko nasa loob ng hoodie kong suot at si Ate baby face, malapit sa kaliwa ko. 

 

Nagising naman agad siya at pungas pungas na kinuha ang phone niyang umiilaw. Sinagot niya ang tawag, “Hmm”

 

Oh my…

 

Gutom ka lang, Katarina. 

 

Pinikit ko na lang ulit ang mata ko habang nakikinig. Hindi naman sadya pero naririnig ko kasi. Sorry po. 

 

“Quezon pa lang kami, Isa. Matulog kaya muna kayo ng girlfriend mo. Oo, mamaya pa akong mga 6 or 7 makakarating,”

 

“Oo nga, kulit mo. I’ll chat you na lang kapag Sipocot na….Hmm, sige na”

 

So nasa Quezon pa lang kami? Ah, sabi nga pala ni Ryujin tatahakin namin mga bayan ng Quezon eh. Matagal pa nga byahe kaya matutulog muna ako. 

 

Ilang minuto na akong nakapikit nang maramdaman kong gumalaw ang katabi ko. Akala ko nung una, naghahanap lang siya ng new comfortable pwesto pero hindi, maling mali. Napamulat ako nang maramdamang napahawak siya sa braso ko. 

 

Malalaking mata kong tinignan si Ate baby face na ngayon ay nasa harapan ko at gusto makalabas pero hindi magawa kasi grabe yung recline ng upuan sa harap ko. Kaya ang siste, naipit siya sa gitna namin ng reclined na upuan at hawak niya ang kaliwa kong braso. 

 

Nagulat din siya kaya mabilis niyang inalis ang hawak sa braso ko, which is wrong decision kasi nawalan siya ng balanse. Napahawak ulit siya sa akin, ngayon sa kanan kong balikat habang ako ay napahawak sa braso niya. 

 

“Sorry, ano, sorry, l-labas sana ako, eh,” natataranta niyang turan. Mahina lang din siyang nagsalita kahit na super nagp-panic na. Siguro dahil tulog mga nakapalibot sa amin. Tumango ako at inalalayan siya. 

 

“Ano, sorry yung seat kasi, ano, I’ll ano,” malabo kong sabi na himalang naintindihan niya. Ang awkward ng pwesto namin sa totoo lang. Kung titignan sa ibang angle, para niya akong tinutulak sa upuan ko. 

 

Feel ko sasabog na ‘yung dibdib ko sa super lakas ng kabog. 

 

Lord, mahina po ako sa magaganda at cute.

 

Sinubukan niya namang lumabas ulit pero mas lalo lang siyang nahirapan at mas napalapit pa sa akin. Dahil sa reclined seat, napilitan siyang ilapit yung upper body niya papunta sa akin. Nakalingon lang naman ako sa kanan para hindi awkward. 

 

AWKWARD NA KAYA ‘YUNG POSITION!!

 

. . . 

 

Lord…

 

Mas lalo pang nagwala ang loob ko nang maramdaman ang hininga niya sa bandang pisngi ko. Napapikit ako at napisil ko ang braso niya nang aksidente. Nagulat naman siya doon. 

 

“Ano, I’ll go out muna tapos ikaw naman para ano, ayun, yeah,” mahinahon kong sabi nang hindi tumitingin sa kaniya. Nakatitig lang ako kila Ryujin at Yeji na tulog na tulog at walang kaalam alam na nababaliw na ang kaibigan nila. 

 

Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pagtango niya at ang pagbalik niya sa pagkakaupo. Inalalayan ko pa rin siya hanggang sa makaupo na siya bago nagmamadaling lumabas. Sumunod naman siya agad and muli na naman kaming nagkatitigan nang makatayo na siya nang maayos. 

 

“Uhm, sorry tsaka thank you,” mahina niyang sabi bago dumiretso sa portable cr ng bus na ilang hakbang lang ang layo sa amin. Nakaalalay naman ang kamay ko sa likod niya since umaandar pa rin naman ang bus na sinasakyan namin. 

 

Tinanaw ko na lang siya na nasa harap na ng portable cr. Tumango tango ako sa naisip na pagpunta rin sa cr after ni Ate baby face. Napansin ko naman na nahihirapang buksan ni Ate baby face ‘yung cr kaya lumapit na ako. Nagulat siya sa akin. 

 

Mahirap talagang alisin ‘yung tali ng cr. Kahit kanina, nahirapan din ako. Mabilis kong binuksan ang pinto ng cr at pinindot ang lights. Nilingon ko naman siya at nginitian nang maliit. Tumango naman siya at pumasok na sa loob. 

 

Inilagay ko na rin ang kamay ko sa pinto at iniharang ito nang makapasok na siya. 

 

Mas mabuti na ‘yung sure hehe.

 

Naramdaman ko naman ang pagbukas ng pinto after ng ilang minuto. Nagulat pa siya sa akin ng ilang segundo. Nagets niya naman agad na need ko rin gumamit ng cr kaya tumabi na siya sa daanan. 

 

Mabilis akong pumasok at ginawa na ang dapat kong gawin. Ang cute ni Ate baby face. Siguro freshman pa lang? Hindi naman kasi siya makakabyahe if minor pa so I’m leaning more sa pagiging freshman nito. 

 

Super unpredictable lang ng nangyari. One moment tulog ako, next moment may cute na babaeng halos kumandong sa akin. 

 

Buti na lang tulog sila Ryujin.

 

Inayos ko naman ang cr bago ako lumabas. Nagulat din ako nang makitang nasa labas pa rin si Ate baby face. 

 

“Uhm, tara na hehe?,” sabi nito nang makita ang mukha kong gulat na gulat. Tumango lang ako at sinara na nang maayos ang pinto ng protable cr. Nakaalalay pa rin ang kamay ko sa bandang likuran niya pero hindi naman sa point na nakahawak ako. 

 

Nauna na siyang umupo at nilingon ako. Umupo naman ako agad at parang batong nakatitig sa harapan. 

 

“Uhm, thank you. Sorry pala at naistorbo ko pa tulog mo. Ano, uhm, gummy bear?,” napalingon ako sa kaniya. May hawak siyang isang pack ng bukas na gummy bears ay inaalok ito sa akin. Tinitigan ko lang naman siya, hindi alam ang gagawin. 

 

Halos dalawang minuto rin kaming nakatingin lang sa mata ng isa’t isa. 

 

Swear to gulay…

 

Mommy, ang ganda ng crush ko!

 

Posible ba ‘to? Grabe dahil lang sa gummy bear? Kaya ako nagkacrush? 

 

Engr., may party ako kaya umattend ka. Anong purpose ng party? Nakita ko na si Miss Right! 

 

Lord…. ang ganda ng mata niya. Sige, sirain mo na buhay ko. Kahit 143 times pa para iloveyou.


 

Thank you, Mommy! Pinayagan mo akong sumama kila Ryujin!

 

Quezon…

 

 

Blur na lang lahat ng nagyari after ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung bakit ako na ang may hawak ng isang pack ng gummy bears o bakit nakikinig na ako sa aespa. Hindi ko rin alam kung bakit alam ko na may butiki na alaga si Yizhou ng aespa. Hindi ko na alam. 

 

Next na lang na alam ko, nasa Naga na kami at hinihila na ako ni Ryujin pababa ng bus. Sa Naga rin pala ang destination ni Ate baby face, ay mali, ni Minjeong. Nasa baba na siya ng bus, may kausap na dalawang babae. 

 

Nakatingin lang ako sa kanila habang nagtatawag ng sasakyan sila Ryujin. 

 

Lumingon ka, please. One time lang!

 

Nakasakay na ang dalawang kausap ni Minjeong kanina at pasakay na rin siya sa sasakyan. Nanlumo naman ako kasi isang tingin lang naman ang gusto ko. Last tingin kasi last time ko na rin naman siyang makikita. Mas malala pa ito sa jeep crushes. Mas iba ang sakit kasi one time lang talaga. 

 

you, Ryujin. Ikaw magluluto mamaya. 

 

Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko at ready na sumunod kila Ryujin nang lumingon si Ate baby face. Nakaharap siya sa akin na may maliit na ngiti sa labi. Itinagilid niya ang kaniyang ulo habang nakanguso sa akin. 

 

Nakatulala lang naman ako sa kaniya. Isang maliit na kaway lang ang ibinigay niya sa akin bago tuluyang sumakay sa sasakyan nila. Right after niya makaalis, binatukan na ako agad ni Aeri na wala sa wisyo. 

 

“Tara na. Gusto ko pa matulog”

 

 

 

That’s the last time I saw her. Exactly two weeks ago. Nakabalik na kami sa Manila kagabi pero the whole time ng vacation namin sa Bicol, nasa isip ko lang siya. Kahit na ang ganda ng beaches na pinuntahan namin, hindi siya mawala sa isip ko. Kahit na literal na iba’t ibang specie ng sea urchin ang nakita namin, gummy bears pa rin niya ang gusto kong makita ulit. 

 

Daig niya pa ‘yung mga tourist attraction sa Bicol. 

 

“Musta bakasyon, Rina? Ano pinakamaganda?” tanong ni Mommy habang kumakain kami ng breakfast. 

 

Ano nga ba?

 

‘Yung Daru Anak?

 

‘Yung Beach?

 

‘Yung Star Fish?

 

‘Yung Sea Urchins?

 

‘Yung pagiging official nila Aeri?

 

‘Yung smile ng lola ni Ryujin nang makita si Yeji?

 

‘Yung Pili? Bicol Express? Fish Port?

 

'Yung experience ko sa motor?


 

Ah. 

 

 

Ngumiti ako kay Mommy, “Quezon…”

 

“Quezon? Dinaanan niyo lang ‘yan diba?” 

 

 

“Hmm, Quezon. Kasi sa probinsya ng Quezon…

 

 

Minjeong and her gummies happened.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aalysb
Hanggang dito na lang (?) Hindi ko po alam kung may kasunod pa ang story na 'to. One shot lang talaga siya initially pero dahil sa mga comments, umabot sa 4 chaps. Thank you po sa lahat ng nagbasa at nagcomment! Super appreciated po! Kapag nagrebolusyon susulat ko ang Quiapo scene haha.

Comments

You must be logged in to comment
ohyo_ohyo319
#1
Chapter 1: Grabe lang so real ang highlight ng bakasyon ko everytime na uuwi ng bicol is yung bus ride eh😭 gusto ko uli umuwi sana may ganyang moment rin ako😳
jaangwaang
889 streak #2
Chapter 4: cutieeee 🥰
Wikwuok #3
One of the best reads here sa aff. Cute cute nila (^^)b
Db1234 #4
Chapter 4: Nice. Haha. More please
luh_KEY #5
Chapter 4: Ang cute cuuuuuuuteeeee
gomtokkim
2145 streak #6
rereading while pauwi sa Quezon<3
sso___ #7
Chapter 4: cutieeee! me when? 🥺
joyie4ever #8
Chapter 4: Huy cute!! More?😭
TYTFshipper
259 streak #9
Chapter 4: Haynako. Sumakay din naman ako ng bus. Pero bakit trapik lang naman inabot ko. Charot HAHAHAAHAH
gompringles
#10
Chapter 4: Hankyuuuuut ng storyyyyyy!!! More pa poo