homecoming. [f]

for u & mi
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi rin alam ni Karina kung bakit nandito pa siya sa Maynila. Hindi niya alam kung bakit nga ba niya pinipili pang manatili.

 

Magulo. Maingay. Mausok.

 

Wala pang isang kilometro mula sa kung saan mang pinanggalingan mo ay paniguradong pagod ka na.

 

Pero ayon nga. Ilang taon na rin. Andito pa rin si Karina.

 

Ah. Oo nga pala.

 

Hindi sa hindi niya alam pero wala rin naman kasi siyang choice.

 

Kailangan.

 

Hindi rin naman kasi siya gaanong may kayamanan. Sakto lang. Ang kinikita ng kanyang ina ay sapat lang para panatilihing busog at at may matitirhan ang kanilang pamilya sa probinsya.

 

Gusto na niyang umuwi. Pero hindi pwede. Hindi pa pwede.

 

Ilang beses ring pinilit ni Karina na payagan siya ng kanyang ina na hayaan siyang magtrabaho habang nag-aaral, ngunit hindi talaga umuubra.

 

Hindi raw niya responsibilidad iyon. Antayin niya muna daw na matapos ang kanyang apat na taong kurso at saka lang ito makakampante na hayaan siyang mamili kung magpapatuloy sa pag-aaral o magtrabaho na.

 

Walang magawa si Karina kundi pumayag na lamang. Paminsan-minsan pa rin naman siyang nagbibigay ng bahagi ng perang nakukuha niya mula sa kanyang scholarship.

 

Unti-unti na lang niyang sinanay ang sarili.

 

Makakauwi rin siya. Mawawala rin ang pagod na nararamdaman niya.



 

"Rina! 'Di ka pa uuwi?"

 

"Uy Selle. May dadaanan pa ako eh."

 

Napalitan ng pag-aalala ang ngiti ng kanyang kaibigan. Alam na niya ang mga tinginan nito. Kaso ginusto niya 'to eh.

 

"Rina, it's almost 6 pm. Rush hour na. Saka hindi ka pa ba pagod? Kanina pa tayong 10 dito."

 

"Mabilis lang naman ata kami? Who knows baka ihatid pa ako." Sinubukan niyang tumawa.

 

Oo, pagod na siya. Parang hindi naman na ata napapawi pa iyon.

 

Pero siya naman kasi 'to.

 

Napa-buntong hininga na lang kanyang kaibigan. Lumapit ito sa kanya at saka yumakap. May pagbeso pa.

 

"Mag-iingat ka ah. Magpahatid ka. Susuntukin ko na talaga 'yan."

 

"Ingat, Selle!"

 

Pinanood niyang maglakad papalayo ang kaibigan niya bago nagsimula ring magtungo sa meeting place na napagkasunduan.

 

Malapit lang naman ang mall sa kanilang unibersidad kaya hindi na niya kailangan pang sumakay. Ngunit hindi nakakatulong ang pagod na nararamdaman niya dahil simula alas diyes pa lamang ay may klase na siya.

 

Saglit lang naman. Pagkatapos ay uuwi na rin siya.

 

Nakahinga siya nang maluwag dahil saktong pagdating niya sa may entrance ng mall ay saka lang bumuhos ang kanina pa atang nagbabadyang ulan. Wala pa naman siyang payong.

 

Ngunit ilang minuto pa lang siyang nakakahinga ay bumalik ang pagkabahala niya.

 

Nakailang check si Karina ng kanyang phone. Pasado alas sais na. Nanakit na rin ang paa niya sa kakatayo. Ayaw niya kasing pumasok pa ng mall dahil marami-rami rin ang tao. Friday kasi.

 

[18:21] Katarina Yu: Jun? Saan ka na?

[18:34] Katarina Yu: 6 na, Jun. Sabi mo 6 andito ka na. Busy ka pa ba?

[18:39] Katarina Yu: Online ka naman :< Tuloy ba tayo? Hindi ka naman nagsabi kagabi or kanina kasi?

 

Nauubos na ang pasensya niya. Pero hindi eh, ito na nga lang ang pahingang inaasam niya. Ginusto niya ito. Kahit noon pa man, sa kahit sino, ay siya ang laging gumagalaw para magkaroon ng pag-usad.

 

Sa dinami-dami ng nangyari sa kanya ay ngayon pa ba siya mawawalan ng pasensya?

 

[18:40] Katarina Yu: Yeonjun naman. Hindi ka ba talaga magrereply? Paulit-ulit na lang tayo eh. Sana nagsabi ka man lang.

 

Hinga, Karina.

 

Para bang narinig na siya ng kung sino o ano mang dinasalan niya at naramdaman na niya, sa wakas, ang pag-vibrate ng phone niya.

 

[19:03] Yeonjun Choi: Galit ka na naman ba?

[19:03] Yeonjun Choi: Sabi ko I'll try, Karina. Busy ako the whole day kaya hindi ako naka-chat.

[19:04] Yeonjung Choi: And it's Frid

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
renrenee
sa 2023 na update 😆

Comments

You must be logged in to comment
bbiiWinkim #1
Chapter 8: 💙💙💙
TYTFshipper
257 streak #2
Chapter 6: excited na ko 🥰🫶
wintzkie #3
Chapter 6: I think I can rest well dapat kasi smooth lang yung kilig na kahit tulog ka feel na feel mo pa . Puro angst sa ibang story ii .
Luwijen
#4
Chapter 3: hayyyy ang puso ko ❤️❤️ simple interaction lang pero hayyyyyy
ratedkmj
15 streak #5
Chapter 6: Accccckkkk rinfkdhdus slowburn kilig is reallll
Maatt_booii #6
Chapter 5: 😔😔
TYTFshipper
257 streak #7
Chapter 3: bitin na naman otor bat ka ganyan 🥹 charot lang hahaha waiting powsxz 🤧 see you next chap!
jminniee #8
Chapter 3: You write so good !!🥺🤍
TakuyaKen
#9
Chapter 1: wow seems adulting story and its good !!!
plutoooooo #10
want English ver plz. I try to understand taglish but I don't know how to learn😭😭😭