Ihip ng hangin
Muntik NaAng daming nangyayari.
Hindi ko na alam kung kailan ako huling nakatulog nang mahimbing. Gabi gabi na lang akong puyat sa paggawa ng requirements para sa school. Gusto ko nang mamahinga.
Miss ko na ang tumunganga.
Miss ko na ang sumilay kay Karina.
Kumusta na kaya siya? Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita. Pakiramdam ko, nanghihina na ako…
Pwera biro!
Nanghihina na talaga ako kasi hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga. Mag-aalas dos na pero naghahabol pa rin ako ng pagpasa ng mga papers sa mga prof kong ang hirap hagilapin.
Gustong gusto nilang hinahabol sila. Nakakaloka ha.
Nanlalambot na ang tuhod ko. Nagdodoble na ang paningin ko. Kaunti na lang at hihiga na lang ako rito sa hallway.
Maganda siguro yun ‘no? Mahiga na lang kung saan at mawalan ng pakialam.
Nakakapagod na kaya.
Minessage ko si Ning kanina kung nakapagpasa na siya kay sir. Maswerte siya at maaga niyang natapos yung kaniya. Buti na lang sinabi niya kung saan ko pwedeng puntahan si sir. Hindi ko na kailangan makipagtagu-taguan sa kanya!
Agad akong nagtungo sa building kung nasaan si sir. Hindi naman kalayuan kaya kakayanin ng mabilisang lakad. Kailangan ko lang na makapunta agad.
May mga taong lumalabas sa building kaya marami akong nakakasalubong. Maingat akong umiiwas sa bawat estudyanteng kasalubong ko. Gusto ko na rin umuwi tulad nila.
Narinig ko ang mahinang pagtunog ng cellphone ko kaya sinagot ko ito habang umaakyat ng hagdan papuntang second floor.
“Winter! Katatapos lang ng klase ni sir. Paalis na siya pero sinabi ko papunta ka kaya hintayin ka raw niya. Nasaan ka na ba?” Sambit niya mula sa kabilang linya.
“Paakyat na! Saglit na lang, nandyan na ‘ko. Thanks, Ning!”
Pagkababa ko ng phone, nagmadali akong umakyat at hinanap kung saan ang room ni sir.
Pumasok ako sa isang hallway na puno ng mga students.
Huminga ako nang malalim. Mukhang mapapasabak ako sa pakikipagsiksikan at pagtakbo rito.
Inayos ko ang bag ko pati na ang buhok ko. Inilapit ko sa aking dibdib ang dala kong folder sa aking braso para hindi ito malaglag.
Ok, ready!
Sa paghakbang ko, para bang nagsimula ring magkumpulan ang mga tao sa gitna ng hallway. May ilang mga nakatambay sa bawat bulletin boards at locker areas kaya lalong sumikip sa daanan.
Bukod sa akin, may ilang estudyante rin ang nagmamadali sa mga pupuntahan nila. Daig ko pa ang nasa amazing race.
“Excuse po... excuse me!” Sambit ko sa bawat pagsingit ko sa gitna ng mga nag-uusap. Bakit kasi sa gitna kayo nag-uusap?!
Minsan iniisip ko kung hindi ba nila ako naririnig? Medyo naiipit na ko dito ha. Bakit parang ang lalaki ng mga tao dito???
Sorry na lang sa iba kung maitulak ko kayo nang bahagya. Ayaw niyo ko padaanin eh. Pasensya na, may pangangailangan lang!
Medyo nakikita ko na sa kabilang dulo na hindi na gaanong marami ang tao. Mas makakagalaw na ako at makakatakbo papunta sa room ni sir na nasa kabilang hallway sa pagliko.
Nang makarating ako sa dulo, bahagya akong tumigil para tingnan kung okay pa ba ‘yung ipapasa ko.
Buti na lang hindi nalukot.
Inayos ko ulit ito at nagpunas ng pawis habang dahan dahang naglalakad sa hallway papunta. Tinitignan ko ang mga wayfinding markers para masiguro ko na sa tamang daan ako mapupunta. Mahirap na at baka mawala pa ‘ko rito. Hindi pa naman ako masyadong familiar sa parte ng bu
Comments