Mahinang Tinig

Muntik Na
Please Subscribe to read the full chapter

“Oh em– Tara, dali.”

 

“Ha? Saan tayo pupunta?”

 

Mabilis na nag ayos ng gamit si Giselle na siyang ginaya ko. Kanina lang busy siya tumingin sa phone niya. Ngayon naman hindi kami magkanda-ugaga sa pag-ubos ng kinakain naming sandwich at pagbitbit ng nangangalahati naming drinks.

 

“Ano–”

 

Pinunasan ko ang bibig ko habang nakasunod sa kanya. Sa kamamadali niya, parang mahuhulog na yung dala niya kaya hinila ko muna siya para tumigil at mag ayos muna.

 

Sumunod naman siya sa akin at inayos ang sarili.

 

“Okay, go!” ‘Yun lang ang sinabi niya at naglakad na muli kami. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero pareho kaming nagmamadali.

 

“Saan ba tayo pupunta at bakit kasama ako?”

 

Hindi naman mahirap humabol kay Giselle. Habang mabilis siyang humahakbang na halos patakbo na, nilalakihan ko lang ang hakbang ko para makasabay sa kanya.

 

Nilapit ko ang straw ng inumin ko sa aking bibig at uminom dito.

 

“Nalimutan ko na may kikitain nga pala ako. Org duties.”

 

“Hmm? Parang wala ka namang nababanggit dati. Ibang event ba ‘to?”

 

“Yup, ibang event. Hindi ko alam kung isasali ka sa team for this one pero sinabihan na kasi ako ni Ate Joy na makipag coordinate with the representative ng music club habang tinatapos niyo pa ‘yung other event.”

 

“Ah… Well, most likely kasama mo ulit ako kasi lagi naman tayong pinagsasama sa events management.”

 

“True.” Huminto saglit si Giselle at tiningnan ang phone niya. “Meet halfway na lang daw sa quad.”

 

Hindi naman na rin kami malayo sa quad kaya mabilis din kaming nakarating. Medyo hingal lang kami pero tinago na lang namin sa pag inom sa mga dala naming juice.

 

“Tara, Ri.”

 

Sumunod ako kay Giselle at nilapitan namin ang isang babae sa may corner ng quad.

 

“Hi! Ning of AES?”

 

Lumingon ito sa amin at ngumiti. Kumaway at ngumiti na rin ako sa kanya at pinanood ko lang silang dalawa mag usap.

 

“Ah yes, hello. Ikaw si Giselle ng CSC?”

 

“Yes yes. Sorry, medyo nawala sa isip ko kaya na-late ako. Buti nagtext ka!”

 

“Okay lang, nawala rin sa isip ko. Si Winter ang nagpaalala sa akin, actually.” Napangiti siya apologetically sa amin.

 

Teka- Winter?

 

Hindi ko napansin na may kasama pala siya. Naroon sa likod niya si Winter na tahimik lang na nakatungo.

 

Nang marinig niya ang pangalan niya, tumingin siya sa kasama niya bago tumingin sa amin.

 

“Si Winter pala, kasama ko rin sa AES.”

 

“Hello…” Mahinang bati niya sa amin. Tipid ang ngiti niya at medyo iwas ang tingin. Mukhang mahiyain.

 

Binati rin namin siya pabalik. Maya maya pa ay may inabot na papel si Ning kay Giselle. Kinuha niya ito at pumunta sa kalapit na bench at mukhang may hinahanap na papers. Sinundan naman siya ni Ning at nagpatuloy lang sila sa pag uusap tungkol sa event collaboration.

 

Naiwan kami ni Winter na nakatayo, ilang hakbang lang ang layo sa kanila. Medyo tirik ang araw dahil tanghaling tapat. Tumingin ako sa paligid kung may masisilungan ba kaming malilim na parte sa quad. Nakita ko ang kasunod na bench malapit sa mga kaibigan namin.

 

“Mainit dito. Tara sa lilim?”

 

Parang nabigla siya sa pakikipag usap ko sa kanya. Tumingin siya sa akin na may pagtatanong sa mukha.

 

Sumenyas ako papunta sa bench na may lilim da

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
deloctrl
May nagbabasa pa ba nito? Malapit na matapos and need na mag move on 🥲 Thank you sa mga nagbabasa pa rin at sa mga matyaga magcomment kahit natagalan sa updates 🥹

Comments

You must be logged in to comment
yujisaurus
#1
Chapter 4: CUTE NI WINTER HAHAJAJAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHA
yujisaurus
#2
Chapter 3: Grabe the conviction sa pagsabi ng ‘Hindi pa’. 😆 May balak siguro ‘tong si K.
yujisaurus
#3
Chapter 1: I got nervous rin!!! Feeling ko kasama ako ni Winter sa pagsulyap kay Karina t__t Naiimagine ko yung whole scene kasi nagsearch rin ako ng pictures ni K under the sunlight, kinilig tuloy ako 😩😭
yulgotitall #4
Chapter 8: GRABE NAMAN UNG CHAPTER 8. gagi ka winter, mas kinikilig pa ako 😭😭😭
anathemaa
#5
Chapter 8: OMG! I love this chapter. With all my might, binagalan ko ang pagbabasa para damang-dama ko ang bawat pangyayari. Pino-prolong ko rin siguro ang kilig ko. Talagang nagmo-moment din ako bago ko basahin ang kasunod na eksena. HAHAHAHHAHAHA. Kainis! Feel ko tuloy teenager ulit ako na nakaka-experience ng kilig from "happy crush." Mali rin ata na ngayong oras ko 'to binasa kasi nanghihina na ako sa pagtatago ng kilig. Gusto kong tumili bigla pero ayoko naman makabulahaw ng mga taong natutulog na. HAHAHAHHASkdhafjak. I can't wait sa remaining chapters, for sure may development na sa medyo love life ni Winter(sana).
anathemaa
#6
Chapter 1: I'm only starting this fic pero ang ganda sobra. I love the narrations. I love how detailed every actions are, pati na rin ang pagka-describe kay Karina. I'm not really good at picturing things out pero the way every part was recounted, pakiramdam ko nandoon ako sa mismong scene.
prfssrTaC
#7
Chapter 8: AAAAAAAAAAACK!!! Kinikilig akooo huhuhu can’t wait for the next happenings :D
justsomeanimelover
#8
Chapter 4: HAHAAHHAHAHAHAHAHAHA TAENA RELATE SA GAY PANIC NI WINTER HUHU SHORT CIRCUIT DIN MALALA
justsomeanimelover
#9
Chapter 3: Aayyyyeeeeeee ibubulong ko sayo Miss Karina kung ano secret nyan ni Winter hahahah
justsomeanimelover
#10
Chapter 2: Huhu ang bading bading naman ng W na yan jajsjsjs pero shet hahah same talaga pag may crusb xD