Mabilis na Pangyayari

Muntik Na
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi ko alam bakit ako sumali ng org.

 

Naisip ko lang… either nahatak lang ako ni Ning o naisip ko lang na magiging magandang addition siya sa CV ko kapag nagsimula na akong mag OJT.

 

Hindi na rin naman masama kasi nabibigayan ako ng experience sa iba’t ibang bagay, lalo na ang makipag-usap at interact sa iba’t ibang klaseng tao. May mga perks din akong natatanggap mula sa sponsors ng org o kaya sa mga events na pinupuntahan namin, pati na ang mga praises from the admin at other students so worth it na rin ang pagod at stress paminsan minsan.

 

Pero isa na rin siguro na suki ang org namin sa pakikipag collaborate sa CSC.

 

Kung kailangan nila ng emergency performer, kami agad ang unang tatakbuhan nila. Kaya rin siguro nakilala ko si Karina dahil sila ng kaibigan niya ang madalas pumunta o kumocontact sa org namin para roon.

 

Eh tambay ako ng org so tamang silay lang, siyempre.

 

Ang sipag nila sa ganyan. Kaya naisip ko na rin na mag-understudy sa isa sa mga officers last year para naman makatulong din. Iba rin kasi kapag may experiences ka outside academics. Sabi nga ni mama, iba rin ang maging wais pagdating sa kalakaran sa mundo. Taray di ba?

 

Hindi ko nga lang inexpect na magiging sobrang busy ko sa org na ‘to. Daig pa namin ni Ning si Jollibee sa pagka-bida bida. Paano ba naman, halos lahat ata ng posibleng salihang event, magvovolunteer agad si Ning. O kaya, pag nirerequest ng higher officers, pinapaunlakan niya agad. Hindi na nga niya ako tinatanong minsan!

 

“Uy Winter, tinatanong pala ni Ate Wendy kung naipasa na raw sa CSC yung pinafollow up na papers at listahan.” Tanong ni Ning habang sumasabay sa akin maglakad.

 

Tapos na ang mga klase namin sa araw na ‘to kaya hinahabol namin ang lahat ng pwedeng habulin sa org dahil malapit na gumabi at para hindi masayang ang araw.

 

Itinaas ko ang hawak kong folder, “Ito na. Papunta nga ako roon. Ikaw, saan ka?”

 

“Papunta ako kay Ate Wendy. Magmemeeting daw kami kasama yung adviser natin. Running late na nga ako.”

 

“Bilisan mo na. Mahirap pa naman hagilapin si Ma’am. Go!”

 

Apologetic siyang ngumiti sa akin bago nagmadaling umalis. May mga instances talaga na hindi kami magkasama maglakad ng papers kasi gusto i-maximize ng org ang bawat officers at understudy na pwedeng makatulong kapag ganitong malaki ang event na inoorganize namin.

 

Wala namang issue sakin. Sanayan lang. Familiar na rin naman ako sa mga processing ng big events at marami na rin akong nakilala sa ibang orgs na madali kong macontact for coordination.

 

Narinig ko ang pagtunog ng phone ko at nakita ang isang message notification galing kay Ate Joy ng CSC.

 

From CSC Joy: Hi Winter! Sorry, hindi na kita mahihintay. May urgent meeting kasi kami ng exec. Pero sabi ni Ate Irene, nagpapunta daw siya ng pwede mong i-meet sa org room to receive the papers. Thanks!

 

Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Wala naman akong ibang agenda kung hindi i-drop off ang papers. Minsan chinichika ako ni Ate Joy kapag nag susubmit ako sa kanya ng papers at medyo nakakasabay na ako sa kanya sa mga usapan sa dalas namin magkita bilang CSC secretary siya. Doon lang naman ako nagtatagal sa CSC pero other than that, mabilis lang ako.

 

Mahiyain pa rin ako sa mga taong di ko masyadong kilala kaya pagkatapos ko ipasa sa kanila ang papel, aalis na rin ako agad. Less interactions, less words, less mistakes!

 

May ilang students ang nakatambay sa student center kaya minabuti ko na lang mag stairs para makaiwas sa tao. Nang makaakyat ako sa second floor, dumiretso ako agad sa office ng CSC. Frosted glass ang gitnang parte ng sliding glass door nila at may ilang posters ang nakadikit kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob.

 

Kinatok ko ang pinto nila bago ko ito binuksan.

 

“Hello po. From AES po, magpapareceive ng letter and papers.”

 

Medyo natulala ako nang makita ko si Karina sa dulo ng meeting table nila na mukhang abala sa pagbubukas ng hawak niyang ponkan. Sobrang cute ng mukha niya na nanggigigil pa sa ponkan.

 

Parang nagulat siya nang makita akong nakatayo sa may pinto at tinitingnan siya. Binitawan niya ang hawak niyang ponkan at tumayo.

 

“Winter– pasok ka! Sorry, wait.” Nagpunas siya ng kamay at aligagang inayos ang kalat niya. Nag alcohol siya ng kamay. “Upo ka muna.”

 

Pumasok naman ako at tumayo sa may kabilang dulo ng table. Hindi na ako umupo kasi mabilis lang naman ako.

 

Habang busy siya maglinis ng kamay niya, dumako ang tingin ko sa ponkan. Parang pangalawa na niya ang binuksan niya. Sobrang random na yun ang kinakain niya ngayon. Para akong may naunlock na new thing about her.

 

Not that I’m taking note. Nakakatuwa lang malaman.

 

“Mahilig ka pala sa ponkan.” Nasabi ko out of the blue. Nagkatinginan kami sa isa’t isa at napangiti siya.

 

“Ah– oo, medyo.” Lumapit siya sa tapat ko. “Pag ganito kasing busy season sa org, nagbabaon talaga ako ng fruits for snacks. Pampalakas ng immune system.”

 

“Ah nice.”

 

Tumango tango ako. Interesting choice pero it’s nothing unexpected since mukhang alaga niya ang katawan niya. Bumaling ang tingin ko sa kanya na tila seryoso sa pagpunas ng wipes sa mga daliri niya.

 

Puffed cheeks…hehehe Ponkan-Karina. PonKarina.

 

“Bakit ka nangingiti?” Nagtataka niyang tanong. Masyado akong nadadala sa intrusive thoughts ko.

 

“Wala. Naalala ko lang na binubuksan mo yung ponkan kanina. Parang medyo intense.”

 

Natawa siya nang mahina at medyo nahihiya. Hell. Bakit ang cute?

 

“Nakita mo pala ‘yon.” Umiling siya at inayos ang sarili. “Anyway, ‘yan ba yung mga ibibigay mo sana kay Ate Joy?”

 

“Oo. Heto, paki-receive na lang. Okay na lahat on our end. Once na mailakad ‘to, ready na tayo for launching ng pubmats agad as soon as may go signal na, then open auditions.”

 

“That’s good.” Mabilis niyang binasa ang bawat papel sa folder bago pinirmahan ang receiving letter at sinort sa files ng office nila. “Thank you, naihabol niyo ito today.”

 

Inabot niya sa akin ang receiving c

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
deloctrl
May nagbabasa pa ba nito? Malapit na matapos and need na mag move on 🥲 Thank you sa mga nagbabasa pa rin at sa mga matyaga magcomment kahit natagalan sa updates 🥹

Comments

You must be logged in to comment
yujisaurus
#1
Chapter 4: CUTE NI WINTER HAHAJAJAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHA
yujisaurus
#2
Chapter 3: Grabe the conviction sa pagsabi ng ‘Hindi pa’. 😆 May balak siguro ‘tong si K.
yujisaurus
#3
Chapter 1: I got nervous rin!!! Feeling ko kasama ako ni Winter sa pagsulyap kay Karina t__t Naiimagine ko yung whole scene kasi nagsearch rin ako ng pictures ni K under the sunlight, kinilig tuloy ako 😩😭
yulgotitall #4
Chapter 8: GRABE NAMAN UNG CHAPTER 8. gagi ka winter, mas kinikilig pa ako 😭😭😭
anathemaa
#5
Chapter 8: OMG! I love this chapter. With all my might, binagalan ko ang pagbabasa para damang-dama ko ang bawat pangyayari. Pino-prolong ko rin siguro ang kilig ko. Talagang nagmo-moment din ako bago ko basahin ang kasunod na eksena. HAHAHAHHAHAHA. Kainis! Feel ko tuloy teenager ulit ako na nakaka-experience ng kilig from "happy crush." Mali rin ata na ngayong oras ko 'to binasa kasi nanghihina na ako sa pagtatago ng kilig. Gusto kong tumili bigla pero ayoko naman makabulahaw ng mga taong natutulog na. HAHAHAHHASkdhafjak. I can't wait sa remaining chapters, for sure may development na sa medyo love life ni Winter(sana).
anathemaa
#6
Chapter 1: I'm only starting this fic pero ang ganda sobra. I love the narrations. I love how detailed every actions are, pati na rin ang pagka-describe kay Karina. I'm not really good at picturing things out pero the way every part was recounted, pakiramdam ko nandoon ako sa mismong scene.
prfssrTaC
#7
Chapter 8: AAAAAAAAAAACK!!! Kinikilig akooo huhuhu can’t wait for the next happenings :D
justsomeanimelover
#8
Chapter 4: HAHAAHHAHAHAHAHAHAHA TAENA RELATE SA GAY PANIC NI WINTER HUHU SHORT CIRCUIT DIN MALALA
justsomeanimelover
#9
Chapter 3: Aayyyyeeeeeee ibubulong ko sayo Miss Karina kung ano secret nyan ni Winter hahahah
justsomeanimelover
#10
Chapter 2: Huhu ang bading bading naman ng W na yan jajsjsjs pero shet hahah same talaga pag may crusb xD