Munting Sulyap
Muntik NaHindi ko alam kung bakit ako nakatungo.
Parang tanga lang ‘no? Hindi naman laging ganito.
Siguro minsan lang. May ilang pagkakataon lang na napupunta ako sa ganitong sitwasyon— Ang tumungo at magpanggap na para bang may nakita akong dapat pagtuunan ng pansin sa paanan ko o sa lupa na kinatatayuan ko.
Ilang langgam na ba ang nakita kong dumaan? Tatlo na ata? Hindi ako sigurado kasi may dumaang mga paa at natapakan yung iba. Kawawa naman sila.
Kawawa…naman… ako. Ano ba ‘tong pinag gagagawa ko? Parang sira. Sumasakit na ang batok ko sa posisyon ko. Pwede na kayang tumunghay ulit?
Wala naman akong ginagawang nakakahiya o kaduda-duda (sa tingin ko ha!) Sadyang ganito lang ako pag nasa radar ko siya— si Karina.
Hindi ko alam pero napapansin ko na parang nararamdaman ko kapag nasa paligid lang siya. Na para bang may nagpiping sa akin once tumatapak siya within my 20 meter radius.
Ok, weird ‘yon. Pero hindi ko alam kung paano siya ide-describe eh.
Basta alam ko lang pag malapit siya sa akin. Para kasing pinagsisigawan ng paligid na nandito siya at nasa iisang lugar kami— nasa ilalim kami ng iisang kalangitan, sa parehong oras at pagkakataon.
Tadhana ba? Wish ko lang, ‘no! Swertihan lang siguro. Nagkataon, ganon.
Pero sana sa tuwing malalaman kong nasa malapit siya, hindi na pagtungo ang first instinct ko, kasi sa totoo lang, baka may makahalata na.
Ayaw kong may makahalata.
Hindi naman sa tinatago ko kung ano man ‘to— dahil wala naman ‘to, ‘di ba? Gusto ko lang talaga siyang nakikita. May certain satisfying feeling lang talaga kapag nalalaman kong nasa paligid lang siya… tulad ngayon.
Hindi ko naman siya nakita eh. Narinig ko lang na may tumawag ng pangalan niya. Syempre hindi ako tumingin.
Bakit naman ako lilingon sa pangalan ng iba?
Kung tutuusin, gusto kong tumingin pero nagbibilang ako ng limang segundo ngayon bago ko ilipat ang atensyon ko mula sa mga paa ko.
Limang mahabang segundo para lang sumulyap kung nandyan pa nga ba siya sa paligid. Kung nasa iisang lugar pa rin ba kami o pinalagpas ko na ba ang pagkakataon ngayong araw at nakaalis na siya?
Tatlong segundo pa pero tumingin na ako sa gilid na kunwari bang may kumuha ng atensyon ko mula sa isang sulok.
Wala siya roon. Pero narinig ko siya.
Hindi ako pwedeng magkamali kasi alam ko ang tinig niya…
At marahil nagbibilang din ang universe kasama ko dahil pagpatak ng huling segundo, saktong narinig ko ang pagtawa niya. Doon n
Comments