Yu didn't have a clue of my infatuation

Yugto
Please Subscribe to read the full chapter

5:00 AM

 

Ugh. Magka-comeback nanaman sa duty.

 

Nakakapikon kaya kapag yung schedule is night-off-am. Like ano yun? Binigyan lang yung body clock ko ng konting time para mag adjust?

Buti nalang din at medyo walking distance lang yung condo ko form the hospital. When I say 'medyo', mga a few blocks away lang naman. Pero according sa iba kong friends and co-workers, di na raw sila maniniwala kapag ako yung nagsabi ng 'malapit'. Eh bakit ba? Nasa may The Podium lang naman banda ako nakatira so that hospital is quite near lang naman. Hassle lang magdala ng sasakyan since sayang na nga sa gas, mahihirapan pa ako makahanap ng parking space. Plus the ugly traffic.

 

Ay nako Pilipinas... mga when pa ba ang pag-asenso?

 

So that's why I prefer walking. Tutal, di na rin ako masyadong nakakapag-exercise so mas maigi na rin na ganito. Isa pa, iwas late din dahil mapipilitan talaga akong gumising ng maaga.

 

I usually bring snacks kapag morning shift dahil ang hilig mag-aya ng mga kasama ko na mag-order in ng breakfast or dadaan nalang sa may canteen. Nasa top list na nga for this year yung McDonald's. Dapat may loyalty card na kami sa breakfast meals category nila.

 

It's approximately a 15-minute walk papuntang ospital so umaalis ako around 6:15am but since maaga akong natapos mag-ayos today, 5:45 palang, naglalakad na ako.

 

Chill walk for today since sa may ER lang naman ako, which is near the lobby. We're on a 12-hour shift that starts at 7am until 7pm kapag morning shift then 7pm to 7am kapag night shift. Syempre, on rare occassions lang nangyayari yan dahil madalas, 8pm or 8am na kami nakakalabas dahil di naman namin pwede na basta-bastang iwan yung trabaho namin.

 

I glanced at my wristwatch. It's already 6am kaya sure na open na yung Starbucks sa may lobby. I need my dose of caffeine today dahil based sa group chat namin, mukhang toxic nanaman yung magiging shift namin.

 

"Good morning, Ma'am Karina!"

"Uy! Good morning din, Ate Chuu! Opener ka pala today."

"Yup. Nagpa-swap kasi si Yves sakin last minute. So anong sayo? Your usual very diluted Venti Iced Americano?"

 

Buti nalang talaga is ako yung first customer today at wala pang ibang customers. Pwede pa kaming maka chika ng slight ni Ate Chuu.

 

She's one of my favorite baristas dito sa branch na 'to. Well, all of them are very nice naman but she's like a walking ball of sunshine. A very bright personality but not the annoying type, ha. Kung baga, kaya nya maka adjust sa personality ng mga nakakasalamuha nya. And she tries her best to put different notes sa may cup to cheer up the customers. Hindi lang yung pangalan mo yung isusulat. Bonus pa yung itatanong nya yung spelling ng pangalan ng customer at kung paano 'to ipronounce if hindi sya sigurado kung paano i-call out kapag ready na yung drink. There are also instances wherein kapag tumatambay kami dito ng mga workmates ko, lagi syang may naka prepare na suggested drink for us to try. Minsan pa nga eh nilalagyan nya ng discount yung order ko... pero top secret lang daw namin yun.

 

"Grabe ka naman Ate sa very diluted... alam mo namang pinapa-limit muna sakin yung kape. Nakailang dalaw na kasi ako sa ER as patient. Malapit na akong batukan ni Boss Jeongyeon."

"Dazurv! Haha. But who can resist coffee naman, diba?"

"Sa true lang, Ate. Hahaha. Wait lang muna. I'll just use the restroom."

"Go lang. I'll just leave your drink sa bar."

 

Before I entered the restroom. I saw Ate Tzuyu na papasok sa store. I'll approach her nalang after ko mag cr. I'm sure tatambay nanaman sya dito. Need ko lang talaga ayusin yung pagkatali ng bun ko.

 

 

 

 

 

A few minutes later, nakalabas na rin ako. I was about to get my drink at the bar ng bigla akong may narinig na sumigaw...

 

"Ay? So kasalanan ko pa pala ngayon kung bakit mo ako nabuhusan ng kape?! Eh bakit naman kasi binigla mo yung pagbukas ng pintuan. Obviously, hindi ka rin tumitingin. At least, no harm done on your part. Let me inform you that today's my first day here and you still expect me to report at this state?! This is my first job and ayokong masira yung records ko nang dahil lang sa kapabayaan mo!"

 

I can see the pamumula sa face nung girl na sinisigawan si Ate Tzuyu. And based sa nakikita ko, gets ko kung bakit galit na galit sya. Paano ba naman kasi eh puno ng coffee stain yung white uniform nya. Starting sa top nya 'til sa pants. Di rin nakaligtas yung white shoes nya. Alam kong masama tawanan yung situation nila right now kaso lang ang cute kasi ng height difference nila. Di manlang sya naintimidate sa height ni AteTzuyu.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tamago_312
Pasensya na if it took a while for me to update. Madaming ganaps sa life at ngayon lang talaga ako nagka oras to finish this chapter. I guess I'm back into writing na again. Hopefully. Hehe

BTW
#HAPPYJIHYODAY 🥳

Comments

You must be logged in to comment
Jae_Rivero
#1
Chapter 5: miss u otor happy new year!
cleofierayne 59 streak #2
Chapter 5: Yieeee more and more! Hahaha 🤣 grabe Kars cutie pala haaaaaa excited na sa next chap!
Enterusername_here
#3
Chapter 5: Naks crushie na agad si wintot hahaha
osumnevercease
#4
Chapter 4: the story is great so far po, please continue this
Elatedbliss #5
Chapter 4: New reader here! Invested na ako dito sa story Author! Kelan next update? Hehehe
TakuyaKen
#6
Chapter 4: ay ou terror ung chief haha
syrenity
#7
Chapter 3: Nako nako. Parang may binabalak ata ang isang Karina ha. Ch0ur.
kimmynjeongg
#8
Chapter 3: author yung "siberia" ba, galing sa kanta ng ang bandang shirley??
Enterusername_here
#9
Chapter 3: Si tzuyu pala yung nakatapon hehehe akala ko si madam.
syrenity
#10
Chapter 1: omg first chap pa lang hooked na meee